Home / LGBTQ+ / RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog) / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog): Kabanata 41 - Kabanata 50

134 Kabanata

Chapter 41-Horny

"Alex, stop seducing me. You know what will happen to you if you don't stop!" Napatiim bagang si Dylan nang gumapang ang isang palad ng binata sa kaniyang dibdib.Unti-unting ibinaba ni Alexander ang mukha at inilapit sa tainga ng binata. "I'm not scared, baby!" Napamura si Dylan nang lumapat ang mainit na labi ni Alexander sa kaniyang tainga. Sa dami nang umakit sa kaniya na mga babae pero kay Alexander lang talaga siya mabilis bumigay. Tanging ang binata lang ang nakapagpakalma sa kaniya at nakakalimot pansamantala. Ang bilis din mabuhay ng kaniyang pagkalalaki. Halik palang pero naninigas na ang kaniyang shaft.Napangisi si Alexander nang maramdaman ang katigasan ng binata sa kaniyang hita. Lumalim din ang paghinga nito. Gusto lang sana niyang subukan ito. Ngunit bigla na rin siya nag-init. Nang kabigin nito ang kaniyang batok at kinuyumos ng halik ang labi ay nakalimot na siya sa bilin ng doctor.Mabilis na tumayo si Dylan habang magkahinang ang labi nila at pumulupot sa kaniyang
last updateHuling Na-update : 2024-11-18
Magbasa pa

Chapter 42-Kataksilan

NANG masiguro ni Dylan na tulog na si Alexander ay maingat siyang bumaba ng kama. Lumabas siya ng silid at dumiritso sa mini bar na naroon lang din sa loob ng mansion. Mabilis na nilagok ang laman ng baso habang sinasariwa sa isipan ang mga alaalang bumalik sa kaniyang isipan. Mga alaala noong siya ay pitong taon lamang. "Mommy, bakit po kayo umiiyak?""Hayop ang iyong ama, paano niya ako nagawang lokohin at ipagpalit tayo sa babaeng iyan?"Nakikita ni Dylan ang sariling umiiyak at dinamayan ang inang naghihinagpis. Nagkalat ang larawan ng ama at may kasamang babae. Nang araw na iyon ay naunawaan ni Dylan kung bakit hindi sila sinundan ng ama sa isang bahay bakasyunan. Nasa ibang bansa ito kasama ang ibang babae. Napahigpit ang hawak ni Dylan sa basong may lamang alak. Ang nakita sa larawan noong bata pa siya at ang babaeng bisita kanina ay iisang mukha. Umidad man ang hitsura nito pero alam niyang hindi siya maaring magkamali. Ilang salin pa ng alak ang ginawa niya bago nagpasyang
last updateHuling Na-update : 2024-11-18
Magbasa pa

Chapter 43-Hiling

"MAY problema ba?" tanong ni Laurenzo kay Dylan nang bisitahin siya nito sa kaniyang opisina.Sandaling napatitig si Dylan sa ginoo. Nanatiling blangko ang expression ng mukha at ayaw niyang ipakita rito ang tunay na saloobin ngayon. "Balita ko ay alam niyo na kung saan nagtatago si Racar?""Oo ngunit nakalipat agad siya. Hindi na siya naabutan ng tauhan ni Conrad." Naikuyom ni Dylan ang kamao pagkarinig sa pangalan ng tunay na ama. Ayaw pa niyang may makakaalam na bumalik na ang kaniyang alaala. "Gusto kong makausap si Mr. Conrad."Nangunot ang noo ni Laurenzo habang nakatitig kay Dylan. Bigla siyang kinabahan at— naudlot ang tumatakbo sa isipan nang magsalita muli ang binata."Gusto ko lang po makipagtulungan sa kaniya upang mapadali ang paghuli kay Racar, dad."Lumambong ang aura ng mukha ni Laurenzo nang tawagin siyang, 'daddy', ng binata. Parang biglang bumalik siya sa nakaraan, noong buo pa ang pamilya ng kaibigan. "Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Dylan nang biglang manahimik
last updateHuling Na-update : 2024-11-19
Magbasa pa

