Share

THE UNSEEN

Author: Jade Tattoo
last update Last Updated: 2024-12-17 13:15:06

SUMMER POV:

May higanteng flat screen TV na sa sala ng bahay, kaya sinamantala kong matuto at mag aral dahil sa internet. Regular akong gumawa ng mga disenyo at naglaan ng mas mahabang oras sa pananahi.

Minsan, nalilipasan na ng gutom si Lyndon at hindi ko maawat. At kapag ganoon, smoothie at comfort foods ang dinadala ko sa kanya. Dinadaan ko sa lambing minsan para mapilitan siyang pansinin ang pagkain.

Workaholic pala siya.

Sa sobrang busy niya, naisip kong maghanda ngayong hapon ng massage treatment sa tabi ng bagong pool.

At hindi niya ako natanggihan, gaya ng lagi.

“Saan ka natutong magmasahe? Natural ang mga technique mo, iba sa mga high-end massage therapist.”

“Nanood ako sa you tube. Pangakong paghuhusayin ko pa.” Gumagamit ako ng buko ng daliri, braso at siko sa mga parte ng muscles niya na kailangan ng mas malakas na pressure.

Kinabukasan, may dumating na masseuse at ako naman ang nakatanggap ng parehong serbisyo.

Ayaw talagang magpatalo ng ‘asawa’ ko.

Sa mga sumunod na a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   CUPID'S CURSE

    10:45 PMNAGPALINGA-LINGA ako mula sa iskinitang pinagtataguan ko. Sinisilip ang Wild Rose KTV bar kung saan labas-masok ang mga costumers na karamihan ay mga lalaki.Alam kong hindi ligtas para sa akin ang ganoong lugar pero wala na akong maisip na paraan para malutas ang aking problema.Maghapon din akong nagtanong-tanong muna tungkol dito at nalaman kong hindi lang ito pugad ng prostitution, front lamang ito ng mas maraming ilegal na trabaho gaya ng drug trafficking, human slavery at ilegal na pasugalan.Tatlong palapag ang gusali. Bar at club ang ibaba. Private rooms daw ang itaas at pasugalan ang huling palapag.Bago ako sumabak sa giyera, inalam ko rin muna ang ilang impormasyon tungkol sa establishment na ito. Mula sa pangalan ng may-ari, guards sa entrance nito na nilampasan ko na sa parking lot kanina, at kung hawak ito ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno at tama ako sa huli. Nagbayad pa ako ng ilang tao para sa kailangan kong impormasyon.Ang kapalit, sina Matilda at Impen

    Last Updated : 2024-11-19
  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   LOVE STRUCK

    LYNDON POV: At ang titig nito, para akong nalulunod sa ilang segundong pagtitig—ginagayuma ako.Nagsimulang bumayo nang malakas ang puso ko na halos wala na akong ibang naririnig.Ano bang…?Ito ba ang love at first sight na sinasabi nila?Nangatog ang tuhod ko sa sumunod na segundo kaya ang babae na ang umangat mula sa akin at tinitigan din ako ng derekta.“Hi, Summer ang pangalan ko, puede ba akong magtanong?”Lumunok siya, nagpunas ng mga kamay sa maiksing palda at umatras ng isang hakbang palayo sa akin.Kumurap ako. Kinakausap ang sarili ko: Mind your own business, man. You’re here to find a company. Don’t stare at her! Umalis ka na sa harapan niya!Ano ngayon kung siya ang pinakamagandang babae na nakita mo sa balat ng lupa? Papatol ka ba sa may mumurahing make up at may mga basurang suot na alahas at nakasabay mo lang sa mumurahing lugar?Pasok ba ito sa qualification ko bilang pampalipas ng oras? Ano na lang ang sasabihin ng mga flings ko na prominenteng mga tao at kilala s

    Last Updated : 2024-11-19
  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   STRAY HEARTS

