“Bakit mo naman kaya ako tutulungan?” nanunuri tanong ni Jyla kay Lauren. “Ikaw? Tutulungan ko? Asa ka naman.” Inismiran pa nga siya nito sabay tawa. “Aminado naman kasi tayo na may itsura ka kahit mukhang hindi ka naliligo, but still, Zion kissed you. At pati si Cullen ay pinag-i-interesan ka rin. Pero since pupunta ka sa cruise party na ‘yon with an ulterior motive, at least papangit ang tingin nila sa ‘yo, ‘di ba?” Kung wala lang siyang hawak na supot ng mga milk tea, baka napakamot na siya ngayon ng ulo sa sinabi nito. “Anong ulterior motive?” Alam naman niya ang kahulugan ng mga katagang ‘yon. Ang hindi niya maintindihan ay ang pakay ni Lauren.“Na mukha kang pera. And that you’re used to serving rich men.” Ilang segundo siyang nag-isip, pero hindi pa rin niya mapagdugtong-dugtong ang gusto nitong sabihin. “So gusto mo lang pumanget ako sa mga mata nila, gano’n ba?” Kung ‘yon lang naman pala, eh ‘di walang problema. As long as kikita siya ng pera. “Okay, deal!” pagpayag niy
“Bakit kailangan mong malaman kung sino ako? Para makapagpanggap ka? Hinding-hindi ako makakapayag na matali sa isang katulad mo ang apo ko!” Pinasadahan pa nga nitong muli si Jyla ng tingin mula ulo hanggang paa, naniningkit ang mga mata sa pandidiri.Sa mga mata nito, isa lang siyang babaeng nagbibigay ng aliw na hindi nga man lang maayos ang make-up. She looked so cheap, pathetic, and lowly.Kung may larawan lang ang isang babaeng mahilig mamikot, siyang-siya ‘yon, sa itsura ba naman niya ngayon.“Lo! Ano pong ginagawa mo rito ngayon?” pagtawag ni Lauren sa atensyon ng matanda pagkabukas ng pinto. Lumabas din ito ng tindahan. Nagkunwari pa talaga itong hindi nito sinadya na papuntahin ang matanda sa lugar. Napahalukipkip pa nga si Jyla sa babae, pero hindi mapigilan ni Lauren ang mapangisi pa lalo sa kanya. Hindi niya maintindihan ang takbo ng isipan nito. Nababaliw na yata talaga ito. Pinsan ni Cullen si Lauren sa ina. Pero dahil maagang namatay ang magulang ni Lauren, kinupkop n
Saka lang yata nakapagsalita si Marcelito nang makapasok na si Jyla sa fitting room. “Paano ba nagustuhan ng pinsan mo ang babaeng ‘yan? Akala niya yata may mahihithit siya kay Cullen. Ikaw naman, Lauren, huwag mo namang hayaang magkagusto ang pinsan mo kung kani-kanino!” asik ni Marcelito kay Lauren.Bago pa makapagdahilan si Lauren ay umalis na ang matanda. Nagmamadaling pumasok si Lauren sa store at naabutan siya nitong bihis na. “Jyla, I’m so sorry. Hindi ko ine-expect na pupunta bigla si lolo. Nalaman kasi niyang nakikihalubilo nga si Cullen sa—” hindi na tinuloy ni Lauren ang sasabihin dahil sinimangutan niya ito. “Kaya sinusundan kami ni Lolo Marcel kahit saan kami magpunta. Nabalitaan siguro niya sa mga tauhan namin. Madalas kasi magkwento ‘yon sa ‘kin si Cullen eh,” pagpapatuloy ni Lauren.Kanina pa nagpipigil si Jyla na tanggaling ang wig nito kasi nga grabehan din ito kung magsinungaling. Pero hahayaan na lang niya dahil meron pa siyang pakay dito. Inayos niya na ang tin
ZionThe design plan was hand-drawn and very detailed, pero hindi iyon ang ikinabigla ni Zion, pero dahil pamilyar sa kanya ang drawing na ‘yon. Kaparehas na kaparehas ito ng ginuhit ni Jyla noong nakaraan sa isa sa mga nilamukos nitong papel. It was good enough kahit noong una niya itong nakita sa nilamukos na papel. Ang tanging pinagkaiba lang ay kumpleto na ang disenyo ng nasa kamay ngayon ni Zion, kumpara sa nakita niya sa kwarto ni Jyla. And aside from that, marami ring modifications na ginawa ito. “Sinong nagbigay nito?” nanunuring tanong niya kay Simon at sa sekretarya nito. Nakalimutan ni Simon ang pangalan ng babaeng ka-meeting dapat nito, mabuti na lang at alam ito ni Kyline. “Sir, the architectural assistant of Summit Heights gave it to me, Miss Jyla Mendoza,” kalmadong sagot ng babae. Nakangiti pa nga ito. “Nasa lounge lang po siya, naghihintay.”Natigilan si Zion nang marinig ang pangalan ng asawa. “Let’s end the meeting here,” utos ni Zion sa mga taong naroon at mab
