Sa Hacienda Trinidad—tahimik na ngumunguya ng bubble gum habang bagot na nakaupo sa mamahaling sofa si Astrid. Sa unang tingin ay mapapansin agad ang kaniyang maputi at makinis na balat na kumikinang sa sinag ng araw.
Magandang pares ng kilay, maamong mukha at balinkinitang pangangatawan. Ang dalaga ay may taglay na agaw pansin at natatanging ganda na madalas lamang makikita sa mga obra at likhang sining.
Binuksan ni Astrid ng bahagya ang kaniyang mapulang labi, at pinutok ang lobo ng bubble gum na mas malaki pa sa kaniyang mukha.
“I don’t want a good for nothing woman like Astrid. I want to cancel this engagement!” Madiin na pagkakasabi at puno ng pagkasuklam na tingin ng lalaki sa walang emosyong reaksyon ni Astrid.
Nang marinig ni Amara ang sinabi ng binata sa kaniyang anak, di niya napigilan na magsalita at subukang kausapin ito.
“Mr. Madrigal, alam ko na hindi ikaw ang may kasalanan nito. Lahat ng ito ay kasalanan ng anak kong si Astrid. She’s been immature all her life. Pero ang kasal na ito ay kasunduan sa pagitan ng inyong mga lolo. Hindi natin basta pwedeng ipawalang bisa na lang ito ayon sa iyong kagustuhan.” Mahabang litanya ni Amara habang masamang tinititigan si Astrid.
“Ano pang ginagawa mo diyan? Bakit di ka lumapit dito at humingi ng tawad kay Mr. Madrigal. Mangako ka na di ka na magpapasaway at hindi mo na siya ipapahiya pang muli!”
“Pero…” Dahan-dahang nginuya ni Astrid ang bubble gum at itinaas ang kaniyang tingin. Mababakas ang pagrerebelde sa mga mata ng dalaga.
“Ako, hihingi ng tawad sa kaniya? Hindi ba’t dapat siya ang humingi ng pasensya sa akin? Hindi niya tinupad ang pangako niya. Hindi niya muna hiningi ang permiso ko bago siya magdesisyon sa engagement namin.” Nanginginig sa pinaghalong galit at pagkapahiya ang namumulang mukha ni Amara dahil sa mga narinig na sinabi ni Astrid.
Hindi na hinintay pa ni Astrid na makapagsalita ang ina at pinagpatuloy ang kaniyang sasabihin, “At paano ko siya pinahiya kung hindi naman ako nagloloko at nagpapasaway? Siya ang mahilig makipagkita sa iba’t ibang babae at wala man lang respeto sa sarili niya? At sa tingin ko ay dapat na talagang hindi ituloy ang kasal na ito para matigil na ako sa pagkakapahiya dahil sa kaniya!”
“Astrid Trinidad!” Nag-iigting ang panga at puno ng galit na sita ni Amara sa anak.
“Sa tingin ko ay kailangan na natin kalimutan ang kasunduan na ito,” putol ni Conrad, “Aaminin ko na maganda si Astrid pero hindi lamang sa panlabas na anyo ako dapat magbase sa babaeng pakakasalan ko. Kahit na lumuhod pa siya at magmakaawa sa akin, hindi ako magpapakasal sa katulad niya. Besides, I am already in love with someone else and my heart only belongs to her—“ kasabay nito ay ang pagtingala ni Conrad sa babaeng pababa ng hagdan.
Sa isang iglap, ang mata ng binata na puno kanina ng pagkasuklam ay napalitan ng maamo at puno ng pagmamahal na tingin.
“Mimi…”
“Conrad!” Nagmamadaling humango pababa sa hagdan si Mira, di maikakaila ang bakas ng kasiyahan sa mukha ng dalaga.
“Mimi!” Sinalubong ni Conrad ang pababang dalaga at mahigpit na niyakap ito. Mayamaya pa ay masasaksihan ang pagyayakap ng dalawa.
“Pwede na tayong magpakasal!” masayang sinabi ni Mira sa pagitan ng kanyang paghikbi.
"Sorry, Mimi. I came here to call off the engagement. I didn’t mean to keep you waiting."
"It’s alright, Conrad. I understand it’s been a hard decision..."
