Para kay Jyla, wala namang ibang mas mahalaga kundi ang mairaos niya ang pagbubuntis. Matapos ang pag-anunsyo ni Francis ay inakay siya nito sa isang bakanteng cubicle. “Here’s your new desk, Jyla. Andito naman sa ilalim ng keyboard ang mga details para maka-log-in ka sa computer mo.” Binaliktad ni Francis ang keyboard at nakita ni Jyla ang piraso ng papel na nakadikit doon. May nakasulat dito na account name at password. Nakangiting tinanguan niya ito. Pagkatapos noon ay umalis na nga si Francis papunta sa sinasabi nitong business trip. Kaya naman tahimik na naupo lang si Jyla sa bagong mesang nakalaan para sa kanya, nagbabasa ng mga dokumento, nang biglang lumapit sa kanya ang isa sa mga junior architect na si Marie Enriquez. “Wow, mukha kang sinuswerte diyan, ah?” sita nito sa kanya.“Miss Enriquez, meron ka po bang ipapagawa?” tanong niya rito. Mas okay na rin na magpaka-busy siya kesa naman pagpiyestahan siya ng mga katrabaho. Napangiwi pa nga ito sa sinabi niya. Akala sigu
Hindi na nga nila napansin pareho ang bus driver na minura muna sila nang pagkalutong bago nito inis na pinaharurot ang sasakyan. Nausukan na nga sila at lahat.Marahang ibinaba ni Andrew si Jyla sa sahig. Para ngang wala lang sa lalaki ang timbang niya.“Because I questioned your relationship with Cullen. At isa pa, hindi man lang kita niligtas noong pinagkaguluhan ka na.” Naningkit ang mga mata ni Jyla para suriin kung may bahid bang sinseridad ang sinabi ng lalaki, pero nabigo siya. Parang puro kalokohan at pagnanasa lang ang nilalaman ng mga titig nito.Bakit niya ba kasi ‘yon hinahanap dito? Wala naman silang relasyon. At bakit naman siya magtatampo kung wala naman siyang karapatan? Hindi naman sila!“Masyado ka kasing focused sa pagkakaroon ng pera that time. Hindi mo na inisip ang mga posibleng mangyari sa ‘yo. It was your fault, for putting yourself in that position.” Dinuro-duro pa nga nito ang noo niya kaya napapikit siya. “And you expected me to save you? Gusto mo bang m
Hindi na sumagot si Jyla at napayuko siya at kinagat ang labi para itago ang ngiting hindi na niya mapigilang igawad kay Andrew. Hindi niya alam kung nahalata ba siya ng lalaki o ano. Pero kinuha niya na lang ang isa pang kamote at tinuon ang pansin sa pagbalat nito.“Ano, favorite mo na ‘yan?” nang-aalaskang tanong ni Andrew sa kanya. Tumango siya. “Oo. Lalo na ‘tong dilaw kasi ito na yata pinakamatamis na variant ng kamote,” pagpapaliwanag pa nga niya. “Talaga ba?” Bigla na lang hinablot ni Andrew sa kamay niya ang binalatang kamote. “Pag ito hindi matamis, kokonyatan kita, Miss Probi!” pagbabanta pa nito sa kanya.Kahit alam nitong puno na ng alikabok kahit saan, walang kaarte-arte na kinagatan ni Andrew ang kamote. Napanganga lang si Jyla sa ginawa nito at paulit-ulit na kumurap, lalo pa at sinubo nito nang buo ang kamote na binalatan niya.He groaned exaggeratedly in satisfaction, habang tumatango. “Damn! Hindi ko alam na masarap pala ang kamote!” hindi makapaniwalang pahayag