“Napakasipag talaga ni Manang Jyla,” dinig ni Jyla na kutya ng isang katrabaho niya sa madalas nitong mga kadaldalan.“Kaya nga. Walang imik-imik ‘yan maghapon kaya andaming natatapos gawin. Sana all!”“Huy grabe kayo! Pagtapos niya kayo bilhan lagi ng kape at milk tea! Tapos siya rin taga-kuha niyo ng parcel palagi! Mas maganda pa nga siya sa inyo ‘no!” pabirong sita ng isa sa grupo na ‘yon.“Sayang nga ganda niya, hindi man lang marunong pumorma. Parang sasamba palagi!” Napabunghalit ng tawa ang mga babaeng chikadora. “Kamo, kakasuot lang niya ng damit na ‘yan noong isang araw. Tapos ayan na naman suot niya.” “Mumurahin na nga lang yung damit, hindi pa bumili ng marami.” “Uy! Tumigil na kayo. Andiyan lang siya oh, baka marinig tayo.” Natahimik nga ang grupo pero huli na ang lahat. Narinig na ni Jyla ang pang-iinsulto ng mga ito sa kanya. Pero wala siyang pakialam. At least, aminado naman ang mga ito na mas maganda siya kaysa sa kanila. Ang pinaka-importante naman kasi para sa
“Woah, ang lakas din ng pang-amoy mo, ah? How did you know that the elites are gathering here tonight?” sarkastikong sabi ni Andrew.Hindi pinansin ni Jyla ang pangungutya ng lalaki, bagkus ay nginitian pa niya ito. “Sir Andrew! Hindi kita nakikita sa trabaho nitong nakaraan. Hindi ka ba pumapasok?” Lumamlam ang mga titig na pinukol sa kanya ng lalaki. “Why? Did you miss me?” Even his voice had suddenly become sultry.Nagkasalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. “Huh? Hindi ah.” “Eh bakit ka nandito ngayon kung hindi mo ako nami-miss?” mapang-uyam nitong sumbat. “I have been busy because of this. Because I’m one of the hottest bachelors in town, kailangan kong maki-cooperate sa party na ‘to,” medyo hambog pa nga nitong dagdag. Halos mapairap si Jyla sa sinabi nito. Sobrang hangin kasi. Pero kasi, hindi naman niya maitatanggi na lalo nga itong gumwapo ngayon. Nagmistula itong Duke galing sa regency era with his dark green tailcoat and high collared shirt and tight fitting trous
Kanina pa lumayag ang barko at halos masuka-suka nga si Jyla sa uga ng sinasakyan habang mine-make-up-an siya kanina. Nagkusa na siyang lagyan ang sarili ng primer spray mula sa mga nakalatag na gamit ni Andy na ikinasinghap ng huli. Hiniling niya rito na nipisan ang make-up niya, Pero tila lalo lang itong nagalit sa ginawa niya at lalo pang mas kumapal ang make-up niya, lalo na sa parteng mata at kilay niya. Nagmukha tuloy siyang drag-queen.Pero at least, nag-effort itong lagyan siya ng hair extensions at hindi lang siya basta sinalpakan ng wig. Kaya naman abot baywang na rin ang maalong buhok niya ngayon na naka-braid ang itaas na parte at nakalugay naman ang ibabang parte. Habang nagpupuyos ang kalooban, tahimik siyang naupo sa loob ng cabin, seryosong iniisip kung alin sa mga nakahandang costume ang isusuot. Sumasakit lang ang ulo niya habang tinitingnan ang mga ito. Halos lahat kasi ng mga damit ay bulgar, ang iba nga ay see-through pa, parang hindi angkop sa kasiyahan. Nabang
Kusang pinakawalan ng lalaking adik ang kamay ni Jyla kaya dumikit siya kay Zion para hindi na ito magtangkang habluting muli ang kamay niya. Hindi maipaliwanag ni Jyla ang nararamdaman nang mapatingin sa asawa. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang mundo at parang silang dalawa na lang ang naroroon. Bigla niyang nakalimutan ang mga pang-iinsulto ng mga tao sa kanya. Nakitaan ni Jyla ng kaunting kulot ang mga buhok nito sa harapan, kaya lalong nahalata ang magandang anggulo ng mukha nito. He was gorgeously donning a navy blue ensemble, his embroidered tailcoat, waistcoat, and even his pants were all in navy blue. Puti naman ang polo nitong pang-ilalim na may mahabang manggas at itim ang suot nitong sapatos. Pakiramdam tuloy ni Jyla ay magka-terno sila ng asawa, kahit sobrang layo ng kalidad ng damit niya kumpara sa kasuotan nito. Para itong prinsipe, pero siya, parang inabandona sa bahay-ampunan na tumanda na lang doon pero wala na talagang nagkainteres na ampunin siya. Bakit ito
JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio
Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag
ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka
JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si
