SUMMER POV:Medyo natunawan na ako at kahit hindi, sa tingin ko normal na reaksyon ng katawan ko ang umalon laban sa kanyang kanyang mga ginagawa. Umalsa ang aking mga dibdib at kinakagat ko na ang labi ko. Pero naalala ko na marami pa kaming ibang kasama. “Ang mga driver kaya, kumain na sila?”“Tatawagan ko ngayon para humanap ng puedeng resto para kumain.”Tumigil siya sa kapilyuhan sa akin at kinausap ang nasa manibela gamit ang intercom. Pero base sa sagot, pare-parehong busog pa ang mga yon. Ganoon din ang convoy sa una at likuran namin.O tawag ng trabaho kaya sanay silang magtiis?“Kung ayaw nilang kumain sa labas, puede mo bang ibigay sa ibang sasakyan ang dami ng pagkain na dala natin?”“Magandang ideya yan.” Mabilis niyang sagot. “Kumpleto naman ang utensils at disposable plates kaya magagawan na ng paraan habang nasa biahe.” Hinugot niya ang dalawang champagne sa container at tinawagan ang mga kasama namin. Sandali kaming huminto sa gilid ng daan at ibinigay sa dalawang k
SUMMER POV:Paos akong nakaraos, kumakapit na lang sa kubre-kama sa tindi ng pangangatal ng buo kong katawan.At habang umaalon pa ang katawan ko, inihahagod na agad ang pagkalalaki niya sa bukana ng hiwa ko, ikinakalat ang aking pagkabasa. Nakatitig siya sa mga mata ko habang ginagawa yon.“Hindi ako naniniwala sa gayuma, pero mas malala pa doon ang nangyayari sa akin mula pa nang una kitang makita hanggang ngayon. At lalo pa yong tumitindi.” Hinagod niya ng palad ang aking mukha hanggang sa aking buhok, naghahanap ng sagot. “Sabihin mo, ano bang ginawa mo sa akin?”Hinaplos ko rin ang mukha niya, nakaliyad ang dibdib kong tayong tayo, isinisiksik niyang mabuti ang lapad ng balakang niya para makalapit sa pagkababae ko ang sarili niya.“Ikaw rin naman. Nagsimula tayong parang aso at pusa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.”Sinalubong uli namin ng halik ang isa’t-isa, mainit at sabik na sabik. Matamis pa sa honey ang nakukuha namin sa isa’t-isa. Nagkukusa rin ang katawan k
SUMMER POV: “SALAMAT po, Diyos ko.” Nakapikit pa ako, halos manhid ang pakiramdam, pero kusa yong lumalabas sa bibig ko sa tuwing nagigising ako sa umaga may problema man ako o wala. Ang kaibahan lang ngayon, may dumamping halik sa panga ko, masuyo, dalawang beses—ang asawa ko. Legal na at hindi kasal lang sa banig.Totoo.Wala akong ideya kung anong oras na pero hindi ko masyadong maramdaman ang katawan ko: lutang. Manhid. Magaan. Parang naiwan sa panaginip ang buo kong pandama sa masarap na paraan.Pagmulat ko ng mga mata ko, nakadapa ako sa unan at nakatitig sa akin si Lyndon Santiago.“Thank God,” hinaplos niya ang kurba ng pisngi ko at inayos ang ilang hibla ng aking buhok. “Sanay na ako na naririnig na nagpapasalamat ka sa Dios kapag nagigising sa umaga pero ilang beses mo na nang ibinulong yan sa hangin pero hindi ka nagmumulat ng mata. Akala ko, kung ano na ang nangyari sa yo, Mrs. Santiago.”Ngumiti ako, abot sa mata. “Ayokong solohin ang responsibilidad. Sure ako na ikaw
