Kusang pinakawalan ng lalaking adik ang kamay ni Jyla kaya dumikit siya kay Zion para hindi na ito magtangkang habluting muli ang kamay niya. Hindi maipaliwanag ni Jyla ang nararamdaman nang mapatingin sa asawa. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang mundo at parang silang dalawa na lang ang naroroon. Bigla niyang nakalimutan ang mga pang-iinsulto ng mga tao sa kanya. Nakitaan ni Jyla ng kaunting kulot ang mga buhok nito sa harapan, kaya lalong nahalata ang magandang anggulo ng mukha nito. He was gorgeously donning a navy blue ensemble, his embroidered tailcoat, waistcoat, and even his pants were all in navy blue. Puti naman ang polo nitong pang-ilalim na may mahabang manggas at itim ang suot nitong sapatos. Pakiramdam tuloy ni Jyla ay magka-terno sila ng asawa, kahit sobrang layo ng kalidad ng damit niya kumpara sa kasuotan nito. Para itong prinsipe, pero siya, parang inabandona sa bahay-ampunan na tumanda na lang doon pero wala na talagang nagkainteres na ampunin siya. Bakit ito
AndrewAgad na dinumog si Andrew ng mga kabaro nito. “Andrew, bro! Please save us, okay?” “Tama! Ikaw lang ang makakalapit sa pinsan mo!” “Please, Andrew!” Ngumisi nang nakakaloko si Andrew at saka nagsalita. “And what do I get in return, dearest gentlemen?” “Tell me your price!” pagsimula ng isa. “Meron kaming bagong launch na convertible. I’ll give you one, since I know mahilig ka sa ganun,” mayabang na sabi ng isa. “Gusto mo ba ng building? Sabihin mo lang!” dagdag pa nga ng isa. At sunod-sunod na ang pagdagdag ng iba, akala mo ay nasa auction sila. “Sabi niyo ‘yan ah?” nakangiting paninigurado niya sa mga ito. “Yes!” halos sabayang bigkas ng mga lalaki. “Alright! Although, wala naman kayong dapat ikatakot. You will all be fine. Sa tingin niyo ano ang mahihita ni Zion kapag pinarusahan niya kayo o ang pamilya niyo? Another thing, he has a lot in his plate, I’m sure hindi na ‘yon mag-aabala pa na gawin kayong kaaway because of a mere beggar.” Tila nakahinga naman nang malu
Mariing tinitigan ni Jyla ang asawa dahil hindi niya maintindihan ang nais nitong iparating. “Alam mo naman na ang lahat tungkol sa ‘kin, Zion. Bakit parang litong-lito ka pa rin?” kalmado niyang sagot dito. “Bakit parang nakalimutan mo na rin yata ang pinag-usapan natin? I said you are not to fuck another man while you are married with me.” Kahit na nagbabanta ang mga salita nito, hindi niya maramdaman ang bagsik sa tinig ni Zion. Nagpakawala siya ng impit na tawa. “Hinding-hindi ko ‘yon makakalimutan.”As if naman may papatol sa kanya. Sabagay. Naranasan niya kanina kung paano siya pagnasaan ng mga lalaki sa cruise kanina. Bigla tuloy siyang nailang. Gusto niyang burahin sa balintataw niya ang pangyayari kanina. Pakiramdam niya ay nabawasan ang natitira niyang dangal dahil sa mga taong ‘yon. Oo, pinasok niya ‘yon kahit may idea siya sa kung anong pwedeng mangyari. Pero akala niya ay maaaliw niya ang mga bisita kung sasayaw lang siya. Pero hindi. Ibang klaseng aliw ang gusto ng
