Dahil wala ang asawa, parang mas komportable si Jyla na magpuyat. At kung sakaling mauhaw man siya o magutom, ay malaya siyang makakalabas ng kwarto para magpuntang kusina. Hindi na rin siya maiilang na magpuntang banyo.Simula noong bata pa siya, sobrang hilig na niyang mag-drawing, hindi lang ng kung ano-ano, dahil ang pinakapaborito niyang i-drawing ay ang mga matataas na gusali. Nagsimula siya sa simpleng istruktura na may bintana bawat palapag. Pero ngayon ay iba’t ibang disenyo na ng istruktura ang ginagawa niya, mapa-twin tower man ito, may helipad, at may obelisk sa taas at kung anu-ano pa. Pero hindi lang panlabas na ang kaya niyang gawin, kahit pa ang mga detalye sa loob ng bawat kwarto ng bawat palapag. Kaya nga minabuti niyang kuhanin ang kursong architecture para sa kolehiyo. Parang sobrang lapit na niya noong maabot ang mga pangarap niya. But her dreams had come to a halt when she was imprisoned for murder. Gumuho ang mundo niya at unti-unti, natanggap niyang hindi na
Last Updated : 2024-12-25 Read more