Share

24 (Book 2)

Author: Kara Nobela
last update Huling Na-update: 2025-03-21 00:29:51
Gigi POV

“Bakit ba kasi tayo umalis agad?” takang tanong ko kay Gray.

Tahimik lang ito habang nagmamaneho. Bigla na lang kasi itong nagyaya na umuwi, at naiwan namin ang tatlo sa restaurant.

“Hindi pa naman ako tapos kumain.” reklamo ko, alam kong narinig niya yun dahil sinulyapan niya ako.

“Gusto ko pa naman ng dessert.” sabi ko pa.

“Ano bang dessert ang gusto mo?” finally, nagsalita na rin ito. Ngayon na lang kasi ito nagsalita simula nang magyaya itong umalis.

“Ice cream.” mabilis kong sagot.

Pagkasabi ko nun ay walang sabi sabing nitong kinabig ng malakas saka pinihit ang manibela, kaya mabilis na naiba ang direksyon ng sasakyan. Napakapit pa ako sa aking upuan ng bigla kaming lumiko.

Maya maya pa ay inihinto ni Gray ang sasakyan at pumarada sa gilid ng daan at mabilis na lumabas.

Naiihi kaya siya? Para kasing nagmamadali siya eh.

Hinabol ko siya ng tanaw at ilang saglit lang ay nasa tapat na siya ng aking inuupuan. Binuksan nito ang pintuan, kahit hindi niy
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Chasing Dr. Billionaire    25 (Book 2)

    Gigi POV Pakiramdam ko ay ibang Gray ang kaharap ko ngayon. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya base sa mga naririnig ko. Ang kilala kong Gray ay yung lalaking hindi seryoso at walang pakialam sa mundo. Pero ang kaharap ko ngayon ay parang napakalalim na tao. Kaya lalong hindi ko alam paano magrereact sa mga sinasabi nito. “I see you as a free-spirited young woman and I don’t want to be someone who stands in the way of your dreams. Hindi mo deserved ang kagaya kong hanggang ngayon sa edad kong ito, hindi pa rin alam kung anong gusto sa buhay. Ang pinakamagandang bagay na magagawa ko para sayo…, ay huwag kang ikulong sa isang bagay na balang araw baka pagsisisihan mo lang. You deserve better than being stuck with a jerk like me.” Kahit naiintidihan ko ang ibig niyang sabihin, hindi ko alam kung anong ang mararamdaman, dahil ngayon lang ako napasok sa sitwasyong may napakaseryosong usapan, bukod nung araw na magising kaming magkatabi. Ang madalas lang naming pag-usapan sa bahay

    Huling Na-update : 2025-03-21
  • Chasing Dr. Billionaire    26 (Book 2)

    Gigi POV “Araaaay!!! Ate, ano ba?” Daing ko habang pinipingot niya ang tenga ko. Nakorner niya ako kaya hindi ako makagalaw. “Kapag yan nakarating kina inay, wag na wag mo akong idadamay. Bahala kayong dalawa ni Drake magpaliwanag.” gigil na sabi ni ate bago niya ako pinakawalan. Umatras siya at umalis sa kama. “Wag kang mag-alala akong bahala.” sabi ko habang tumatayo na rin mula sa kama pero hawak ko ang tenga kong mainit pa rin haggang ngayon dahil sa pamimingot niya. Nagbibiruan kasi kami kanina nang bigla at walang pasakalye ko na lang sabihin sa kanya ang tungkol sa 4 million deal namin ni Gray. Hindi naman kasi ako marunong magpaligoy ligoy kapag nagkukwento, direct to the point para tapos na agad. Kaso nabigla naman si ate nang sabihin ko ang tungkol sa kasunduan. Kaya ayun, pingot ang inabot ko. “Pasalamat ka, hindi ako tsismosang kagaya mo.” ani ate. Gigil na gigil pa rin siya sa akin at inaambaan pa ako na kunyari ay susuntukin, pero syempre hindi niya y

    Huling Na-update : 2025-03-23
  • Chasing Dr. Billionaire    27 (Book 2)