Pagkatapos banggitin ‘yon ay tumayo rin agad si Zion at lumabas ng kwarto. Agad namang tinapik ni Zoey ang kamay ni Jyla. “Dahil biglaan kayong kinasal, I know Zion has treated you badly. Pero ngayon, I can see na unti-unti nang nagbabago ang pakikitungo niya sa ‘yo.” “I know, ma. Malaking-malaki na talaga ang pinagbago ni Zion ngayon.” Kahit papaano ay totoo naman ang sinabi niya rito, dahil nga sa paalmusal nito sa kanya kanina. “At marami ka pang makikita na maganda kay Zion. I assure you,” proud na sabi sa kanya ni Zoey. “Okay, ma. Sabi mo eh.” Sinubo na niya rito ang pinakahuling kutsara ng lugaw.“O siya, mauna ka na. Magde-date pa kayo ni Zion. Don’t forget to reward him after, ah?” Kinindatan pa talaga siya nito.“Ma, naman. Ito na naman po kayo. Pinapaalis niyo na naman ako.” “Sige na sibat na, o mapapalo kita ngayong bata ka!” Natawa lang si Jyla at saka niyakap ang ina. “Sige na nga po, ma. Huwag ka magpupuyat ah?” Lumabas na siya ng kwarto at sumulyap muli sa ina na
Sa isang iglap, lahat ng kasiyahang tinamasa ni Jyla ngayon araw ay naglaho. Kalmado niyang sinulyapan ang asawa kahit puno na ng poot ang puso niya. Dahil hindi na siya nakarinig ng kahit ano sa mga Palencia nitong nakaraan, akala niya ay tapos na ang kalbaryo niya sa poder ng mga ito.“Meron kang isang oras para kitain ako,” pagpapatuloy ni Rolly sa kabilang linya. “At huwag na huwag mong mabanggit-banggit kay Zion na magkikita tayo.” At kung ayaw ko? Ano na naman bang itatakot niyo sa akin? Napakarami niyang gustong isagot dito, pero ayaw niyang makaramdam si Zion. Ewan ba niya, pero parang ayaw niyang matapos ang pagiging mabait nito sa kanya. Baka kapag naalala ng lalaki si Gabby ay bigla rin itong magbalik sa dati nitong pagtrato sa kanya. “Okay,” diretso niyang sagot. Pinutol niya rin kaagad ang tawag, at halos sabay na napatingin sa kanya si Zion at Johann. “Uhm… kailangan ko lang bumalik sa office ngayon. Meron akong nakaligtaan gawin. Kanina kasi nagpunta akong construc
Sa sobrang gulat ay nasapo ni Jyla ang mga labi kasabay ng pag-awang ng kanyang mga mata. “Manang Dindin!” Kaagad siyang lumapit sa babae at niyakap ito. Matagal na niyang hindi ito nakikita. Dahil hindi na rin naman nakatira si Zoey sa lugar, hindi na rin ito halos lumalagi rito. Minsan lang kapag kailangan na nitong maglinis.At dahil hindi naman sila kumakain ni Zion sa bahay ay madalang lang din itong magpunta para magluto.Inakay siya ng babae papunta sa kusina at mabilis siya nitong pinaupo sa may bandang mesa kahit sana gusto niya itong tulungan sa paghahanda. Saka nito dinampot ang kaldero galing sa oven at nilagay ‘yon sa mesa. Pagtingin ni Jyla roon ay nakita niya ang umuusok na tinola.“Wow!” Nasinghot na nga niya ang amoy nito kaya biglang kumulo ang tiyan niya. “Native chicken ‘yan, Ma’am Jyla. Kaya mas malasa ‘yan kesa sa mga normal na manok na nabibili sa palengke. Pinakuluan ko nang matagal para mas masarap,” ani ng matandang babae habang sinasandukan nito ang plato
Ang hindi matukoy ni Jyla ay kung komportable rin ba ang asawa kapag kasama siya. Bihira lang kasi siya nitong tapunan ng tingin. Para bang hindi ito interesado sa kanya. Bigla tuloy may kumurot sa puso ni Jyla. Sa pag-iwas niya ng tingin ay biglang bumaling sa kanya si Zion kaya napatingin din siya rito at nagtama na nga ang mga mata nila. “Do you mind if I smoke?” inosenteng tanong nito sa kanya. May kung anong humaplos sa puso niya noong mga oras na ‘yon. Hindi naman nito kailangang magpaalam sa kanya. Pero syempre, hindi niya pinahalata rito ang kakiligan na bigla niyang naramdaman.Mabilis siyang tumango rito. “Okay lang.” Binuksan ni Zion ang bintana sa gawi nito at saka kinuha ang isang kaha ng sigarilyo at lighter at mabilis na sinindihan ito. Parang nagawa ni Zion ang lahat ng ‘yon sa loob ng isang segundo. Mabilis na humithit si Zion at hindi man lang nito binuga ang usok. Sa halip, unti-unting kumawala ang mga usok galing sa ilong nito. Ang buong akala ni Jyla ay binub
