Share

52 (Book 2)

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2025-04-07 00:07:49
3rd Person POV

Habang umaakyat ng hagdan ay malakas pa rin na tumatawa si Chairman Tuazon, umiiling iling pa nga ito kaya naiwang gulat na gulat ang lahat sa baba.

Ang kaninang hysterical na si Mrs. Tuazon ay natahimik at napanganga sa nakitang reaksyon ng asawa. Sa isip isip niya ay baka hindi nito naiintidihan ang eksaktong nangyayari. Mamaya ay kakausapin niya ang asawa pero sa ngayon ay may problema muna siyang kailangang ayusin.

Samantalang si Gray naman ay nagtataka rin kung bakit ganun ang reaksyon ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin niya ang malakas nitong tawa kahit nakalayo na.

Hindi ganito ang inaasahan niya. Kahit mayaman sila, alam niyang para sa negosyante niyang ama, hindi biro ang limang milyon na kinuha ni Gigi kay Danica at sa kanyang ina..

Naguguluhan siya sa mga nangyayari simula pa kaninang umaga. Napakadami niyang gustong linawin sa kanyang ama pero sumasakit na ang ulo niya. Wala pa siyang masyadong tulog kaya hindi na niya magawang ipro
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emily Portuguez
parang umiiksi ang kwento per chapter natin bossing ah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Chasing Dr. Billionaire    53 (Book 2)

    Naningkit ang mga mata ni Mrs. Tuazon na nakatingin sa dalawang tao na inaakala niyang totoong nag-iibigan. Kitang kita ang matinding frustration sa mukha ng ginang bago ito muling nagbitaw ng mga salita. “Kulang pa ba yung eight million na ibinigay namin sayo para layuan ang anak ko?” mariin nitong sabi pero hindi na ito sumisigaw ngayon. Marahang pumihit si Gigi nang marinig ang sinabi nito at hinarap ang ginang. “Akala ko po bigay nyo yun.” ani Gigi sa mababang boses. “Anong bigay ang sinasabi mo?” takang tanong ni Mrs. Tuazon. “Pasensya na po dahil medyo malilimutin po ako eh. Baka nakalimutan ko lang. Patingin na lang po ng kasunduan na pinirmahan ko baka sakaling maalala ko.” ani Gigi. “Bigay?!?!” hindi makapaniwalang saad ni Danica. Napatingin pa ito kay Mrs. Tuazon para maghanap ng suporta. “Oo bigay. Bakit, may pinirmahan ba tayong kasunduan?” kalmadong tanong ni Gigi na tila kontrolado niya ang sitwasyon. “Oh my God!” eksaheradang sambit ng ina ni Gray. Napa

    Last Updated : 2025-04-07
  • Chasing Dr. Billionaire    54 (Book 2)

    Dire-diretso si Gigi sa guest room kung saan siya dati dinala ni Gray noong unang punta niya dito. Binuksan niya ang pintuan at pumasok sa loob. Agad niyang inilapag ang maleta sa sahig para buksan ito. Nakaluhod si Gigi para abutin ang zipper ng kanyang maleta at sinimulan na itong buksan nang pumasok si Gray, bitbit ang iba pang maleta, katulong nito ang driver at iba pang kasambahay. Nang maipasok lahat ng gamit ay umalis na rin agad ang mga ito at naiwan silang dalawa sa loob ng silid. Ini-locked ni Gray ang pintuan para masigurong hindi na sila gagambaliin ng kanyang ina. Huminto si Gigi sa kanyang ginagawa nang mapansing kanina pa nakatayo si Gray at pinapanood siya nito. “Bakit mo ako pinapanood? Hindi ka ba satisfied sa palabas ng nanay mo?” nangingiting ani Gigi. Natatawa siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Ngayon pa lang ay parang nahuhulaan na niya na magiging interesting ang pagtira niya sa bahay na ito. Samantalang si Gray naman ay kunot noong pinapanood ang gin