SUMMER POV:Nagpatuloy siya nang hindi ako sumagot. “Itong bahay, ilang beses niya itong ipinabago. Ganon din ang mga interior designs dahil ayokong pumunta dito noon. Palagi kong sinasabing creepy at pangit ang bahay niya. Nang mamatay ang parents ko lalong ayoko dito siguro dahil naalala ko ang nakaraan at ang mga bangungot ko. Di hamak na mas maganda ang bahay na ito kesa sa townhouse kung saan namatay ang mga magulang ko. Pero dahil likas akong matigas ang ulo, pinangatawanan ko hanggang sa huli.”Idinikit ko ang pisngi ko sa dibdib niya, pinakikinggan ang tibok ng puso niya. “May kanya-kanya tayong paraan ng paghihilom ng sugat. At gusto kong samahan ka ngayong narito na ako.”May takot, nangangatal ang ginawa niyang paghigit ng hangin. “Sa parteng yan, hindi ko pa alam ang gagawin ko. Gusto kong maging tapat sa yo dahil asawa na kita. Hindi ako sanay na may confidante ako. Pero sisikapin ko.” May ilang sandaling hindi siya nagsalita, sabay sa pagtigil ng private elevator. “Sa t
SUMMER POV: “Sa totoo lang, hindi mo ito dapat nararanasan. Unfair ito sa inyo pero hindi ako mapakali. Aminin na natin, ito ang bunga ng relasyong minadali. At hindi ko kayang balewalain ang mga nalaman ko. Ang nangyari kasi, may nakakita sa babaing yon dito mismo sa ating lugar na may hinabol na babaeng buntis nang araw na nagkaroon ng bayanihan sa bahay namin. At malakas ang kutob ko na hindi yon coincidence, sinadya niyang pumunta dito para kilalanin ka. O baka matagal ka nang kilala at ikaw talaga ang target niya?”Hindi agad ako nakakibo. “Posible ngang ako ang pakay niya.” Hindi ko na sinabi kay Helga na nakita ko na rin ang mukha ni Tatiana nang gabing yon. Ikalawang beses sa pictures na nasa pintuan na hindi ko na lang binuklat.Pero ayoko siyang lalong magalit at mag alala.At oo, ito ang bunga ng relasyong minadali at padalos-dalos. Marami pa lang gusot na dapat munang inayos bago kami pumasok sa seryosong ugnayan. Na ngayon ay huli na para pagsisihan. Kailangan na itong
SUMMER POV:“I’m sorry, hindi ko intensyong insultuhin o galitin ka. Maniwala kang ayoko ring nag aalala. Pero sa bilis ng nangyari sa atin, hindi maiaalis na baka may tao tayong nasaktan.”“Ilang taon na akong walang kaugnayan sa ex girlfriend ko. Ni wala kaming komunikasyon. Wala ring akong sabit kahit kanino kaya kalokohan na magpa apekto tayo sa ganito.” Itiningala niya ako gamit ang daliri niya sa baba ko. “Sweetheart, narito tayo para mag honeymoon.”Sa isip ko na lang sinagot ang sinabi niya: pero habang nagpapakaligaya tayo ngayon baka may nababaliw sa panghihinayang sa yo.“Nasabi ko na sa yo. Hindi na ako mag aalala. Ikaw na ang bahala.” Sa halip ay sinabi ko. Minsan, nakakabuti raw ang white lies lalo na kung mapapanatili ang mas tahimik na samahan.Ayokong mag away kami dahil nakikita ko namang ginagawa niya ang lahat para sa amin, para sa akin at para sa ikabubuti ko.Siguro, kailangan ko na lang tumulong sa mga paraang alam ko.“Lahat ng bagay, gaano man kakumplikado sa
LYNDON POV: Sa huli, naniwala ako kay Lolo na hindi ito ang tamang babae sa akin kahit nagrerebelde ako. Iginalang ko rin ang kasal nito sa ibang lalaki. Ako na ang umiwas dahil pakiramdam ko, loser ako. Walang kuwenta. Pero nang makilala ko si Summer, biglang nagbago ang lahat. Parang sobra sobra ako para sa kanya wala pa man akong totoong napapatunayan. Yong mga bagay na ginagawa ko na para kay Tatiana at corny at kalokohan lang—naa-appreciate ni Summer at ng mga tao sa paligid niya. Acknowledgment. Masarap pala yon sa pakiramdam. Kakambal pala noon ang contentment sa buhay. Lalo na kapag may kalakip na respeto, wala yong katulad. May mga gabi na parang sasabog ang puso ko sa kaligayahan. Yon ang naramdaman ko sa piling ni Summer na hindi ko naranasan kay Tatiana. With my ex, the sex was good, extra ordinary. Wild. Pero pagkatapos, hindi nawawala ang mga tanong kung saan papunta ang relasyon naming dalawa. Kapag kami ni Tatiana ang magkasama, pareho kaming mga tupang
