"I'm sorry!"Naikuyom ni Conrad ang kamao dahil sa salitang binitiwan ni Laurenzo. Hindi pa naman ito tapos magsalita ngunit nanghihina na siya dahil sa galit dito at pangungulila sa anak."Ginawa ko lamang ang sa tingin ko ay nakabubuti sa lahat," mahinang paliwanag ni Laurenzo.Galit na kinuwelyohan ni Conrad ang kaibigan. "Tama? Tama ba ang itago mo ang anak ko at paniwalain akong patay na siya?"Galit na tinabig ni Laurenzo ang kamay ng kaibigan at parehong nagbabaga sa galit ang kanilang mga mata. "Kung hindi ko siya itinago, sa tingin mo ba ay kaya mo siyang protektahan sa taong gusto siyang mawala sa mundong ito?""Ano ang ibig mong sabihin? Ganoon na ba kahina ang tingin mo sa akin?" Galit na sinugod ni Conrad ito at pahaklit na hinawakan ang kuwelyo nito."Oo, kung hindi ka naging mahina ay hindi sana nasira ang pamilya mo!" galat niyang bulyaw kay Conrad.Parang napapasong binitiwan ni Conrad ang kuwelyo ng kaibigan at humakbang palayo rito."Alam mong kapatid ko si Romana a
Ramdam ni Alexander na naka focus na lang ang isipan ni Dylan sa ibang bagay. Lumipas ang ilang araw ay madalas itong umaalis na hindi nagpapaalam sa kaniya. Nag-aalala na siya at baka mawala na rin ang pagmamahal nito sa kaniya dahil sa galit nito sa kaniyang pamilya."What's wrong?" malamig na tanong ni Dylan sa binata nang mapansin na hindi nito ginagalaw ang pagkain.Tikom ang bibig na umiling si Alexander habang nilalaro ng tinidor ang hotdog na nasa plato nito.Walang salitang tinapos ni Dylan ang pagkain at nauna nang tumayo. Ayaw niyang magtagal sa harapan ng binata at nawawala siya sa focus.Inis na ibinagsak ni Alexander ang hawak na tinidor at tumayo na rin. Hindi na tumatalab ang kahinaan niya kay Dylan ngayon. Pero hindi siya nag-iinarte kaya nawalan siya ng ganang kumain nitong mga huling araw. Sadyang hindi niya kayang kumain dahil nag-aalala ng husto sa relasyon nila ni Dylan. Kahit sa gabi ay ramdam niya ang panlalamig sa kaniya ni Dylan. Ayaw din nitong makatabi siya
Nang makita kung saan siya dadalhin ni Dylan ay mabilis na tumanggi si Alexander. Wala talaga siyang ganang kumain ngayon kahit naging ok na sa kaniya ang nobyo.Hindi pinakinggan ni Dylan ang binata. Umupo siya sa upuang inalisan nito kanina kasama ito. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na hindi makakain.Inis na ninguya ni Alexander ang pagkaing isinubo sa kaniya ni Dylan. Hindi rin siya makaalis mula sa pagkaupo sa kandungan nito dahil ang higpit ng pagkayakap ng isang kamay sa kaniyang beywang."Stay!" matigas na utos ni Dylan nang kumiskis na ang ang pang-upo nito sa kaniyang harapan.Napangisi si Alexander nang maramdaman ang paglalim ng hinga ng nobyo. Walang nanganagahas na pumasok sa living room kapag naroon sila ng nobyo. Ilang gabi na rin naman siyang nangungulila dito kaya grab na niya ang pagkakataong ito. "Shit!" napamura na si Dylan nang mag-iba ng upo si Alexander. Ito ang iniiwasan niya kaya inilalayo ang sarili sa binata. Nakakalimot siya at hindi kayang pigila
