Gigi POV Sabado, 2PM – Mansion ng mga Tuazon Isinama ako ni Gray dito Manila. Nung punatahan niya ako sa school at ayaw kong pumayag sa pakiusap niya, ay dumiretso siya sa bahay at kinausap si tatay na agad namang pumayag sa hiling niya. Hindi pa man nakakausap ni Gray ang mga magulang ko ay alam ko nang ganun ang magiging resulta— may dahilan sina ni itay kung bakit hindi nahirapan si Gray na mapapayag sila. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, napansin ko na agad kung gaano kalaki at kaganda ang bahay ng mga magulang ni Gray. Ay, hindi pala bahay… palasyo yata ‘to, dahil pagbukas pa lang ng gate ay sasalubong na agad sayo ang napakalawak at napakagandang landscaping. At ang mismong bahay, ay napaka elegante na parang yung mga nakikita mo sa mga pelikula na mga bahay ng mga mayayamang bida. Ilang beses na akong nakapasok sa mansion nina Don Antonio at Donya Agatha, pero masasabi kong higit na magarbo itong bahay ng parents ni Gray. Yung bahay kasi ng mga Rufino, kahit mansion ay ma
Dernière mise à jour : 2025-03-25 Read More