SUMMER POV:Kinabukasan, ako na ang unang pumunta sa tatay ko para naman hindi mapahiya nang sobra ang asawa ko.“Tama lang naman na ilagay niya sa ayos ang mga taong nasira niya ang buhay. Lalo na ang mga karaniwang tao na walang malalapitan kapag nagigipit. Kasi ang mga taong walang wala at nakakaranas pa ng matinding pang aapi, hindi na sa tao lumalapit kapag nawalan na ng pag asa, sa Diyos na nagsusumbong at yon ang mabigat. Nakakatakot ang palo ng Diyos. Hindi yon matatakasan ng kahit sino. Kaya dapat lang na maingat tayo sa pakikipag kapwa. Hindi palaging sarili ang iniisip. Dahan-dahan sa pagbibitaw ng salita lalo na kapag mainit ang ulo. Mas matalas talaga ang dila kaysa sa matalim na espada. Dapat mahalin din natin ang iba kung paanong mahal na mahal natin ang ating sarili at sariling pamilya. Dahil sa mundong ito, hindi lang kayamanan ang naiiwang pamana sa mahal natin sa buhay. Minsan, kahihiyan, galit, sama ng loob at paghihiganti ng mga taong hindi kayang magpatawad.”“
Last Updated : 2025-02-03 Read more