Nagising si Alexander na wala na sa tabi si Dylan. Kagabi ay sa tabi niya ito natulog pero nagkasya lang itong nakayakap sa kaniya at ganoon din siya. Agad niyang hinanap ang cellphone at binasa ang mensahe ng tiyahin."Nasaan ka na? Malapit na ako sa tagpuan namin ni Racar."Napabalikwas ng bangon si Alex matapos mabasa ang text ng tiyahin. May missed call din ito at mukhang may naunang message itong ipinadala sa kaniya ngunit hindi niya makita. Malakas ang kutob niyang si Dylan ang nakabasa niyon. Nagmamadaling nagpalit siya ng damit habang tinatawagan ang tiyahin."Shit, sagutin mo!" kinabahan lalo si Alexander nang biglang namatay ang cellphone ng tiyahin. Halos patakbo siyang lumabas ng silid at hinanap ang ama."What's wrong?" tanong ni Laurenzo sa anak at halos mabingi siya sa lakas ng boses nito habang tinatawag siya."Dad, tawagan mo po si Tito Conrad at alamin kung nasaan si Tita Romana!""Ano ba ang problema?" Tumayo si Laurenzo at kinuha ang cellphone na nakapatong sa isa
Napangisi si Racar nang mamataan ang parating na sasakyan. Nakapwesto ang tauhan niya sa paligid upang makasigurong hindi siya malinlang ng babae. Napaniwala niya si Romana na mag-uusap lamang sila at kailangan nilang magtulungan upang mawala ang dapat alisin na tinik sa kanilang buhay. Pagkababa ni Romana sa sasakyan ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Naroon sila ngayon sa lugar kung saan namatay ang ina ni Dylan. Si Dylan ay nagpaiwan sa loob ng sasakyan at hindi ito maaring makita ni Racar. Tama ang lalaki, hindi siya nakakasigurong hindi siya gagawan ng masama ni Racar. Binigyan siya ni Dylan ng kundisyon kaya napasunod siya nito."Mabuti naman at dumating ka na. Doon tayo sa loob." "Huwag na at hindi rin ako magtatagal. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dito." Nang-aarok ang tingin ni Racar sa babae. Sininyasan niya ang isang tauhan na tingnan ang loob ng sasakyan ni Romana at baka may iba itong kasama."Ganoon na ba ako kalakas at kailangan mo pa ng alalay sa pakipagk
Kalmado lang na pinanood ni Dylan ang dalawa habang nag-aagawan ng baril. Patuloy siya sa paghakbang hanggang sa makalapit sa mga ito."Ahhh, bitiwan mo ako!" Galit na nagpupumiglas si Romana at nabaliktad na ang sitwasyon sa pagitan nila ni Racar. Pasakal ang isang braso nitong nakapulupot sa kaniyang leeg. Ang isang kamay ay hawak na ang baril at nakatutok sa kaniyang ulo.Ngumisi si Racar sa lalaking nasa harapan na niya ngayon. Nakatutok din sa kaniya ang de kalibring hawak nitong baril. "Bitawan mo ang baril mo kung ayaw mong mabasag ang bungo ng babaeng ito!" Pananakot niya sa. binata habang nakangisi."Go ahead, para naman maipaghiganti mo ang ginawa niyang pagsunog ng buhay sa iyong anak." Udyok ni Dylan sa lalaki.Sabay na nanlaki ang mga mata nila Romana at Racas dahil sa narinig mula kay Dylan. Hindi akalain ni Romana na ibunyag iyon ni Dylan sa ganitong sitwasyon. Si Racar ay halatang guilty sa pagkaalala sa anak nitong namayapa na. Guilty dahil ang sarili mismo ang nagha
Hinintay ni Alexander na e clear ni Dante ang paligid bago gumawa ng sunod na hakbang."Young Master, sa nakikita ko ay may limang lalaking nakasunod sa loob ng sirang gusali. Ang lima pa ay nagkalat sa paligid ng gusali." Pagbabalita ni Dante gamit ang earpiece."Copy, lalapit kami sa building. Ikaw na ang bahalang magpatumba sa taong hindi namin nakikita." Utos ni Alexander kay Dante bago suminyas kina Troy. Lima lamang silang sumugod doon at baliwala sa kaniya ang bilang ng kalaban. Alam