    Last Updated : 2025-04-08
  • Chasing Dr. Billionaire    55 (Book 2)

    Gigi POV Ang sarap sa pakiramdan ko ang malamig at pinong hangin na nagmumula sa aircon. Tapos buong ang katawan ko pa ay nasa ilalalim ng makapal na kumot, ang sarap mamaluktot. Okay sana kaso parang masyado naman yatang mainit itong kumot, at mabigat. Gusto kong kumilos pero hindi ako makagalaw. Saka ko lang narrealized na may katawang nakapulupot sa akin, kaya bigla akong napamulat. Dejavu, paulit- ulit na lang. Nagising na naman akong nakapulupot si Gray sa akin. Naririnig ko pa ang malalim nitong paghinga. Sinubukan kong huwag magpanic. Kaya huminga ako nang malalim at dahan dahang lumingon sa katabi ko. Ayun at tulog na tulog na naman ang lalaking ito. Pero may naramdaman ako. Ayun na nga, sapo na naman niya ang kanang dibdib ko. Hindi naman ito ang unang beses na mangyari ang ganitong eksena sa aming dalawa pero nagulat pa rin ako nang makita ang kamay niyang nakasuksok sa loob ng aking bra at nakasapo sa dibdib ko. Hinagip ko ang kamay niya at pwerasaha

    Last Updated : 2025-04-08
  • Chasing Dr. Billionaire    56 (Book 2)

    3rd Person POVPagdating nina Gray at Gigi sa dining area, nadatnan na nila dun ang parents ng lalaki na patapos nang kumain. Sabay na napalingon ang mag-asawa sa dalawang kapapasok lang.Kapansin pansin na umaga pa lang ay posturang postura na ang ina ni Gray habang elegante ito sa kanyang pagkakaupo. Mag-aalmusal lang ito sa loob ng sariling bahay pero parang kakain ito sa fine dining restaurant dahil sa mamahaling damit na suot nito, kumpleto rin ito sa alahas.Sa kabila ng katahimikan ni Mrs. Tuazon ngayon, ay hindi pa rin maikukubli sa mga mata nito ang pagkadisgusto sa babaeng inuwi ng kanyang anak. Nagpupuyos ang dibdib nito nang makitang nakapulupot pa ang kamay ng anak sa bewang ng babae habang papasok sa loob ng dining room, pero nagpigil lang siya ng emosyon dahil ayaw niyang maging dahilan pa ito ng pag-alis ng kanyang anak dito sa mansion. Kilalang kilala niya ang kanyang anak at sa reaksyon ni Gray kahapon ay alam niyang seryoso ito sa kanyang banta. Kaya sa ngayon a

    Last Updated : 2025-04-09
  • Chasing Dr. Billionaire    57 (Book 2)

    Hinawakan ni Gigi si Gray sa braso. Totoo naman kasi ang sinabi ng ginang. Hindi naman kasi ganito ang pagkain nila sa bahay sa Batangas.“Salamat po, favorite ko talaga ang tuyo. Wag po kayong mag-alala, okay lang sakin kahit anong ihain nyo. Ano po bang tawag dito?” nakangiting sagot ni Gigi sabay tingin sa laman ng kanyang pinggan.Ngumiti ng peke ang ginang bago sagutin ang tanong ni gigi.“I’m so glad to hear that, iha. Anyway, I already forgot the name of this dish, but it’s one of my favorite dishes, na natikman ko pa sa France. Ever since lagi ko itong nirerequest sa cook namin. I know– hindi ito yung typical breakfast na nakasanayan nyo sa probinsya.” anito..Tumango tango lang si Gigi at saka nagsalita.“It’s Oeufs en Meurette po.” sabi nito sabay tusok ng tinidor sa poached egg.“What did you just say?” tanong ni Gray. Napatingin tuloy si Gigi sa kanya habang nginguya ang itlog na kasusubo lang. Nilunok muna nito ang nasa bibig bago nagsalita.“Ang sabi ko, Oeufs en Meu