    Gigi POV Family driver nina ate ang naghatid sa amin hanggang sa hospital. Wala naman kaming nadatnan sa office ni kuya Andrew dahil may inooperahan pa raw ito, kaya naghintay na lang kami sa loob. Si baby Andrea naman ay mukhang inaantok na ulit kaya pinatulog na muna siya ni ate. Tumayo ako para magpaalam muna na lalabas. “Ate, baka makita ko si Gray sa labas, ibibigay ko lang ito sa kanya.” sabi ko. “Ipaabot mo na lang yan sa Information desk. Sila na ang magbibigay sa kanya para hindi ka na mahirapan maghanap.’ anito sa mahinang boses para hindi magising ang anak. Tumango na lang ako. Lumabas ako ng opisina at naglakad papunta sa Information desk. Kabisado ko na ang hospital na ito kaya hindi na ako nahirapan. Pagdating ko sa Information desk ay dalawang staff ang nandun. “Miss, nasaan po si Dr. Tuazon?” tanong ko sa kanila. Nakilala agad ako ng babaeng napagtanungan ko. Alam nilang kapatid ako ni ate Tintin, binati kasi sila ni ate kanina. Sila rin ang nagsabi na

    Huling Na-update : 2025-03-23
  • Chasing Dr. Billionaire    28 (Book 2)

    Gigi POV“Congratulations! Pasok kayong apat sa Edizon University” nakangiting bati sa amin ni Mrs. Alonzo, ang aming principal. Nasa loob kami ngayon ng principal’s office dahil ipinatawag niya kami para sabihin ang magandang balita.Malapit na kaming gumradweyt ng Senior high school. Konting panahon na lang magtatapos na kami kaya naglalabasan na rin ang mga resulta ng college admission, pero kami ang pinakaunang nakatanggap ng result.Nagtatalon kaming apat na magkakaibigan at sabay sabay na napasigaw sa tuwa sa loob ng principal’s office. Hindi na alintana kahit may makarinig sa kabilang silid. Paano ba naman, hindi lang isa o dalawa ang nakapasa, kundi lahat kaming buong barkada, sa parehong kurso at iisang university.Kahit alam ko na ang tungkol dito bago pa man ito ibalita ni Mrs. Alonzo, iba pa rin kapag may confirmation na mula sa principal. Iba pa rin yung sabay sabay kaming nagse celebrate ng magandang balita. Nakalabas na kami’t lahat ng principal’s office ay hindi pa

    Huling Na-update : 2025-03-24
  • Chasing Dr. Billionaire    29 (Book 2)

    Gigi POV “Can we talk?” tanong ni Gray matapos hawakan ang braso ko. Nagkatinginan kami ni Jeff. Nagtatanong ang mga mata nito. Marahan akong tumango, para iparating na ayos lang. “Mauna ka na, Jeff. Kita na lang tayo bukas.” sabi ko sa kanya. “Okay, see you tomorrow.” sagot nito. Tumingin muna ito saglit kay Gray at saka umalis. “Ingat.” pahabol kong bilin kay Jeff. Humarap itong muli at saka kumaway. Nakangiti naman akong kumaway pabalik sa kanya. Nawala lang ang ngiti ko nang pagharap ko kay Gray ay nakakunot ang noo nito. “Boyfriend mo?” tanong nito na nakahabol ng tingin kay Jeff. “Wala ka na dun.” mabilis kong sagot. Magsasalita pa sana ito pero inunahan ko na. “Anong kailangan mo?” malamig kong tanong sa kanya. Nagtataka ako kung bakit siya narito. Para siyang kabuteng bigla na lang sumusulpot. Tumingin muna ito sa paligid pagkuwa’y muling tumingin sa akin. “Pwede ba tayong mag-usap sa ibang lugar?” tanong nito. “Dito mo na sabihin.” malamig na tugon

    Huling Na-update : 2025-03-24
  • Chasing Dr. Billionaire    30 (Book 2)

    Gigi POV Sabado, 2PM – Mansion ng mga Tuazon Isinama ako ni Gray dito Manila. Nung punatahan niya ako sa school at ayaw kong pumayag sa pakiusap niya, ay dumiretso siya sa bahay at kinausap si tatay na agad namang pumayag sa hiling niya. Hindi pa man nakakausap ni Gray ang mga magulang ko ay alam ko nang ganun ang magiging resulta— may dahilan sina ni itay kung bakit hindi nahirapan si Gray na mapapayag sila. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, napansin ko na agad kung gaano kalaki at kaganda ang bahay ng mga magulang ni Gray. Ay, hindi pala bahay… palasyo yata ‘to, dahil pagbukas pa lang ng gate ay sasalubong na agad sayo ang napakalawak at napakagandang landscaping. At ang mismong bahay, ay napaka elegante na parang yung mga nakikita mo sa mga pelikula na mga bahay ng mga mayayamang bida. Ilang beses na akong nakapasok sa mansion nina Don Antonio at Donya Agatha, pero masasabi kong higit na magarbo itong bahay ng parents ni Gray. Yung bahay kasi ng mga Rufino, kahit mansion ay ma

