Home / Romance / Chasing Dr. Billionaire / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Chasing Dr. Billionaire : Chapter 81 - Chapter 90

136 Chapters

17 (Book 2)

Gigi POVAno daw? Tay? Tama ba ang narinig ko?Para akong masasamid sa sinabi niya, mabuti na lang at wala akong iniinom ngayon. Narinig kong tumawa si itay, yung tawang masaya.“Sige kung yun ang gusto mo.” ramdam ko ang kasiyahan sa boses ng ama ko.Mukhang boto talaga siya kay Gray, ni hindi ito tumutol nang tawagin siyang “tay” ni Gray. Kaya naman itong si Gray ay ngiting tagumpay. Unang araw pa lang niya dito, mission accomplished agad.“Salamat din po tay, at pinayagan nyo akong bisitahin at ligawan si Gigi.” magalang na saad ni Gray. Infairness sa kanya, kahit naman fake ang panliligaw niya, kita ko naman na genuine ang kabaitang ipinapakita nito sa pamilya ko. Babaero lang siguro siya pero hindi masamang tao. Hindi naman siguro siya magiging barkada ni kuya Andrew kung hindi maganda ang ugali nito.“Alam mo Gray, kung hindi mo naitatanong, marunong akong bumasa ng ugali ng tao. Unang kita ko pa lang sayo, masasabing kong napaka-maginoo mo at hindi ka babaero.” ani itay.H
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

18 (Book 2)

Gigi POVNakahiga kaming dalawa ni Santi sa damuhan dito sa ilalim ng malaking puno sa likod ng school namin. Si Nica ay naka-upo sa may bandang ulunan namin habang nagbabasa ng libro. Samantalang si Jeff naman ay kauupo lang sa bench dahil kadarating lang nito. Galing siya sa isang pa niyang kagrupo na puro mga kalalakihan naman, sports ang pinagkakaabalahan nila dun. Pagdating naman sa mga school activities ay sa amin sumasama si Jeff.Dito kaming apat madalas na tumambay na magkakaibigan kapag lunch break. “Kina tita ako titira, pag luwas natin ng Maynila.” sabi ni Nica habang nakatingin ito sa kanyang libro.Ang tinutukoy niya ay kapag nagcollege na kami. Syempre, kailangan namin ng matutuluyan sa Manila.“Mabuti ka pa, ako kasi sa bahay ni kuya eh. Okay na sana kasi mabait naman yung asawa niya kaso strict si kuya sa curfew. Kaya bawal rumampa sa hatinggabi.” sabi ni Santi na lukot ang mukha.“Hoy bakla, hindi ka pupunta ng Maynila para sumali sa Miss Gay. Kaloka ka.” natat
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

19 (Book 2)

Gigi POV“Si pogi!” malakas na tili ni Santi.Nagulat kaming tatlo sa lakas ng boses nito.“Nakita ko na naman siya.” ani Santi at tumigil pa sa paglalakad para tanawin si Gray. “Siya yung nakita natin sa gate nung isang araw diba. Yung may dalang bulaklak.” tanong ni Nica.“Gigi, sinong pinuntahan niya dito nun?” baling sa akin ni Santi.Nakita kong napatingin sa akin si Jeff. Kaya bigla akong natuliro.“Ewan, baka may nililigawan.” mabilis kong sagot.Biglang sumimangot si Santi.“Kausap niya si Ms. Mendoza. Mukhang may nanalo na.” pairap na anito at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang lingunin ko sila sa gymnasium ay magkausap pa rin ang dalawa.Nagdiretso kami sa classroom namin pero iilan lang ang mga estudyante na nadatnan namin dito sa loob. Napag-alaman namin na kanselado ang isang subject namin dahil mapapavaccine ang karamihan sa mga kaklase ko.“Tara na, punta na rin tayo dun.” pagyayaya ni Nica.Tumayo na silang tatlo para lumabas pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko.
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

20 (Book 2)