    Last Updated : 2025-04-09
  • Chasing Dr. Billionaire    58 (Book 2)

    Gigi POV Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng silid ko nang tawagin ako ni Gray, kaya huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. “Tara, magswimming tayo.” aya nito nang makalapit sa akin. “Akala ko nag-uusap pa kayo ng tatay mo.” sagot ko. Nakita ko kasi siyang pumasok sa silid ni Chairman Tuazon kanina, akala ko ay magtatagal siya dun. “Hindi kami nakapag-usap. Umalis agad siya, may emergency sa kumpanya.” paliwanag nito. “Ah.., okay. Sige kuha lang ako ng pangswimming.” excited na sabi ko at nagmamadali akong pumasok sa silid para magready na sa swimming namin. Hindi na talaga ako makapaghintay. Kapag nandun ako sa bahay ni ate Tintin o kina ate Mutya, maghapon akong nakababad sa swimming pool nila. Mas excited ako ngayon dahil sabi ni Gray, heated daw ang pool nila, lakas makasosyal. Sa Batangas kasi puro sa tubig alat lang ako makakapag swimming o kaya sa ilog na hanggang tuhod lang ang lalim kasama ng mga kalaro ko. Tapos kelan lang pinagbabawalan na ako ni inay maligo sa

    Last Updated : 2025-04-10
  • Chasing Dr. Billionaire    59 (Book 2)

    Gigi POVMula sa aking pagkakahiga ay kita ko ang maliwanag at asul na asul na langit.Hindi pa ako nakakabangon nang marinig ko ang mga yabag palapit sa kinahihigaan ko at ilang saglit lang ay may anino nang tumakip sa araw.Pag-angat ng aking paningin ay bumulaga sa akin ang katawan ni Gray. Tumayo siya sa bandang ulunan ko na tanging swim brief lang ang suot nito. Sa posisyon ko, mula sa aking pagkakahiga sa sahig ay diretsong nakapwesto sa linya ng aking paningin ang ‘umbok’ sa pagitan ng hita ni Gray.Napakurap kurap tuloy ako nang mabilis.Eksakto sa eye level ko ang magandang tanawin.Manipis at hapit na hapit sa balat ang brief nyang kulay itim. Ni hindi ko na kailangan pang mag-imagine kung anong nasa loob nun, dahil kitang kita ko ang hubog ng kanyang págkalalaki mula dito sa sahig kung saan ako nakahiga.Wala siyang ibang saplot kundi ang itim na swim brief na sobrang tinipid.., sobrang hapit.., at sobrang… laki!Yes!I mean sobrang laki ng anino niya.Oo, yung anino n

    Last Updated : 2025-04-10
  • Chasing Dr. Billionaire    60 (Book 2)

    Gigi POV “Wow!” bulong ko sa sarili. Ang ganda ng katawan ni Danica pang Miss Universe. Ngayong naka bikini na lang ito ay kitang kita ang kaseksihan nito. Lalo na at sobrang nipis at halos wala nang itinatago. Parang ako pa nga ang nahiya para sa kanya. Tanga lang ang lalaking hindi maaatract dito, lalo na ang mga manyak. Speaking of manyak.… Hinanap ng mga mata ko si Gray para malaman kung paano nito titigan ang halos hub0t hubad ng katawan ni Danica. Nang makita ko siya ay parang Elvis Presley ang pagkakangiti nito, nakaangat ang isang dulo ng labi at pilyo ang pagkakangiti…. Pero hindi kay Danica nakatingin– kundi sa akin. Para bang may kung anong kalokohan ang tumtakbo sa utak nito ngayon kaya sinimangutan ko siya. “Oh my, parang ang sarap ng tubig!” ani Danica na nakalapit na kay Gray. Nakatayo na ito sa gilid ng pool. Sabay pa kaming napatingin ni Gray sa kanya. Dumako ang mga mata ko kay Danica, samantalang si Gray naman ay napatingala sa kanya. Sa mismong ha