Muli ay mahigpit na nagyakap ang dalawa, alintana ang paligid sa kabila ng gulo na dinulot ni Conrad dahil sa pag-aanunsiyo nito ng pag-atras sa kanilang engagement.
Habang tahimik na pinapanood ni Astrid ang di inaasahang deklarasyon ng pag-iibigan ng dalawa ay nakatanggap siya ng isang text message.
[Ms. Trinidad, the research has reached the final stage. To protect your safety, the superiors have specially sent security to protect you. We have arrived at your doorstep. When will you come out?]
Tahimik na binasa ni Astrid ang natanggap na message at nagreply: “I’ll be right there.”
Matapos itapon ang kaninang nginunguya niyang bubble gum ay nagmamadaling tumayo si Astrid at naglakad papuntang pintuan. Palihim na inoobserbahan ni Mira ang kinilos ng kapatid. Nang mapansin niya na tila aalis na ito ay di niya mapigilang hindi maisip na maaring nakaramdam ito ng pagkapahiya na manatili pa sa kanilang bahay matapos ang lahat ng pangyayari. Hindi ko pa nga siya tuluyang napapahiya, bakit siya aalis agad?
Hinabol ni Mira si Astrid at hinawakan ang braso nito. “Ate, don’t leave. I’m sorry, we shouldn’t have done this. Alam ko na dapat parang kuya lang ang turing ko sa kaniya pero wala na akong magagawa. Mahal namin ang isa’t-isa at di namin kaya pang kontrolin ang nararamdaman namin. Kung may gusto kang sisihin sa lahat ng ito, ako lang ang sisihin mo. Huwag mo sanang idamay si Conrad.”
Dahan-dahang nilingon ni Astrid si Mira at tinaasan ito ng kilay, “Have you lost your mind? Umalis ka sa harap ko,” walang emosyon na sinabi niya sa kapatid.
“Ate, hindi mo pa rin ba ako pinapatawad? Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ko? ‘Wag ka namang ganyan sa akin, sampalin mo ako kung gusto mo! Gawin mo kung anong gusto mo sa akin kung sobrang galit ka sa ginawa ko!” Mabilis na kinuha ni Mira ang kamay ni Astrid at madiing hinawakan ito at ipinuwesto na akmang sasampalin siya sa kaniyang mukha.
“Astrid, anong ginagawa mo? Subukan mo lang na saktan si Mimi!” Humahangos na pumagitna si Amara at hinampas palayo ang kamay ni Astrid.
Maririnig ang malakas na tunog ng paghampas sa kamay ni Astrid sa tahimik na hallway ng kanilang bahay.
Yumuko si Astrid at tiningnang mabuti ang kaniyang kamay na malakas na hinampas. Makikita ang bakas ng pamumula nito dahil sa ginawa ng ina. Makalipas ang ilang segundo ay nilipat niya ang kaniyang tingin sa babae sa kaniyang harapan. She knows that she is her biological mother, but she is only nice to her adopted daughter Mira. Hindi man sila magkadugo pero masasabi ng kahit sino sa kanilang paligid na mas mahal at pinapaburan nito si Mira kaysa sa kaniya na sariling dugo’t laman nito. Namumula ang mata ni Mira dahil sa pagpipigil ng pag-iyak, “Ma, wag mo siyang sisihin. Ako ang may kasalanan nito. Hindi ko dapat inagaw ang fiancé niya—“ Bago pa matapos ni Mira ang pagsasalita ay pinutol na ito ni Astrid. “How can I blame you? You were born like that. Hindi mo kayang pigilan ang sarili mo na hindi agawin lahat ng makikita mo na pagmamay-ari na ng iba. Wala na akong magagawa kung ganiyan ka na noon pa.” Hindi makap