    LYNDON POV: Naglabas ako ng 1000 at agad ko ditong iniabot. Nagsenyas ito sa mga kasamahan, natutuwa, iwinawagayway ang hawak na tip, parang bata.Tumaas ng sulok ng labi ko. Mga tao nga naman. Pare-pareho—-sa kaunting pera, bigla akong naging Dios.Madali talagang mapansin ng kahit sino kapag signature clothes ang suot. Mamahalin pa ang aking relo. Kahit sino, yuyuko at biglang babait, hahalik pa nga sa Oxford shoes ko dahil alam nilang may pera ako.Pwe!Mga walang kuwenta.Nilingon ko uli ang bouncer na kumaway pa, nagbigay galang, sumaludo bago ako humalo sa dilim at sa maraming tao.Masakit sa ilong ang amoy ng lugar na halos nasa 300 square meters ang kabuuan ng main floor. Naghalo-halo na ang mumurahing pabango, amoy ng alak at usok ng sigarilyo at pawis ng mga tao. Kung hindi dahil sa magandang babae na yon, aatras na talaga ako at uuwi na lang sa condo.Isa pa, kung narito ang lolo ko, sasabunin na naman ako. Sisigaw na naman yon at sasabihing gaya ng mga daliri sa kamay at

    Last Updated : 2024-11-19
  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   BUY ME LOVE

    SUMMER POV:Big Boss?Baka alam niya kung nasaan si Jojo!Magsabi daw lagi ng totoo, sabi ng tatay ko. Dahil walang sigalot o gulo na hindi nadadaan sa mabuting usapan. “Hindi po ako nagtatrabaho dito. Hindi ako GRO. Hinahanap ko lang ang kapatid ko. Si Jojo.”Nagkatinginan si Gold Teeth at ang isa pang kasama nito na nasa likod nito, iba pa sa tatlong lalaking nakapalibot sa akin.Nagtawanan silang dalawa. Tapos nakisali na yong tatlo pa.Naku, gusto ko nang lumipad papunta sa pinto, pero ang mga paa ko parang nakatapak sa ibabaw ng kutsilyo. Natutumba ako. Hindi ako makagalaw, makatakbo pa kaya?Help!“L-Lalabas na lang ako,” bulong ko, nauutal, sumusuko. Iniisip kong maawa naman siguro sila sa akin dahil maamo pa sa puppy na basa sa gitna ng ulan ang mga mata ko.Humarap ako sa kanilang lahat, nagpapaawa at nanginginig ang baba.Malalaman ko kung nagsinungaling ang kapitbahay ko sa probinsya!Pretty eyes muna, baby Summer!“Lalabas? Ganon na lang ba yon?” Humahakbang na palapit sa

    Last Updated : 2024-11-19
  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   BAD BOY MEETS GOOD GIRL

    SUMMER POV: “Pero sir, hindi po ako babaing—”….kaladkarin.“I’m here to bed a woman.” Singhal niya. “At hindi barya lang ang pinakawalan ko dahil sa ‘yo. 21 thousand pesos yon! Kung hindi mo kayang bayaran ngayon din, ibabalik kita sa loob!”Talaga ba?Over my very delicious body!“Wala kang puso! Isa kang mapagsamantala!” Tinatagan ko ang binti ko at ipinadyak ko gaya ng batang nagrerebelde sa ama. “Sa halagang 21 thousand pesos, tatakutin mo ako nang ganyan? Wala ka bang kapatid na babae? Hindi mo ba nirerespeto ang iyong ina? Anong sasabihin sa yo ng mga abuelas mo ganyang wala kang words of wisdom na nakuha sa mga sinabi nila!”Lumabas ang lalaki ng kotse, galit din. Tumungo sa akin na parang kakainin ako nang buhay.“Bakit naman nadamay na ang ibang tao sa pagitan natin? Siraulo ka ba? It was only between us!”“There’s no us!” Narinig ko lang yon sa movie lines! “Ano ka sinuswerte?”Alam kong maganda ako, nakulele na nga ang tenga ko. At kasakdalang magpakasal ako sa matandang

