LYNDON POV: Hindi na virgin ang mga palad niya!Tangina. Kailangan ko talagang maka-iskor mamaya.Pero paano?“May problema tayo, Sir,” ang babaing pinagpala sa lahat ng secretary ko dahil hindi ko sinisante kahapon, si Georgia. Kumatok, sumilip at sa senyas ko saka lang naglakad papasok. Dahil sa natatanging pribilehiyo, nadagdagan ng 10% ang confidence niya at nagustuhan ko yon. Ganito ba ang feeling ng may regular employee na nag aasikaso sa yo? Ibinigay ko sa kanya ang buong atensyon ko. “Nag-resign daw po sabay-sabay ang mga skilled laborers sa residential project na nasimulan na natin last week. Halos buong team na naka assigned doon, nag back out po kaninang umaga.”“A-Ano?” Para akong tinamaan ng higanteng troll at napisa ang utak ko. “At bakit naman nila yon gagawin? Isa ako sa mataas magpasahod, ‘di ba?”Ah, si Lolo pala. Dahil kung ako ang masusunod—babawasan ko pa.“Sabi ng ilan sa upper management, nag alok daw po ang isa sa kalaban nating company ng parehong salary and
LYNDON POV:Ganito na ako magpatakbo ng negosyo mula pa nang hawakan ko ito sa loob ng halos dalawang dekada na .Over achiever ako noong nag aaral. Hindi ko siya binigyan ng kahit anong kahihiyan. Ang focus ko noon, trabaho lang. Maliban yong mga oras na nabaliw ako kay Tatiana Lagdameo sa loob ng tatlong taon.Nang mangyari yon, muntik na akong magpakamatay. At napansin ko, bumait si lolo at palagi na’y inuunawa ang mga pagkakamali ko.Kaya ano kaya ang dahilan ng galit niya ngayon?“Maupo ka.” Hindi siya tumitingin sa akin gaya ng dati. Ang salt and pepper sa mukha niya ang nagsasabing sa lahat ng tao sa mundo, siya lang ang hindi ko mauuto at maloloko. Pero hindi pa man lumalapat sa mahogany chair ang pang upo ko, lumipad na sa mukha ko ang bungkos ng papeles na parang sampal na dumapo sa akin.“Ano po ito, lolo?” Nagulat ako kasi ito ang unang beses na sinaktan niya ako.“Zimberguenza!” Tumayo siya at hinataw ako ng cane na mabilis kong nailagan. “Kailan pa nawala pati ang kal
LYNDON POV:“Sigurado akong hangal na babae lang ang magpapakasal sa gaya mo. Hindi mo nga kayang tanggapin ang pagkakamali mo. Wala kang utang na loob!”“Alam ninyo ba kung gaano kahabang panahon bago magka anak? It takes a year or so, lolo! And it was insane! Matitiis ninyo ba talagang hindi ako makita sa loob ng isang taon o higit pa?”Weekly, kumakain kami ng sabay. Magkasama sa fishing. Sa golf at sa maraming bagay. At siya lang ang matalik kong kaibigan at nakakausap kapag gulong-gulo na ako!Itinuro niya ang pinto. “Layas.” Para akong insektong itinaboy. “Tatawagan ko ang guards at ipapakaladkad kita o magkukusa ka?”Damn it! Huminga ako sa harap niya gaya ng lobong maninila.Anak? Saan naman ako hahanap ng instant baby maker na hindi maghahangad sa kayamanan ko?May iisang babae ang sumilip sa isip ko: si Summer!Lumabas ako ng silid ni Hugo at walang lingon-likod nga akong lumayas.Gusto mo ng apo?Pwes, bibigyan kita kahit isang dosena pa!Pinaharurot ko ang sasakyan mata