Rolly“Lintek na babaeng ‘yon! Nagulat ako may nilabas bigla na cutter at inambahan ako ng saksak! Ang lakas ng loob! Matapos niyang batuhin si Gabriella ako naman ang sasaksakin niya!” protesta ni Rolly sa asawa at anak na ngayon ay nagkukumpulan sa mahaba nilang sofa. Kaagad namang umismid si Beth sa narinig. “Tingnan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niya,” wala sa loob na usal ng babae habang nakatingin sa malayo. Kumunot ang noo ni Rolly sa sinabi ng asawa at bumaling siya ng tingin kay Gabby, nanghihingi ng impormasyon. Kaagad namang umiling si Gabby sa kanya. “I’m tired. Doon lang muna sa kwarto ko, ma, pa,” pagpapaalam ni Gabby sa kanilang dalawa. Hindi na nito hinintay pa ang pagpayag nila at tumayo na ito sa sofa at saka umakyat sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila. Wala silang nagawa kundi sundan lang ito ng tingin. “Hon, what are you talking about?” hindi matiis na tanong na niya kay Beth matapos masiguradong nakapasok na it
Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n
Lukot na lukot ang mukha ni Jyla habang tinitingnan ang babae. “Anong ginagawa mo rito? Nakuha mo na ang gusto mo, bakit ginugulo mo pa rin ako?” Maarteng humalukipkip si Gabby, at salitan ang pag-arko nito ng kilay habang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngiti nito sa mga labi. “Yung totoo? Akala mo siguro papanigan ka ni Zion ‘no? Because he treated you nicely these past few days, you thought he’d choose you over me. Akala mo maagaw mo na siya sa ‘kin.” Habang lumilipas ang oras na tinititigan ni Jyla si Gabby ay lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang sakalin ito. Hindi dahil sa pinanigan ito ni Zion, pero dahil sa paulit-ulit na panggugulo nito at ng pamilya nito sa kanya at sa puntod ng ina niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya pinadala ng ina sa mga Palencia, namatay na lang ito at lahat, pero hindi na talaga niya nalaman ang dahilan. Sinira lang ng mga ito ang buhay niya. Wala siyang balak na saktan si Gabby dahil ayaw niyang bumalik sa bila
Jyla Nang makarating sa kwarto ay mabilis na pinawi ni Jyla ang mga luha niya at nagsimula na siyang mag-empake ng gamit. Hindi na siya nag-abala na ilagay sa maleta niya ang mga pinamili ni Zion sa kanya na mga damit, maski ang laptop nitong binigay sa kanya. Mamaya ay isumbat pa nito sa kanya sa susunod. There’s no knowing what he’d do next. Mainam na rin ang maging maingat. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. She loved wearing those. She loved using the laptop for work. Ngayon tuloy ay wala na siyang magagamit kapag kailangan niyang gumawa ng design sa bahay.Bahala na. Pagkatapos mag-empake ay inayos niya muna ang loob ng silid at nilisan ‘yon. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at sinipat ang kwartong nilagi niya nang maraming linggo na rin. Matapos niyang masigurado na maayos ang lahat, mabigat ang mga paang lumabas na siya ng silid. Mabilis ang mga hakbang na dumiretso siya sa pintuan palabas ng unit at ni isang beses ay hindi man lang
“How dare you hurt Gabriella right in front of me.” Medyo malalim ang pagkakabanggit noon ni Zion, na para bang hinugot pa nito sa kaibuturan ng pagkatao nito ang boses. His voice wasn’t laced with anger or contempt. And Jyla thought he sounded so sexy, so dangerously sexy, tapos ay malamlam pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya ngayon. Hindi malaman ni Jyla kung ano ba ang una niyang dapat na maramdaman kaya namang paulit-ulit siyang napalunok. Matatakot ba siya dahil alam niyang pagbabantaan na naman siya nito dahil sa ginawa niya kanina? O mag-aalala ba siya dahil sa init na sumisingaw sa katawan nilang dalawa ngayon. Not to mention how his warm and smoky breath kept blowing on her face. Para siyang nagagayuma. Imbes na lumaban ay hinayaan na lang niyang hawakan ni Zion ang magkabila niyang pulsuhan. “Since I’ve shown you nothing but kindness this past few days, hindi ba dapat ganun din ang gagawin mo sa iba? Especially to the woman I am marrying someday?” He should be an