    Huling Na-update : 2025-03-25
  • Chasing Dr. Billionaire    31 (Book 2)

    Gigi POV Ang gaan ng pakiramdam ko habang unti-unti akong nagising mula sa mahimbing na tulog. Nang maramdaman ko ang kakaibang lambot ng kama ay naalala ko agad na nasa ibang bahay nga pala ako ngayon. Ang sarap talaga kapag mamahalin ang kutson tapos naaamoy ko pa ang hangin na galing sa air conditioner kaya ang sarap mamaluktot. Ilang segundo rin ako sa ganitong position. Minsan lang ito, sasamantalahin ko na. Kahit naman nakapag-asawa na si ate ng mayaman, at kahit ilang beses pa na inalok ni kuya Andrew ang aking mga magulang na ipapaayos at palalakihin nito ang bahay namin ay tinanggihan lang yun ng mga magulang ko. Unti unti kong iminumulat ang aking mga mata habang ninanamnam ang sarap ng pakiramdam na mahiga sa kama ng mayayaman. Mag-iinat pa sana ako nang mapansin kong hindi ako nag-iisa sa loob kwarto. Nakaupo sa gilid ng kama si Gray, nakayuko ito at abala sa kanyang binabasa Nakatagilid siya kaya lutang ang matigas at kwadradong hugis ng kanyang panga. Nakatupi an

    Huling Na-update : 2025-03-25
  • Chasing Dr. Billionaire    32 (Book 2)

    Gigi POV Wala akong balak ipakita sa kanya ang dalawang bundok ng Sierra Madre ko. Ano ako, hilo? This time, mukhang panalo siya pero ayokong patagalin ang victory niya. “Kailan ba tayo aalis?” pag-iiba ko ng usapan dahil mukhang naisahan ako ni Gray ngayon. Tumigil ito sa pagtawa saka sinagot ang tanong ko. “Malapit nang gumabi.. kung wala ka talagang balak kumain, magready ka. Pupuntahan ka dito ng mga mag-aayos sayo.” anito. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Anong mag-aayos ang pinagsasasabi niya? “Kaya ko na ang sarili ko. Hindi ka na sana tumawag pa ng–” tatanggi pa sana ako pero pinutol na agad niya ang sasabihin ko. “Anong kaya? Ilang beses na akong nakarating sa bahay nyo, ni hindi kita nakitang nagsuklay. Corporate ball ang pupuntahan natin, hindi pwedeng ganyan ang itsura mo.” nakangiwing anito. Natahimik ako dahil, totoo naman ang sinabi niya. “Yan ang isususot mo.” saad ni Gray sabay turo sa kama, pero hindi ko yun nilingon. “Don’t bother, may dala

    Huling Na-update : 2025-03-26

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Dr. Billionaire    84 (Book 2)

    Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:“Bakit hindi mo sinabing aalis ka?”“Bakit ka umalis?”“Kailan ka uuwi?”Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.“Gigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend

  • Chasing Dr. Billionaire    83 (Book 2)

    Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply

  • Chasing Dr. Billionaire    82 (Book 2)

    My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni

  • Chasing Dr. Billionaire    81 (Book 2)

    Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si

  • Chasing Dr. Billionaire    80 (Book 2)

    Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n

  • Chasing Dr. Billionaire    79 (Book 2)

    Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan

  • Chasing Dr. Billionaire    78 (Book 2)

    Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. “Isa ba yan sa mga project mo?” curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. “Ah, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.” Kumunot ang kanyang noo. “Baby Gray?” takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. “Ipinangalan ko po kay Gray.” tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. “Dalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an

  • Chasing Dr. Billionaire    77 (Book 2)

    Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. “Kuya..” panimula ni Gigi. “Nasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.” saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. “Tanggapin mo.” ani Drake. “Po? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.” Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. “I know, but this is better than my original plan. Trust me, you’re heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.” wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drake’s new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay

  • Chasing Dr. Billionaire    76 (Book 2)

    Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. “Chairman, juice po saka sinukmani.” wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwa’y tinikman yun ni Chairman. “Masarap, kayo ba ang nagluto?” tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. “Ako nga, pangmeryenda lang naman.” tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.” anito tapos ay tumingin kay Gigi. “Iha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status