LYNDON POV:Nagbago ang lahat ng yon nang makita ko ang pagmumukha ni Mario. Literal akong nasiraan ng bait. Mas malala nang makilala ko si Jace. Bumaliktad ang mundo ko.Para akong treasure hunter na nakakita ng isang kuweba na puno ng ginto tapos may bigla pa lang aagaw niyon sa akin.Hindi sex lang at anak ang habol ko kay Summer Hererra. Kailangan ko siya para huminga, mabuhay, magpatuloy, makapag focus sa goal ko at maramdamang tao pa ako at may silbi sa mundo.Siya ang lahat lahat sa akin.Siya lang walang iba.“At kaya mo rin ba siyang protektahan sa mga tao mula sa nakaraan mo, sa partido mo at sa mundong ginagalawan mo?”“Hindi ko siya hahayaang masaktan. Ipinapangako ko.”Huminga siya, parang torong nauulol sa galit. Kuyom ang isang kamay at oo, ayaw niya sa akin. Hindi niya ako gusto mula ulo hanggang paa. Maganda siya para sa isang mangkukulam kung totoo nga ang propesyon na yon. “May isa akong kahilingan. Kung maibibigay mo ito, ipinapangako ko sa yong hindi na kita gagam
SUMMER POV:Hindi ako nakaimik. Nalungkot ako para kay Jace. At parang sandaling sinakal ang puso ko. Pero tadhana ko nga siguro si Lyndon Santiago at masaya ako sa piling nito. Kaligayahan at kilig na agad kong naramdaman kumpara sa mga panahong kasama ko si Jace.Si Jace para sa akin ay parang maligamgam na agos ng tubig. Isang uri ng kaibigan na habangbuhay na masarap ituring na bahagi ko. Kapamilya. Isang tahanang mauuwian sa panahon ng bagyo at mga kalamidad.Isang mabuting kaibigan.Hanggang doon lang. Humigpit ang hawak ko sa dokumento. Binabalak kong itago. At gusto ko ring personal na pasalamatan si Jace sa mga pagmamalasakit niya sa akin at sa pamilya ko.“Ikaw, balak mo pa bang umalis?” Naisip kong itanong dahil nakita ko ang malaking travelling bag niya na nakatayo malapit sa kama. Naalala ko ang sinabi niya noong isang linggo.“Bukas na.” Tumungo siya, nilalaro ang daliri. Malungkot na nagbuntong-hininga. “Ayaw ko sanang iwan si Lola pero siguro nga ito ang makakabuti sa
SUMMER POV: “Saka na tayo magbukas ng regalo. Sabay na tayong maligo.”Naligo kami bago umalis sa hotel, pero napawisan kami ng konti sa pagmamadaling bumalik sa bahay, naglakad rin kami sa damuhan at naligo sa konting alikabok sa pag aayos ng mga regalo. Centralized ang aircon sa buong bahay pero sadyang nag iinit talaga ang asawa ko sa akin at walang oras.“At paano itong ikinalat natin?” Ang daming packaging na halos matapakan na namin ang iba. Nasa leeg ko na ang bibig niya, humahagod sa sensitibo kong balat, ibinababa na ng isang kamay ang panty ko sa ilalim ng aking bestida. Tinutupok ako ng basang apoy gamit ang mga halik niya.Oh, God!“Makakapaghintay yan pero ako, hindi.”Saglit pa at tumatakbo na kami sa loob ng bahay papunta sa sarili naming silid, magkahawak kamay.At ang panty ko, nasa loob na ng palad niya, hinubad talaga bago ako pakawalan at hinatak sa kamay kanina.Pinuno namin ng ungol, daing, halinghing at impit na mga sigaw ang bathroom namin. Naging saksi ang