niyang parating na rin ang kanilang ama.Itinutok ni Dante ang dalang sniper gun sa isang taong malapit sa daang tinatahak nila Alexander. Siya ang nagbibigay instructions sa mga ito kung titigil na ba o hindi. "Standby!" Tumigil sina Troy nang marinig ang tinig ni Dante mula sa earpiece. Nakita niya ang isang anino at sa kabila ay may isa pa. "Kailangang sabay nating mapatumba ang dalawa. Ako ang bahala sa taong nasa kaliwa mo at ikaw naman sa kanan." Instruction ni Dante kay Troy.Sabay na inu
Mabilis na nilapitan nila Troy ang ginang at sinuri kung may sugat ito. Si Racar ay tinalian nila kahit nanghihina na ito. "Dalhin niyo na sa hospital ang gagong iyan at hindi puwedeng mamatay!" matigas na utos ni Laurenzo sa tauhan. Kararating lang nila at ito ang kanilang naabutan.Gulat na napatingin si Romana sa mga bagong datimg. Nang masalubong ang malamig na tingin ng asawa ay lalo siyang namutla at hinimatay.Nangangalit ang bagang ni Dylan at hindi natuwa sa pagdating ng kanilang ama. Ang plano niya ay sunugin ng buhay ang katawan ni Racar. Inis na itinulak niya si Alexander at ito ang sinisisi dahil da pangingialam sa kaniyang lakad. Ngunit niyakap siya ng ng mahigpit at ramdam niya ang takot na nadarama nito."I'm sorry, please huwag ka nang magalit. Ayaw ko lang na mawala ka sa akin!" Pagsusumamo ni Alexander sa nobyo."Tsss, lalong sumasakit ang sugat ko sa iyo!" Hinahapo na daing ni Dylan at nakaramdam na rin ng panghihina."Ah shit, I'm sorry!" Lalong nataranta si Alex
Nakagat ni Alexander ang loob ng labi at nakunsesnya. "Sorry, may tiwala ako sa iyo pero sa gustong agawin ka sa akin ay wala." Humigpit ang kapit niya sa braso ng asawa at isinandal ang ulo sa balikat nito.Napabuntong hininga si Dylan, "sa una ay nagagalit ako at nagseselos. Hindi mo nakikitang sinasamantala ni Lily ang kahinaan mo sa akin.""Sorry, nakapag desisyon na rin ako na hindi na siya ang kunin nating maging ina ng anak natin."Napangiti si Dylan at hinalikan sa noo ang asawa. "Are you sure?"Nakangiting tumango si Alexander. "Pero nawawala si Lily.""Kailan pa?" Gulat na tanong ni Dylan."Kanina pang tanghali, boss. Wala ma siya bago ko pa nabasa ang message ni Troy." Si Dante na ang sumagot."Mukhang gumalaw na nga sila at si Lily ang nakuha nila sa pag aakalang iyon ang asawa ni Sir Alexander," ani Troy."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander. "Hawak namin ngayon ang pinsan ni Raffy. Ang plano ay ipapatay ang bagong namumuko sa organisasyon at ang alam nila a
Agad nawala ang galit na nadarama ni Alexander sa asawa nang magmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Look, dalawang gabi lang tayong hindi magkatabi ng tulog ay mukha ka nang zombie!"Lalong napangiti si Dylan at idinipa ang mga kamay upang yakapin ang asawa. "C'mon, give me hug."Sinamaan ni Alexander ng tingin ang asawa at gustong ipakita na galit siya. Ngunit hindi nito ibinababa ang mga kamay na nakadipa kahit ilang minuto na ang nakalipas. "Baby, I'm tired." Paglalambing ni Dylan.Napabuntong hininga si Alexander at mukhang napilitang pagbigyan ang asawa. "Ayaw kong nakikitang pagod ka at puyat dahil sa trabaho.""Pero sa pagpapaligaya sa iyo ay ok lang na mapagod ako?" Nanunuksong tanong ni Dylan dito.Mahinang suntok sa dibdib ang itinugon ni Alexander at pinilit ang sarili na huwag gumanti ng yakap sa asawa. Pero hindi niya talaga ito matiis nang matagal lalo na nang humalik na ito sa leeg niya. "Akala ko ba pagod ka at puyat?""Le
