Home / Romance / A Love Reclaimed: Fated To Love You / Chapter 281 - Chapter 290

All Chapters of A Love Reclaimed: Fated To Love You: Chapter 281 - Chapter 290

372 Chapters

281.

Si Rhian ay marahang hinahaplos ang likod ng bata, sinusubukang pakalmahin siya, ngunit naririnig niyang unti-unting humihina ang iyak nito. "Rain?" Tumingin siya pababa nang may pag-aalala. Ang bata ay nawalan na ng malay dahil sa sobrang pag-iyak. Ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata ay nakabitin pa rin sa kanyang pisngi. Sa hitsura ng bata, halos hindi makahinga si Rhian dahil sa sobrang awa. Napakalamig ng gabi, at manipis ang suot ng bata. Hindi pwedeng magtagal pa ito. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makaakyat sila! Pagkatapos niyang magdesisyon, hinubad ni Rhian ang kanyang jacket, binalot ang bata, at sinubukang maghanap ng solusyon. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi siya makalabas ng hukay. Halos maubos na ang lakas niya sa sunod-sunod na pagtatangka. Sa huli, napaupo si Rhian nang may pagkabigo, at niyakap ang bata upang painitin ito. Habang umiihip ang malamig na hangin sa kagubatan, tanging kaluskos ng mga dahon ang naririnig—walang ibang tao. Sa
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

282.

Bago pa makapagsalita si Rhian at sabihing kaya niyang gawin ito mag-isa, mas hinigpitan ni Zack ang pagkakahawak sa kanya. "Huwag kang gumalaw, kung hindi, hindi ako makakaakyat." Mahina ngunit magaspang ang boses ni Zack. Nang marinig iyon, nakaramdam si Rhian ng kakaibang pakiramdam. Tahimik siyang kumalma at hinayaan si Zack na hawakan siya para makaakyat. Pagkatapos makaakyat ni Zack, agad kumawala si Rhian mula sa mga bisig ng lalaki. "Madam... ibig kong sabihin, Miss Fuentes... napakabait mo sa batang iyon. Napakatapang mo. Maraming salamat!" Hindi napigilan ni Manny ang magpasalamat. Nang makita niyang nakaupo si Rhian sa ilalim ng hukay habang hawak si Rain, nagulat si Manny. Hindi niya inakala na si Rhian pala ang unang nakakita kay Rain bago pa sila makarating doon. Sa dis-oras ng gabi, pumasok siya sa malalim na kagubatan para hanapin ang bata. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi nila alam kung kailan nila matatagpuan si Rain. Kahit nanghihina sa pagod, nagawa pang
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

283.

Pagkatapos ng checkup, nakahinga ng maluwag si Rhian nang matiyak na wala nang ibang sugat si Rain maliban sa mga gasgas. Gayunpaman, patuloy pa rin ang pag-aalala ni Zack at inutusan si Rain na manatili sa ospital ng isang gabi. Nang makita ni Rhian na palalim na ang gabi, nagpasya siyang magpaalam, "Kung okay na si Rain, uuwi muna kami ng mga bata upang magpahinga. Kung may kailangan ka, huwag kang mahihiya na tawagan ako.” Pagkasabi nito, umalis siya at papalapit na sa pintuan, nang biglang hinawakan siya ni Zack sa pulso. Napasinghap si Rhian… tumingin siya sa kamay ni Zack na nakahawak sa braso niya na may sugat. "I-check na rin siya." Mahinang sinabi ni Zack sa doktor habang hawak ang kanyang pulso, nagsalita sa doktor. Dahil dito, tumingin si Rhian at tumanggi, "Hindi na kailangan, alam ko namang hindi ako nasaktan. Gusto ko lang magpahinga at umuwi ngayon." Ngunit hindi siya tinigilan ni Zack. Kaya't napilitan si Rhian na sumunod, lumapit sa doktor, inikot ang manggas n
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

284.