Dahil sa ginawa ni Jyla ay naiwanang nagugulumihanan si Zion. Kinabukasan ay maagang nagising si Jyla kagaya ng nakagawian. Pagkatapos maligo at mag-ayos ay aalis na sana siya ng bigla siyang tawagin ng asawa. “Wait.” Pagbaling niya ay nakita niyang nakagayak na rin ang lalaki pampasok at tangan nito ang isang balat na briefcase. “Dadaan rin ako kay mama ngayon,” pag-imporma nito sa kanya. Agad na naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. So ano naman?Nauna nang lumabas ang lalaki sa pinto kaya sinundan na lang niya ito nang hindi umiimik. Sobrang awkward nilang dalawa sa loob ng elevator kaya tinuon na lang niya ang pansin sa numero ng palapag na binababaan nila. Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay nauna nang lumabas si Jyla. Agad niyang nakita ang nakaabang na si Johann at ang sasakyan ni Zion sa harapan lamang ng gusali, pero nilagpasan niya lang ang lalaki. Kaya ganun na lang ang gulat niya nang biglang hablutin ni Zion ang pulsuhan niya at marahan siya nitong iginiy
Tinulak ni Jyla papunta kay Zion ang card nito. Baka kasi mawala pa sa isip niya. Agad naman nitong kinuha ‘yon.Parang naubos lang ni Zion sa isang higupan ang kape nito at maging ang donut ay mabilis nitong naubos. Tumayo ito kapagkuwan at iniwanan siya. Naiwan siya nitong namumula ang pisngi dahil sa kahihiyan. Makapagsabi ito ng ‘married couple’ akala mo naman ay totoo silang kasal. And for goodness’ sake, napaka-cute nitong kumain na parang ewan. Agad siyang umiling-iling sa naisip. Nagulat pa siya ng biglang sumulpot si Johann sa tabi niya. “Sabi ni Sir Zion, tapusin mo lang daw po ang pagkain mo. And Ma’am Jyla, you look so much better kapag hindi kayo nagsisinghalan ni Sir Zion.”Iyon lang at sinundan na ni Johann ang amo sa labas. Hindi alam ni Jyla kung siya lang ba ang tinutukoy ni Johann o silang dalawa ni Zion. Ang hirap mag-isip kapag gutom. Kaya inubos na rin ni Jyla ang pagkain niya at saka taimtim na muling nag-isip habang ang inumin naman ang inuubos niya, tutal
Para kay Jyla, wala namang ibang mas mahalaga kundi ang mairaos niya ang pagbubuntis. Matapos ang pag-anunsyo ni Francis ay inakay siya nito sa isang bakanteng cubicle. “Here’s your new desk, Jyla. Andito naman sa ilalim ng keyboard ang mga details para maka-log-in ka sa computer mo.” Binaliktad ni Francis ang keyboard at nakita ni Jyla ang piraso ng papel na nakadikit doon. May nakasulat dito na account name at password. Nakangiting tinanguan niya ito. Pagkatapos noon ay umalis na nga si Francis papunta sa sinasabi nitong business trip. Kaya naman tahimik na naupo lang si Jyla sa bagong mesang nakalaan para sa kanya, nagbabasa ng mga dokumento, nang biglang lumapit sa kanya ang isa sa mga junior architect na si Marie Enriquez. “Wow, mukha kang sinuswerte diyan, ah?” sita nito sa kanya.“Miss Enriquez, meron ka po bang ipapagawa?” tanong niya rito. Mas okay na rin na magpaka-busy siya kesa naman pagpiyestahan siya ng mga katrabaho. Napangiwi pa nga ito sa sinabi niya. Akala sigu
Hindi na nga nila napansin pareho ang bus driver na minura muna sila nang pagkalutong bago nito inis na pinaharurot ang sasakyan. Nausukan na nga sila at lahat.Marahang ibinaba ni Andrew si Jyla sa sahig. Para ngang wala lang sa lalaki ang timbang niya.“Because I questioned your relationship with Cullen. At isa pa, hindi man lang kita niligtas noong pinagkaguluhan ka na.” Naningkit ang mga mata ni Jyla para suriin kung may bahid bang sinseridad ang sinabi ng lalaki, pero nabigo siya. Parang puro kalokohan at pagnanasa lang ang nilalaman ng mga titig nito.Bakit niya ba kasi ‘yon hinahanap dito? Wala naman silang relasyon. At bakit naman siya magtatampo kung wala naman siyang karapatan? Hindi naman sila!“Masyado ka kasing focused sa pagkakaroon ng pera that time. Hindi mo na inisip ang mga posibleng mangyari sa ‘yo. It was your fault, for putting yourself in that position.” Dinuro-duro pa nga nito ang noo niya kaya napapikit siya. “And you expected me to save you? Gusto mo bang m