Chapter 44-Paalala

"Moron, mali ka lamang ng pagkaintindi. Ang mabuti pa ay pauwiin mo na siya.""May hindi ba magandang nangyari?" biglang nag-alala si Alexander. "Hihintayin mo pa bang dumating sa ganiyang punto? Alam mong gumagalaw na siyang mag-isa ngayon sa paghahanap kay Racar.""Ginagawa lamang niya ang tama, dad." Pagtatangol ni Alexander sa nobyo."I know, pero paano kung mapahamak siya?"Biglang bumangon si Alexander at nagmamadaling bumaba ng kama. Bigla siyang natakot na baka nga mapahamak si Dylan. "Saka dapat lagi mong ipinapakita sa kaniya kung gaano mo siya kamahal."Napamura si Alexander at bigla siyang nadulas sa kakamadaling maisuot ang tsinelas. Na distract din kasi siya sa sinabi ng ama na sobrang cheesey bigla. "Dad, ginagawa mo naman akong babae!""Anong masama sa sinabi ko? Sino na ang buttom sa iny—""Shut up, dad!" bigla siyang nahiya sa ama. Binabaan na niya ito ng tawag at dahan-dahang itinuwid ang katawang nakasandal sa maliit na lamesang nakadikit lang din sa dingding. S
last updateHuling Na-update : 2024-11-19
Magbasa pa

Chapter 45-Ang tunay na pagkatao

Mula sa mahimbing na tulog ay nagising si Dylan dahil sa masamang panaginip. Muling napanaginipan ang inang nabaril. Bumabangon ang galit sa dibdib sa tuwing maalala iyon at sinisisi niya ang babaeng asawa ngayon ng ama. "Hindi ako maging masaya hangga't hindi kita naipaghiganti, mom!" kausap ni Dylan sa ina sa isipan lamang. "Uhmmmm..." Humigpit ang yakap ni Alexander kay Dylan nang maramdamang gumalaw ito.Dahan-dahang nilingon ni Dylan ang binata at kamuntik nang makalimutan na may kasama siya sa kaniyang silid. Doon natulog si Alexander at ayaw pumayag kanina na magkahiwalay sila ng silid. Mukha itong inosinte kapag natutulog. Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa noo nito at dinampian ng magaan na halik. Nang masigurong mahimbing na muli ang pagkatulog nito ay dahan-dahan niyang inalis ang braso nitong nakapulupot sa kaniyang beywang. Alas kuwatro palang ng umaga at madilim ang paligid. Hindi na hinintay ni Dylan na lumiwanag ang paligid at magising si Alexander. Kailangan ni
last updateHuling Na-update : 2024-11-19
Magbasa pa

Chapter 46-Salarin

"Tinulungan mo si Tita Romana na masira ang pamilya nila Dylan?" nang-uusig na tanong ni Alexander sa ama. Nakaramdam siya ng awa para sa nobyo at galit para sa ama at tiyahin."Hindi ko alam noon ang motibo ni Romana. Ibinigay ko lamang ang kagustohan niya upang sumaya siya. Hindi ko alam na ang pagpunta niya sa Spain ay may ibang dahilan." Paliwanag ni Laurenzo sa anak."That bitch!""Tiyahin mo pa rin siya, Alex!"Naikuyom ni Alexander ang kamao at binaliwala ang sinabi ng ama. Bigla siya nabahala. Tama ang ama, tiyahin niya ang babaeng sumira sa pagsasama ng mga magulang ni Dylan. Natatakot siya ngayon na maari siyang layuan ni Dylan upang gantihan ang tiyahin."Ano ang gagawin ko, dad? Hindi ko kayang mawala si Dylan sa akin!"Mabilis na ginagap ni Laurenzo ang nakakuyom na kamao ng anak. "Ikaw lang ang makatulong sa kaniya upang alisin ang galit sa kaniyang puso ngayon. Gumawa ka ng paraan na piliin ka niya sa bandang huli.""Paano?" pinanghihinaan ng loob niyang tanong sa ama.
last updateHuling Na-update : 2024-11-19
Magbasa pa

Chapter 47-Bisita

"Dito lang po kayo at tatawagin ko ang senyor."Napatayo si Romana mula sa kinaupuan nang marinig ang tinig ng katulong at may kausap. Mabilis siyang pumunta ng sala at tiningnan kung sino ang bisita nila at ang aga pa. "Ano ang kailangan mo sa asawa ko?" tanong niya sa lalaking naabutan sa sala. Natandaan niya ito, ang lalaking karelayon ng pamangkin.Hindi nakaligtas sa mapanuring tingin ni Romana ang pagtalim ng tingin sa kaniya ng binata. Pero panandalian lamang iyon at bumati sa kaniya."Goodmorning, gusto ko lamang makausap ang iyong asawa tungkol sa personal na bagay." Pormal na pakipag-usap ni Dylan sa ginang.Pinakatitigan ni Romana ang binata. Ramdam niyang may kakaiba sa mga mata nito pero hindi niya mawari kung ano iyon. Naputol ang pag-iisip niya ng malalim nang makita ang pagbaba sa hagdan ng kaniyang asawa.Sandaling napatitig si Conrad sa mga mata ng binata nang magsalubong ang kanilang mga tingin. Ikalawa na nilang paghaharap ito ngayon at kakaiba kung maningin ito n
last updateHuling Na-update : 2024-11-19
Magbasa pa