SUMMER POV: “OKAY, payag na akong sumama ka sa probinsya namin, pero may isang kondisyon.” Simula ko nang kumalma ako mula sa pagwawala kanina. Walang nabago sa speed ng takbo ng kotseng minamaneho ni Lyndon sa puntong lumilipad na kami sa daan pero kontrol ang kailangan ko. Kung magpapanic ako, siguradong mamamatay kaming dalawa. May mali sa lalaking ito. Ang init ng kanyang ulo wala rin sa katuwiran. Ang mga kilos niya, iresponsable. At ang paghinga niya mula sa may kinatatakutan nagiging mas maaliwalas sa punto namang parang nakawala sa kural. At kanina pa siya hindi nakakarinig kahit pinaalalahanan ko siya. Kaya sinigawan ko siya nang malakas nang wala pa ring sagot. “Sir!” Ginawa kong sub wooper ang mga kamay ko. “May sinasabi po ako!” Kumibot ang panga niya, sa wakas, lumingon na sa akin. Galit. “Tawagin mo ako sa pangalan ko! Hindi ka ba nakakaintindi?” Hinawakan niya ang kambiyo at nagbawas ng speed dahil nag red signal ang stop light sa unahan. Nagsimulang magbila
SUMMER POV: “Isinanla mo ang sasakyan ng lolo mo?”Tumingin siya akin, nangingiti. “Maniniwala ka ba na kahit kaluluwa ko, isasanla ko makasama lang kita?”Napanganga ako.Ay, iba.Ibang dumiga ang lalaking ito. Napailing ako. “Eyes on the road po.” Malala na siya. “Sinabi ko na kanina, ayoko pang mamatay kasi may dadalawin pa ako sa bilibid. At may hahanapin pa akong kapatid. Sa kubo namin, 27 na manok at dalawang baka pa ang naghihintay sa akin.”Ngumisi siya, nasa unahan na ang tingin. “Sinong nag aalaga sa kanila?”“Yong manliligaw ko. Malapit lang siya sa amin.”“Akala ko ba, ayaw mo sa utang na loob?”“Sila na ni tatay ang may usap niyon. Usapang lalaki kaya ayokong manghimasok. Isa pa, maginoo siya at tipong hindi naman ako dadahasin kung hindi ko sasagutin. Alam kong mapagkakatiwalaan siya.”Nagmura siya, pabulong.“Wala akong karapatang magalit, pero yon ang nararamdaman ko.” Pag amin niya. Gumagalaw ang panga, nagtatagis ang mga bagang.“Gutom lang yan,” tahimik kong sabi.
SUMMER POV: Namaywang siya, nakaliyad. “Sinong maysabing gusto ko nang umuwi? All I’m asking of you in this very fucking moment of my life is just tell me the fucking truth! Gaano pa ba kalayo ang lintik na bahay mo?”Tumirik ang mata ko sa langit. “Mahigit dalawang kilometro ang sinabi ko sa yo kanina, di ba?” Tatlo talaga halos pero gusto kong sumuko siya dahil pahahabain ko ang distansya at iikot-ikot pa kami sa sukalan para mas masaya. Oo, puedeng maging apat depende sa kanya! “Mr. Fuck Word Lover, wala ka pang 500 meters mula sa kalsada!” Diyos ko, nakakahawa nga pala ang init ng ulo at sama ng ugali kaya pinapipili ako ni tatay ng mabuting kaibigan. “Ilang beses kitang tinanong kanina diba, kung kaya mo? Ang sabi mo, Oo!” Kumukumpas na rin ako sa galit. “Sinabi ko na rin sa yo sa bukana pa lang, wala ring tulay o sementadong daan papunta sa amin.” Meron, nasa kabila ng sukalan. “Pangalan lang nito ang kinuha kay San Luis Gonzaga pero Isolated and God-forsaken place ang am
SUMMER POV: Natulala ako. Naggagalawan ang mga muscles niya sa katawan. Makintab ang pawis at parang milyon-milyong diamante na nakabalot sa makinis niyang balat.At ang six pack abs, mas maganda pala sa personal kesa sa magasin ni Helga.Maraming nakahubad dito, karaniwan na pero ngayon lang ako nakaramdam ng lungkot dahil nasilayan ko ang mga yon.“Bakit?” Manghang-mangha si Lyndon sa reaksyon ko. Nakatulala ako sa kanya, hindi humihinga. “Ngayon ka lang ba nakakita ng walang suot na t-shirt? Pulang-pula ka, ah. O pinagpapantasyahan mo na ako kahit tirik na tirik pa ang araw?”Hindi ko napansin ang sinabi niya. “S-Sayang ang damit mo, bakit mo sinira?” Kung branded yon, halos kalahating sako na ng bigas ang halaga.Iba ang dating sa kanya ng sagot ko. “Wala pang babaing hindi nabaliw sa katawang ito, Miss Hererra.” Sinusukat yata ang level ng karisma niya at epekto ng katawang yon sa akin. “Sinusugod nila ako at ang pawis ko—pabango na nila.”Napangiwi ako. Naalala ko ang sinabi
