Lahat ng Kabanata ng The Force-Driven Engagement: Let the Zillionaire Fall For Me: Kabanata 11 - Kabanata 15

15 Kabanata

Kabanata 11: Young Master

Ang bawat galaw ni Astrid ay elegante. Magaan at malinis ang bawat galaw na ginagawa niya. Sa isang iglap lang ay nabali niya ang sanga ng isang puno sa kaniyang harapan nang hindi man lang nasira ang mga dahon na nakakabit dito. Ang tanawin sa harapan ng mga nanonood ay nagpatulala sa lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Nalaglag ang panga ng Matandang Lim at mga mata nito ay nanlaki sa pagkagulat. Lahat ng naroroon ay napatingin kay Astrid na parang nakakita ng hindi pangkaraniwang tao. Tumigil si Astrid sa kaniyang ginagawa at tumingin kay Master Silva. Ang mga mata nito ay punong-puno ng paghanga at kapansin pansin na maging ang paraan ng pagtawag niya kay Astrid ay biglang nagbago. "Young Master, ang dalawang galaw na ginamit mo kanina ay napakahusay. Makikita agad sa isang tingin na magaling ka sa Tai Chi at matatawag kang isang tunay na master." Biglang umubo ng mahina si Matandang
last updateHuling Na-update : 2024-12-10
Magbasa pa

Kabanata 12: The Duel

Tumayo si Master Silva at pumagitna na sa dalawa, “Tama na, hayaan na lang natin siya.” Pigil niya kay Yuna. “Pero, 'Lo! Paano mo siya basta hahayaan na lang umalis? Malamang na planado na niya lahat ng panloloko niya. Inalam niya siguro kung sino kayo. Nasisiguro ko na alam niya na isa kang kilalang pintor kaya nilapitan niya kayo para lokohin ka at kuhanan ng pera.” Master of Fine Arts in Painting? Silva? Mabilis na inisip ni Astrid kung saan niya narinig ang pamilyar na pangalan na ito at napagtanto na ang matandang ito ay isang sikat at respetadong master ng landscape painting. Ang mga likha nito ay gustong-gusto ng kaniyang lolo at lola. Ang mga ito ay maituturing na tagahanga ni Master Silva. “Sige na, nakikiusap na si Lolo sayo pero ayaw mo pa rin makinig. Hayaan mo na lang siya.” Ayaw nang palakihin pa ni Master Silva ang bagay na ito. “Pero Lolo—” Himutok ni Yuna. “Gaya ng sinabi
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Kabanata 13: Grandmaster

Naputol ang katahimikan nang puno ng kasabikan na sumigaw si Master Silva. “Great moves! She's really a perfect Tai Chi master.” Mababakas ang pagkamangha sa mga mata nito dahil sa mga nakita. Nanlalaki naman ang mga mata ng Matandang Lim, laglag ang panga sa labis na pagkagulat. Ang iba pang matatanda na napanood ang laban ay labis ding nagulat at hindi makapaniwala. Kahit madalas nilang pinapraktis ang bawat galaw ng Tai Chi ay alam nilang limitado lamang ito at hindi kasing husay ng dalaga. Ibang klase talaga ang husay na mayroon ito. “That’s impossible! I don’t believe it. Sinwerte lang siya sa ginawa niya.” Hindi makapaniwala si Yuna na ang babaeng halos kaedad niya lamang ay may ganitong kagaling na kakayahan upang makipaglaban kay Felix nang hindi natatalo. Felix was personally handpicked by her grandfather from an elite group of experts. His skills are the best of the best! “Felix
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

Kabanata 14: Math Class

Pasado alas-otso na nang makarating si Astrid sa klase. Masamang tingin ng kaniyang Math teacher ang bumungad sa kaniya papasok sa pinto. You’re late again! Hindi ba maayos ang pagtuturo ko kaya hindi mo magawang pahalagahan ang klase ko?” Galit na paninita nito sa kaniya. May isang kaklase si Astrid na biglang sumabad, “Sir, madalas talaga siyang late pumasok kahit sa ibang subjects namin o kaya naman ay umaabsent siya ng ilang araw.” Nabigla ang Math teacher nila sa mga narining na lalong hindi nakapagpagaan ng kaniyang pakiramdam. “Astrid, you’re not a kid anymore, pero palagi ka pa ring late sa klase at pabaya sa pag-aaral mo. Sa ipinapakita mo, sa tingin mo ba makakapagtapos ka ng high school? Makakapasa ka kaya sa sa college? Kung may estudyante akong tulad mo—" Hindi natapos ang pagsasalita ng guro ng putulin ito ni Astrid. “Sir, can I come in? Kanina pa po ako nakatayo dito.” Tumingin si Astrid sa kaniyang
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

Kabanata 15: Math Genius

Wala pang ilang segundo ay mabilis na naisulat ni Astrid sa pisara ang sagot sa ang mahihirap na equation na binigay ng kanilang guro. Pagkakita dito ay napanganga ang kaniyang mga kaklase sa pagkamangha. “Unbelievable! Si Astrid na kilala natin na mahina sa klase ay nakuha ang tamang sagot!” Hindi napigilang bulalas ng isa niyang kaklase. “Hindi ko nga maintindihan ang mga tanong na iyan pero parang hindi man lang siya nahirapan mag-isip at mabilis na isinulat ang sagot.” Gulat na dagdag ng isa pa sa klase. “Hindi kaya at nagkukunwari lang na mahina sa klase si Astrid, pero ang totoo niyan ay isa siyang top student?” Pagtataka ng isa. Narinig lahat ng kanilang Math teacher ang usapan ng mga kaklase ni Astrid at pakiramdam niya ay parang nag-iinit ang kaniyang mukha. Sa totoo lang ay hindi niya binigay ang tanong na iyon upang ipahiya si Astrid kundi para gawing aral dito na magseryoso at huwag lumiban
last updateHuling Na-update : 2024-12-18
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status