Malakas na tumili si Astria habang nagpaikot-ikot sa loob ng malaking boutique, magagarang mga ball gown, suits, formal shoes, alahas at iba pa ang mga naka-display sa loob. Hinigit ni Astrid si Tristan sa tabi, “Ang sabi mo masquerade party, bakit kailangan naka ganto?” Weird na tinignan ni Tristan ang babae, at mabilis na nawala rin dahil mukhang seryoso ito sa kanyang tanong. “I don't even know why you're asking me that, you've been to a lot of parties yourself that require these kinds of outfits, and dress codes.” Napabuntong hininga ni Astrid sa narinig, ‘Akala ko ba alam na nito ang totoong nangyari? Bakit parang tingin pa rin niya sa akin na ako ang totoong Astria?’ Pero binalewala na lang din ni Astrid ang kanyang iniiisip, at pinaintindi sa lalaki ang gusto niyang sabihin, “Pero pag-party kahit casual lang diba? Itong gantong mga suotin, hindi ba pang ball yan?” Sabay turo sa isang dress na puno ng mga palamuti. “Kung formal naman, hindi rin naman ganto ka gagara ang mg
Terakhir Diperbarui : 2025-03-16 Baca selengkapnya