Hindi na nga natapos ni Jyla ang pagtili niya dahil nga niyapos na siya ni Zion. Wala siyang nakita dahil nga lubog na sa dibdib ng asawa ang mukha niya. Pero dahil sa ginawa ng lalaki ay napawi naman ang takot niya kahit papaano. Palagi naman siyang pinoprotektahan nito. Kaya pinagkatiwala na lamang niya ang buhay dito. At sana lang ay maprotektahan din nito ang sarili. Maya-maya ay tinakpan ni Zion ang magkabilang tenga niya. Pero rinig pa rin niya ang limang umalingawngaw na mga putok ng baril, bago niya narinig ang malakas na pagbagsak ng katawan sa sahig. Lalo lang sumiksik si Jyla sa asawa, at lumuluha na nga siya sa pagkakataong ito. “Drive!” dinig niyang utos ni Zion kay Johann kaya naramdaman niya ang mabilis na pagharurot ng sasakyan. Ramdam ni Jyla ang impact ng pagbangga ng kotse nila sa isang sasakyan ng mga lalaki na nakaharang sa bukana ng kalsada.At nang makalabas na sila roon ay niluwagan na ni Zion ang pagkakayakap sa kanya at tinanggal na rin nito ang mga kamay
“Alam mo namang nasa trabaho ako, Gabby,” reklamo ni Jyla rito, pero sinarado na niya ang laptop at mabilis na niligpit ang cubicle niya. Handang-handa na sana siyang umalis. “Fine. Let’s just meet at four pm. Makakapag-undertime ka naman siguro,” kumpiyansang sagot ni Gabby.“Pupunta ako. Basta siguraduhin mo lang hindi mo guguluhin ang mama ni Zion!” banta niya rito. “Or else, mapipilitan talaga akong—” Biglang pumalatak ng tawa si Gabby kaya napahinto siya. “Jyla, why are you acting like you’re the real wife here? Nakalimutan mo yatang ako ang pakakasalan ni Zion? So why would I hurt his mom? That just doesn’t make sense.” Nakahinga naman siya nang maluwang sa sinabi nito. “Mabuti naman at naabot ‘yan ng kapiranggot mong utak,” pag-insulto niya pa rito. Nagulat pa siya dahil man lang ito nag-react sa panlalait niya. “I’ll be there at four.” Iyon lang at pinutol na ni Jyla ang tawag. Tumayo siya para sana magpuntang kantina dahil nga breaktime na rin. Mabilis pa namang magkaub
JohannKahit maulan pa ‘yan o malakas ang hangin, hindi rin basta-basta magdodobleng damit si Johann. Dadagdag lang kasi ‘yon sa timbang niya kapag nagkataon, at hindi siya makakakilos nang maayos. Pero hindi maiwasan ni Johann ang makaramdam ng kaunting saya dahil sa inasal ng asawa ng amo niya. Ni minsan ay hindi ‘yon ginawa ni Zion sa kanya. Kahit na matagal na silang magkakilala nito.Napalitan ng kalungkutan bigla ang naramdamang saya ni Johann nang biglang sumagi sa isipan niya kung paano nabuntis si Jyla. Kung susumahin ang linggo ng pagbubuntis ng babae, nasa piitan pa ito noong mabuo sa sinapupunan ang anak nito. He didn’t want to consider that she was harassed and was taken advantage of while in there. Kaya naman pinangako niya sa sarili na aalamin niya kung ano ang katotohanan sa likod ng pagbubuntis ni Jyla.Maganda pa naman ang dalaga. Kaya nga maraming lalaki ang lumiligid sa babae kagaya na lang ni Andrew at Cullen, at syempre, ang amo niyang si Zion. Maging siya ay