SUMMER POV:“Baka manibago ka sa tubig na ininom mo,” sabi ko nang makababa na uli ako. “Pakukuluan ko ang isang takure at igagawa kita ng kapeng barako.” Hindi ko alam kung dala ng kahihiyan na nakikita ako ng isang mayamang lalaki sa miserable kong kalagayan kaya hindi ko namalayang umiiyak na pala ako at naawa sa sarili ko.Wala na yata akong dangal at dignidad na maipagmamalaki kay Lyndon Santiago.“W-What’s wrong? Bakit umiiyak ka?” Bigla siyang nataranta. Umangat sa pagkakaupo sa papag, sa sulok kung saan may haligi sa ilalim para sa bigat niya.Halos hindi mapigilan ang sarili na hawakan ako.Umiling ako. “Hindi,” singhot, pahid ng luha, sabay ngiti. Ayaw ng bestfriend ko ng madrama, nananakal yon. “Naalala ko lang ang dati naming pamumuhay dito noong buo pa ang pamilya ko at sagana kami sa lahat kahit nakatira kami sa kubo.” Inilibot ko sa paligid ang paningin ko.Maayos kami noon at maingay sa bahay na ito. Ang alaga namin, napakarami at may taniman pa ng gulay sa paligid.At
LYNDON POV:“Huwag mo akong iyakan, hindi pa ako patay.” Binawi ng Don ang kamay sa pagkakahawak ko sa kanya. “Kamusta ka na dito?”“Lo…” hindi yon ang gusto kong pag usapan. “Akala ko ba maayos na kayo at magaling na?”Nitong nakaraang ilang linggo na hindi kami nagkikita, masigla naman ang boses niya sa phone kaya napaniwala niya akong wala na siyang sakit at nagpapalakas na lang. Kaya bakit kumikilos siya ngayong nang ganito?“Maayos na sana talaga ako, pero naisahan na naman ako ng yong kaaway. Matindi talaga ang galit niya sa atin. Tinakot niya ang mga tauhan ko nang malamang hindi ako natuluyan at nadala pa ako sa ibang bansa. Hanggang sa naglilingkod sa akin sa loob ng opisina at sa safehouse kung saan ako nagtatago, talagang pinaghandaan niya ang lahat. Tinangka niya akong patayin sa iba’t-ibang paraan kaya hindi kita malapitan dahil ayokong madamay ka.” Lungkot at hindi galit ang dumaan sa kanya kasunod nang mahabang buntong-hininga.“Sino po bang kaaway ko ang tinutukoy ni
SUMMER POV: Tinapik ng Don ang balikat ng apo niya, sa kasosyo nakatingin. “Lyndon, meet my kumpadre, ang COO ng isa sa top ten banking and transportation companies sa bansa, si Don Protacio Ledezma. He is looking forward to working with you.” Idinugtong nito, pilyo ang ngiti, “actually ang isa niyang apo ang humahawak sa isang subsidiary ko sa halip na magtrabaho sa kanyang lolo. At halata naman ang dahilan—mas guwapo at mas matikas ako kaysa sa kanya.”Tawanan, dahil pareho namang walang itulak-kabigin sa kisig ang dalawa. Matangkad rin ang kaibigan ng Don.Yumuko si Lyndon kay Mr. Ledezma. “It was my pleasure meeting you, Sir,” kasabay ng paglalahad niya ng kamay.Marami pa ang lumapit sa amin. Bawat isang dumating, ipinakikilala ng Don sa kanyang apo. Pero habang tumatagal, napapansin kong nahihirapan ang Don na nakatayo sa harap ng mga bisita at nanginginig na ang hawak sa cane. Nilapitan ko si Trevor at pinakiusapan ko na mag request ng ibang seating arrangements.Isang malak
