“Woah, ang lakas din ng pang-amoy mo, ah? How did you know that the elites are gathering here tonight?” sarkastikong sabi ni Andrew.Hindi pinansin ni Jyla ang pangungutya ng lalaki, bagkus ay nginitian pa niya ito. “Sir Andrew! Hindi kita nakikita sa trabaho nitong nakaraan. Hindi ka ba pumapasok?” Lumamlam ang mga titig na pinukol sa kanya ng lalaki. “Why? Did you miss me?” Even his voice had suddenly become sultry.Nagkasalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. “Huh? Hindi ah.” “Eh bakit ka nandito ngayon kung hindi mo ako nami-miss?” mapang-uyam nitong sumbat. “I have been busy because of this. Because I’m one of the hottest bachelors in town, kailangan kong maki-cooperate sa party na ‘to,” medyo hambog pa nga nitong dagdag. Halos mapairap si Jyla sa sinabi nito. Sobrang hangin kasi. Pero kasi, hindi naman niya maitatanggi na lalo nga itong gumwapo ngayon. Nagmistula itong Duke galing sa regency era with his dark green tailcoat and high collared shirt and tight fitting trous
Kanina pa lumayag ang barko at halos masuka-suka nga si Jyla sa uga ng sinasakyan habang mine-make-up-an siya kanina. Nagkusa na siyang lagyan ang sarili ng primer spray mula sa mga nakalatag na gamit ni Andy na ikinasinghap ng huli. Hiniling niya rito na nipisan ang make-up niya, Pero tila lalo lang itong nagalit sa ginawa niya at lalo pang mas kumapal ang make-up niya, lalo na sa parteng mata at kilay niya. Nagmukha tuloy siyang drag-queen.Pero at least, nag-effort itong lagyan siya ng hair extensions at hindi lang siya basta sinalpakan ng wig. Kaya naman abot baywang na rin ang maalong buhok niya ngayon na naka-braid ang itaas na parte at nakalugay naman ang ibabang parte. Habang nagpupuyos ang kalooban, tahimik siyang naupo sa loob ng cabin, seryosong iniisip kung alin sa mga nakahandang costume ang isusuot. Sumasakit lang ang ulo niya habang tinitingnan ang mga ito. Halos lahat kasi ng mga damit ay bulgar, ang iba nga ay see-through pa, parang hindi angkop sa kasiyahan. Nabang
Kusang pinakawalan ng lalaking adik ang kamay ni Jyla kaya dumikit siya kay Zion para hindi na ito magtangkang habluting muli ang kamay niya. Hindi maipaliwanag ni Jyla ang nararamdaman nang mapatingin sa asawa. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang mundo at parang silang dalawa na lang ang naroroon. Bigla niyang nakalimutan ang mga pang-iinsulto ng mga tao sa kanya. Nakitaan ni Jyla ng kaunting kulot ang mga buhok nito sa harapan, kaya lalong nahalata ang magandang anggulo ng mukha nito. He was gorgeously donning a navy blue ensemble, his embroidered tailcoat, waistcoat, and even his pants were all in navy blue. Puti naman ang polo nitong pang-ilalim na may mahabang manggas at itim ang suot nitong sapatos. Pakiramdam tuloy ni Jyla ay magka-terno sila ng asawa, kahit sobrang layo ng kalidad ng damit niya kumpara sa kasuotan nito. Para itong prinsipe, pero siya, parang inabandona sa bahay-ampunan na tumanda na lang doon pero wala na talagang nagkainteres na ampunin siya. Bakit ito
AndrewAgad na dinumog si Andrew ng mga kabaro nito. “Andrew, bro! Please save us, okay?” “Tama! Ikaw lang ang makakalapit sa pinsan mo!” “Please, Andrew!” Ngumisi nang nakakaloko si Andrew at saka nagsalita. “And what do I get in return, dearest gentlemen?” “Tell me your price!” pagsimula ng isa. “Meron kaming bagong launch na convertible. I’ll give you one, since I know mahilig ka sa ganun,” mayabang na sabi ng isa. “Gusto mo ba ng building? Sabihin mo lang!” dagdag pa nga ng isa. At sunod-sunod na ang pagdagdag ng iba, akala mo ay nasa auction sila. “Sabi niyo ‘yan ah?” nakangiting paninigurado niya sa mga ito. “Yes!” halos sabayang bigkas ng mga lalaki. “Alright! Although, wala naman kayong dapat ikatakot. You will all be fine. Sa tingin niyo ano ang mahihita ni Zion kapag pinarusahan niya kayo o ang pamilya niyo? Another thing, he has a lot in his plate, I’m sure hindi na ‘yon mag-aabala pa na gawin kayong kaaway because of a mere beggar.” Tila nakahinga naman nang malu