SUMMER POV: Sa maliit na balkonahe ng kubo ng tatay ko, inabutan namin sila ni Lolo na naglalaro ng chess habang nagkakape kaharap ang tatay ko. Walang tumitingin sa amin kahit isa kahit alam nila pareho na nakauwi na kami. Tutok na tutok na para bang may malaking pustahang nakataya.At kahit ang dalawang alaga ng tatay ko, hindi tumatahol, angat ang mga tenga, parang nararamdaman ang matinding kompetisyon sa pagitan ng dalawang lalaki sa pagitan ng kawayang mesa.“Hayo,” taboy sa amin ni Don Hugo. Kumumpas ang kamay nang hindi tumitingin sa amin. “Abala kayo.” Mukhang masama ang loob at talo. Ang isang kamay, nakatukod sa cane.At si Trevor, nakatanghod rin, hindi humihinga sa tensyon.Nakita ko sa Don sandali ang ugali ng asawa ko; gusto lagi ang makipagsabayan kahit sa mga bagay na hindi niya kabisado gaya nang magtanim kami ng palay at nakipagkarera siya sa mga magtatalok.Napangiti ako.Base sa karanasan, karamihan ng dumadayo sa tatay ko, natatalo talaga sa chess. Minsan, may
SUMMER POV:Nagsimula siyang maglabas-masok, mabagal, kinukuha ang anggulo kung saan napapadaing ako. Marahas siyang bumuga ng hangin, “sabihin mo sa akin kapag may mali sa pakiramdam mo,” paalala niya, bumibilis ang paglabas-masok sa akin.Sa halip na matakot, naging gutom ako at mas hayok dahil sa pag aalala niya sa akin. “Okay.” Tahimik kong sagot, napapadaing sa konting sakit at init na nararamdaman ko. Ramdam ko ang mga ugat sa kanyang pagkalalaki, humahagod sa loob ng aking laman, gumuguhit at nagsisimula na namang gumawa ng hindi nakikitang apoy.Kumpara sa sex against the wall, mas kontrolado niya ngayon kung paano lalabas at papasok sa katawan ko sa bilis na kaya ko ring tanggapin. Umuga ang katawan ko nang isalya niya ang katawan niya sa pigi ko at napadaing ako nang bumangga siya sa hangganan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko habang pinaliligaya niya ako kaya binasa ko uli ang labi ko dahil nararamdaman ko ang maugat at malaking kahabaan niya sa posisyong ito. Humahagod sa
SUMMER POV: Desperado ako para sa kanya, bumabaon ang mga kuko ko sa likod niya sabay sa umuulos niyang balakang. Napisa ako sa pader pero hindi ko na maramdaman ang lamig niyon. Init. Nakakatunaw na init ang lumukob sa akin. Ginawang hindi nakikitang apoy ang buong silid sa puntong hindi ako makahinga at naghihintay na lang ng pagsabog. Nilalabanan ko ang malupit na pangangailangang kailangan kong umindayog laban sa kanyang pagkalalaki at maging bahagi ng paparating na sukdulan at sabay kaming kumikilos para doon. Naging mas mabagsik ang mga pag ulos niya, ramdam ko kung gaano naging singtigas ng mga bato ang kalamnang nakayakap sa akin ng mahigpit, minamahal ako, inaangkin sa kontroladong lakas na sapat para ligaya lang ang aking maramdaman.“Oh, God.” Naliligo na kami sa pawis, magkadikit ang aming mga katawan, tumatahip ang aming mga dibdib. Parang bagyo na nagbanta ang orgasm ko, sumikip, kumuyom ako laban sa kanyang pagkalalaki, humihigpit. Nagmura siya, bumaon sa pang upo ko
SUMMER POV:Walang kahirap-hirap na naalis niya ang huling saplot ko sa katawan, ang bikini ko, habang nakadagan ako sa ibabaw ng katawan niya at nakababa sa gilid ng kama ang dalawa niyang binti.Palaging ipinararating ng mga kamay niyang naglalakbay sa likod ko, sa balakang at paakyat sa aking katawan kung gaano niya ako kagusto at kailangan. Palaging naroon ang pag iingat. Sa bawat pagdiin ng kanyang daliri sa laman ko na may halong panginginig at pag iingat, alam ko kung gaano niya ako kailangan.Nagawa niyang bumalik pataas sa headboard nang nasa ibabaw niya ako at hinahalikan, umaatras gamit ang dalawa niyang siko at matatag na mga braso. At para lang akong manika na ipinailalim uli. Mabilis na gumapang pababa sa aking leeg ang kanyang bibig. Pababa pa sa iisang direksyon. Dumaan sa pagitan ng mga dibdib ko, sa puson at napakapit na lang ako sa unan nang sabay na pumisil sa dibdib ko ang dalawa niyang kamay habang pinararaan ang tungki ng kanyang ilong sa hiwa ng pagkababae