JylaHindi niya maiwasan ang mahiya dahil sa pagkakatitig ni Zion sa kanya pagkarating nito. Something felt wrong, pagkakita na pagkakita niya rito. Para bang bigla itong na-stress at napagod nang husto. Hindi naman ganito ang itsura nito kanina bago siya pumasok sa trabaho.Agad niyang nilapitan ito at niyakap pa nga niya ito. Her concern was genuine, walang bahid na pagkaplastik. And hindi niya inaasahan ay yayakapin din siya nito pabalik. And he hugged her even tighter. It was as if she actually brought him comfort. It felt so nice to be locked in his embrace. At matagal sila sa ganoong posisyon bago siya nagsalita. “Okay ka lang ba?” tanong niya rito nang hindi tinitingnan.Naramdaman niyang tumango ang lalaki kaya kumalas siya sa pagkakayakap dito at tiningnan ang mukha nito. Bigla tuloy siyang na-guilty. Dahil napakaganda ng gising niya kanina ay maganda rin ang performance niya ngayon sa trabaho. Tapos napabilis pa nga ang trabaho niya dahil sa napakabilis na processor ng nab
Zion“Ang tagal na rin pala noong huling nagkita tayo, iho. Nakapili ka na ba ng babaeng pakakasalan mo?” walang ekspresyong tanong ni Manuel kay Zion. Kasalukuyan silang nasa hapagkainan at nanananghalian.Sa isip-isip ni Manuel, Zion is already thirty-two. At sa edad na ito, dapat may anak nang nasa elementarya ang isang lalaki.Lalo lang sumidhi ang pagkayamot ni Manuel sa kanya dahil sa pananahimik niya. Ang kaso ay takot din ang matanda sa kanya, kaya hindi nito magawang singhalan siya at magalit sa kanya nang harap-harapan. “Kaunti lang ang mga natitipuhan kong babaeng para sa ‘yo. Ang babaeng kapatid ni Dylan na madalas kasa-kasama ni Andrew. I think she’s about twenty-two. Pwede rin naman ang anak na babae ng pamilyang Lim. Pero ang pinakagusto ko talaga para sa ‘yo ay ‘yong apu-apohan ni Marcel Fortejo.” Hindi man lang pinukulan ng tingin ni Zion si Manuel at nagpatuloy lang sa pagkain. Akala tuloy nito ay interesado siya kaya naman muli itong nagpatuloy. “Pamangkin daw ni
Zion“Okay,” mabilis na pag-sang-ayon ni Zion kay Manuel bago niya pinutol ang tawag. Pagbaling niya kay Gabby, pinilit niyang bawasan ang pagkakunat ng ekspresyon niya. Kagaya ng sabi ng doktora kanina, hindi dapat na-i-stress ang isang babaeng nagbubuntis. “You are already pregnant with my child, Gabriella. Kaya dapat nakatira ka na sa poder ko.” “No!” mariing pagtanggi ni Gabby. Una sa lahat, dapat munang palayasin ni Zion ang babaitang nakikitira sa bahay ng lalaki bago mapapayag si Gabby. “Alam kong hindi pa tayo kasal, Zion. Hindi pa ako isang asawa, pero isa na akong ina. I need to change. This child is my priority. At bilang isang ina, I have to set a good example para sa anak ko. Kaya pasensya na, Zion. Hangga’t hindi pa tayo kinakasal, I’m not moving in with you. Pero makakaasa kang aalagaan ko nang mabuti ang anak natin.” Parang biglang nagbago tuloy ang pananaw ni Zion kay Gabby, parang gusto niyang maniwala na nagbago na nga ito para sa anak nila. Saglit siyang nag-
Zion “Doon ka na muna sa bahay ko.” Really?” naluluhang paninigurado ni Gabby kay Zion. Punong-puno ng sakit ang mga mata nito. “Yes. ” Biglang nagbaba ng tingin ang babae. “Hindi mo kailangang gawin to, Zion. Hindi mo naman ako gusto. Si Jyla ang gusto mo.” Natigilan si Zion sa sinabi ni Gabby. Paano naman nito nasabi ‘yon?“Baka sabihin mo pinipikot kita. Ayaw ko ngang malaman mo na buntis ako, but dad found out. Ayokong ipalaglag ang anak ko, Zion. Pero hindi ito dahilan para itali mo ang sarili mo sa ‘kin. We can just live away from you.” “Not a chance. Sinabi ko sa ‘yo na pakakasalan kita. And that child will be my heir.” Lalo lang lumala ang pagluha ni Gabby nang marinig ang tinuran niya. “I want her examined. Call an Ob-Gyne and a sonographer. Ngayon din,” utos niya sa mga medical staff na naroon. Mabilis na tumalima ang mga ito. Walang sabi-sabing binuhat niya ang babae at pinasok niya ito sa operation room kung saan dapat itong operahan kanina. Sobrang saya ng dalaga