Mariing tinitigan ni Jyla ang asawa dahil hindi niya maintindihan ang nais nitong iparating. “Alam mo naman na ang lahat tungkol sa ‘kin, Zion. Bakit parang litong-lito ka pa rin?” kalmado niyang sagot dito. “Bakit parang nakalimutan mo na rin yata ang pinag-usapan natin? I said you are not to fuck another man while you are married with me.” Kahit na nagbabanta ang mga salita nito, hindi niya maramdaman ang bagsik sa tinig ni Zion. Nagpakawala siya ng impit na tawa. “Hinding-hindi ko ‘yon makakalimutan.”As if naman may papatol sa kanya. Sabagay. Naranasan niya kanina kung paano siya pagnasaan ng mga lalaki sa cruise kanina. Bigla tuloy siyang nailang. Gusto niyang burahin sa balintataw niya ang pangyayari kanina. Pakiramdam niya ay nabawasan ang natitira niyang dangal dahil sa mga taong ‘yon. Oo, pinasok niya ‘yon kahit may idea siya sa kung anong pwedeng mangyari. Pero akala niya ay maaaliw niya ang mga bisita kung sasayaw lang siya. Pero hindi. Ibang klaseng aliw ang gusto ng
Dahil sa ginawa ni Jyla ay naiwanang nagugulumihanan si Zion. Kinabukasan ay maagang nagising si Jyla kagaya ng nakagawian. Pagkatapos maligo at mag-ayos ay aalis na sana siya ng bigla siyang tawagin ng asawa. “Wait.” Pagbaling niya ay nakita niyang nakagayak na rin ang lalaki pampasok at tangan nito ang isang balat na briefcase. “Dadaan rin ako kay mama ngayon,” pag-imporma nito sa kanya. Agad na naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. So ano naman?Nauna nang lumabas ang lalaki sa pinto kaya sinundan na lang niya ito nang hindi umiimik. Sobrang awkward nilang dalawa sa loob ng elevator kaya tinuon na lang niya ang pansin sa numero ng palapag na binababaan nila. Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay nauna nang lumabas si Jyla. Agad niyang nakita ang nakaabang na si Johann at ang sasakyan ni Zion sa harapan lamang ng gusali, pero nilagpasan niya lang ang lalaki. Kaya ganun na lang ang gulat niya nang biglang hablutin ni Zion ang pulsuhan niya at marahan siya nitong iginiy
Tinulak ni Jyla papunta kay Zion ang card nito. Baka kasi mawala pa sa isip niya. Agad naman nitong kinuha ‘yon.Parang naubos lang ni Zion sa isang higupan ang kape nito at maging ang donut ay mabilis nitong naubos. Tumayo ito kapagkuwan at iniwanan siya. Naiwan siya nitong namumula ang pisngi dahil sa kahihiyan. Makapagsabi ito ng ‘married couple’ akala mo naman ay totoo silang kasal. And for goodness’ sake, napaka-cute nitong kumain na parang ewan. Agad siyang umiling-iling sa naisip. Nagulat pa siya ng biglang sumulpot si Johann sa tabi niya. “Sabi ni Sir Zion, tapusin mo lang daw po ang pagkain mo. And Ma’am Jyla, you look so much better kapag hindi kayo nagsisinghalan ni Sir Zion.”Iyon lang at sinundan na ni Johann ang amo sa labas. Hindi alam ni Jyla kung siya lang ba ang tinutukoy ni Johann o silang dalawa ni Zion. Ang hirap mag-isip kapag gutom. Kaya inubos na rin ni Jyla ang pagkain niya at saka taimtim na muling nag-isip habang ang inumin naman ang inuubos niya, tutal
Para kay Jyla, wala namang ibang mas mahalaga kundi ang mairaos niya ang pagbubuntis. Matapos ang pag-anunsyo ni Francis ay inakay siya nito sa isang bakanteng cubicle. “Here’s your new desk, Jyla. Andito naman sa ilalim ng keyboard ang mga details para maka-log-in ka sa computer mo.” Binaliktad ni Francis ang keyboard at nakita ni Jyla ang piraso ng papel na nakadikit doon. May nakasulat dito na account name at password. Nakangiting tinanguan niya ito. Pagkatapos noon ay umalis na nga si Francis papunta sa sinasabi nitong business trip. Kaya naman tahimik na naupo lang si Jyla sa bagong mesang nakalaan para sa kanya, nagbabasa ng mga dokumento, nang biglang lumapit sa kanya ang isa sa mga junior architect na si Marie Enriquez. “Wow, mukha kang sinuswerte diyan, ah?” sita nito sa kanya.“Miss Enriquez, meron ka po bang ipapagawa?” tanong niya rito. Mas okay na rin na magpaka-busy siya kesa naman pagpiyestahan siya ng mga katrabaho. Napangiwi pa nga ito sa sinabi niya. Akala sigu
JylaMatagal na tinitigan ni Jyla ang pintuan ng bahay na minsan nilang tinirhan nang magkasama ni Zion. Bumalik sa alaala niya ang lahat, simula sa una nilang pagkikita ni Zion. Napakarami na niyang pinagdaanan sa poder ng asawa, hindi lang malungkot, hindi lang puro inis at galit— meron na ring masasayang alaala kahit papaano. Pero meron talagang paraan ang tadhana para ipangalandakan sa ‘yo na wala ka sa tamang kinalalagyan— na hindi para sa ‘yo ang isang bagay o isang tao.Pagod na pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari. Panahon na talaga siguro para sumuko. Kung bakit ba naman kasi meron pang parte ng puso niya ang umaasa.Sa totoo lang, kaya siya naglakas loob na magpunta rito ngayon ay para lang makita niya si Zion. Gusto niyang isumbat dito ang nangyari sa kanya ngayong buong araw dahil hindi man lang siya nito magawang tulungan, kahit na hindi niya pa naman nagagawa ang bagay na ‘yon kahit kailan. But in the end, her heart won. Makita lang niya ang pagod at lungkot sa mg