Samantala, sa mansyon ng pamilya Saavedra. Matapos paalisin ni Zack si Marga noong hapon, bumalik siya at pumunta kay Dawn. Nang makita siya ni Dawn, akala niya ay may balita na tungkol kay Rain, kaya't nagmadali siyang nagtanong, "Bakit ka bumalik? Nahanap na ba si Rain?" Umiling si Marga at puno ng kabiguan ang mukha. Nakita ito ni Dawn, ang mukha nito ay puno ng pagkondena, "Hindi pa rin nahanap si Rain, bakit ka bumalik? Hindi mo ba alam na kailangan ka pa sa paghahanap?" Bagamat palagi niyang kinikilingan si Marga, sa pagkakataong ito ay labis na niyang ikinagalit ang ginawa nitong pag-iwan at pagbaya kay Zack. Nang marinig ito, ang mukha ni Marga ay puno ng pagsisisi, "Tita, gusto ko rin sanang tumulong sa paghahanap, pero..." "Pero ano!" Tanong ni Dawn na may galit na tono. Tumingala si Marga, may mga luha sa mga mata, at malungkot na tiningnan si Dawn, "Pero, pinaalis ako ni Zack, sinisisi niya ako kasi hindi ko daw nabantayan si Rain. Alam ko po na labis na siyang nag-
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

285.

Matapos kumain, inutusan ni Zack si Manny na ihatid si Rio at Zian pauwi upang magpahinga, habang siya at si Rhian ay nanatili sa ward upang samahan si Rain. Bumuntong-hininga si Rhian habang nagpapaalam sa kanyang dalawang anak. Gusto man niyang umuwi kasama sila, hindi naman niya magawang iwan si Rain. Hanggang ngayon ay kapit ito sa kanya, ayaw humiwalay at parang takot na takot na iwan niya. Hinaplos niya ang maputlang mukha nito, at tumingin sa mga mata nito na puno nang pagsisisi, "Hindi dapat kita iniwasan, Rain..." hingi niya ng paumanhin sa bata. Umiling sa kanya si Rain, walang paninisi sa mga mata nito, bagkus ito ay malamlam habang nakatingin sa kanya, may takot man, halata na kumportable ito na kasama siya. Hindi mapigilan ni Rhian ang nararamdaman niyang guilt, lalong bumigat ang kanyang pakiramdam. Simula nang mawala ito, hindi na naalis sa dibdib niya ang guilt na ito. Lalo na ngayon na alam niyang apektado na ang mental na kalagayan ng bata. Pakiramdam ni Rhian ay
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

286.

Kinabukasan, nang magising si Rhian, may nakapatong na sa kanya na kumot. Alam niyang si Zack ang naglagay sa kanya nito nang matulog siya kagabi. Pag-upo niya, agad niyang hinanap ang lalaki sa ward, ngunit hindi niya ito nakita. Hindi niya alam kung bakit, ngunit parang may emptiness sa kanyang puso. Habang nag-iisip siya, bumukas ang pinto ng ward. Napatingin siya at nakita ang isang lalaki na nakashirt lang, halata ang pagod sa gwapong mukha nito. Mukhang wala pa rin itong tulog. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, sandaling naghinang ang kanilang mga mata. "Gising ka na pala.” Bahagyang paos ang boses na sambit nito sa kanya. Tumango si Rhian, nag-atubili sandali, nang makabawi, tumayo siya at pinatong ang kumot na binalot nito sa kanya sa katawan ni Rain. Nang makita ang ginawa ni Rhian, kumislap sa tuwa ang mga mata ni Zack. Nilapitan niya ito, kinuha niya ang pulso nitong nakabenta at sinuri ito. "Kumusta ang sugat mo? Makirot pa rin ba? Gusto mo bang tumaw
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

287.

Pagka-alis ni Rhian, bumalik na sina Zack at Rain sa mansion. Pagdating nila sa bahay, naroon na si Dawn at Wilbert sa sala, kasama si Marga, nakaupo ang babae sa tabi nila nang malungkot. Pagkakita sa kanilang pagpasok, agad na tumayo si Marga upang salubungin sila. "Zack, okay lang ba si Rain?" Habang sinasabi ito, agad niyang niyukod at tiningnan ang kalagayan ng maliit na bata. Paglapit niya, agad na umatras si Rain at nagtago sa likod ni Zack, mahigpit na hawak ang damit ni Zack at ayaw nang tumingin kay Marga. "Rain, patawarin mo ako, ako ang nagpasama ng loob mo, pero ang gusto ko lang..." pinantayan ni Marga ang bata at mahinahon na tinangkang hawakan ang kamay ni Rain. Ngunit parang pusa na nagalit, tinabig ng bata ang kamay ni Marga at may galit sa mukha. “Kailanman, hinding-hindi niya magugustuhan si Marga. Dahil sa kanyac iniwasan ako ni tita ganda! Ayaw ko sa kanya!” Isip-isip ni Rain. Hindi pa rin sumuko si Marga, iniisip ang mga magulang ni Zack na nasa lik
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

288.