    Last Updated : 2025-04-11

Latest chapter

  • Chasing Dr. Billionaire    98 (Book 2)

    Kinakabahan ako na medyo excited. Ngayon lang kasi kami lalabas nang kami lang. Date ba ito? Lihim akong kinilig nang maisip yun. Hindi ko alam na sa bar niya pala ako dadalhin. Sosyal dito, hindi ito yung bar na maingay. May music din dito pero hindi yung masakit sa tenga. Jazz music ang naririnig ko, at ang ilaw hindi malikot at masakit sa mata. Dinala nya ako sa isang private table, kung saan mas tahimik. Napaigtad ako nang bahagyang maramdaman ang labi niya sa gilid ng aking teynga nang bumulong siya. “You like it?” tanong niya. Tumango lang ako at tipid na ngumiti saka naupo. Naupo siya at tumabi sa akin. Agad kaming nilapitan ng waiter. Ako ang unang nagbigay ng order at pinili yung mukhang pinakamasarap sa lahat. Kasunod ay siya naman. Okay na sana pero napatingin ako sa kanya ng sabibihn niyang ‘wine for two’ Para sa akin ba yung isa? Nagtataka akong tumingin sa kanya, kinindatan lang niya ako. Unti unti namumuo ang kaba sa dibdib ko, pakiramdam ko ay may iniisip tal

  • Chasing Dr. Billionaire    97 (Book 2)

    Gigi POVDahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ano yun, panaginip? Napahawak ako sa aking labi at muling ipinikit ang aking mga mata, para namnamin ang halik sa panaginip ko. Bakit parang totoo? Muli kong iminulat ang aking mata. Nuh ba yan, nagiging makamundo na talaga ang utak ko. Hanggang sa panaginip kung ano ano na ang naiimagine ko. Tumagilid ako, nakita ko si Gray na nakatayo at nakaharap sa may bintana habang nakapamulsa. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya kitang gising na ako.Kanina pa ba sya dito?Nakita ko siyang pumihit kaya muli kong pumikit. Narinig ko ang mga hakbang niya. Akala ko ay lalabas na siya ng silid pero ang mga hakbang nya ay parang papalapit sa akin.Nagtatalo tuloy ang isip ko kung mumulat na ba ako o hindi. Kaso naramdaman ko na lang ang paglubog ng kama sa gilid ko kaya kahit hindi ko nakikita ay alam kong umupo sa tabi ko si Gray. Bakit ba kasi nagtutulog tulugan pa ako. Hindi ko pala kayang panindigan, imumulat ko na sana ang aking m

  • Chasing Dr. Billionaire    96 (Book 2)

    Gigi POVPakiramdam ko ay napauwi na naman kami ng wala sa oras dahil matapos magsibalikan ng mga amigas ng aking biyenang hilaw ay parang aligaga ang mga ito at isa isa na ring nagpaalam ng tuluyan. Heto at naiwan na naman kaming dalawa ni Madam na halatang imbyerna sa akin dahil sa tuwing magsasalubong ang mga mata namin ay iirapan lang niya ako. Wala naman siyang sinasabi pero ramdam kong inis ito sa akin. Okay na yun, at least hindi na siya masyadong matalas magsalita ngayon. Napansin ko yun matapos ng insidente kay baby Gray at sermunan siya ng bongga ni Chairman.“Let’s go.” anito. Tumayo ito at tinalikuran ako.Napakibot ang aking bibig, gusto ko pa sanang ipabalot yung mga natirang pastries na hindi man lang nagalaw. Sayang ang mamahal at ang sasarap pa naman. Nakatikim naman ako ng konti pero bitin. Muli ay napanis na naman ang laway ko sa biyahe hanggang sa makauwi kami sa mansion. Nang mag-a-alas dos ng hapon ay nakareceived ako ng text message mula kay Gray. Male-late da