Gigi POV Malayo pa lang ay tanaw ko na ang tatlong kaibigan ko na nakapila. Parang gusto ko na ulit umatras, kahit pigilan pa ako ni Jeff. Wala nang epekto sakin ang kagwapuhan niya kung karayom na pinag-uusapan. Kahit pa nga siguro si Jungkook ang kaharap ko. Hindi naman ako hinihimatay kapag binabakunahan. Kaya lang yung anticipation ang kinakatakutan ko. Hindi ako mapakali kapag ituturok na ang karayom. Nakakahiya sa ibang estudyante, magmumukha lang akong ewan at siguradong pagtatawanan lang nila ako. Nagpalinga linga na lang ako at nag-aabang ng kakilalang dadaan para pakiusapan sila na dalhin itong sinukmani kay Gray para hindi ko na kailangang pumunta pa dun. “Gigi!” malalakas na boses ang tumawag sa pangalan ko. Napapikit ako ng mariin dahil kina Santi at Nica lang naman ang boses na yun. Kainis tong dalawang to. Pati tuloy si Gray ay napatingin na rin sa direksyon ko at huli na, nakita na niya ako. Baka ikwento pa nito kay itay kung hindi ako pupunta dun. Kaya mabigat a
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

21 (Book 2)

Gigi POV “Dalaga ka na talaga bunso.” ani ate Tintin habang pinaplantsa niya ang mahaba kong buhok ko. “Umayos ka pagdating mo dun ha. Wag mong bubwisitin ang parents ni Gray. Wag ka ring sasabat sa usapan kung hindi ka tinatanong” bilin nito pero inirapan ko lang siya. “Ate, diba dapat eh sakin ka mag-alala at baka matapobre ang parents niya. Balita ko nga mayaman sila eh.” Malakas na tumawa si ate. “Kahit kailan hindi ako mag-aalala na may mang-aapi sayo.” anitong pinagtawanan lang ang sinabi ko. Mamaya ay susunduin na ako ni Gray para magdinner kasama ng parents, gaya ng kasunduan namin. Suot ko ang dress ni ate na ipinahiram sa akin. Nang makita kasi niya akong naka-jeans kanina ay agad niya akong pinagpalit ng damit. Hindi daw yun bagay sa pupuntahan ko. Ipinahiram niya sa akin ang isang white dress na hanggang tuhod. Sakto lang ito sa akin. Pinahiram din niya ako ng maliit na hikaw. Nilagyan niya ako ng light make-up para daw hindi ako maputla. Siya rin itong n
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

22 (Book 2)

Gigi POV Naglalakad na kami ngayon papasok ng restaurant kung saan naghihuintay ang parents niya. “Wag kang kakabahan. Isipin mo na lang na parang normal na dinner date lang ito kasama ang mga kaibigan mo.” wika ni Gray, at parang pinapalakas niya ang loob ko. “Wala naman akong nararamdaman, mukhang ikaw nga itong kinakabahan eh.” sagot ko. Hindi siya umimik sa halip ay huminga ito ng malalim. Mukhang inihahanda ang sarili sa madadatnan namin sa loob. “Wag kang mag-alala – I got this!” sabi ko sa kanya. Itinaas ko ang aking kamay at nagthumbs up pa sa tapat ng kanyang mukha. Napapailing na lang ito at saka umikot ang mga mata. At bago ko pa man maibaba ang kamay kong naka-thumbs up ay agad na niya itong hinablot at mahigpit na hinawakan saka naglakad, kaya napasunod na lang ako sa kanya. Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng isang napaka-eleganteng restaurant. Sa design pa lang ay alam ko nang mamahalin ang mga pagkain dito. Luminga-linga ako at nakit
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

23 (Book 2)

Gigi POV Kunwari ay busy-bisihan ako sa aking kinakain dahil ramdam ko ang mga tinging dumapo sa akin. Kung narito lang si ate Tintin ay baka nabatukan na niya ako. Pinakabilin bilinan pa naman niya na izipper ko ang bibig ko kahit ano pa ang aking marinig. Nang lingunin ko si Gray ay nakatingin na rin ito sa akin. “Sarap nito. Paano kaya nila niluto ‘to?” kunwari ay balewalang sabi ko na nakangiti, sabay pakita sa kanya ng shrimp na tinusok ko ng tinidor. Muli kong narinig na nagsalita si Mr. Tuazon, kaya bumalik ang atensyon ni Gray sa kanyang ama. “”Kung may problema sa actuator, baka hindi na steady ang response ng servo motor na kumo-control sa joint mechanism. Hayaan mo’t bukas na bukas din ay magpapadala ako ng technician.” Tumango tango si Gray sa sinabi ng kaniyang ama. Base sa naririnig ko sa kanilang usapan ay mukhang kumpanya or pabrika ng mga gumagawa ng mga automated machine ang negosyo ng pamilya ni Gray, at ang ama niya ang Chairman ng kumpanya. Mukhang s
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