Nang marinig ni Dawn ang walang tigil na paninisi ni Zack kay Marga, hindi mapinta ang kanyang mukha, hindi siya natuwa sa anak. "Si Marga ay nagsisisi na. Kagabi lang siya umuwi at ngayon pa lang siya nagpunta dito para mag-apologize. Bakit mo pa siya pinaparatangan?" Pagkatapos, tumingin siya kay Rain na nagtatago sa likod ni Zack. Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Rain, ngunit wala itong tunog, patuloy lamang ang pagpatak ng mga luha. Nakita ni Dawn ang kalagayan ng apo at labis itong naawa. Pinagaan ang boses, "Rain, huwag ka nang umiyak, sabihin mo kay lola kung nasaan ka nasaktan." Tumingin lang ang bata sa kanyang lola, hindi gumalaw, nakayakap lang at nakatago sa likuran ni Zack, patuloy ito sa paghikbi at pag-iyak. Seryosong tumingin si Zack kay kanyang ina at malamig na nagsalita, “Kung nakita mo lang kung saan namin siya natagpuan, hindi mo masasabi ang mga iyan,” Natigilan si Dawn. Dahil sa pagmamadali ng mga tawag kahapon, wala siyang pagkakataon na magtanong ng
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

289.

Nang malaman ni Dawn na si Rhian ang nakakita kay Rain, wala siyang nakapa na tuwa. Dapat lang ang ginawa nito. Sa halip, dahil sa patuloy na pag-iyak ni Rain sa kanyang mga bisig, niyakap niya itong muli at inubos ang lahat ng paraan upang pakalmahin ito. Matapos ang ilang sandali, nang mawalan ng lakas si Rain sa kakaiyak, tumigil na siya at tahimik na nagpatuloy sa paghikbi. "Rain, maging mabait ka at masunurin." Hinaplos ni Dawn ang likod ng bata at nagbago ng paksa. "Gusto ka ni tita Marga, hindi niya nais na magalit ka. Puwede mo ba siyang patawarin?" Nang marinig ni Rain ang pangalan ni Marga, bumitaw siya kay Dawn, at tumalikod upang magtungo kay Zack, tinaas niya ang kamay upang magpabuhat sa ama. Kinuha ni Zack ang anak at binuhat ito sa kanyang bisig, siya na ang sumagot sa sinabi ng kanyang ina sa kanyang anak, "Hindi ko siya mapapatawad. Kahit na patawarin siya ni Rain, hindi ko siya mapapatawad!" Ang bawat kataga na binitiwan ni Zack ay puno ng diin. Ang tingin ni
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

290.

Nakita ni Marga na wala nang pag-asang makuha ang kanyang gusto, kaya't tumayo siya at pagkatapos ng ilang sandali, umalis na siya nang nakayuko ang ulo. Naiwan si Dawn at ang kanyang asawa kasama si Rain ng ilang sandali pa. Ngunit gaano man nila pinipilit na pakalmahin si Rain, hindi ito interesado. Sa tuwing tinatanong siya, mabilis lang siyang tumango o umiling. Inilagay ni Dawn ang papel at panulat sa harapan ng bata, pero ayaw sumulat ng kanyang apo. Naaawa na tumingin siya sa kanyang apo. Alam niyang natatakot ang bata dahil sa nangyari kahapon. Ngunit wala nang silbi ang mag-alala ngayon, kaya't nagpasya siyang samahan na lang si Rain ng mas matagal. Matapos ang ilang oras, nang magsimula nang magdilim, tumayo si Dawn at nagsabi kay Zack, "Ganyan na naman si Rain, siguro ay mas mabuti kung ako na lang ang mag-aalaga sa kanya ng ilang araw. Ikaw ay abala sa trabaho, at baka hindi mo siya matutukan." “Hindi na kailangan kaya wag ka nang mag-abala.” Mariing tanggi niya
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more
PREV
1
...
2728293031
...
38
DMCA.com Protection Status