Chapter 48-Pagmamanman

Pagkalabas ni Dylan sa library ay nasa sala pa rin ang asawa ni Conrad. Mukhang malalim ang iniisip nito at hindi napansin ang paglapit niya. Kung nakakapaso lang ang tingin ay tiyak na sunog na ang ginang dahil sa talim ng kaniyang tinging ipinukol dito.Nang maramdaman ni Romana na may nakatingin sa kaniya ay mabilis siyang lumingon. Nagulat pa siya nang makita ang lalaking bisita ng asawa. "May kailangan ka pa ba?"Sa halip na sagutin ang ginang at nilampasan niya ito. "Aba't, antipatiko 'yun ah!" inis na bulong ni Romana nang wala na sa harapan ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit mukhang galit ito sa tuwing nakikita siya. Wala naman siyang matandaang nagawang masama sa lalaki.Hindi lumayo si Dylan sa bahay ni Conrad. Naghintay siya hanggang sa nakitang umalis si Romana, mag-isa. Palihim niya itong sinundan kung saan pupunta.Mula sa malayo, malungkot na sinundan ng tingin ni Alexander ang pagsunod ni Dylan sa kaniyang tiyahin. Ngayon niya nakumpirmang bumalik na nga ang alaal
last updateHuling Na-update : 2024-11-19
Magbasa pa

Chapter 49-Bulaklak

Sa bahay nila Conrad, hindi siya mapakali dahil sa mga binitiwang salita ni Dylan. Ang isa pa sa nagpapabagabag sa kaniyang isipan ngayon ay nang alisin nito ang suot na salamin kanina. Ang mga mata nitong katulad sa namayapa na niyang asawa."Hindi maari, kasama ang katawan niya sa nasunog sa bodega!" kausap ni Conrad sa sarili.Mariing naipikit ni Conrad ang mga mata nang maalala ang nakaraang trahedya. Huli na nang makarating siya sa bodega kung saan itinago ng mga kidnaper ang anak nilang magkaibigan. Ang masakit pa ay nakasama ang kaniyang asawa at anak dahil sinunog ng kidnaper ang naturang lugar. Hindi alam ni Conrad na kumilos mag-isa ang asawa at inunahan siyang humarap sa mga kriminal. Halos hindi niya ito makilala noon at alam niyang patay na ito bago pa masunog. Kasama ang anak ni Racar noon at may tama rin ng bala. Ang anak niya ay yakap ng kaniyang asawa nang matagpuan niya ang katawan nito.Biglang sumakit ang ulo ni Conrad habang pilit nililinaw sa isipan ang lahat. H
last updateHuling Na-update : 2024-11-19
Magbasa pa

Chapter 50-Galit at pagsisisi

"I'm sorry!"Naikuyom ni Conrad ang kamao dahil sa salitang binitiwan ni Laurenzo. Hindi pa naman ito tapos magsalita ngunit nanghihina na siya dahil sa galit dito at pangungulila sa anak."Ginawa ko lamang ang sa tingin ko ay nakabubuti sa lahat," mahinang paliwanag ni Laurenzo.Galit na kinuwelyohan ni Conrad ang kaibigan. "Tama? Tama ba ang itago mo ang anak ko at paniwalain akong patay na siya?"Galit na tinabig ni Laurenzo ang kamay ng kaibigan at parehong nagbabaga sa galit ang kanilang mga mata. "Kung hindi ko siya itinago, sa tingin mo ba ay kaya mo siyang protektahan sa taong gusto siyang mawala sa mundong ito?""Ano ang ibig mong sabihin? Ganoon na ba kahina ang tingin mo sa akin?" Galit na sinugod ni Conrad ito at pahaklit na hinawakan ang kuwelyo nito."Oo, kung hindi ka naging mahina ay hindi sana nasira ang pamilya mo!" galat niyang bulyaw kay Conrad.Parang napapasong binitiwan ni Conrad ang kuwelyo ng kaibigan at humakbang palayo rito."Alam mong kapatid ko si Romana a
last updateHuling Na-update : 2024-11-20
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
14
DMCA.com Protection Status