Hindi na sumagot si Jyla at napayuko siya at kinagat ang labi para itago ang ngiting hindi na niya mapigilang igawad kay Andrew. Hindi niya alam kung nahalata ba siya ng lalaki o ano. Pero kinuha niya na lang ang isa pang kamote at tinuon ang pansin sa pagbalat nito.“Ano, favorite mo na ‘yan?” nang-aalaskang tanong ni Andrew sa kanya. Tumango siya. “Oo. Lalo na ‘tong dilaw kasi ito na yata pinakamatamis na variant ng kamote,” pagpapaliwanag pa nga niya. “Talaga ba?” Bigla na lang hinablot ni Andrew sa kamay niya ang binalatang kamote. “Pag ito hindi matamis, kokonyatan kita, Miss Probi!” pagbabanta pa nito sa kanya.Kahit alam nitong puno na ng alikabok kahit saan, walang kaarte-arte na kinagatan ni Andrew ang kamote. Napanganga lang si Jyla sa ginawa nito at paulit-ulit na kumurap, lalo pa at sinubo nito nang buo ang kamote na binalatan niya.He groaned exaggeratedly in satisfaction, habang tumatango. “Damn! Hindi ko alam na masarap pala ang kamote!” hindi makapaniwalang pahayag
“Alam mo namang nasa trabaho ako, Gabby,” reklamo ni Jyla rito, pero sinarado na niya ang laptop at mabilis na niligpit ang cubicle niya. Handang-handa na sana siyang umalis. “Fine. Let’s just meet at four pm. Makakapag-undertime ka naman siguro,” kumpiyansang sagot ni Gabby.“Pupunta ako. Basta siguraduhin mo lang hindi mo guguluhin ang mama ni Zion!” banta niya rito. “Or else, mapipilitan talaga akong—” Biglang pumalatak ng tawa si Gabby kaya napahinto siya. “Jyla, why are you acting like you’re the real wife here? Nakalimutan mo yatang ako ang pakakasalan ni Zion? So why would I hurt his mom? That just doesn’t make sense.” Nakahinga naman siya nang maluwang sa sinabi nito. “Mabuti naman at naabot ‘yan ng kapiranggot mong utak,” pag-insulto niya pa rito. Nagulat pa siya dahil man lang ito nag-react sa panlalait niya. “I’ll be there at four.” Iyon lang at pinutol na ni Jyla ang tawag. Tumayo siya para sana magpuntang kantina dahil nga breaktime na rin. Mabilis pa namang magkaub
JohannKahit maulan pa ‘yan o malakas ang hangin, hindi rin basta-basta magdodobleng damit si Johann. Dadagdag lang kasi ‘yon sa timbang niya kapag nagkataon, at hindi siya makakakilos nang maayos. Pero hindi maiwasan ni Johann ang makaramdam ng kaunting saya dahil sa inasal ng asawa ng amo niya. Ni minsan ay hindi ‘yon ginawa ni Zion sa kanya. Kahit na matagal na silang magkakilala nito.Napalitan ng kalungkutan bigla ang naramdamang saya ni Johann nang biglang sumagi sa isipan niya kung paano nabuntis si Jyla. Kung susumahin ang linggo ng pagbubuntis ng babae, nasa piitan pa ito noong mabuo sa sinapupunan ang anak nito. He didn’t want to consider that she was harassed and was taken advantage of while in there. Kaya naman pinangako niya sa sarili na aalamin niya kung ano ang katotohanan sa likod ng pagbubuntis ni Jyla.Maganda pa naman ang dalaga. Kaya nga maraming lalaki ang lumiligid sa babae kagaya na lang ni Andrew at Cullen, at syempre, ang amo niyang si Zion. Maging siya ay