Zion“Bitiwan niyo ako!” Tila lalong nagpumiglas si Gabby sa kung sino mang gumagapos dito. Hindi yata’t hinablot pa ng babae ang cellphone sa ama. “Zion, sabihin mo kay papa na hindi ka pumapayag na ipalaglag niya ang anak natin. Hindi bale na kung ayaw mo sa ‘kin. Magpapakalayo-layo ako at bubuhayin ko nang mag-isa ang anak natin. Hindi ko sasabihin sa kanya na ikaw ang ama niya. Just please, let our baby live!” pakiusap ni Gabby sa kanya. “Where are you?” naaalarmang tanong ni Zion sa babae. Hindi mapakali ang mga ehekutibo habang pinapanood nila si Zion. Tila naramdaman naman ni Johann na may mali kaya ito na ang humarap sa mga ehekutibo. “That’s all for today. I-email ko po ulit sa inyo kapag nakapag-set na ng schedule si Sir Zion para sa susunod na meeting. Thank you.” Mabilis namang umalis ang mga ito habang eskendalosong pinupukulan ng tingin si Zion habang lumalabas ng conference room.Pagkaalis ng mga lalaki ay nag-aalalang tinanong na ni Johann ang amo. “Sir, ano pong n
Jyla Pagkatapos maligo ni Jyla ay masaya siyang nagbihis ng isa sa mga damit na binili nila ni Zion kahapon kahit hindi pa ito nilabhan. It was a cream loose business jacket and slacks na may puting sando na panloob. Rubber shoes naman ang naisipan niyang ipartner sa maluwag na damit at pantalon niya.Pagkatapos niyang patuyuin ang buhok ay naglagay siya ng hindi matingkad na lipstick at pulbo. Nakangiting lumabas siya ng kwarto at nang mapadaan siya sa kwarto ng asawa ay marahan niyang kinatok ang pintuan nito. Agad naman siyang pinagbuksan ni Zion na pupungas-pungas pa. “Sorry. Natutulog ka pa pala.” “It’s okay. Paalis ka na?” tanong nito sa kanya. Napapangiti niya itong tinanguan. “May niluto akong almusal. Kumain ka sana muna bago ka umalis. Salamat ulit sa mga damit, at lalong-lalo na sa laptop. Sobrang dali lang niyang gamitin, nasubukan ko na kagabi.” “Okay.” “Zion, sa dami kasi ng mga nagastos mo para sa ‘kin, kahit huwag mo na siguro akong bayaran kapag naghiwalay tayo
Nalilitong lumapit si Jyla sa asawa. “Bought this for you,” ani Zion sa kanya. Tinuro pa nga nito ang laptop na nasa mesa. Agad na umawang ang mga mata at labi niya. “What? Para sa ‘kin ‘yan?” pag-uulit pa niya. Napatakip siya ng bibig habang lumalapit sa asawa, naluluha ang mga mata. Alam na alam niyang compatible ang laptop na ‘yon sa paggawa ng disenyo dahil ganito rin ang gamit ng ibang mga designer sa opisina nila. At alam din niyang kung gaano ito kamahal.Hindi niya alam kung paano at bakit, pero bigla na lang niyang tinalon ang pagitan nila ng asawa at sumiksik sa katawan nito pagkatapos ipulupot ang mga braso bewang nito. “Thank you, Zion. Thank you.” Natigilan si Zion sa ginawa niya pero hindi man lamang ito nag-react kaya naman hindi siya agad natauhan. Pagkatapos ng maraming segundo ay saka lamang siya natauhan. She chuckled in embarrassment. “Sorry. Sobrang saya ko lang talaga sa binigay mo,” nangingiting sambit niya sa asawa. Para tuloy siyang tanga.Hindi pa rin n