SUMMER POV: Parang hindi ako matutunawan dahil hindi ko alam kung alin sa mga kubyertos ang dapat kong hawakan.Ang mga ganitong sandali, nagpapakaba sa dibdib ko dahil iba ito sa aking mundo.“Anong nagustuhan mo sa apo ko?” Parang dart ang tanong ng Don, bull’s eye sa puso ko gayong hindi na nga ako makahinga sa kinauupuan ko. Ang daming paru-paro sa silmura ko pero nagwawala. Parang may delubyo. Ang puso ko, tumalon na sa lalamunan ko. Huminto ang tinidor ko sa steak, at dumulas ang stainless knife na ginagamit kong panghiwa. Tumalsik ang piraso ng karne kay—lolo na nasa tapat ko at tumama sa kurbata niya.Puting-puti pa naman ang suit niya at blue ang kurbata at dinumihan ko agad sa aming paghaharap.Huminto ang mundo ko.Napatitig ako sa kanyang mga mata na halatang marami nang alam at nakitang mga magaganda at pangit na mga bagay sa mundo. Matalino ang kislap niyon, pinag aaralan kahit ang paghinga ko.Guwapo siya sa personal, kaysa sa litrato kaya hindi ko agad nakilala. P
LYNDON POV:Narito ba si Don Hugo Santiago?Bumilis ang tibok ng puso ko. Damn, ang doble-karang matanda, posibleng gugulatin si Summer gaya ng ginawa nito noon kay Tatiana!Tumayo agad ako at sinundan ko si Summer na nagpaalam papuntang powder room.Pero isang guest ang biglang tumayo at natapilok ako sa paa ng bangko na biglang humarang sa daraanan. “Aw, shit!” Iniwasan ko na lang pero parang sinasadya ng waiter na nasalubong ko na makipag patintero sa akin sa kanan at kaliwa. At nang hawiin ko, halata na ang ginawang pagharang sa akin. Kumpirmado, may binabalak ang Lolo ko.Oh, hindi.Summer!****SUMMER POV:PARA akong lumulutang sa saya. Ganito pala ang totoong kahulugan ng honeymoon. Totoong pulot-gata. Walang oras na hindi ka lalanggamin dahil busog na busog ka sa pag ibig.Ang ganda ng pakiramdam ko sa lahat.Ito ang totoong paraiso sa lupa.Hinagod ko nang tingin pababa ang sarili ko habang naglalakad. Suot ko ang terno ng blouse na puti at kulay apricot na pants. Binili
SUMMER POV;Relief ang dumaan sa mga mata niya. Hinapit niya ako nang mas mahigpit na yakap para ikulong sa dibdib niya. “Sapat na yon. Alam kong malalampasan natin ang lahat nang ito. At ipinapangako ko na hindi kita iiwan at mananatili ako sa tabi mo.”Nang gabing yon, naligo kami sa private jacuzzi sa loob ng aming suite. Nagtalik kami nang dalawang beses. Nakatulog ako sa pagod at nagisnan ko siya na tutok na tutok sa laptop niya. Ang oras sa bedside table: alas dos ng madaling araw.“Akala ko ba hindi ka muna magtatrabaho?” Yumakap ako sa bewang niya sa pagkakasandal niya sa headboard ng kama. Hinila ko ang unan ko palapit sa kanya at sumiksik ako sa kanyang tagiliran. Nakisilip ako sa pinagkakaabalahan niya. At nakita ko kung ano yon: 3D blueprint ng bagong bahay na base sa location ay yon mismong kinatatayuan ng container house base sa terrains at hugis ng mga concrete roads mula sa ereal view. Kapansin-pansin ang napakaraming plano ng security measures na na inilalatag sa b
SUMMER POV:Sa labas ng silid, umihip ang malakas na hangin sa dagat. Humampas ang mga alon sa mga batuhan at sinalpok ng mga yon ang dalampasigan, kasing tindi ng aming pagtatalik.Na tila walang katapusan.—---------------NAGING highlight ng staycation namin sa resort ang sabay naming pag aalaga sa sarili: couple massage, skin care treatments at sinubukan ko ang Brazilian waxing nang hindi alam ng asawa ko. Kaya gulat na gulat siya sa mas makinis na version ng flower ko na lagi niyang kinababaliwan.Sa loob ng resort, sinubukan namin ang ilang water activities.Namasyal din kami sa bayan at nag shopping ng ilang pirasong damit para sa aming all week honeymoon. At dahil madaling magpadeliver ng kahit ano dahil magkakakilala halos ang mga tao sa San Luis, nagpadala ako sa bahay ng 2 bilao na kakanin at iba pang meryenda mula sa aming pamamasyal.Dapat lahat ay masaya, hindi lang kaming mag asawa. Nang mga sumunod pang oras, umikot ang buhay namin sa sex, kain, tulog, recreation at