JylaHindi niya maiwasan ang mahiya dahil sa pagkakatitig ni Zion sa kanya pagkarating nito. Something felt wrong, pagkakita na pagkakita niya rito. Para bang bigla itong na-stress at napagod nang husto. Hindi naman ganito ang itsura nito kanina bago siya pumasok sa trabaho.Agad niyang nilapitan ito at niyakap pa nga niya ito. Her concern was genuine, walang bahid na pagkaplastik. And hindi niya inaasahan ay yayakapin din siya nito pabalik. And he hugged her even tighter. It was as if she actually brought him comfort. It felt so nice to be locked in his embrace. At matagal sila sa ganoong posisyon bago siya nagsalita. “Okay ka lang ba?” tanong niya rito nang hindi tinitingnan.Naramdaman niyang tumango ang lalaki kaya kumalas siya sa pagkakayakap dito at tiningnan ang mukha nito. Bigla tuloy siyang na-guilty. Dahil napakaganda ng gising niya kanina ay maganda rin ang performance niya ngayon sa trabaho. Tapos napabilis pa nga ang trabaho niya dahil sa napakabilis na processor ng nab
Zion“Ang tagal na rin pala noong huling nagkita tayo, iho. Nakapili ka na ba ng babaeng pakakasalan mo?” walang ekspresyong tanong ni Manuel kay Zion. Kasalukuyan silang nasa hapagkainan at nanananghalian.Sa isip-isip ni Manuel, Zion is already thirty-two. At sa edad na ito, dapat may anak nang nasa elementarya ang isang lalaki.Lalo lang sumidhi ang pagkayamot ni Manuel sa kanya dahil sa pananahimik niya. Ang kaso ay takot din ang matanda sa kanya, kaya hindi nito magawang singhalan siya at magalit sa kanya nang harap-harapan. “Kaunti lang ang mga natitipuhan kong babaeng para sa ‘yo. Ang babaeng kapatid ni Dylan na madalas kasa-kasama ni Andrew. I think she’s about twenty-two. Pwede rin naman ang anak na babae ng pamilyang Lim. Pero ang pinakagusto ko talaga para sa ‘yo ay ‘yong apu-apohan ni Marcel Fortejo.” Hindi man lang pinukulan ng tingin ni Zion si Manuel at nagpatuloy lang sa pagkain. Akala tuloy nito ay interesado siya kaya naman muli itong nagpatuloy. “Pamangkin daw ni
Zion“Okay,” mabilis na pag-sang-ayon ni Zion kay Manuel bago niya pinutol ang tawag. Pagbaling niya kay Gabby, pinilit niyang bawasan ang pagkakunat ng ekspresyon niya. Kagaya ng sabi ng doktora kanina, hindi dapat na-i-stress ang isang babaeng nagbubuntis. Naalala tuloy niya bigla si Jyla. Siya pa ang laging dahilan kung bakit ito nai-i-stress. Hindi tuloy niya maiwasang makonsensya. “You are already pregnant with my child, Gabriella. Kaya dapat nakatira ka na sa poder ko.” “No!” mariing pagtanggi ni Gabby. Una sa lahat, dapat munang palayasin ni Zion ang babaitang nakikitira sa bahay ng lalaki bago mapapayag si Gabby. “Alam kong hindi pa tayo kasal, Zion. Hindi pa ako isang asawa, pero isa na akong ina. I need to change. This child is my priority. At bilang isang ina, I have to set a good example para sa anak ko. Kaya pasensya na, Zion. Hangga’t hindi pa tayo kinakasal, I’m not moving in with you. Pero makakaasa kang aalagaan ko nang mabuti ang anak natin.” Parang biglang nagb
Zion “Doon ka na muna sa bahay ko.” Really?” naluluhang paninigurado ni Gabby kay Zion. Punong-puno ng sakit ang mga mata nito. “Yes. ” Biglang nagbaba ng tingin ang babae. “Hindi mo kailangang gawin to, Zion. Hindi mo naman ako gusto. Si Jyla ang gusto mo.” Natigilan si Zion sa sinabi ni Gabby. Paano naman nito nasabi ‘yon?“Baka sabihin mo pinipikot kita. Ayaw ko ngang malaman mo na buntis ako, but dad found out. Ayokong ipalaglag ang anak ko, Zion. Pero hindi ito dahilan para itali mo ang sarili mo sa ‘kin. We can just live away from you.” “Not a chance. Sinabi ko sa ‘yo na pakakasalan kita. And that child will be my heir.” Lalo lang lumala ang pagluha ni Gabby nang marinig ang tinuran niya. “I want her examined. Call an Ob-Gyne and a sonographer. Ngayon din,” utos niya sa mga medical staff na naroon. Mabilis na tumalima ang mga ito. Walang sabi-sabing binuhat niya ang babae at pinasok niya ito sa operation room kung saan dapat itong operahan kanina. Sobrang saya ng dalaga
