JylaMatagal na tinitigan ni Jyla ang pintuan ng bahay na minsan nilang tinirhan nang magkasama ni Zion. Bumalik sa alaala niya ang lahat, simula sa una nilang pagkikita ni Zion. Napakarami na niyang pinagdaanan sa poder ng asawa, hindi lang malungkot, hindi lang puro inis at galit— meron na ring masasayang alaala kahit papaano. Pero meron talagang paraan ang tadhana para ipangalandakan sa ‘yo na wala ka sa tamang kinalalagyan— na hindi para sa ‘yo ang isang bagay o isang tao.Pagod na pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari. Panahon na talaga siguro para sumuko. Kung bakit ba naman kasi meron pang parte ng puso niya ang umaasa.Sa totoo lang, kaya siya naglakas loob na magpunta rito ngayon ay para lang makita niya si Zion. Gusto niyang isumbat dito ang nangyari sa kanya ngayong buong araw dahil hindi man lang siya nito magawang tulungan, kahit na hindi niya pa naman nagagawa ang bagay na ‘yon kahit kailan. But in the end, her heart won. Makita lang niya ang pagod at lungkot sa mga
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-09 อ่านเพิ่มเติม