Lahat ng Kabanata ng The Force-Driven Engagement: Let the Zillionaire Fall For Me: Kabanata 1 - Kabanata 10

24 Kabanata

Kabanata 1: Broken Engagement

Sa Hacienda Trinidad—tahimik na ngumunguya ng bubble gum habang bagot na nakaupo sa mamahaling sofa si Astrid. Sa unang tingin ay mapapansin agad ang kaniyang maputi at makinis na balat na kumikinang sa sinag ng araw. Magandang pares ng kilay, maamong mukha at balinkinitang pangangatawan. Ang dalaga ay may taglay na agaw pansin at natatanging ganda na madalas lamang makikita sa mga obra at likhang sining. Binuksan ni Astrid ng bahagya ang kaniyang mapulang labi, at pinutok ang lobo ng bubble gum na mas malaki pa sa kaniyang mukha. “I don’t want a good for nothing woman like Astrid. I want to cancel this engagement!” Madiin na pagkakasabi at puno ng pagkasuklam na tingin ng lalaki sa walang emosyong reaksyon ni Astrid. Nang marinig ni Amara ang sinabi ng binata sa kaniyang anak, di niya napigilan na magsalita at subukang kausapin ito. “Mr. Madrigal, alam ko na hindi ikaw ang may kasalanan nito. Lahat ng ito ay kasalanan ng
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata 2: The Past

Yumuko si Astrid at tiningnang mabuti ang kaniyang kamay na malakas na hinampas. Makikita ang bakas ng pamumula nito dahil sa ginawa ng ina. Makalipas ang ilang segundo ay nilipat niya ang kaniyang tingin sa babae sa kaniyang harapan. She knows that she is her biological mother, but she is only nice to her adopted daughter Mira. Hindi man sila magkadugo pero masasabi ng kahit sino sa kanilang paligid na mas mahal at pinapaburan nito si Mira kaysa sa kaniya na sariling dugo’t laman nito. Namumula ang mata ni Mira dahil sa pagpipigil ng pag-iyak, “Ma, wag mo siyang sisihin. Ako ang may kasalanan nito. Hindi ko dapat inagaw ang fiancé niya—“ Bago pa matapos ni Mira ang pagsasalita ay pinutol na ito ni Astrid. “How can I blame you? You were born like that. Hindi mo kayang pigilan ang sarili mo na hindi agawin lahat ng makikita mo na pagmamay-ari na ng iba. Wala na akong magagawa kung ganiyan ka na noon pa.” Hindi makap
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata 3: Her Secret

Tumayo ng tuwid at marahang tumango bilang pagbati kay Astrid ang lider ng mga sundalo. “Ms. Trinidad, maaari na po kayong sumakay sa kotse.” “Bakit ang daming tao?” Tiningnang muli ni Astrid ang kaniyang paligid. Hindi lamang maraming tao ang kaniyang nakikita kundi maging ang naglalakihang armas na hawak ng mga ito. “Ms. Trinidad, isa kang importanteng tao sa bansa natin na dapat naming protektahan. Kung hindi mo pa sinabi na hindi mo gusto ng maraming tao, higit na doble pa dapat ang bilang ng sundalo at pulis na nais na ipadala na magbabantay sayo.” Sagot ni Gen. Lucas. Mapapansin ang magandang postura at tindig nito. “Masyado naman kayong nag-eexaggerate. Pupunta lang naman ako sa research institute, kaya bakit naman ako mawawala? And if I were ever in trouble, I’m confident that I could defend and protect myself.” Simpleng paliwanag ni Astrid. “Ms. Trinidad, hindi ito exaggeration at masasabi ko na kalkulado lahat ng kilos n
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata 4: The Beginning of Us