Zion“Bitiwan niyo ako!” Tila lalong nagpumiglas si Gabby sa kung sino mang gumagapos dito. Hindi yata’t hinablot pa ng babae ang cellphone sa ama. “Zion, sabihin mo kay papa na hindi ka pumapayag na ipalaglag niya ang anak natin. Hindi bale na kung ayaw mo sa ‘kin. Magpapakalayo-layo ako at bubuhayin ko nang mag-isa ang anak natin. Hindi ko sasabihin sa kanya na ikaw ang ama niya. Just please, let our baby live!” pakiusap ni Gabby sa kanya. “Where are you?” naaalarmang tanong ni Zion sa babae. Hindi mapakali ang mga ehekutibo habang pinapanood nila si Zion. Tila naramdaman naman ni Johann na may mali kaya ito na ang humarap sa mga ehekutibo. “That’s all for today. I-email ko po ulit sa inyo kapag nakapag-set na ng schedule si Sir Zion para sa susunod na meeting. Thank you.” Mabilis namang umalis ang mga ito habang eskendalosong pinupukulan ng tingin si Zion habang lumalabas ng conference room.Pagkaalis ng mga lalaki ay nag-aalalang tinanong na ni Johann ang amo. “Sir, ano pong n
Jyla Pagkatapos maligo ni Jyla ay masaya siyang nagbihis ng isa sa mga damit na binili nila ni Zion kahapon kahit hindi pa ito nilabhan. It was a cream loose business jacket and slacks na may puting sando na panloob. Rubber shoes naman ang naisipan niyang ipartner sa maluwag na damit at pantalon niya.Pagkatapos niyang patuyuin ang buhok ay naglagay siya ng hindi matingkad na lipstick at pulbo. Nakangiting lumabas siya ng kwarto at nang mapadaan siya sa kwarto ng asawa ay marahan niyang kinatok ang pintuan nito. Agad naman siyang pinagbuksan ni Zion na pupungas-pungas pa. “Sorry. Natutulog ka pa pala.” “It’s okay. Paalis ka na?” tanong nito sa kanya. Napapangiti niya itong tinanguan. “May niluto akong almusal. Kumain ka sana muna bago ka umalis. Salamat ulit sa mga damit, at lalong-lalo na sa laptop. Sobrang dali lang niyang gamitin, nasubukan ko na kagabi.” “Okay.” “Zion, sa dami kasi ng mga nagastos mo para sa ‘kin, kahit huwag mo na siguro akong bayaran kapag naghiwalay tayo
Nalilitong lumapit si Jyla sa asawa. “Bought this for you,” ani Zion sa kanya. Tinuro pa nga nito ang laptop na nasa mesa. Agad na umawang ang mga mata at labi niya. “What? Para sa ‘kin ‘yan?” pag-uulit pa niya. Napatakip siya ng bibig habang lumalapit sa asawa, naluluha ang mga mata. Alam na alam niyang compatible ang laptop na ‘yon sa paggawa ng disenyo dahil ganito rin ang gamit ng ibang mga designer sa opisina nila. At alam din niyang kung gaano ito kamahal.Hindi niya alam kung paano at bakit, pero bigla na lang niyang tinalon ang pagitan nila ng asawa at sumiksik sa katawan nito pagkatapos ipulupot ang mga braso bewang nito. “Thank you, Zion. Thank you.” Natigilan si Zion sa ginawa niya pero hindi man lamang ito nag-react kaya naman hindi siya agad natauhan. Pagkatapos ng maraming segundo ay saka lamang siya natauhan. She chuckled in embarrassment. “Sorry. Sobrang saya ko lang talaga sa binigay mo,” nangingiting sambit niya sa asawa. Para tuloy siyang tanga.Hindi pa rin n