    Last Updated : 2024-11-19
  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   HIS TWISTED HEART

    SUMMER POV: “Kid?” Hinablot niya ako sa magkabilang balikat mula sa pagkakaluhod, sabay kaming tumayo na hindi niya napansin sa tindi ng kanyang galit na ako na lang ang saklay niya para magawa yon. “I’m not a kid anymore! In fact, I can fuck you senseless—all night— hanggang magsisi ka na nakilala mo ako!” Nag shower sa mukha ko ang laway niya na mabuti na lang at mabango kaya hindi ko na itinikom ang bibig ko. Umangat ako sa lupa nang dumiin pang lalo ang mga daliri niya sa puno ng braso ko na halos mapadaing ako. Nasasaktan ako! “Gagapang ka mula sa kama ko at magmamakaawa ka sa miserable mong buhay na nagtagpo ang landas natin sa mundong ito! Sinisiguro ko sa yo yan!”Natutop ko ang bibig ko kahit halos nakaangat ako sa ere, nakatingkayad dahil hawak pa rin niya ako sa magkabilang balikat. “A-ang…ang bastos….po ninyo…Sir!” Bigla akong naiyak, naawa ako sa sarili ko.Senseless? Hindi ba pakikipagtalik yon na gaya ng hayop na hindi nag iisip?Bakit naman ganon?Personal at priba

    Last Updated : 2024-11-19
  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   MR. RED FLAG

    SUMMER POV:“SAGUTIN mo: tagasaan ka?” Tinikman ni Lyndon ang alak bago nagtanong sa akin, pinagmamasdan akong mabuti sa ibabaw ng rim ng wine glass niya. Habang ako, nakatayo pa rin malapit sa front door, nagmamasid sa loob ng condo niya.Marami rin akong nakitang mas grandiosa pa sa bahay niya dahil sa bestfriend kong si Helga. Gusto nitong maging writer kaya naman sangkaterba ang magasin at libro sa bahay nito. At dahil walang internet, kahit balutan ng tinapa, pinapatos nito.Sa mga magasin nito, nakita ko ang bahay sa ‘merika na worth 200 million dollars at higit pa.Yong tipong may helipad sa rooftop at parang diamante na ang mga kagamitan sa bahay, kumikinang lahat sa mata. Ang bahay ni Pogi, bubulaga sa ‘yo ang malaking sala na may malaking seating area. Home office na salamin ang dingding sa unahan at may isang saradong silid sa kaliwa.Maraming built-in cabinets, minimalism style. At prominente ang puti at itim na kulay sa kabuuan.Walang guestroom para sa bisita.Mas maram

    Last Updated : 2024-12-07
  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   TURN-OFF

    SUMMER POV: “Sorry, hindi ko ma-gets.”“Kausapin mo lang ako gaya ng ginagawa mo.” Halos magkadikit na ang mga katawan namin. At konti na lang lalapat na ako sa dahon ng pintuan. Naku, Sir! “I think I can change. Malaking bagay na may makakausap akong iba ang point of view sa buhay.”Compliment ba yon o insulto?“Hindi ko pa rin maintindihan.” Sinikap kong maging matatag ang mga binti ko. Tiningala ko siya. “Wala ba kayong girlfriend sa guwapo ninyong yan? Mayaman ka pa. Nasa ‘yo na ang lahat, sabi nga ni Daniel Padilla.” Kailangan kong magpatawa. Ang mga mata niya nagbago na naman. Parang…nagnanasa? Nakatitig siya sa labi ko, lumunok. At bumaba sa delicious cleavage ko, naglalaway. Nakupo! “Baka makaabala lang ako sa inyo, Sir. Ayokong maging pabigat kahit kanino.” Quota na ako. Todo na ang lakas ko. Kung di siya titigil sa pagtitig sa akin, baka malusaw na ako na gaya ng ice cream kahit wala namang sikat dito ng araw. Naku, Summer! Run!“Are you talking to a kid?” Kumukumpas na