“Go ahead.” Ipinagpatuloy ni Astrid ang pag-inom ng kape habang pasimpleng tinataboy ng kaniyang kamay ang professor na nangangahulugang tapos na ang kanilang pag-uusap. Buzz… buzz.. buzz..naramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cell phone na nasa loob ng kaniyang lab gown. Sinilip niya ito at nakita kung sino ang tumatawag sa kaniya ng mga oras na iyon. Caller ID: Grandpa Arthur Lorenzo. Mabilis na sinagot ni Astrid ang tawag sa kaniya. Bago pa siya magsimulang magsalita ay narinig niya na agad ang masigla at masayang boses mula sa kabilang linya. “Totoo ba ang nabalitaan ko na hindi na itinuloy ng fiancé mo ang engagement niyo? Congratulations! Hahaha—“ Pagkarinig sa sinabi ng matanda ay hindi na nabigla si Astrid, tama ang hula niya na ito ang dahilan ng pagtawag sa kaniya nito. Hindi siya sumagot at hinintay na magpatuloy ang matandang lalaki na sabihin ang iba pang dahilan ng biglang pagtawag
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata 5: The Proposal

“Ms. Trinidad, nakalimutan ko pa lang magpakilala sayo. Ako nga pala ang kababatang kaibigan ni Pierre. I’m Nico.” Pagpapakilala ng lalaki na may hawak ng manibela. “Oh, hello Nico.” Magalang na pagsagot ni Astrid. “Excuse me for asking. Narinig ko na twenty years-old ka na pero hindi ka pa rin graduate ng high school?” Puno ng kuryosidad na tanong ni Nico. “Uhm.” Sa pagkabigla ay hindi alam ni Astrid kung ano ang kaniyang isasagot. “Malapit na ang college entrance examination. Sigurado ka ba na makakapasa ka sa mga university? Kung hindi, pwede kitang tulungan na makapasok. My grandfather is a professor at a higher education institution in the Vista City…” Sa kalagitnaan ng biyahe ay pagsasalita lamang ni Nico ang maririnig at sa dami ng sinabi nito ay isang salita lang ang sinagot sa kaniya pabalik ni Astrid, “Hmm.” Hindi napigilang hindi mapansin ni Nico na may pagkakaparehas sa person
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata 6: Mr. Arrogant

“Grandpa! I promised you to take her in. But let me clear things up that I have I have no feelings for her, so you should not worry about this matter.” Madiin na sabi ni Pierre habang mababakas ang biglang pagdilim ng mukha. “Anong ibig mong sabihin na wala kang gusto sa kaniya? Totoo ba ang sinasabi mo? O may kinalaman ba dito ang naririnig kong balita na palaging si Nico ang kasama mo at hindi babae ang nagugustuhan mo?” May bahid ng pagkabigla na tanong ni Arthur sa apo. “Ack!” Naibuga ni Nico ang kanina lang na iniinom dahil sa narinig na sinabi ng matanda. “Grandpa! I swear I’m innocent! Hindi po totoo ang mga narinig niyo. Those are baseless rumors and nonsense!” Pagdepensa pa ni Nico at nagtatampo sa paratang sa kaniya ng lolo ng matalik na kaibigan. “Ayokong making sa mga paliwanag mo. Simula ngayon layuan mo na ang apo ko.” Hindi na nakaimik pa ulit si Nico. Sa nakikitang sitwasyon nila ngayon
last updateHuling Na-update : 2024-12-03
Magbasa pa

Kabanata 7: It's A Deal

Sampung taon? Tinitigan ng masama ni Astrid si Grandpa Arthur dahil sa ibinigay nitong kondisyon. “Grandpa, bakit hindi mo pa ginawang fifty years?” Hinampas ni Arthur ang hita, “Sige, sayo nanggaling iyan kaya gawin nating fifty years!” Hindi na nagawang kumibo pa ni Astrid dahil alam niyang nananadyang mang-inis ng matanda. “One month. After one month, we will have nothing to do with each other.” Madiin na sinabi ni Astrid. That’s her final decision. “Isang buwan? Hindi ba masyadong maikli ang isang buwan? Pierre, dali at kausapin mo si Astrid!” Inutusan ng nag-aalalang matanda ang apo. Walang ekspresyon ang mukha na sumagot si Pierre: “Okay, just one month.” “It’s a deal.” Bagamat nag-aalala ay walang nagawa si Don Arthur kundi ang bumuntong hininga. “Kung iyan ang napagkasunduan niyo, wala na akong sasabihin pa. Hayaan niyo na ako na ang mamili ng magandang petsa ng enga
last updateHuling Na-update : 2024-12-04
Magbasa pa

