MUKHANG kumalma na ang dalaga dahil ito na mismo ang kumalas sa pagkakayakap niya rito.“So-sorry, ha? Kasi, alam mo naman, wala akong kamag-anak at kaibigan na mapagsasabihan o mapaglalabasan ko ng hinaing. Magaan ang loob ko sa ‘yo kaya siguro nagawa ‘kong ikwento ang masalimuot kong buhay.”“From now on, I will always drop you off and pick you up. Or, if I can’t, my bodyguards are just there. Basta kung may pupuntanahan ka man, kailangan mong magsabi at magpaalam sa ‘kin, okay? My bodyguard is also your bodyguard. Hindi na kita papayagang lumabas o lumakad ng mag-isa. Asahan mong kahit saan ka magpunta, ay may nakasunod sa ‘yong bodyguard.”“Thank you, Jacob. Alam mo bang dahil sa sinabi mong ‘yan, nawala na ang takot ko na araw-araw kong nararamdaman? Ngayon ay mapapanatag na ang kalooban ko. Makakalakad na ako sa labas ng walang iniisip na nakaambang panganib.”Nabigla siya nang ito na mismo ang kusang yumakap sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagkakadikit ng malambot na katawa
Terakhir Diperbarui : 2024-12-11 Baca selengkapnya