Tumayo ng tuwid at marahang tumango bilang pagbati kay Astrid ang lider ng mga sundalo. “Ms. Trinidad, maaari na po kayong sumakay sa kotse.” “Bakit ang daming tao?” Tiningnang muli ni Astrid ang kaniyang paligid. Hindi lamang maraming tao ang kaniyang nakikita kundi maging ang naglalakihang armas na hawak ng mga ito. “Ms. Trinidad, isa kang importanteng tao sa bansa natin na dapat naming protektahan. Kung hindi mo pa sinabi na hindi mo gusto ng maraming tao, higit na doble pa dapat ang bilang ng sundalo at pulis na nais na ipadala na magbabantay sayo.” Sagot ni Gen. Lucas. Mapapansin ang magandang postura at tindig nito. “Masyado naman kayong nag-eexaggerate. Pupunta lang naman ako sa research institute, kaya bakit naman ako mawawala? And if I were ever in trouble, I’m confident that I could defend and protect myself.” Simpleng paliwanag ni Astrid. “Ms. Trinidad, hindi ito exaggeration at masasabi ko na kalkulado l
“Go ahead.” Ipinagpatuloy ni Astrid ang pag-inom ng kape habang pasimpleng tinataboy ng kaniyang kamay ang professor na nangangahulugang tapos na ang kanilang pag-uusap. Buzz… buzz.. buzz..naramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cell phone na nasa loob ng kaniyang lab gown. Sinilip niya ito at nakita kung sino ang tumatawag sa kaniya ng mga oras na iyon. Caller ID: Grandpa Arthur Lorenzo. Mabilis na sinagot ni Astrid ang tawag sa kaniya. Bago pa siya magsimulang magsalita ay narinig niya na agad ang masigla at masayang boses mula sa kabilang linya. “Totoo ba ang nabalitaan ko na hindi na itinuloy ng fiancé mo ang engagement niyo? Congratulations! Hahaha—“ Pagkarinig sa sinabi ng matanda ay hindi na nabigla si Astrid, tama ang hula niya na ito ang dahilan ng pagtawag sa kaniya nito. Hindi siya sumagot at hinintay na magpatuloy ang matandang lalaki na sabihin ang iba pang dahilan ng biglang pagtawag
“Ms. Trinidad, nakalimutan ko pa lang magpakilala sayo. Ako nga pala ang kababatang kaibigan ni Pierre. I’m Nico.” Pagpapakilala ng lalaki na may hawak ng manibela. “Oh, hello Nico.” Magalang na pagsagot ni Astrid. “Excuse me for asking. Narinig ko na twenty years-old ka na pero hindi ka pa rin graduate ng high school?” Puno ng kuryosidad na tanong ni Nico. “Uhm.” Sa pagkabigla ay hindi alam ni Astrid kung ano ang kaniyang isasagot. “Malapit na ang college entrance examination. Sigurado ka ba na makakapasa ka sa mga university? Kung hindi, pwede kitang tulungan na makapasok. My grandfather is a professor at a higher education institution in the Vista City…” Sa kalagitnaan ng biyahe ay pagsasalita lamang ni Nico ang maririnig at sa dami ng sinabi nito ay isang salita lang ang sinagot sa kaniya pabalik ni Astrid, “Hmm.” Hindi napigilang hindi mapansin ni Nico na may pagkakaparehas sa person
“Grandpa! I promised you to take her in. But let me clear things up that I have I have no feelings for her, so you should not worry about this matter.” Madiin na sabi ni Pierre habang mababakas ang biglang pagdilim ng mukha. “Anong ibig mong sabihin na wala kang gusto sa kaniya? Totoo ba ang sinasabi mo? O may kinalaman ba dito ang naririnig kong balita na palaging si Nico ang kasama mo at hindi babae ang nagugustuhan mo?” May bahid ng pagkabigla na tanong ni Arthur sa apo. “Ack!” Naibuga ni Nico ang kanina lang na iniinom dahil sa narinig na sinabi ng matanda. “Grandpa! I swear I’m innocent! Hindi po totoo ang mga narinig niyo. Those are baseless rumors and nonsense!” Pagdepensa pa ni Nico at nagtatampo sa paratang sa kaniya ng lolo ng matalik na kaibigan. “Ayokong making sa mga paliwanag mo. Simula ngayon layuan mo na ang apo ko.” Hindi na nakaimik pa ulit si Nico. Sa nakikitang sitwasyon nila ngayon