24 (Book 2)

Gigi POV “Bakit ba kasi tayo umalis agad?” takang tanong ko kay Gray. Tahimik lang ito habang nagmamaneho. Bigla na lang kasi itong nagyaya na umuwi, at naiwan namin ang tatlo sa restaurant. “Hindi pa naman ako tapos kumain.” reklamo ko, alam kong narinig niya yun dahil sinulyapan niya ako. “Gusto ko pa naman ng dessert.” sabi ko pa. “Ano bang dessert ang gusto mo?” finally, nagsalita na rin ito. Ngayon na lang kasi ito nagsalita simula nang magyaya itong umalis. “Ice cream.” mabilis kong sagot. Pagkasabi ko nun ay walang sabi sabing nitong kinabig ng malakas saka pinihit ang manibela, kaya mabilis na naiba ang direksyon ng sasakyan. Napakapit pa ako sa aking upuan ng bigla kaming lumiko. Maya maya pa ay inihinto ni Gray ang sasakyan at pumarada sa gilid ng daan at mabilis na lumabas. Naiihi kaya siya? Para kasing nagmamadali siya eh. Hinabol ko siya ng tanaw at ilang saglit lang ay nasa tapat na siya ng aking inuupuan. Binuksan nito ang pintuan, kahit hindi niy
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

25 (Book 2)

Gigi POV Pakiramdam ko ay ibang Gray ang kaharap ko ngayon. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya base sa mga naririnig ko. Ang kilala kong Gray ay yung lalaking hindi seryoso at walang pakialam sa mundo. Pero ang kaharap ko ngayon ay parang napakalalim na tao. Kaya lalong hindi ko alam paano magrereact sa mga sinasabi nito. “I see you as a free-spirited young woman and I don’t want to be someone who stands in the way of your dreams. Hindi mo deserved ang kagaya kong hanggang ngayon sa edad kong ito, hindi pa rin alam kung anong gusto sa buhay. Ang pinakamagandang bagay na magagawa ko para sayo…, ay huwag kang ikulong sa isang bagay na balang araw baka pagsisisihan mo lang. You deserve better than being stuck with a jerk like me.” Kahit naiintidihan ko ang ibig niyang sabihin, hindi ko alam kung anong ang mararamdaman, dahil ngayon lang ako napasok sa sitwasyong may napakaseryosong usapan, bukod nung araw na magising kaming magkatabi. Ang madalas lang naming pag-usapan sa bahay
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

26 (Book 2)

Gigi POV “Araaaay!!! Ate, ano ba?” Daing ko habang pinipingot niya ang tenga ko. Nakorner niya ako kaya hindi ako makagalaw. “Kapag yan nakarating kina inay, wag na wag mo akong idadamay. Bahala kayong dalawa ni Drake magpaliwanag.” gigil na sabi ni ate bago niya ako pinakawalan. Umatras siya at umalis sa kama. “Wag kang mag-alala akong bahala.” sabi ko habang tumatayo na rin mula sa kama pero hawak ko ang tenga kong mainit pa rin haggang ngayon dahil sa pamimingot niya. Nagbibiruan kasi kami kanina nang bigla at walang pasakalye ko na lang sabihin sa kanya ang tungkol sa 4 million deal namin ni Gray. Hindi naman kasi ako marunong magpaligoy ligoy kapag nagkukwento, direct to the point para tapos na agad. Kaso nabigla naman si ate nang sabihin ko ang tungkol sa kasunduan. Kaya ayun, pingot ang inabot ko. “Pasalamat ka, hindi ako tsismosang kagaya mo.” ani ate. Gigil na gigil pa rin siya sa akin at inaambaan pa ako na kunyari ay susuntukin, pero syempre hindi niya y
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more
PREV
1
...
7891011
...
14
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status