3rd Person POV Iinumin na sana ni Gigi ang lamang ng baso nang agawin yun ni Tintin sa kanya. “Tángi, hindi yan juice.” saway nito sa kapatid. “Pustahan juice yan.” giit ni Gigi. Tumawa ng malakas si Mutya. “Alak yan, sira.” pagsang-ayon nito kay Tintin. “Alam nyo, sa ating tatlo, ako lang yung matalino. Kayong dalawa, below average lang ang mga utak ninyo. Kaya alam kong juice yan.” ayaw patalo ni Gigi sa dalawa. Bumunghalit ng tawa sina Mutya at Tintin dahil sa sinabi nito. Nag-apiran pa ang dalawa habang tumatawa. Alam kasi nilang ngayon lang nakarating si Gigi sa ganitong klaseng okasyon kaya hindi nito alam na wine ang laman ng basong hawak nito. “Sige ate, kapag yan napatunayan kong juice, kay Gray ako uuwe mamaya.” paghahamon ni Gigi na parang siguradong sigurado sa sinasabi nito, na mas ikinatawa pang lalo ng dalawa. “Kita mo na kung gaano katigas ang ulo nito? Walang pinapakinggan, kaya napapahamak eh.” sabi ni Tintin kay Mutya habang naiiling na itinuturo ang kap
Gigi POV Pikit pa lang ako, ramdam ko na agad ang bigat at sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok ng martilyo ang sentido ko habang unti-unti kong minumulat ang aking mga mata. Masyadong maliwanag ang liwanag ng araw na tumatagos sa bintana kaya napapikit ulit ako at mahinang umungol. “Anong nangyari?” mahina kong bulong habang inaalala ang kagabi. Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit at mabigat na bagay na nakadagan sa aking katawan. “Anong–” Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan habang pigil ang aking hininga. Napakurap kurap ako at dahan dahang lumingon sa gilid at ganun na lang ang gulat ko nang makita si Gray. Ang buong katawan niya ay nakapulupot sa akin. Ang isang hita nito ay nasa ibabaw ng aking bewang. At ang pinakamalala sa lahat… sapo sapo ng kamay nito ang kaliwang dibdib ko. Mabilis akong napabalikwas at agad na nahagip ang unan. Lumuhod ako sa kama at pinaghahampas ko nang pinahahampas si Gray kahit himbing na himbing pa sa pagtulog. “Manyak ka… manyak! manya
Gigi POVKinakabahan ako sa itsura ni Gray ngayon. Inihanda ko na ang aking sarili sa kanyang pag-atake kung sakali. Naghahanap na agad ako ng pwede kong ihampas sa kanya.Tatlong katok mula sa labas ng pinto ang nakatawag ng atensyon naming dalawa. Lumingon si Gray sa pintuan saka nagsalita ng malakas.“Yes?” tanong nito sa kung sino mang nasa likod ng pintuan.“Sir, bumaba na daw kayo para mag-almusal sabi ni madam. Naghihintay na po sila ni ma’am Danica.” tugon ng isang babae na sa palagay ko ay isa sa kanilang mga kasambahay.Saglit muna akong tinapunan ni Gray ng tingin bago tumalikod at naglakad palapit sa pintuan. Binuksan nito ng bahagya ang pinto at saka kinausap ang kasambahay.“Manang, pakisabi kay mom na nagmamadali kami. Sa labas na kami mag-aalmusal ng girlfriend ko.” anito.Sinaraduhan nitong muli ang pintuan at humarap sa akin.“Gutom na ko, hindi ba pwedeng kumain muna tayo bago tayo umalis? Sigurado akong masasarap ang pagkain nyo dito.” nanghihinayang na sabi ko, naw
Gigi POV Sabay na napanganga ang dalawa. Napahawak pa sa dibdib niya si Mrs. Tuazon na parang sasamaan na naman ng lasa. “Oh my God!” anito na parang hindi makapaniwala sa narinig. Ayan na naman siya sa OMG niya. “Gusto mong gawing 2 million?” lukot ang mukha ni Danica habang nagtatanong na akala mo ay siya itong sinisingil ko. Tumitig si Mrs. Tuazon sa akin nang napakalalim at hindi makapaniwala. Marahan itong napailing bago muling nagsalita. “Hindi nga ako nagkamali tungkol sayo. Mukhang pera ka nga tala–” “4 million” putol ko sa sasabihin niya. “What?!?!” bulalas ni Danica na napataas ang tono. “No!” malakas at mariing protesta ni Mrs. Tuazon. “6 million.” sabi ko, kaya lalong nanggigil si Danica at mataray itong nagsalita. “Hindi ka lang pala malandi—” “8 Million.” ako ulit. “Oh my God, you’re insane!!!” hindi makapaniwalang usal muli ng ginang. “10 Mil–” “Okay! 8 million! ” putol sa akin ni Danica. Nang lingunin ko siya ay parang kagagaling la
Gigi POVMasayang naglalaro ang apat na bata ngayon dito sa bahay namin. Ang tatlong anak ni ate Mutya na sina Luke 7 years old, si Isabela 6 years old, si Kyle 4 at ang bunso nitong si Jacob na ilang buwan lang ang tanda kay Andrea na siyang pinakabata sa kanilang lahat at pinaka-iyakin din. Birthday ngayon ni inay kaya narito sila, bumibisita. Bukas pa ang balik nila sa Manila. Sina ate Mutya naman ay may sariling bahay malapit lang sa amin. Samantalang sina kuya Andrew ay dito sa bahay nina itay matutulog ngayong gabi, sa dating kwarto ni ate. May plano na rin silang magpatayo ng sarili nilang bahay sa bakanteng lote na katabi ng bahay namin para dun na lang sila tutuloy kapag bumibisita sila dito. May balak na kasi silang sundan si Andrea kaya kakailanganin nila ng extrang kwarto kung sakali.Wala namang bonggang handaan para sa birthday ni inay dahil yun din ang gustong mangyari ng aking ina. Ganito naman talaga siya magbirthday kahit noon pa. Simpleng salo salo lang ang gust