    Last Updated : 2024-12-07

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   THE UNSEEN

    SUMMER POV: May higanteng flat screen TV na sa sala ng bahay, kaya sinamantala kong matuto at mag aral dahil sa internet. Regular akong gumawa ng mga disenyo at naglaan ng mas mahabang oras sa pananahi.Minsan, nalilipasan na ng gutom si Lyndon at hindi ko maawat. At kapag ganoon, smoothie at comfort foods ang dinadala ko sa kanya. Dinadaan ko sa lambing minsan para mapilitan siyang pansinin ang pagkain.Workaholic pala siya. Sa sobrang busy niya, naisip kong maghanda ngayong hapon ng massage treatment sa tabi ng bagong pool.At hindi niya ako natanggihan, gaya ng lagi.“Saan ka natutong magmasahe? Natural ang mga technique mo, iba sa mga high-end massage therapist.”“Nanood ako sa you tube. Pangakong paghuhusayin ko pa.” Gumagamit ako ng buko ng daliri, braso at siko sa mga parte ng muscles niya na kailangan ng mas malakas na pressure.Kinabukasan, may dumating na masseuse at ako naman ang nakatanggap ng parehong serbisyo.Ayaw talagang magpatalo ng ‘asawa’ ko.Sa mga sumunod na a

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   INVISIBLE SCARS 2

    “Ahm,” inaayos niya ang buhok ko, nag iisip. May halong hiya at dumaan ang sandaling pag aalangan. “Simula nang mamatay ang parents ko, parang nawalan ako ng panglasa. Pinilit lang ako ni Lolo na kumain kasabay niya dahil mamamatay talaga ako sa gutom.”“Oh,” wala akong masabi. Nalungkot ako. “Sorry. Hindi ko alam na ganon kaya pala walang kitchen sa condo mo.” Na-guilty ako sa mga sinabi ko sa kanya sa mismong oras na yon gayong hindi ko alam ang pinagdadaanan niya. “Pero naamoy mo ba ang aroma ng mga pagkain?”Natigilan siya. “Hindi.”Nadurog ang puso ko dahil doon. Naluha ako at parang sasabog sa sakit ang puso ko.“Oh, L-Lyndon.” Ayoko siyang kaawaan pero hindi ko yon maitago. “Simulan natin ngayon, puede ba?”“Okay.”“Puede mo bang sabihin sa akin ang pinakagusto mo sa mga ito: kape, tea, green tea, chocolate, tablea, o…”Hinahalikan na niya ako sa labi. “Wala pa sa ngayon kaya sabayan mo lang ako. Okay na yon.”Hinila niya ako paupo. At sumandal siya sa giant sofa, kinabig ako

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   INVISIBLE SCARS 1

    SUMMER POV:Pero nang makita ko ang laman ng mga nakabukas na kahon, napalagay ako: gamit niya yon sa opisina niya. Puro libro at personal na decorasyon na nakita ko sa condo niya. Prominente ang picture niya kasama ang isang matandang lalaki na naka business suit. Hindi ko namukhaan dahil malayo pero natatandaan ko dahil malaki ang painting na yon sa gitna ng opisina niya.Gusto ko sanang lapitan at titigan pero hindi sapat ang distansya.Kung ganon, binabalak ba niyang mag stay dito nang matagal?“Gusto mong tulungan kita?” Sa kawalan ng masasabi, naibulong ko mula sa kanyang likuran.Umatras agad siya. Pumihit paharap sa akin, pagod ang mga mata. Naiwan doon ang matinding bakas ng mga dating responsibilidad na dinadala niya. “It can wait,” nilapitan niya ako at hinila sa kamay. “Mas gusto kong tikman ang lasa ng chocnut galing sa bibig mo.” Balot agad yon ng pagnanasa.Ng walang kapagurang pananabik sa akin.“Lyndon,” hindi ko iniwasan ang kanyang halik. Bumalot agad ang kamay s

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   CHANGES

    SUMMER POV:“Hey,” hinawakan niya ang kamay ko. Hinuli ang mata ko. “Nag aaral pa lang ako sa college, kumikita na ako sa stock market. Hayaan mo akong paligayahin ka dahil yon din ang ginagawa mo para sa akin. It should be a symbiotic relationship. Give and take. Huwag ka nang makipagtalo sa akin ngayon. Kailangan mong kumain. Hindi ako sigurado mamaya kung,” sinulyapan niya ang labi kong namamaga na sa halik, “makakatulog ka ng deretso at hindi kita gagambalain.”Nang matapos kaming kumain, naalala ko ang sinabi ko kanina. “Si Berta ang isasama ko sa paghahanap ng sangkaka. Okay lang ba sa yo? Mukhang marami kang dapat gawin sa opisina mo.”“Hindi,” giit niya, “sasama ako. Ako ng magda-drive para sa ‘yo.”Nagpahinga kami matapos kumain. Hindi ako sumabay sa kanyang maligo. Hindi sa hindi ako komportable sa kanya pero gusto ko pa rin ang aking maliliit na sikreto kung paano ko inaalagaan ang sarili ko.Sa dressing room, inabutan ko siya, pero hindi nagpumilit na panoorin akong magbi

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   PREDICTION

    SUMMER POV:Hinuli ko ang daliri niyang naglalakbay sa mukha ko, hindi ko na binitiwan. Doon kasi kami nagsisimula bago mauwi sa walang katapusang sex, sa simpleng paglalaro ng daliri niya sa bawat kurba ng mukha ko. “Hindi ko alam,” sabi ko, bagsak na ang mga balikat ko, manhid na ang buo kong katawan habang nakatitig sa kanya. “Nang makilalala kasi kita sa labas ng bar, ang tindi ng galit mo sa mundo. At kahit hindi mo ako kilala, damay ako. At yong ganong klase ng tao mas malupit ang trato sa kapwa niya kapag mainit ang ulo. At kung isa ako sa nagmamalasakit sa yo, alam kong iilan ang paraan para magbago ka ng ugali o pananaw sa buhay. Sabi ng parents ko, sila din grabe ang adjustments nang isilang ako, tapos si Jojo pa. Iba raw kapag magulang na, sa ayaw at sa gusto mo, magbabago ka dahil may iba ka ng aalagaan at pinahahalagahan.” Kumapit ako sa piraso ng daliri niya gaya ng sanggol. Sa hintuturo. Umaamot ako ng lakas. “Ako, bakit ako ang napili mong sundan?” Pinagmasdan ko kung

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   PLEASURES

    SUMMER POV: Pinigil ko ang sumigaw nang malakas nang umalon ang balakang ko kasabay nang pagragasa ng sarili kong orgasm. Nagsalubong ang init ng aming katawan, sabay kaming dumidiin sa katawan ng isa’t-isa, parehong hindi humihinga, halos magkadikit ang mga labi.“Diyos ko,” si Lyndon na tumataas-baba ang dibdib, tumutulay ang mga pawis sa kurba ng mukha. “Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa buong buhay ko. Ano ito?”“Na crush mo ako?” Bumungisngis ako na parang bata. Nakasabog sa unan ang mahaba kong buhok, naliligo rin sa pawis.Binundol niya ang hangganan sa loob ko. “Again?” Inikutan, tinutukso ng malapad na ulo ng pagkakalaki niya.Umalon ang katawan ko, umarko ang leeg ko at umalsa ang mga dibdib ko, tinukso ng matitigas kong nipples ang dibdib niya. At nagustuhan niya ang pakiramdam na yon kaya umungol siya, mababa. Handa na namang manila, humahampas ang hininga sa aking mukha. “Okay, higit sa crush?” Mas dumiin siya sa pumipintig kong laman. “More.” Suminghap ako sa mas