SUMMER POV: Isinukat ko ang bracelet mula sa oval velvet box. At medyo nagulat ako sa presyo. 15k para sa 1mm dancing chain na may isang rose quarts na bato sa gitna. Mahigit isang gramo lang ang timbang ng metal na ginto.Kung 5k per gram ang yellow gold ngayon, triple ang presyo ng bracelet na ito dahil lang sa isang pirasong bato ng gemstone na base sa clarity dahil meron nito ang nanay ko noon—mababa ang halaga.Itinapat ko sa ilaw ng stante ang nag iisang gemstone sa sentro ng design at nakita ko ang mga crack niyon sa loob. Chip. At hindi rin pare-pareho ang clarity ng bato sa iba’t-ibang bahagi nito.May panahong nauso ang gemstone hunting dito at may ilang tao ang nag invest sa pagminina. Hindi nakaligtas ang mga ilog at sapa. May ilang bundok na nasira. Sa huli, ang mga bato o gemstone na ganito, wala palang value kapag isinanla mo na. Bumili ang tatay ko para sa nanay ko, nakapalawit sa isang necklace gold chain na manipis. Pero nang kailanganin namin ang pera nang marat
LYNDON POV: Jesus. Kulay rosas ang pisngi niya at napakabango.Kailangan?Kailan ba wala?“I will tell you outside.”Nagtataka ang titig na ibinigay niya sa akin. “Bakit, wala ka bang trabaho ngayon sa opisina mo?”Umiling ako. “Wala pa sa plano ko ang magtrabaho. Ikaw lang ang gusto kong trabahuhin.” Ibinulong no sa kanya ang huling linya. At nakita kong namula siya. Mahigit isang dekada akong walang R and R malibang si lolo na ang nagyayaya at sapilitan pa. Gaano ako kalupit sa sarili ko?At ang bagay na yon, kailangan ko na ring baguhin. Happy husband, happy wife.I can't pour from an empty cup. “May pupuntahan tayo ngayon.” Sumulyap ako sa wristwatch ko: pasado alas onse ng umaga.Hinila ko siya sa kamay pero hindi papasok ng bahay, dumeretso kami sa parking lot, isinakay ko siya sa sasakyan at tahimik kaming umalis sakay ng SUV.Sa daang palabas na ng bayan, tumawag ako kay Berta na sa labas na kami magtatanghalian. At nag text ako ng ilang bagay para sa lakad naming mag a
LYNDON POV: “Malinis.” Mabigat ang buntong-hininga ni Reed sa kabilang linya. “Iniisip ko nga na baka inside job talaga kaya nakalusot din sa gate at sinasabi nila na dinahas ang guards. Wala rin kasing recorded surveillance ang security department nila sa loob ng ilang araw sakto sa panahong nangyayari yon sa yo. Something is really off, isn’t?”“Kung ganoon, sinasabi mo ba na posible na pinagkakaisahan ako sa lugar na yon kaya walang nakialam at walang may pakialam?”Hell. Puede. Kasi ilang araw na may mga tao sa loob ng bahay ko at labas-masok ang sasakyan. Kung dinahas ang mga bantay sa gate, paano nilang nagawa yon gayong walang ibang exit at entry point maliban sa main gate?“Mismo,” tahimik na tugon ni Reed. “At posibleng naging madali kay Jace Alastair ang problema dahil nagkusang loob sila na magbigay ng mga detalye at kopya ng CCTV na hindi natin makuha hanggang ngayon.”Gusto kong magmura nang sunod-sunod pero walang dahilan na mas palakihin pa ang gulo.Kasalanan ko