Kabanata 8: Back Home

Sa Hacienda Trinidad—nagmamadaling humangos papalapit kay Amara ang isa sa kanilang tauhan. “Ma’am Amara, bumalik na si Miss Astrid!” “Ano? Bakit bigla siyang umuwi?” Gulat na tanong ng ginang. Ang kaninang tahimik na kumakain na sina Amara at Joaquin ay nagkatiningian dahil sa kanilang narinig na balita. Bago pa makapagtanong ang dalawa ay nakapasok na si Astrid sa loob ng kanilang bahay. Ibinaba ni Amara ang kaniyang mga kubyertos at nagmamadaling lumapit kay Astrid. “Hindi ba’t kinuha ka ng mga pulis? Bakit biglaan yata ang pagbalik mo? Huwag mong sabihin na—tumakas ka sa kulungan?!” Kahit si Amara ay natakot sa kaniyang sariling tanong. Maging si Joaquin ay nakaramdam din ng takot sa posibleng ginawa ni Astrid at tinitigan ito ng seryoso sa mukha. “Totoo bang tumakas ka sa kulungan? Kahit na ama mo ako, hindi kita mapoprotektahan. Ang maipapayo ko lang sayo ay bumalik ka at isuko ang
last updateHuling Na-update : 2024-12-05
Magbasa pa

Kabanata 9: An Unexpected Invitation

Ayaw na ni Amara ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Astrid, kaya binago na lang niya ang paksa. “Tinawagan ako ng class adviser mo kaninang umaga. Sinabi niya na kapag pinagpatuloy mo pa ang madalas mong hindi pagpasok, the school will consider to expel you.” “Ako na pong bahala diyan.” Hindi nag-aalala si Astrid na matanggal sa school, maghahanap na lang siya ng tao na mag-aasikaso ng problema. Dahil sa narinig ay hindi na napigilan ni Amara ang pinipigilang galit sa dibdib. "Kaya mong ayusin? Paano mo aayusin ‘yan? Ikaw ba ang principal? Astrid, wala kang narinig na may sinabi akong masama sayo, pero dalawampung taong gulang ka na! Kung hindi ka sana palaging umaabsent sa klase at kung hindi ka huminto ng isang taon sa pag-aaral noon, hindi ba’t sa tingin mo ay nakatapos ka na sana sa high school?” "Tingnan mo si Mimi, ipinanganak kayo sa parehong araw, pero sophomore na siya sa higher education institution in Man
last updateHuling Na-update : 2024-12-07
Magbasa pa

Kabanata 10: An Eventful Morning

Kinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga ay lumabas ng bahay si Astrid suot ang kaniyang training outfit. Matagal na rin ng huli siyang nakapag-exercise kaya napagdesisyunan niya na pumunta sa parke upang magpractice ng Tai Chi. Habang naglalakad ay napansin niya ang isang matandang lalaki na may suot ding training outfit at nag-eensayo ng Tai Chi. Nakapaligid sa matanda ang malaking bilang ng mga nanonood dito. Maririnig ang samut saring magagandang papuri sa lalaking tinatawag nilang Master Lim. Habang pinapanood ang pagpapractice nito ay kumunot ang noo ni Astrid at hindi napigilang magbigay ng komento, "Parang hindi naman maayos ang ginawa niya." Noong bata pa siya ay araw-araw siyang nagsasanay ng Tai Chi sa probinsya kasama ang kaniyang guro. Kaya hindi niya mapigilang ituro ang mga pagkakamali kapag nakita niya ang mga ito. Ang sinabi ni Astrid ay nakaagaw ng atensyon ng mga matatandang lalaki dahilan upang ma
last updateHuling Na-update : 2024-12-09
Magbasa pa
PREV
123
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status