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   FATAL ATTRACTION

    SUMMER POV:Nakatuon sa kanya ang buong atensyon ko. Sa nakatagilid na tanawin ng kanyang katawan. Sa napakagandang ng mga kalamnan. Bumalik ang mata ko sa nililok na mukha na hinahaplos ng maharas na bagsak ng tubig. Sa daluyong ng mga patak na tumatama sa kanyang makinis na balat sa malapad na mga balikat. Nag iiwan ng libo-libong piraso ng malinaw na bubog. Dinadaya ang imahinasyon ko na sana ay puede kong hawakan ang mga yon. At hagkan.Gusto kong tumayo sa harap niya, angkinin ang kanyang bibig. Pagapangin sa batok niya ang mga kamay ko, pababa sa kanyang mga balikat at dibdib. Pababa pa sa kalamnan sa mga sikmura, sa hugis ‘V’ bago ang malaki, mahaba at kahanga-hanga niyang kahandaan na tayong tayo ngayon.Gumapang ang tubig pababa sa kanyang mga hita, lumilikha ng sariling daan sa pagitan ng mga balahibo, hinahawi ang makinis na balat. Niyayakap ang matatag na mga binti hanggang sa mga paa na parang di nasikatan ng araw.Kahit ang dulo ng mga daliri niya, gusto kong tikman.N

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   JEALOUSY

    LYNDON POV:Natigil kami nang marinig namin ang mga yabag ni Aling Berta sa bakal na hagdan mula sa malawak na lawn ng bahay.Umihip uli ang malamig na hangin habang maingat na kumikilos sa harap ng mesa ang kasambahay.Dating head security ng isa sa mga companies na hawak ko si Berta. Nang magkasakit ang anak, pinili nitong mag alaga ng mga apo. At dahil trained ito sa mas maraming skills higit sa pagluluto sa kusina, ipinahanap ko ito at inalok ng malaking sweldo. Tutal, nag aaral na ngayon ang apo nito at maayos na rin ang kalagayan ng anak.Binigyan ko ito ng instruction na maging listo tungkol kay Mario. May file ang lalaking yon sa akin na ipinasa ko agad dito at may binabalak ako para tuluyang mawala sa San Luis ang lalaking yon.Oo, isa sa mga araw na ito wawalisin ko ang kalat sa bakuran ni Summer Hererra.Tinikman ko agad ang kape kahit init na init ako. At pinanood ko sa ibabaw ng usok si Jace na nanginginig sa galit. Tantiya ko, siya ang tipo ng taong alam ang halaga ni

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   RIVAL 2

    SUMMER POV:Hiyang hiya ako. Naalala ko ang dami ng mga bagay na nagawa nito para sa akin sa tagal ng panahon. Maliliit kumpara sa mga nagawa ni Lyndon sa loob lang ng ilang araw lang pero tinatanaw ko pa ring utang na loob.At isa pa, pinaasa ko ito. Tinanggap kong lahat yon dahil akala ko rin isang araw, may kahihinatnan ang lahat ng panliligaw nito.Anong klaseng tao ako at nakalimutan ko ang lahat ng bagay tungkol dito?Naglahad agad ng kamay si Lyndon sa tabi ko. “Lyndon Santiago, Summer’s fiance. From Manila.” Binakuran agad ako, pumantay sa aking tabi.Hindi nalalayo kay Lyndon ang taglay na kapangyarihang mayroon ang tahimik na personalidad ni Jace. Aristokrata, nasa kilos at pananamit at ngayon ko lang ito nakitang galit. Umaalon ang dibdib nito, nakatutok ang paningin kay Lyndon. Kininilala ang kaharap hanggang sa kaliit-liitang palatandaan kung ano ang pagkatao ng huli.Psychoanalysis ang tawag doon sa libro ni Helga kapag nakikibasa ako.Sumulyap si Jace sa itaas ng bahay

DMCA.com Protection Status