ZionIt was already the dead of the night. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, parang nagbabadya ng lagim.Nanlulumong umuwi na si Zion ng bahay kahit hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya o makakapagpahinga pa ang utak niya. But the moment he saw that familiar figure waiting on his doorstep, he immediately softened up. He suddenly felt the urge to get it done with and just hug his wife. Gusto niyang magpaalo. Gusto niya nang masasandalan dahil pagod na pagod na siyang tumayo mag-isa. Napakaraming nakikisimpatya sa kanya at sa lagay ng ina niya, pero alam niya sa sarili niyang yakap lang ni Jyla ang kailangan niya.Pero bigla niyang naalala ang tagpo kanina, her being with Daniel Montero. Kaagad tuloy nagbago ang timpla niya. Why? Why did she have that power over him? Alam niya ang motibo ni Jyla kaya nilapitan siya nito, pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling mahulog sa patibong nito— ang mahulog dito. “Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na napatingin sa kanya si Jyla
Dylan‘What a freakin’ spectacle.’Hindi maiwasan ni Dylan ang mabighani sa ginawang pagsagip ng kaibigan niya kay Jyla. Akala niya ay kilalang-kilala na niya si Andrew, but this was a side of him he had never seen before.Hindi siya makapaniwalang may kakayahan pala itong protektahan ang isang babae. Masyado siyang nasanay na kinakama tapos ay pagsasawaan lang nito ang mga babaeng dumarating sa buhay nito. Andrew had never given someone an effort like this. Siguro kung wala lang taong nakahandusay ngayon sa sahig na may tumatagas na dugo sa tiyan nito, baka pinalakpakan na niya si Andrew.But Jyla….May kung anong kumirot sa dibdib niya habang tinitingnan ang babaeng hindi mapigilan ang paghagulgol sa mga bisig ni Andrew. Nakita niyang handa na itong magpakulong ulit, kahit na kagagaling lang nito halos sa kulungan. She would rather be imprisoned than to be defiled by someone like Daniel.Nag-iwas na siya ng tingin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkaselos sa kaibi
AndrewPinagpatuloy ni Andrew ang pagsunod sa sasakyan ni Daniel Montero. Pamilyar sa kanya ang dahan na tinatahak ng matandang lalaki. It was a shady nightclub, at lahat yata ng mga pinagbabawal na gawain ay malayang gawin ng mga ekslusibong miyembro ng club na ‘yon, na minsan ay hindi pa niya napuntahan.Tama nga ang hinala ni Andrew. Nakita niyang bumaba sila Jyla at Daniel sa harapan ng nasabing club. Bumaba kaagad sila ni Dylan ng sasakyan at sinundan ang lalaki na hatak-hatak pa rin si Jyla na para bang wala sa sarili ngayon. Hindi man lang kasi ito nagpumiglas o ano. Basta na lang nagpatianod ang babae. Wala ring pagtanggi sa mukha ni Jyla, na para bang hindi lang siya napipilitan. Napaka-weirdo ng kakalmahan ngayon ng mukha nito.Kasunod nina Jyla at Daniel ay dalawang bodyguard ng lalaki na malalaki ang katawan.“I want the best private room!” mayabang na saad ni Daniel sa receptionist. Pinasadahan pa ng lalaki ng tingin si Jyla mula mukha hanggang dibdib na siya namang kina
Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!
JylaIsang beses na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Andrew. Naka-long sleeves na polo ito na kulay pink at itim na slacks at balat na sapatos. Meron itong suot na kulay kahel na safety hat. Sa likod ni Andrew ay ang malaking surveying equipment na ginagamit sa pagsukat ng ektarya ng lupain. “Why do you look so out of it, Miss Probi?” medyo iritableng sita sa kanya ng lalaki. Kahit na wala naman siyang nakikitang talim sa mga mata nito ay ramdam niya ang inis na kalakip ng tinig nito. Kaagad na nawala ang panandaliang kasabikan sa mga mata niya. Nahihiyang yumuko na lang siya para humingi ng paumanhin. “I’m sorry, sir. Hindi kita napansin.” Marahang dinuro ni Andrew ang noo niya para mag-angat ang tingin niya sa lalaki. “Look here, Miss Probi. This is a construction site. Hindi pwedeng maglalakad ka rito basta-basta nang wala sa sarili. Learn to look out, hindi lang para sa sarili mo, kundi para na rin sa mga pwede mong madisgrasya.” “Okay po. Pasensya na ulit.” Kaagad
JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio
Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag
ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka