Thanks for stopping by....
Gigi POV Huminto na si inay sa pagtatanong tungkol sa ahas nang sa huli ay sabihin nina ate na nagbibiro lang sila. Nagtungo na lang ako sa salas para dun tumambay. Habang pinapanood kong maghabulan ang mga bata ay inaayos ko ang braso ni baby Gray gamit ang screwdriver. Nakailang palit na rin ako ng piyesa ng braso nito kaya panay ang kumpunito ko dito. “Dahan dahan baka hindi na kita maabot.” boses ng isang lalaki. Napalingon ako sa aking likod at nakita ko si kuya Drake. Hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya. “Kuya Drake…” masayang bati ko at ngumiti sa kanya. “Tsk! Hindi pa man, mukhang na-pirate na agad sa akin best employee ko sana.” nakangiting anito at umupo sa kabilang sofa. Umirap ako matapos marinig ang sinabi niya. “Andaya mo, ipinamimigay mo naman ako eh.” sabi ko habang patuloy sa aking ginagawa. Narinig ko siyang tumawa nang mahina. “As much as I’d love to have you on board, I refused to be selfish.” ani kuya Drake. Tipid akong ngumiti, nauunawaan
Saglit na natahimik si ate, halata sa kanyang mukha na guilty ito. “May nangyari man o wala sa mga yan, silang dalawa lang ang nakakaalam. Sa itsura ni Gigi ngayon…, hinding hindi mo mapapaamin yan.” patuloy ni ate Mutya, kung magsalita ay parang andami niyang alam sa mga ganitong bagay. “May magagawa ka pa ga kung may nangyari na?” dugtong pa niya. Tahimik pa rin si ate Tintin pagkatapos ay binalingan ako. “Lima yung pregnancy test na ibinigay ko sayo last month. May tira ka pa ba?” tanong nito sa akin. Tumango naman ako. “May tatlo pa. Dalawa lang naman yung ginamit ko nun.” sabi ko sa kanya. “Pwede pa yun, gamitin mo. Baka mamaya buntis ka na pala at magkakaanak na kayong dalawa.” may halong pang-aasar sa boses ni ate. “Paano nga magkakalaman eh wala ngang pumasok?” inis na sabi ko dahil ayaw kasi nilang maniwala. Iniwan ko sila at naglakad ako papunta sa isang drawer at may kinuha sa pinakasulok. Dun ko itinago ang natirang PT na galing kay ate. Kahit pa alam ko sa
Samantala, sa mansion ng mga Tuazon….Katatapos lang magshower ni Gray kaya ramdam pa rin niya ang init ng shower sa kanyang balat kahit nakalabas na siya ng banyo. Komportable itong naglakad sa kanyang silid nang Hub0t hubad kahit basang basa pa ang buhok at katawan. Gamit ang bath towel ay pinapatuyo nito ang sariling buhok habang naglalakad patungo sa closet. Nasa loob siya ng kanyang silid kaya hindi siya nag-aalala sa itsura niya ngayon. Wala namang basta basta nakakapasok sa kwarto niya nang wala ang kanyang pahintulot. Maging ang mga kasambahay ay hinihintay muna na ipatawag sila ni Gray bago pumasok at maglinis sa loob ng silid nito.“Good afternoon…” boses ng isang babae na sobrang ikinagulat ni Gray.Si Danica yun, nakahiga ito sa kama. Mula sa pwesto ni Gray ay tanaw na tanaw niya ang suot nitong thong sa ilalim ng suot nitong mini skirt.Mabilis na ibinalot ni Gray ang tuwalya sa ibabang parte ng kanyang katawan para takpan ang kanyang kahubaran.“Anong ginagawa mo ri
“I think we should consider intervention for this type of condition. If not, baka tumaas ang possibility ng post-op complications like hemorrhage or infections.” paliwanag ni Gray sa tatlong doktor na kaharap at kasama kanina sa operasyon. Nasa may main lobby sila ngayon ng hospital at pinag-uusapan ang nangyari sa huling pasyente nila kanina. Kagabi pa nakaduty si Gray at pauwi na ito ngayon. “Tama ka, but if you think about it, an earlier intervention also carries the risk of unnecessary trauma sa pasyente, especially kung hindi pa fully stabilized.” ani Dr. Sanchez bilang tugon sa sinabi ni Gray. “Depende na rin sa case. Sometimes, a more aggressive approach is better when risk factors are high.” paliwanag ni Gray sa mga ito. Nahinto sila sa pag-uusap nang marinig ang isang pamilyar na boses ng isang babae. “Dr. Tuazon…” Nang lumingon sila ay nakita nila si nurse Joan, may hawak itong clipboard. Very professional ang dating nito sa suot na uniporme at nakaayos ng maig
Gray POV“What did you just say?” napaawang ang aking labi at napatitig kay Renz.“Utos ng Chairman ipagdrive kayo para sunduin si Ms. Georgina sa bahay nila.” tugon ni Renz na hindi nagbabago ang reaksyon.“What does that have to do with Dad?” Binuksan ni Renz ang pintuan ng sasakyan.“Si Chairman na lang ang tanungin nyo tungkol dyan. Sa ngayon mas mabuting pumasok muna kayo sa loob. SIla na ang bahala sa sasakyan mo rito sa hospital.” anito.Parang sasakit yata ang ulo ko dahil sa nangyayari. Samahan pa na wala ako akong tulog dahil magdamag akong nagtrabaho kagabi. Naisip kong mabuti na ring iba ang magdrive dahil baka hindi ko rin kayanin ang antok mamaya sa daan, kaya tahimik akong sumakay sa loob sasakyan.Iniisip ko pa rin kung may kinalaman ba ang tawag ni Gigi kung bakit ipinadala ni Dad si Renz?If that’s the case, bakit mas nauna pa si Dad na malaman yun kesa sa akin? Sa pagkakaalam ko ay sobrang tutol siya sa relasyon namin ni Gigi na halos itakwil na niya ako. Ano ba
Gray POV Kanina sa Manila, ang balak ko lang ay alamin kung ano ang nangyari kay Gigi. Hindi ko sukat akalain na pagbalik ko ay may kasama na akong babae na ititira sa bahay namin. Mukhang dala pa yata niya ang buong bahay nila dahil sa laki ng mga maleta nito na pinagtulungan pa naming isalansan nina Renz at ng driver sa loob ng sasakyan. So, ito pala ang sinasabi ni Renz na ready na si Gigi at ako na lang ang hinihintay. Akala ko ay tapos na siyang maghakot pero natanaw ko siyang papalapit at may yapos yapos na aquarium. Oh God, wag niyang sabihing pati alagang ahas ay isasama niya? Halos hindi na nito makita ang daraanan dahil natatakpan ng aquarium ang kanyang mukha. Hindi yun kalakihan pero sapat na para matakpan ang kanyang paningin. Mukhang nabibigatan pa ito sa kanyang dala. Pupuntahan ko pa sana siya pero mabilis na humakbang si Renz palapit at kinuha ang aquarium mula sa kanya. Matamis na ngiti ang ibinigay ni Gigi kay Renz pagka-abot nita. Natawa ako ng labas sa ilo
Gray POV“Let’s go.” aya ko kay Gigi, nakasilip ako sa loob at nasa labas ako ng sasakyan matapos ko siyang pagbuksan ng pintuan.“Mauna ka na.” sabi niya“May hawak akong box, baka mahulog ‘to.”anito na mahigpit ang yakap sa kahon niya.Umatras ako dahil alam ko naman kung gaano katigas ang ulo niya. Napalingon ako sa likod ng sasakyan at nakita ko ang driver na ibababa na ang mga maleta ni Gigi kaya nilapitan ko siya para tulungan. Isang maleta pa lang ang naibababa ko nang mapansin ko si Renz na hawak ang box ni Gigi habang inaalalayan itong bumaba. Narinig ko pang nagpasalamat si Gigi dito matapos ibalik ang box saka tumalikod na. Kumunot ang noo ko at nilapitan si Gigi.“Ano yun? Bakit nagpatulong ka pa dun?” usisa ko sa kanya.“Alangan namang tanggihan ko eh nagmamagandang loob yung tao.” katwiran nito. “Inalok din naman kita ah. Bakit ako tinanggihan mo, pero si Renz hindi?”“Makulit eh.” balewalang sabi nito at naglakad sa likod ng sasakyan para silipin ang mga gamit nya.
3rd Person POV Habang umaakyat ng hagdan ay malakas pa rin na tumatawa si Chairman Tuazon, umiiling iling pa nga ito kaya naiwang gulat na gulat ang lahat sa baba. Ang kaninang hysterical na si Mrs. Tuazon ay natahimik at napanganga sa nakitang reaksyon ng asawa. Sa isip isip niya ay baka hindi nito naiintidihan ang eksaktong nangyayari. Mamaya ay kakausapin niya ang asawa pero sa ngayon ay may problema muna siyang kailangang ayusin. Samantalang si Gray naman ay nagtataka rin kung bakit ganun ang reaksyon ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin niya ang malakas nitong tawa kahit nakalayo na. Hindi ganito ang inaasahan niya. Kahit mayaman sila, alam niyang para sa negosyante niyang ama, hindi biro ang limang milyon na kinuha ni Gigi kay Danica at sa kanyang ina.. Naguguluhan siya sa mga nangyayari simula pa kaninang umaga. Napakadami niyang gustong linawin sa kanyang ama pero sumasakit na ang ulo niya. Wala pa siyang masyadong tulog kaya hindi na niya magawang ipro
Napaigtad sina Mom at Danica sa lakas ng boses ni Dad kaya lalo nang hindi nakapagsalita ang mga ito. Maging ako ay nagulat sa sigaw niya lalo na ng makita ko ang madilim na mukha nito ngayon.Nang wala pang magsalita sa dalawa ay binalingan ni Dad si Danica. “Mabuti pang umuwi ka na muna.” malamig nitong sabi sa kanya.Hindi na sumisigaw si Dad pero halatang nagpipigil ito ng matinding emosyon.“Tito, kasi–” Magsisimula pa lang magsalita si Danica pero pinutol na agad siya ni dad.“Not today Danica!” Natigilan pang muli si Danica.Nagkatinginan sila ni Mom, tila nagulat pareho at hindi inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ni DadMaging ako ay naguguluhan.What the héll is going on? Bakit parang hindi si Danica na anak ni Chairman Aurelio Gonzales kung kausapin niya ito. Of all people, Danica is the last person my Dad wants to upset, maaaring makarating ito sa parents niya. Pero sa nakikita ko, bakit parang hindi man lang nababahala si Dad.“Let’s go Danica.” aya ni Mom sa k
Gray POVBago bumaba ng sasakyan ay tumunog ang cellphone ni Gray. Nang basahin niya ang message ay galing yun sa hospital. Matapos basahin ay binasa rin niya ang mga nauna pang text messages. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang unread message mula kay ‘Sugar baby.’From Sugar Baby:Okay :)Sh*T! Napamura tuloy ako.Bakit hindi ko agad nabasa? Tiningnan ko kung anong oras yun dumating. Yun ang time na nasa Osteria na kami. Huling check ko ng cellphone ko ay nung nagpadala ako ng message kay Gigi na pauwi na ako. Next is nung nasa labas na ako ng bahay nina Andrew.“Stupíd!” mura ko na naman sa aking sarili at nahampas ko pa ang manibela.Nang tawagan ko si Gigi kanina sa labas ng bahay ni Andrew ay hindi ko na nakita ang pop-up notification ng message nito dahil natabunan na ito ng mga bagong text messages na dumating.Napahilamos ako ng mukha. Nilingon ko ang pintuang pinasukan ni Gigi, at parang nakikita ko pa siya dun na papasok. Napabuntong hininga na lang ako.Habang
Ilang sandali ring napuno ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Maya maya pa ay tumukhim muna si Gray at saka nagsalita. “Gusto mo bang bumili muna tayo ng sweets para kainin mamaya…., after nating kainin ang mga niluto mo?” tanong nito kay Gigi. Labas sa ilong na natawa si Gigi. “Baka naman magsuka ka na. Katatapos niyo lang kumain diba.” ani Gigi Muling natahimik si Gray. Nabanggit lang nya ang tungkol sa ‘sweets’ dahil hindi niya alam kung saan niya sisimulan ang usapan. “Isa pa kailangan ko nang umuwi. Naiwan ko nga pala yung robot ko kahapon sa tabi ng pool, baka kung anong nangyari na dun.” ani Gigi kaya hindi na lang nagpumilit si Gray at nagdrive na lang pauwi. Tahimik sila buong biyahe. Hindi na nagsalita pa si Gray dahil baka mali na naman ang masabi niya. Wala ni isa sa dalawa ang nagsasalita hanggang makabalik sa mansion. Ibang iba sa sitwasyon nila ngayon kumpara kaninang umaga na mas masigla. Inihinto ni Gray ang sasakyan sa mismong tapat ng bahay. Sinulyap
Natahimik si Gray dahil sa sinabi ni Gigi. Pakiramdam niya ay ginisa siya sa sariling mantika. Tinapunan pa niya ng mabilis na tingin ang plastic bag na hawak nito. Pagkain daw ang laman nun at si Gigi ang nagluto. Hindi niya yun inaasahan dahil wala sa itsura nito ang marunong magluto. “Ikaw ba talaga ang nagluto niyan?” tanong niya. “Hindi mo nabanggit sa akin na marunong ka palang magluto.” patuloy ni Gray. “Kailangang i-announce?” tanong nito. Hindi siya nakasagot. “Luto lang yun. Normal lang yun at wala namang special dun. Karamihan naman talaga sa mga Pilipino, marunong magluto. Kase.., hindi naman lahat may kasambahay kagaya nyo.” balewalang sagot nito at saka umayos ng upo ay naglaro ng cellphone. Natahimik na lang si Gray dahil sa sinabi nito. Hindi niya mapigilang hindi ito lihim na sulyapan at obserbahan. She’s the kind of person who’s often misunderstood. Sa unang tingin, she seemed like a happy-go-lucky girl, carefree and impulsive. Pero may mga ginagawa itong mg
Sabay sabay silang nagtungo sa Osteria. Pagdating sa restaurant ay naupo agad ang mga babae. Lahat sila ay pasta ang kinain, maliban kay Gray na sandwich lang ang inorder. “Dok, hindi ka ba mahilig sa pasta?” tanong ni Grace kay Gray. Tumingin si Gray dito, batid niyang kanina pa ito nakamasid sa kanya. Hindi naman bago sa kanya yun. Nilunok muna ni Gray ang kinakain saka sinagot ang babae. “Mahilig ako sa pasta. Nagkataon lang na busog ako ngayon” paliwanag ni Gray. Ngumiti si Grace habang tumatango tango. “Noted po. Kapag nagluto ako ng specialty ko na Ragu alla Bolognese, ipapatikim ko sa inyo.” ani Grace sabay sulyap kay Gray. Napatingin naman si Gray sa babae at tipid na ngumiti. “Sure.” aniya. “Wow, marunong kang magluto Grace?” tanong ni Dahlia, ang isa sa mga nurse na kasama nila. “Simple dish lang naman. Gusto ko kasi pag nag-asawa ako, aalagaan ko ang husand ko. Yun bang tipong uuwi siyang pagod galing sa trabaho pero may madadatnan siyang pagkaing nakar
Pumasok muli si James sa loob ng locker room dahil nakalimutan nito ang clipboard sa table. Napatingin si Gray sa orasan at nagmamadali syang tumayo ay isinuot ang cellphone sa bulsa.“Ano kayang merun sa cellphone na yan.” makahulugang tanong ni James. Hindi talaga ito tumitigil sa pang-uusisa dahil napapansin niyang may kakaiba ngayon sa kaibigan.Napapailing na lang si Gray dahil alam niyang kanina pa siya nito pinag-aaralan.“Trauma surgeon ka, hindi Psychiatrist.” pabiro niyang sabi sa kaibigan.“Mauna na ‘ko.” sabi pa niya sa halip na pansinin ang mga sasabihin pa ni James saka nagmamadaling nagtungo sa ER.Halos hilahin na ni Gray ang orasan para mag-alas dos at nananalangin na walang emergency na mangyari para makauwi siya sa oras. Mukhang nagkatotoo nga ang hiling niya dahil after nung huli niyang tinahi sa braso ay wala na ulit silang bagong pasyente sa queue. Pero mukhang hindi naman yun nakatulong. Ngayon ay wala na siyang masyadong ginagawa kaya parang mas bumagal la
