SUMMER POV: “Isinanla mo ang sasakyan ng lolo mo?”Tumingin siya akin, nangingiti. “Maniniwala ka ba na kahit kaluluwa ko, isasanla ko makasama lang kita?”Napanganga ako.Ay, iba.Ibang dumiga ang lalaking ito. Napailing ako. “Eyes on the road po.” Malala na siya. “Sinabi ko na kanina, ayoko pang mamatay kasi may dadalawin pa ako sa bilibid. At may hahanapin pa akong kapatid. Sa kubo namin, 27 na manok at dalawang baka pa ang naghihintay sa akin.”Ngumisi siya, nasa unahan na ang tingin. “Sinong nag aalaga sa kanila?”“Yong manliligaw ko. Malapit lang siya sa amin.”“Akala ko ba, ayaw mo sa utang na loob?”“Sila na ni tatay ang may usap niyon. Usapang lalaki kaya ayokong manghimasok. Isa pa, maginoo siya at tipong hindi naman ako dadahasin kung hindi ko sasagutin. Alam kong mapagkakatiwalaan siya.”Nagmura siya, pabulong.“Wala akong karapatang magalit, pero yon ang nararamdaman ko.” Pag amin niya. Gumagalaw ang panga, nagtatagis ang mga bagang.“Gutom lang yan,” tahimik kong sabi.
Last Updated : 2024-12-09 Read more