Sampung taon? Tinitigan ng masama ni Astrid si Grandpa Arthur dahil sa ibinigay nitong kondisyon. “Grandpa, bakit hindi mo pa ginawang fifty years?” Hinampas ni Arthur ang hita, “Sige, sayo nanggaling iyan kaya gawin nating fifty years!” Hindi na nagawang kumibo pa ni Astrid dahil alam niyang nananadyang mang-inis ng matanda. “One month. After one month, we will have nothing to do with each other.” Madiin na sinabi ni Astrid. That’s her final decision. “Isang buwan? Hindi ba masyadong maikli ang isang buwan? Pierre, dali at kausapin mo si Astrid!” Inutusan ng nag-aalalang matanda ang apo. Walang ekspresyon ang mukha na sumagot si Pierre: “Okay, just one month.” “It’s a deal.” Bagamat nag-aalala ay walang nagawa si Don Arthur kundi ang bumuntong hininga. “Kung iyan ang napagkasunduan niyo, wala na akong sasabihin pa. Hayaan niyo na ako na ang mamili ng magandang petsa ng enga
Sa Hacienda Trinidad—nagmamadaling humangos papalapit kay Amara ang isa sa kanilang tauhan. “Ma’am Amara, bumalik na si Miss Astrid!” “Ano? Bakit bigla siyang umuwi?” Gulat na tanong ng ginang. Ang kaninang tahimik na kumakain na sina Amara at Joaquin ay nagkatiningian dahil sa kanilang narinig na balita. Bago pa makapagtanong ang dalawa ay nakapasok na si Astrid sa loob ng kanilang bahay. Ibinaba ni Amara ang kaniyang mga kubyertos at nagmamadaling lumapit kay Astrid. “Hindi ba’t kinuha ka ng mga pulis? Bakit biglaan yata ang pagbalik mo? Huwag mong sabihin na—tumakas ka sa kulungan?!” Kahit si Amara ay natakot sa kaniyang sariling tanong. Maging si Joaquin ay nakaramdam din ng takot sa posibleng ginawa ni Astrid at tinitigan ito ng seryoso sa mukha. “Totoo bang tumakas ka sa kulungan? Kahit na ama mo ako, hindi kita mapoprotektahan. Ang maipapayo ko lang sayo ay bumalik ka at isuko ang
Ayaw na ni Amara ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Astrid, kaya binago na lang niya ang paksa. “Tinawagan ako ng class adviser mo kaninang umaga. Sinabi niya na kapag pinagpatuloy mo pa ang madalas mong hindi pagpasok, the school will consider to expel you.” “Ako na pong bahala diyan.” Hindi nag-aalala si Astrid na matanggal sa school, maghahanap na lang siya ng tao na mag-aasikaso ng problema. Dahil sa narinig ay hindi na napigilan ni Amara ang pinipigilang galit sa dibdib. "Kaya mong ayusin? Paano mo aayusin ‘yan? Ikaw ba ang principal? Astrid, wala kang narinig na may sinabi akong masama sayo, pero dalawampung taong gulang ka na! Kung hindi ka sana palaging umaabsent sa klase at kung hindi ka huminto ng isang taon sa pag-aaral noon, hindi ba’t sa tingin mo ay nakatapos ka na sana sa high school?” "Tingnan mo si Mimi, ipinanganak kayo sa parehong araw, pero sophomore na siya sa higher education institution in Man
Wala pang ilang segundo ay mabilis na naisulat ni Astrid sa pisara ang sagot sa ang mahihirap na equation na binigay ng kanilang guro. Pagkakita dito ay napanganga ang kaniyang mga kaklase sa pagkamangha. “Unbelievable! Si Astrid na kilala natin na mahina sa klase ay nakuha ang tamang sagot!” Hindi napigilang bulalas ng isa niyang kaklase. “Hindi ko nga maintindihan ang mga tanong na iyan pero parang hindi man lang siya nahirapan mag-isip at mabilis na isinulat ang sagot.” Gulat na dagdag ng isa pa sa klase. “Hindi kaya at nagkukunwari lang na mahina sa klase si Astrid, pero ang totoo niyan ay isa siyang top student?” Pagtataka ng isa. Narinig lahat ng kanilang Math teacher ang usapan ng mga kaklase ni Astrid at pakiramdam niya ay parang nag-iinit ang kaniyang mukha. Sa totoo lang ay hindi niya binigay ang tanong na iyon upang ipahiya si Astrid kundi para gawing aral dito na magseryoso at huwag lumiban