Nakahanap ng oras si Gray na magpahinga nang wala na siyang pasyenteng inaasikaso. Balak niyang magpalit ng scrub top kaya nagtungo siya sa locker room. Habang naglalakad binabasa niya ang Patient chart ng kanyang huling pasyente nang makasalubong niya sa hallway si James. May hawak itong clipboard at pareho pa silang sa locker room ang tungo. “Pre,sama ka sa amin mamaya,happy hour… sa dati.” aya ni James kay Gray. “Am–-” “Mabilis lang tayo, darating daw sina Dennis.” ani James, at ang tintutukoy ay ang iba pa nilang kaibigan na sa ibang kumpanya nagttrabaho. “Pass muna ako ngayon. May gagawin ako mamaya.” tugon ni Gray. “Seryoso?” tanong ni James. Bago pa man makapagsalita si Gray ay may tumawag na sa kanila. Nang lingunin nila ito ay nakita nila si nurse Minda, isa sa pinakamatagal nang nurse sa hospital. May hawak itong container habang nakatambay sa nurse station. Si Minda ay isa sa mga nurse na palaging nagdadala ng kung ano ano sa hospital. “Hi mga doc! May cookies ako di
5:30 AM Ipinarada ni Gray ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nina Tintin. Balik trabaho na ulit si Gray at morning shift siya ngayon kaya maaga siyang umalis ng mansion kasama si Gigi. Ang sabi nito ay dadalawin muna niya ang kapatid sa bahay nito. Hindi pa kasi niya nakikita ang ate niya simula ng dumating ng Manila. “2 PM ang out ko mamaya kung hindi masyadong busy. Kung hindi traffic, andito na ako bago mag 3 para sunduin ka, okay?” “Hindi ka ba tumatambay muna sa hospital after ng trabaho?” tanong ni Gigi na ikinatawa ni Gray. “Sinong gustong tumambay sa hospital? Ano yun parang high school? Umuuwi ako after work, sa bahay ako naglulunch.” “Ah, okay.” tugon ni Gigi pero sa cellphone nakatingin. “Ano, hindi ka pa ba tapos dyan sa cellphone ko?” tanong ni Gray. Hiniram kasi nito ang cellphone niya para maglaro ng games. Nalowbat daw kasi yung cellphone nito kaya hiniram yung kay Gray. “O, ayan. Salamat. Sige na, bababa na ako.” ani Gigi at saka ibinalik kay Gray ang cellp
3rd Person POV “Ano tong mga ito?” hindi makapaniwalang tanong ni Gray kahit pa nga obvious naman kung para saan ang listahan na ibinigay ni Gigi sa kanya. Nauunawaan nya kung ano yun, hindi lang siya makapaniwala na gagawa pa talaga ito ng listahan. Isa pang nakapagpakunot sa kanya ay ang huling nakasulat sa listahan. “Bakit ba tinatanong mo pa eh ang linaw naman ng pagkakasulat ko dyan. Mas magulo pa nga kayong mga doktor kung magsulat eh, narinig nyo ba kaming nagreklamo?” sagot ni Gigi pagkatapos nitong talikuran si Gray. Nandun pa rin ang inis niya dito. Dumiretso siya sa kama at dahan dahang nahiga. Nagkumot pa ito hanggang balikat at kumportable ipinuwesto ang sarili sa higaan ng patagilid, nakatalikod kung saan nakatayo si Gray. “Ano ‘tong nambabae?” nagtatakang tanong ni Gray habang nakatingin pa rin sa hawak na listahan. Naglakad siya palapit sa kama at naupo sa gilid kung saan nakaharap si Gigi. “50K everytime na makikita kitang nakikipaglampungan sa ibang