Gigi POV Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng silid ko nang tawagin ako ni Gray, kaya huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. “Tara, magswimming tayo.” aya nito nang makalapit sa akin. “Akala ko nag-uusap pa kayo ng tatay mo.” sagot ko. Nakita ko kasi siyang pumasok sa silid ni Chairman Tuazon kanina, akala ko ay magtatagal siya dun. “Hindi kami nakapag-usap. Umalis agad siya, may emergency sa kumpanya.” paliwanag nito. “Ah.., okay. Sige kuha lang ako ng pangswimming.” excited na sabi ko at nagmamadali akong pumasok sa silid para magready na sa swimming namin. Hindi na talaga ako makapaghintay. Kapag nandun ako sa bahay ni ate Tintin o kina ate Mutya, maghapon akong nakababad sa swimming pool nila. Mas excited ako ngayon dahil sabi ni Gray, heated daw ang pool nila, lakas makasosyal. Sa Batangas kasi puro sa tubig alat lang ako makakapag swimming o kaya sa ilog na hanggang tuhod lang ang lalim kasama ng mga kalaro ko. Tapos kelan lang pinagbabawalan na ako ni inay maligo sa
Terakhir Diperbarui : 2025-04-10 Baca selengkapnya