Pasado alas-otso na nang makarating si Astrid sa klase. Masamang tingin ng kaniyang Math teacher ang bumungad sa kaniya papasok sa pinto. You’re late again! Hindi ba maayos ang pagtuturo ko kaya hindi mo magawang pahalagahan ang klase ko?” Galit na paninita nito sa kaniya. May isang kaklase si Astrid na biglang sumabad, “Sir, madalas talaga siyang late pumasok kahit sa ibang subjects namin o kaya naman ay umaabsent siya ng ilang araw.” Nabigla ang Math teacher nila sa mga narining na lalong hindi nakapagpagaan ng kaniyang pakiramdam. “Astrid, you’re not a kid anymore, pero palagi ka pa ring late sa klase at pabaya sa pag-aaral mo. Sa ipinapakita mo, sa tingin mo ba makakapagtapos ka ng high school? Makakapasa ka kaya sa sa college? Kung may estudyante akong tulad mo—" Hindi natapos ang pagsasalita ng guro ng putulin ito ni Astrid. “Sir, can I come in? Kanina pa po ako nakatayo dito.” Tumingin si Astrid sa kaniyang
Naputol ang katahimikan nang puno ng kasabikan na sumigaw si Master Silva. “Great moves! She's really a perfect Tai Chi master.” Mababakas ang pagkamangha sa mga mata nito dahil sa mga nakita. Nanlalaki naman ang mga mata ng Matandang Lim, laglag ang panga sa labis na pagkagulat. Ang iba pang matatanda na napanood ang laban ay labis ding nagulat at hindi makapaniwala. Kahit madalas nilang pinapraktis ang bawat galaw ng Tai Chi ay alam nilang limitado lamang ito at hindi kasing husay ng dalaga. Ibang klase talaga ang husay na mayroon ito. “That’s impossible! I don’t believe it. Sinwerte lang siya sa ginawa niya.” Hindi makapaniwala si Yuna na ang babaeng halos kaedad niya lamang ay may ganitong kagaling na kakayahan upang makipaglaban kay Felix nang hindi natatalo. Felix was personally handpicked by her grandfather from an elite group of experts. His skills are the best of the best! “Felix
Tumayo si Master Silva at pumagitna na sa dalawa, “Tama na, hayaan na lang natin siya.” Pigil niya kay Yuna. “Pero, 'Lo! Paano mo siya basta hahayaan na lang umalis? Malamang na planado na niya lahat ng panloloko niya. Inalam niya siguro kung sino kayo. Nasisiguro ko na alam niya na isa kang kilalang pintor kaya nilapitan niya kayo para lokohin ka at kuhanan ng pera.” Master of Fine Arts in Painting? Silva? Mabilis na inisip ni Astrid kung saan niya narinig ang pamilyar na pangalan na ito at napagtanto na ang matandang ito ay isang sikat at respetadong master ng landscape painting. Ang mga likha nito ay gustong-gusto ng kaniyang lolo at lola. Ang mga ito ay maituturing na tagahanga ni Master Silva. “Sige na, nakikiusap na si Lolo sayo pero ayaw mo pa rin makinig. Hayaan mo na lang siya.” Ayaw nang palakihin pa ni Master Silva ang bagay na ito. “Pero Lolo—” Himutok ni Yuna. “Gaya ng sinabi
Ang bawat galaw ni Astrid ay elegante. Magaan at malinis ang bawat galaw na ginagawa niya. Sa isang iglap lang ay nabali niya ang sanga ng isang puno sa kaniyang harapan nang hindi man lang nasira ang mga dahon na nakakabit dito. Ang tanawin sa harapan ng mga nanonood ay nagpatulala sa lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Nalaglag ang panga ng Matandang Lim at mga mata nito ay nanlaki sa pagkagulat. Lahat ng naroroon ay napatingin kay Astrid na parang nakakita ng hindi pangkaraniwang tao. Tumigil si Astrid sa kaniyang ginagawa at tumingin kay Master Silva. Ang mga mata nito ay punong-puno ng paghanga at kapansin pansin na maging ang paraan ng pagtawag niya kay Astrid ay biglang nagbago. "Young Master, ang dalawang galaw na ginamit mo kanina ay napakahusay. Makikita agad sa isang tingin na magaling ka sa Tai Chi at matatawag kang isang tunay na master." Biglang umubo ng mahina si Matandang
Kinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga ay lumabas ng bahay si Astrid suot ang kaniyang training outfit. Matagal na rin ng huli siyang nakapag-exercise kaya napagdesisyunan niya na pumunta sa parke upang magpractice ng Tai Chi. Habang naglalakad ay napansin niya ang isang matandang lalaki na may suot ding training outfit at nag-eensayo ng Tai Chi. Nakapaligid sa matanda ang malaking bilang ng mga nanonood dito. Maririnig ang samut saring magagandang papuri sa lalaking tinatawag nilang Master Lim. Habang pinapanood ang pagpapractice nito ay kumunot ang noo ni Astrid at hindi napigilang magbigay ng komento, "Parang hindi naman maayos ang ginawa niya." Noong bata pa siya ay araw-araw siyang nagsasanay ng Tai Chi sa probinsya kasama ang kaniyang guro. Kaya hindi niya mapigilang ituro ang mga pagkakamali kapag nakita niya ang mga ito. Ang sinabi ni Astrid ay nakaagaw ng atensyon ng mga matatandang lalaki dahilan upang ma
Ayaw na ni Amara ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Astrid, kaya binago na lang niya ang paksa. “Tinawagan ako ng class adviser mo kaninang umaga. Sinabi niya na kapag pinagpatuloy mo pa ang madalas mong hindi pagpasok, the school will consider to expel you.” “Ako na pong bahala diyan.” Hindi nag-aalala si Astrid na matanggal sa school, maghahanap na lang siya ng tao na mag-aasikaso ng problema. Dahil sa narinig ay hindi na napigilan ni Amara ang pinipigilang galit sa dibdib. "Kaya mong ayusin? Paano mo aayusin ‘yan? Ikaw ba ang principal? Astrid, wala kang narinig na may sinabi akong masama sayo, pero dalawampung taong gulang ka na! Kung hindi ka sana palaging umaabsent sa klase at kung hindi ka huminto ng isang taon sa pag-aaral noon, hindi ba’t sa tingin mo ay nakatapos ka na sana sa high school?” "Tingnan mo si Mimi, ipinanganak kayo sa parehong araw, pero sophomore na siya sa higher education institution in Man
Sa Hacienda Trinidad—nagmamadaling humangos papalapit kay Amara ang isa sa kanilang tauhan. “Ma’am Amara, bumalik na si Miss Astrid!” “Ano? Bakit bigla siyang umuwi?” Gulat na tanong ng ginang. Ang kaninang tahimik na kumakain na sina Amara at Joaquin ay nagkatiningian dahil sa kanilang narinig na balita. Bago pa makapagtanong ang dalawa ay nakapasok na si Astrid sa loob ng kanilang bahay. Ibinaba ni Amara ang kaniyang mga kubyertos at nagmamadaling lumapit kay Astrid. “Hindi ba’t kinuha ka ng mga pulis? Bakit biglaan yata ang pagbalik mo? Huwag mong sabihin na—tumakas ka sa kulungan?!” Kahit si Amara ay natakot sa kaniyang sariling tanong. Maging si Joaquin ay nakaramdam din ng takot sa posibleng ginawa ni Astrid at tinitigan ito ng seryoso sa mukha. “Totoo bang tumakas ka sa kulungan? Kahit na ama mo ako, hindi kita mapoprotektahan. Ang maipapayo ko lang sayo ay bumalik ka at isuko ang
Sampung taon? Tinitigan ng masama ni Astrid si Grandpa Arthur dahil sa ibinigay nitong kondisyon. “Grandpa, bakit hindi mo pa ginawang fifty years?” Hinampas ni Arthur ang hita, “Sige, sayo nanggaling iyan kaya gawin nating fifty years!” Hindi na nagawang kumibo pa ni Astrid dahil alam niyang nananadyang mang-inis ng matanda. “One month. After one month, we will have nothing to do with each other.” Madiin na sinabi ni Astrid. That’s her final decision. “Isang buwan? Hindi ba masyadong maikli ang isang buwan? Pierre, dali at kausapin mo si Astrid!” Inutusan ng nag-aalalang matanda ang apo. Walang ekspresyon ang mukha na sumagot si Pierre: “Okay, just one month.” “It’s a deal.” Bagamat nag-aalala ay walang nagawa si Don Arthur kundi ang bumuntong hininga. “Kung iyan ang napagkasunduan niyo, wala na akong sasabihin pa. Hayaan niyo na ako na ang mamili ng magandang petsa ng enga