Thanks for reading....
Gigi POV Wala akong balak ipakita sa kanya ang dalawang bundok ng Sierra Madre ko. Ano ako, hilo? This time, mukhang panalo siya pero ayokong patagalin ang victory niya. “Kailan ba tayo aalis?” pag-iiba ko ng usapan dahil mukhang naisahan ako ni Gray ngayon. Tumigil ito sa pagtawa saka sinagot ang tanong ko. “Malapit nang gumabi.. kung wala ka talagang balak kumain, magready ka. Pupuntahan ka dito ng mga mag-aayos sayo.” anito. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Anong mag-aayos ang pinagsasasabi niya? “Kaya ko na ang sarili ko. Hindi ka na sana tumawag pa ng–” tatanggi pa sana ako pero pinutol na agad niya ang sasabihin ko. “Anong kaya? Ilang beses na akong nakarating sa bahay nyo, ni hindi kita nakitang nagsuklay. Corporate ball ang pupuntahan natin, hindi pwedeng ganyan ang itsura mo.” nakangiwing anito. Natahimik ako dahil, totoo naman ang sinabi niya. “Yan ang isususot mo.” saad ni Gray sabay turo sa kama, pero hindi ko yun nilingon. “Don’t bother, may dala
Gigi POV Habang pinapanood ko ang dalawang bidang babae– I mean si Mrs. Tuazon at Danica, bigla na lang akong napaigtad nang maramdaman ko ang paghawak ni Gray sa aking kamay. Dire-diretso itong naglakad kaya napasunod na lang ako sa kanya. “Grayson!” tawag ni Mrs. Tuazon. Pero parang walang naririnig si Gray at tuloy tuloy lang sa paglalakad habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa aking kamay. “Uy, tinatawag ka ng nanay mo.” bulong ko habang nakatingala sa kanya. “Don’t mind them.” anito at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Hindi pa kami nakakarating sa may pintuan ay bumukas na ito at niluwal nun ang ama ni Gray kaya nahinto kami sa paglalakad. “Oh honey! I’m glad you’re home!” narinig kong sabi ni Mrs. Tuazon na parang nakahinga nang maluwag. Nagmamadali itong lumapit sa asawa habang kasunod pa rin niya si Danica. “Tito, I’m glad you’re here.” ani Danica. Sa himig ng boses nito ay para siyang nakakita ng superhero. Kumunot ang noo ng ni Chairman Tuazon at inikot ang t
Gray POVOne week ago…..““I can’t make it to the Annual Business Summit Gala, may importante akong gagawin. So, I’m sending you instead.” wika ni dad nang ipatawag niya ako sa office niya.“Sure.” maikli at kampante kong sagot. Hindi naman ito ang unang beses na ako ang magsu-substitute sa kanya pagdating sa mga ganitong bagay. May konti akong nalalaman pero hindi ko totally gamay ang pasikot sikot sa pamamalakad ng company ni dad. Hindi naman yun problema dahil, nandyan naman ang kanang kamay niya na si Renz Salazar. Halos kasing edad ko lang siya pero marami na siyang nalalaman sa kumpanya dahil pagkagraduate pa lang nito ay nagtrabaho na agad siya kay dad. Si Renz ang nakaagapay sa akin kapag haharap ako sa mga business partners at prospective business partners ng kumpanya. Sa mga ganitong pagkakataon ay kinakailangan ko ang tulong ni Renz. Nasa likod ko siya para bulungan ako kung sino ang mga taong kaharap namin dahil wala akong kaalalam alam tungkol sa background nila.
Gray POV Pagdating namin sa venue, isang pormal na babae ang sumalubong sa amin, isa sa mga sekretarya ni dad. May hawak itong brown folder at pormal ang ekspresyon sa mukha, tipikal na dating ng mga empleyado ng aking ama. “Good evening, sir.” bati nito agad sa akin at bahagyang yumuko, bago lumingon kay Gigi. Kumunot ang noo ko nang ibigay nito ang folder kay Gigi. “This is the guest list, and their information.” anito sa kanya. Alinlangan yung tinanggap ni Gigi. Nagtataka rin ako kung bakit sa kanya ibinigay ang folder. “Hindi ba para sa akin dapat yan?” tanong ko sa sekretarya at naghihintay sa paliwanag niya. “Pwede naman po, pero bilin ni Chairman na ibigay ko daw po sa kasama nyo.” sagot ng secretary at pormal itong ngumiti na parang walang mali sa ginawa. Hinablot ko ang folder mula kay Gigi. Halatang nagulat ito sa ginawa ko. Sunod ay nilingon ko ang sekretarya ni dad. “Okay, you can go now.” malamig kong sabi dito. Agad naman itong nagpaalam at saka kami iniwan.