Gigi POVNatigilan tuloy si ate Mutya at natutop ang bibig nang makita si inay at basta na lang nag-isip ng isasagot.“May ahas po kasi sa hospital.” palusot niya kay inay.“Bali-balita nga sa hospital, Anaconda daw eh.” dugtong pa ni ate Tintin na nakakalokong ngumiti. Gusto kong pasakan ang bibig niya dahil mas pinalalala pa niya ang sitwasyon.“May ahas sa hospital nina Andrew?” gulat na tanong ni inay.Nagtawanan ang magbestfriend dahil sa tanong ni inay na walang kamalay malay sa totoong pinag-uusapan. Nagpapatuyo na ako ng kamay at matalim ko silang tiningnan na may halong pagbabanta.“Opo nay, andami ngang nurse na natuklaw eh.” sabi pa ni ate Tintin.“Abay delikado yun, eh bakit hindi hinuhuli?” nag-aalalang ani inay.“Paano huhulihin eh pagkalaki ho.” ani ate na tumatawa.Umirap si inay na parang hindi naniniwala lalo na at tumawa pa ang dalawa.“Pano naman nagkaahas sa ospital na yun. Mukha namang malinis dun nung dumalaw kami” tanong ulit ni inay, nagsisimula na itong mags
Gigi POV Huminto na si inay sa pagtatanong tungkol sa ahas nang sa huli ay sabihin nina ate na nagbibiro lang sila. Nagtungo na lang ako sa salas para dun tumambay. Habang pinapanood kong maghabulan ang mga bata ay inaayos ko ang braso ni baby Gray gamit ang screwdriver. Nakailang palit na rin ako ng piyesa ng braso nito kaya panay ang kumpunito ko dito. “Dahan dahan baka hindi na kita maabot.” boses ng isang lalaki. Napalingon ako sa aking likod at nakita ko si kuya Drake. Hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya. “Kuya Drake…” masayang bati ko at ngumiti sa kanya. “Tsk! Hindi pa man, mukhang na-pirate na agad sa akin best employee ko sana.” nakangiting anito at umupo sa kabilang sofa. Umirap ako matapos marinig ang sinabi niya. “Andaya mo, ipinamimigay mo naman ako eh.” sabi ko habang patuloy sa aking ginagawa. Narinig ko siyang tumawa nang mahina. “As much as I’d love to have you on board, I refused to be selfish.” ani kuya Drake. Tipid akong ngumiti, nauunawaan
Saglit na natahimik si ate, halata sa kanyang mukha na guilty ito. “May nangyari man o wala sa mga yan, silang dalawa lang ang nakakaalam. Sa itsura ni Gigi ngayon…, hinding hindi mo mapapaamin yan.” patuloy ni ate Mutya, kung magsalita ay parang andami niyang alam sa mga ganitong bagay. “May magagawa ka pa ga kung may nangyari na?” dugtong pa niya. Tahimik pa rin si ate Tintin pagkatapos ay binalingan ako. “Lima yung pregnancy test na ibinigay ko sayo last month. May tira ka pa ba?” tanong nito sa akin. Tumango naman ako. “May tatlo pa. Dalawa lang naman yung ginamit ko nun.” sabi ko sa kanya. “Pwede pa yun, gamitin mo. Baka mamaya buntis ka na pala at magkakaanak na kayong dalawa.” may halong pang-aasar sa boses ni ate. “Paano nga magkakalaman eh wala ngang pumasok?” inis na sabi ko dahil ayaw kasi nilang maniwala. Iniwan ko sila at naglakad ako papunta sa isang drawer at may kinuha sa pinakasulok. Dun ko itinago ang natirang PT na galing kay ate. Kahit pa alam ko sa
Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:“Bakit hindi mo sinabing aalis ka?”“Bakit ka umalis?”“Kailan ka uuwi?”Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.“Gigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend
Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply
My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni
Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si
Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n
Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan
Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. “Isa ba yan sa mga project mo?” curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. “Ah, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.” Kumunot ang kanyang noo. “Baby Gray?” takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. “Ipinangalan ko po kay Gray.” tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. “Dalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an
Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. “Kuya..” panimula ni Gigi. “Nasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.” saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. “Tanggapin mo.” ani Drake. “Po? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.” Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. “I know, but this is better than my original plan. Trust me, you’re heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.” wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drake’s new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay
Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. “Chairman, juice po saka sinukmani.” wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwa’y tinikman yun ni Chairman. “Masarap, kayo ba ang nagluto?” tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. “Ako nga, pangmeryenda lang naman.” tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.” anito tapos ay tumingin kay Gigi. “Iha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap