Semua Bab Relived To Marry The Masked CEO: Bab 41 - Bab 44

44 Bab

Chapter 39: Hurt Soul, and Joyous Heart

Matapos lumabas ni Tristan, tahimik ang buong paligid sa loob ng kwarto. Ang kanina lamang na malakas na volume ng ipad ni Theo ay hindi na narinig ni Astrid. Blanko na lamang siyang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang asawa niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, bakit bigla na lang ito nagbago dahil sa isang text na nabasa niya. Hindi man niya alam kung ano ang nilalaman ng mensaheng iyon, ngunit halata naman na dahil doon nagbago bigla ang asawa niya. Pinagkukutkot na ni Astrid ang kuko ng bawat isang daliri niya, ang mga mata niya ay nakadikit lamang sa pintuan. Nananalangin na biglang pumasok ang lalaki sa loob, at sasabihan siya na biro lamang ang lahat ng sinabi niya kanina. At susuyuin siya dahil sa ginawang prank nito na hindi nakakatawa. Hindi siya mapakali, gusto niyang malaman kung ano ang naging rason sa biglang pagbabago bg asawa niya. Tungkol saan kaya ang mensaheng natanggap ng lalaki? Tungkol ba iyon sa babae? Sa mahal niyang tunay?
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-15
Baca selengkapnya

Chapter 40: Discharge

Sa wakas, at nakadischarge na si Astrid. Nag-inat siya ng kanyang mga braso at katawan. Pagtapos naglakad siya papapasok ng cr upang linisan ang sarili at magpalit ng damit. Mamaya ay susunduin siya ni Theo, at ang nakatokang bantay nito. Sa loob ng apat na araw ng pagpapagaling ni Astrid, ni isang beses hindi na nagpakita o bumisita sa kanya si Tristan. Ang kapatid na maliit lamang nito ang pumupunta dito, para kamustahin ang lagay niya, sa tuwing bibisita ito kasama nito ang magkapatid na si Ban at Bandit, minsan naman si Luigi. Nagsasalit-salitan sila pag babantay sa batang kapatid ng kanilang boss. At dahil hindi alam ni Astrid kung nasaan, o anong ginagawa ng kanyang asawa, tinatanong niya sa mga taong sumasama kay Theo kung nasaan ang kanilang boss. Laging sagot na nakukuha niya sa mga ito ay: Nagkakamot ng ulo si Ban, at kung saan saan siya nag papalinga, "Si boss? Hindi ko po alam, madam.. Madalas rin namin siya hindi makita ng mga araw na ito." Sa tabi nama
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-16
Baca selengkapnya

Chapter 41: A saved, or lost life?

"Tan! You're here!" Agad na nangunit noo ni Astrid sa narinig na boses, alam na alam niya kung kaninong boses ang bumati sa asawa niya. "Gising na pala siya?" Bulong ni Astrid sa sarili at sumilip ulit. Tama nga ang naisip niyang si Astria yun sa loob ng kanyang katawan ang bumati sa asawa niya. Mukhang maayos na ang lagay nito, napakalusog ng katawan niya, na para bang hindi ito nawalan ng malay ng ilang linggo. Nakita niyang hinalikan pa nito si Tristan sa pisngi, ngunit ang mas nakapagpabugla sa kanya, ay hindi na pala nito suot ang maskara niya. "Wala siyang suot na maskara? Totoo ba tong nakikita ko??" Bulong niya sa sarili habang pinanood ang dalawa na pumasok na sa loob ng kwarto. "Ibig sabihin ba non, alam ni Tristan na si Astria talaga ang nasa katawan ko?" Napasandal siya sa pader. Kahit na ito ang binabanggit niya ngayon—mas tumatak sa kanya na ang asawa niya ay bumibisita sa ibang babae, at hindi siya na asawa niya na nasa kaparehong floor lang. Ginulo ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-17
Baca selengkapnya

Chapter 42: Waiting.

Tahimik na magkasama si Astrid at Tristan sa labas ng operating room. Wala ni isa sa kanilang nagtangkang umimik. Pinapanood ng mabuti ni Astrid ang cctv footage na sinend sa kanya ni Luigi kanina, hinahanap ang oras ng pangyayari, at ang suspek. Wala si Theo at Luigi dito, at inutusan niyang manatili na lang sila sa kwarto niya. Mamaya naman ay sabay sabay din silang aalis kasama ang kapatid ni Theo. Isang oras na ang nakakalipas, ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga doctor st nurse mula sa loob. "Uy! Si boss andito pala!" Malakas na ani ni Bandit, kasama niya ang kanyang kapatid na si Ban na naglalakad sa pwesto nila Astrid. "Bossing, kamusta panliligaw-uk!" Hindi natapos ang sinasabi ni Bandit nang sikuhin siya ng malakas ng kanyang kapatid. Galit na lumingon si Bandit sa kapatid niya habang hinihimas ang tagiliran niya. "Masakit yun! Bakit ba?!" Napahawak naman si Ban sa sentido niya, at napapikit sa pagiging bulag ng kapatid. "Paganyan-ganyan ka pa, di ka man lang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-19
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status