SUMMER POV:Hinuli ko ang daliri niyang naglalakbay sa mukha ko, hindi ko na binitiwan. Doon kasi kami nagsisimula bago mauwi sa walang katapusang sex, sa simpleng paglalaro ng daliri niya sa bawat kurba ng mukha ko. “Hindi ko alam,” sabi ko, bagsak na ang mga balikat ko, manhid na ang buo kong katawan habang nakatitig sa kanya. “Nang makilalala kasi kita sa labas ng bar, ang tindi ng galit mo sa mundo. At kahit hindi mo ako kilala, damay ako. At yong ganong klase ng tao mas malupit ang trato sa kapwa niya kapag mainit ang ulo. At kung isa ako sa nagmamalasakit sa yo, alam kong iilan ang paraan para magbago ka ng ugali o pananaw sa buhay. Sabi ng parents ko, sila din grabe ang adjustments nang isilang ako, tapos si Jojo pa. Iba raw kapag magulang na, sa ayaw at sa gusto mo, magbabago ka dahil may iba ka ng aalagaan at pinahahalagahan.” Kumapit ako sa piraso ng daliri niya gaya ng sanggol. Sa hintuturo. Umaamot ako ng lakas. “Ako, bakit ako ang napili mong sundan?” Pinagmasdan ko kung
Last Updated : 2024-12-16 Read more