  • Chasing Dr. Billionaire    95 (Book2)

    Kanina pa lihim na naiiling si Gigi sa pinag-uusapan ng mga ito. Kababasa lang niya ng article tungkol sa Ebyte crypto. Ito yung binanggit niya kahapon kay Drake na binabasa niya, yung isa sa mga links na ipinasa ni Drake sa kanya.Natatawa siya mga amiga ni Mrs. Tuazon dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Ito yung sinabi niya kay Chairman na porke may pera, feeling negosyante na. Mga pumapasok sa investement na walang kaalalam alam. Ni hindi man lang nagresearch or pinag-aralan.Biglang natahimik ang lahat matapos marinig ang sinabi niya.Maya maya pa ay pagak na natawa si Mrs. Martinez.“Darling, when grown ups are talking–”“AzuraTech ang company na gumawa sa kanila. Gumagawa sila ng coins under different names, at may pattern sila na biglang taas ang halaga, then bigla rin babagsak. Meaning, same team, same strategy. Kung mababasa nyo sa article, nabanggit dun na developers might unlock the liquidity pool this weekend. Kung mangyari yun malaki ang posibility na magka

  • Chasing Dr. Billionaire    94 (Book 2)

    3rd Person POVSinubukang iwasan ni Gigi si Gray pagkatapos ng engkwentro nila sa silid nito. Nag-aalala siya na baka gumanti ito sa kanya dahil alam niya kung gaano ito kapikon lalo na kapag pagkalalakí na nito ang pinag-uusapan. Mabuti na lang at hindi na ito nangungulit ngayon. Nagkukwentuhan sila habang sabay na nagdi-dinner pero wala itong binanggit tungkol sa nangyari kanina. Hindi niya tuloy malaman kung matutuwa ba o kakabahan.Matapos maghapunan ay bumalik na sila sa kani-kanilang mga silid. Hindi na niya nakita pa si Gray hanggang sa makatulog siya ng gabing yun. Nagising na lang siya ng 4 AM na may nakayakap na naman sa kanya at nakasuksok ang kamay sa loob ng kanyang bra– syempre wala yung iba kundi si Gray. Parang nasasanay na rin siyang magigising sa umaga na nakapulupot ito sa kanya. Maya maya pa ay kumalas na ito pagkatapos siyang dampian ng halik sa batok. Tumayo ito at nagsuot ng damit dahil naka-boxer lang ito kung matulog. Pagkatapos ay dire-diretso itong lumaba

  • Chasing Dr. Billionaire    93 (Book 2)

    3rd person POVNagmamadaling bumalik ng silid si Gigi. Tawa siya ng tawa mag-isa nang makabalik sa sariling silid. At the same time ay gusto niyang tuktukan ang sarili kung bakit ba naman kasi sa lahat ng pwedeng sabihin ay ‘balat’ pa talaga ang lumabas sa bibig niya. Bigla kasi niyang naalala yung Oblation Statue sa UP nung minsan magtour ang school nila dun. Ang sabi ni Santi, puro balat daw yung ‘ano’ ng Statue. Tawa sila ng tawa nun ni Nica kaya naging joke na sa kanila yun. Hindi naman niya akalain na bigla niya yung sasabihin sa harapan ni Gray. At siguradong lagot na naman siya nito, hindi naman kasi totoo yun– kabaligtaran kasi yung nakita niya. Nung una niya itong makita, medyo madilim pa. Pero kanina, maliwanag na –malapitan pa. Parang bigla tuloy nagbago ang isip niya at parang ayaw na muna niyang mag-asawa kung ganun kalaki pala ang papasok gabi gabi sa kuweba niya. Kanina nga ay pinagbataan pa siya nito na sa susunod daw ay siguradong mararamdman at hindi niya mak

  • Chasing Dr. Billionaire    92 (Book 2)