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang
Mabilis na naiiwas ni Dylan ang labi sa lalaki. Tumama ang labi nito sa pisngi niya at hinayaan niya lang ito. Nang bumaba ang halik nito sa leeg niya ay nagbilang siya hangang sampu sa isipan lamang. Kalag hindi pa rin ito tumigil sa pangmamanyak sa kaniya at babasagin na niya ang balls nito. Napabuga siya ng hangin sa bibig nang lumuwag na ang yakap sa kaniya ni Raffy at tumigil na rin sa paghalik sa leeg niya. Mabilis siyang kumuha ng wipes at pinunasan ang balat kung saan lumapat ang maduming labi ng lalaki. Wala siyang inaksayang sandali, hinalughog niya ang bahay nito at hinanap ang importanting bagay. Kailangang makuha niya ang blue book."Gotcha!" Nakangising bulong ni Dylan habang hawak ang isang book na tama lang ang laki. Tama talaga siya nang hinala na may inportanteng gamit itong nakatago. Mabilis niyang kinuhanan ng picture ang nakasulat sa book saka iyon ibinalik sa pinagtaguan. Hindi pa maaring makatunog ang mga ito na napasok na ng kalaban. Ngayong alam na niya ang m
"Sino ang tumawag sa iyo?" tanong ni Raffy sa pinsan nang makitang ibinaba na nito ang cellphone. "Your father. Pinaalala niya na kailangan na nating makilala ang tagapag mana ng chairman." Sagot ni David bago angsindi ng sigarilyo.Muling nagsalin ng alak si Dylan sa kaniyang baso at nagkunwaring hindi interesado sa pinag uusapan ng dalawa. "Trabaho mo na yan at hindi akin. Kaya nga nasa organisasyon ka ngayon upang makilala siya." Iritableng tinapik pa ni Raffy sa balikag ang pinsan."Asshole, te-team tayo dito! Nabulos na ani David at gumanti ng tabig sa balikat ni Raffy."Tsss, ang mayabang na lalaking iyon gusto kong unahin kaya solohin mo muna ang trabahong iyan." Suminok si Raffy after nitong angilan ang pinsan.Tumaas ang mga kilay ni Dylan at naging interesado lalo sa topic ng dalawa."Stupid! Ti-tingin mo ay mautakan mo ang gagong iyon?" Natuto na iyon sa mga nauna mong ginawa."Idiots, alam ko ang ginagawa ko! Bago ko pabagsakin ang kompanya nila ay dudurugin ko muna ang
"Sino ang tumatawag?" tanong ni Alexander sa asawa nang hindi sinagot nito ang tawag.Nilingon ni Dylan ang asawa bago ibinulsa ang cellphone. "Just one of my client. Nakalimutan ko na may trabaho akong kailangang tapusin ngayong gabi."Agad nakaramdam ng dismaya si Alexander nang marinig ang sinabi ng asawa."Ihahatid ka na ni Dante sa bahay at huwag mo na akong hinatayin sa hapunan."Lalong nadismaya si Alexander at special day nila ngayon pero trabaho pa rin ang nasa isip ng asawa at mukhang iyon ang priority. "Baby, this is very important at hindi kailangang palamlpasin." Paliwanag ni Dylan nang mapansin ang pananahimik ng asawa habang naglalakad sila sa hallway."Ok." Walang ganang sagot ni Alexander. Hinila ni Dylan ang asawa sa kamay at pinigilang maglakad upang humarap sa kaniya. "Please, huwag kang magalit."Bumuntong hininga lang si Alexander at sinalubong ang nangungusap na mga mata ng asawa. "Sige na, mag ingat ka at tumawag sa akin mamaya.""Thank you, babe!" Mabilis n