LYNDON POV: Nilaksan ko ang loob ko. “Masarap mabuhay ng simple, tahimik at masaya. Nang maranasan ko yon kasama ang asawa ko, parang ipinanganak ako uli. Naging bagong tao ako. Gusto ko pong maranasan din ninyo yon at hindi puro trabaho. You’ve done enough, more than enough. Let the professionals run your businesses. And I promise to have a team who will oversee everything. Ang galante ninyo mag invest sa ibang negosyo kaya sarili naman ninyo ang pagbigyan ninyo ngayon. Hindi ko kailangan ang mana galing sa inyo. Kahit sa mga charitable institutions ninyo yan ibigay lahat. Ikaw ang kailangan ko. Huwag ninyo ako hayaang mag isa, Lolo.”Gustong gusto ko pong makabawi sa inyo.“Marami ng nagmamahal at nagmamalasakit sa yo ngayon. Hindi mo na ako kailangan pang isipin.” Obvious naman na pinasubaybayan niya ako at ang pamilya ni Summer. “And when I die, I don’t want a funeral. It should be done in private. Burn me ASAP. In less than a day. That’s an order.”Hindi mo na ako kailangan,
LYNDON POV:“Huwag mo akong iyakan, hindi pa ako patay.” Binawi ng Don ang kamay sa pagkakahawak ko sa kanya. “Kamusta ka na dito?”“Lo…” hindi yon ang gusto kong pag usapan. “Akala ko ba maayos na kayo at magaling na?”Nitong nakaraang ilang linggo na hindi kami nagkikita, masigla naman ang boses niya sa phone kaya napaniwala niya akong wala na siyang sakit at nagpapalakas na lang. Kaya bakit kumikilos siya ngayong nang ganito?“Maayos na sana talaga ako, pero naisahan na naman ako ng yong kaaway. Matindi talaga ang galit niya sa atin. Tinakot niya ang mga tauhan ko nang malamang hindi ako natuluyan at nadala pa ako sa ibang bansa. Hanggang sa naglilingkod sa akin sa loob ng opisina at sa safehouse kung saan ako nagtatago, talagang pinaghandaan niya ang lahat. Tinangka niya akong patayin sa iba’t-ibang paraan kaya hindi kita malapitan dahil ayokong madamay ka.” Lungkot at hindi galit ang dumaan sa kanya kasunod nang mahabang buntong-hininga.“Sino po bang kaaway ko ang tinutukoy ni
SUMMER POV: Tinapik ng Don ang balikat ng apo niya, sa kasosyo nakatingin. “Lyndon, meet my kumpadre, ang COO ng isa sa top ten banking and transportation companies sa bansa, si Don Protacio Ledezma. He is looking forward to working with you.” Idinugtong nito, pilyo ang ngiti, “actually ang isa niyang apo ang humahawak sa isang subsidiary ko sa halip na magtrabaho sa kanyang lolo. At halata naman ang dahilan—mas guwapo at mas matikas ako kaysa sa kanya.”Tawanan, dahil pareho namang walang itulak-kabigin sa kisig ang dalawa. Matangkad rin ang kaibigan ng Don.Yumuko si Lyndon kay Mr. Ledezma. “It was my pleasure meeting you, Sir,” kasabay ng paglalahad niya ng kamay.Marami pa ang lumapit sa amin. Bawat isang dumating, ipinakikilala ng Don sa kanyang apo. Pero habang tumatagal, napapansin kong nahihirapan ang Don na nakatayo sa harap ng mga bisita at nanginginig na ang hawak sa cane. Nilapitan ko si Trevor at pinakiusapan ko na mag request ng ibang seating arrangements.Isang malak