    Gigi POV Dumiretso si Gray sa silid nya, ako naman ay sa silid ko. Nang mainip ako ay tinungo ko ang kusina para kumuha ng maiinom at para makipagkwentuhan na rin kina Sheryl. Hindi pa kasi kami ako tapos makinig sa mga kwento niya dahil hinanap ako ni Mrs. Tuazon kaninang umaga para isama sa cafe. Si Nancy agad ang una kong nakita. Huli ko na naman silang nagchi-chismisan. Pero nang makita nila ako ay hindi na sila nagulat sa halip ay nagkukumahog pa nga ang mga ito na lapitan ako. “Anong chika natin dyan?” tanong ko. Naglakad ang dalawa palapit sa akin na nanghahaba ang mga nguso. “Naku miss Gi, nandyan na naman ang bruha.” anito. Tinakpan pa ang gilid ng bibig pero anlakas naman ng boses. “Sino, si Danica?” tanong ko. Eh, sino pa ba ang bruha sa mansion na ito? “Mismo.” sagot ni Sheryl na nakasimangot. Pagtingin ko kay Nancy ay hindi rin maipinta ang mukha nito. Mukhang pati pala mga kasambahay ay imbyerna kay Danica. “Narinig ko silang nag-uusap ni Madam nung da

  • Chasing Dr. Billionaire    91 (Book 2)

    Gigi POVDi rin naman ganun nagtagal ang tea time ni Mrs. Tuazon kasama ng mga amiga niya. Pansin ko ambilis nilang nagpaalaman. Kesyo may nagmamadali, merung emergency sa bahay, merung schedule na kailangang puntahan. Nag-alisan na sila eh hindi pa nga kami nakaka-order, wala tuloy tsibugang naganap. Para lang akong tangang nakasunod kay Mrs. Tuazon pabalik ng sasakyan. Tahimik lang siya pero poised pa rin ang upo kahit nasa loob ng sasakyan. Hindi mo talaga iisiping dati siyang kasambahay, ang galing niyang magdala ng sarili. Kaso may mga tao talagang huhusgahan ka dahil lang sa kung ano ang iyong pinagmulan. Parang gusto ko tuloy maawa sa kanya dahil hanggang ngayon labandera pa rin ang tingin ng mga pekeng kaibigan niya. Pero parang deserve naman, ako nga kung maliitin niya, akala mo hindi siya dating mahirap.Nang sulyapan ko siya, halatang may iniisip ito, kumikibot kibot pa ang bibig nito. Siguro iniisip niya yung mga pekeng kaibigan niya.Nagulat ako ng bigla na lang siyan

  • Chasing Dr. Billionaire    90 (Book 2)

    3rd Person POVNapangiti si Danica nang makita si Mrs. Tuazon na lumabas ng malaking pintuan ng mansion, Narito siya sa labas ng kanyang magarang sasakyan. Pero mabilis din nawala ang kanyang ngiti nang makitang kasunod ni Mrs. Tuazon ang malditang si Gigi. Nakasimangot si Danica hanggang sa makalapit sa pwesto niya ang dalawa.Maaliwalas ang mukha nang ginang na nilapitan siya.“Iha, I’m glad nakarating ka.” anito at nagbeso ang dalawa.Hindi sumagot si Danica sa halip ay mataray ang tingin na ipinukol kay Gigi na ngayon ay nakatayo at mukhang bagot na bagot.“Mukhang maldita talaga.” bulong ni Danica sa sarili niya.Magtatanong pa lang siya pero inunahan na siya ng ginang.“I know.” bulong ni Mrs. Tuazon. Pagkatapos ay binalingan nito si Gigi.“Mauna ka na sa loob.” anitoi.Wala namang pag-aalinlangang pumasok si Gigi sa loob ng sasakyan. Nang makapasok ito ay saka pa lang nagtanong si Danica.“What was that tita? Don’t tell me, boto ka na sa kanya? ” usisa niya.“Of course not. Da

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status