Gray POV May 5 minutes na akong nagbabasa nang mawalan na ako ng gana at binitawan ang folder. Imposibleng maalala ko lahat ng nakasulat dito. Isang kabaliwan kung susubukan kong i-memorize ang lahat ng nakasulat dito. Alam kong matalino ako, pero hindi ako Genius para masaulo ang lahat ng ito sa loob ng ilang minuto lang. Out of frustration ay napalakas ang paglapag ko ng folder sa ibabaw ng table. “Problema mo?” takang tanong ni Gigi habang ganadong kumakain nang mapansin ang ginawa ko. “That’s ridiculous!” wala sa sariling nasabi ko. Napalingon naman siya sa akin pagkatapos ay kinuha nito ang folder at curious na binuklat binuklat ang bawat pahina. Pagkatapos ay sumubo ng desserts na animoy nagbabasa lang ng pocketbook. “Bilisan mong kumain dyan. Pagkatapos mo, uuwi na tayo.” utos ko sa kanya. “Um.” tugon nito at tumango. Puno kasi ang bibig nito kaya hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung anong iniisip ni dad. Kung anuman yun, bahala siya dahil aalis kami ni
Gray POV Kunot noo kong tiningnan si Gigi na ngayon ay nakayuko at abala sa kanyang candy pouch. Malinaw sa akin ang sinabi niya at naalala ko na ang tungkol sa profile ni Mr. Alfredo Mendoza. Sa dami nang binasa ko kanina, nalito na ako kung sino sino sila sa mga ito, pero ngayong binanggit itong muli ni Gigi ay naaalala ko na. Kahit paano naman ay may alam ako tungkol sa background ng mga kumpanyang pag-aari ng mga nasa guest list. Mukha, pangalan at personal information lang ng mga may-ari or CEO ang hindi ako pamilyar. Nawala ang atensyon ko kay Gigi nang batiin ako ng seryosong lalaki na nasa harapan ko na. Inilahad nito ang kanyang kamay sa akin para bumati. “Dr. Gray, I’m glad to see the young Tuazon here.” anito. Agad ko namang tinanggap ang kamay niya. “Mr. Alfredo Mendoza, it’s a pleasure to meet you. I’ve heard a lot about Phoenix Tech Solutions, and its innovations in corporate security.” tugon ko at nananalangin na sana ay hindi kami nagkakamali ni Gigi tung
Gigi POVSa tantsya ko ay nakaharap na namin lahat ang mga nasa guest list. Ngayong nameet na namin silang lahat ay bka magyaya na si Gray na umuwi kaya matyaga akong naghihintay na matapos ang pakikipag-usap niya sa lalaking mukhang foreigner, pero CEO ng isang call center dito sa bansa. Habang naghihintay ay natanaw ko sa malayo ang isang napakatangkad na lalaki. Agad ko siyang napansin dahil angat ang height nito sa karamihan, nasa mga 6ft ito kaya agad nitong naagaw ang aking atensyon. Isa pa ay kilalang kilala ko siya, si kuya Drake yun. Pero hindi dun nagtatapos, kasama niya si ate Mutya.Patay na! Kapag nakita ako nito siguradong maya maya lang ay tatawagan na ako ni ate Tintin. Hindi kasi niya alam na nasa Manila ako. Hindi ko sinabi sa kanya dahil siguradong hindi yun papayag na sumama na naman ako kay Gray at baka sabihin pa kay itay ang totoong nangyari sa cottage.Nang lingunin ko si Gray ay wala na ang kausap nito, pero nakatingin ito sa direksyon ni kuya Drake. Si ku
3rd Person POV Iinumin na sana ni Gigi ang lamang ng baso nang agawin yun ni Tintin sa kanya. “Tángi, hindi yan juice.” saway nito sa kapatid. “Pustahan juice yan.” giit ni Gigi. Tumawa ng malakas si Mutya. “Alak yan, sira.” pagsang-ayon nito kay Tintin. “Alam nyo, sa ating tatlo, ako lang yung matalino. Kayong dalawa, below average lang ang mga utak ninyo. Kaya alam kong juice yan.” ayaw patalo ni Gigi sa dalawa. Bumunghalit ng tawa sina Mutya at Tintin dahil sa sinabi nito. Nag-apiran pa ang dalawa habang tumatawa. Alam kasi nilang ngayon lang nakarating si Gigi sa ganitong klaseng okasyon kaya hindi nito alam na wine ang laman ng basong hawak nito. “Sige ate, kapag yan napatunayan kong juice, kay Gray ako uuwe mamaya.” paghahamon ni Gigi na parang siguradong sigurado sa sinasabi nito, na mas ikinatawa pang lalo ng dalawa. “Kita mo na kung gaano katigas ang ulo nito? Walang pinapakinggan, kaya napapahamak eh.” sabi ni Tintin kay Mutya habang naiiling na itinuturo ang kap
Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:“Bakit hindi mo sinabing aalis ka?”“Bakit ka umalis?”“Kailan ka uuwi?”Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.“Gigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend
Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply
My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni
Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si
Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n
Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan
Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. “Isa ba yan sa mga project mo?” curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. “Ah, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.” Kumunot ang kanyang noo. “Baby Gray?” takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. “Ipinangalan ko po kay Gray.” tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. “Dalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an
Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. “Kuya..” panimula ni Gigi. “Nasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.” saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. “Tanggapin mo.” ani Drake. “Po? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.” Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. “I know, but this is better than my original plan. Trust me, you’re heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.” wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drake’s new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay
Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. “Chairman, juice po saka sinukmani.” wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwa’y tinikman yun ni Chairman. “Masarap, kayo ba ang nagluto?” tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. “Ako nga, pangmeryenda lang naman.” tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.” anito tapos ay tumingin kay Gigi. “Iha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap