THE HOUSEAng liwanag ng araw ay dumaan sa malalaking bintana ng mansyon namin. Kung tutuusin, dating tahanan ko 'to—pero ngayon, para na lang akong tagapaglinis sa sariling bahay. Nakaluhod ako sa malamig na marmol na sahig, hawak ang basahan, sinisikap na mawala ang bawat mantsa. Sabi nga nila, ang bahay daw ay parang memorya. Kaya nitong alalahanin ang mga tawanan, ang pagmamahalan, kahit matagal na silang wala. Pero alam ko rin na kaya rin nitong iukit ang sakit. Ang malamig na boses, ang mapanakit na salita. Nararamdaman ko 'yun sa bawat sulok ng bahay na ‘to.May narinig akong mahinang tunog sa hagdan. Napalingon ako, at naroon si Vanessa, pababa, suot ang silk pajamas niya na parang galing pa sa fashion show. Nakadikit ang mata niya sa phone, nakangisi habang nagba-browse. Paglapit niya sa akin, ngumiti siya—hindi mabait na ngiti, kundi may halong panunuya."Missed a spot, Cinderella," sabi niya, habang nakapamewang.Huminga ako nang malalim, pigil ang inis. Hindi ko siya tinin
Last Updated : 2024-12-11 Read more