LIKE 👍
Pagkauwi ni Rhian sa bahay, nakatayo na ang dalawang bata at naghihintay. Nang makita siyang dumating, agad nilang tinanong si Rain at nalamang nagsalita na ulit si Rain. Masaya ang dalawang bata nang marinig nilang nagsalita na si Rain. “Mommy, may sugat ka!” Sabi ni Rio nang nag-aalala. Dahil sa sugat ni Rhian sa pulso, ayaw ng dalawang bata na gumawa siya anumang bagay, laging nakabantay ang mga ito sa kanya buong araw. Kinabukasan, gusto sanang pumasok ni Rhian sa institusyon para magtrabaho, ngunit pinilit siya ng dalawang bata na manatili sa bahay. "Mommy, may sugat ka pa, dapat ka munang magpahinga sa bahay,” sabi ni Zian. Sumang-ayon si Rio, "Natakot kami na baka magkasakit ka ulit tulad ng nung nakaraan. Saka makakapaghintay naman po ang trabaho." Naintindihan ni Rhian na nag-aalala ang mga anak para sa kanya, at dahil nga sa sugat sa pulso, hindi rin naman siya magagawa nang maayos sa trabaho, kaya pumayag na lang siya. Matapos ang almusal, biglang tumunog ang
Kuminang ang mga mata ni Rain, dahil sa sinabi ni Rhian, maingat na nilagyan niya ng gamot ang sugat nito.Ang nasa tabi at nanonood na si Zack ay hindi nakatiis at nagsalita, "Simula ng makauwi kami, hindi na siya tumigil sa pag-aalala sayo. Ikaw agad ang inisip ni Rain nang lagyan ko ng gamot ang sugat niya."Nang marinig ito, lalong lumambot ang puso ni Rhian. Tinitingnan ang batang maingat na pinapahiran ang kanyang sugat, may ngiti sa labi na nagpasalamat siya dito, "Salamat, Rain ha. Lalong gagaling agad si tita dahil sa pag-aalala mo,"Sa gilid, pinapanood ng dalawang kambal ang kanilang stepsister na naglalagay ng gamot kay Mommy nang may pagkasabik sa kanilang mga mata. Katulad nila si Rain, sobrang mahal ang kanilang mommy. Kaya lalo nila itong nagugustuhan kahit na anak ito ng daddy nila sa ibang babae.Nang sana nang kambal na magsalita ngunit narinig nila ang tinig ni Zack, at biglang naging seryoso ang kanilang mukha.Nang mawala si Rain kahapon, sobra silang nag-alala di
Pagkatapos ng ilang sandali, nakabawi si Zack at mataman na nagsalita, "Tama kayo. Hindi ko na kayo guguluhin pa." Tungkol naman sa kasal niya kay Marga, naisip niya na hindi na niya kailangan pang sabihin sa kanila ang tungkol don. Hindi pa niya ito ipinahayag sa publiko, kaya’t hindi niya balak ipaalam sa iba ito sa ngayon. Medyo nagulat ang dalawang bata nang makita nilang madaling sumuko si Zack, nalungkot sila at medyo nasaktan. Talagang gusto ni daddy na pakasalan ang masamang ale na yon. Ayaw na ba talaga nito sa mommy nila. Lalo silang nalungkot sa naisip nila. Kahit nalulungkot sila, mas nanaig ang kanilang galit. Tumingala sila at pinag-krus pa ang braso sa kanilang dibdib. “Ba-bye, tito Zack,” matapang at sabay na sabi nila Rio at Zian. Napakamot si Zack sa kilay habang nakatingin sa kambal na animo’y malaking tao na nakatayo at nakaharap sa kanya. Pakiramdam niya ay galit ito sa pagpapakasal niya kay Marga. Pero bakit magagalit ang mga ito? Kung kanina ay handa na
"Hindi, gusto ko si tita ganda!" Tumingin si Rain kay Rhian nang sabik, at pagkatapos ay tumingin kay Zack ng nakasimangot. Nakita ni Zack ang determinasyon ng anak, alam niyang hindi ito susunod ngayon, kaya't tumigil na siya sa pagpapilit at tumingin kay Rhian. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, medyo kumunot ang noo ni Rhian, agad niyang nahulaan kung ano ang sasabihin ni Zack. "Laging nakadepende si Rain sa iyo, at sa iyo rin unti-unting bumuti ang kanyang mga sintomas ng autism. Ngayon, natakot siya at nagkaroon ng ilang relaps, kaya't hindi na niya gustong lumayo sa iyo. Maaari mo ba siyang alagaan pansamantala?" May pakiusap na sabi ni Zack kay Rhian. Nang marinig ni Rain na papayagan siyang manatili sa bahay nila Rhian, kumislap ang mga mata ng bata habang nakatingin kay Rhian, umaasa siya na papayag ito. Ngunit pagkatapos maghintay ng ilang segundo, napansin ni Rain na tila may hindi tama sa ekspresyon ng mukha ni Rhian. Nang mahulaan na parang ayaw nito, agad na b
Tumingin si Rain sa likod ni Rhian na may mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang pigilan ang pagdaloy ng mga luha. Hindi inasahan ng dalawang maliliit na bata na magiging ganoon kalupit si Mommy kay Rain. Natigilan sila ng ilang sandali bago sila nakabalik sa kanilang mga sarili at tumakbo kay Rain upang aliwin ito. "Rain, huwag kang umiyak. Talagang abala lang si Mommy nitong mga nakaraang araw. Kapag tapos na si Mommy, maaari ka na ulit tumira sa amin!" Nakangiting sabi ni Zian. Imbes tumahan, lalo lamang umiyak si Rain, hindi siya mapapatahan ng mga sinabi nito. Kinuha ni Rio ang panyo upang punasan ang mga luha nito at nagsabi nang kalmado, "Aalagaan ka namin sa eskwelahan. Gusto ka rin ni Mommy. Huwag ka nang malungkot. Kung patuloy kang iiyak at maging pangit, hindi ka na magugustuhan ni Mommy." Nang marinig ito, unti-unting huminto ang pag-iyak ni Rain, ngunit may kalungkutan pa rin sa kanyang mukha. Tumango si Zian at nagsabi, "Kami at si M
Samantala, sa villa ng pamilya Suarez, Masana ang loob ni Marga mula nang siya ay itaboy ni Zack noong araw na iyon. Noon, si Dawn ay laging nagtatanggol sa kanya, ngunit hindi siya nagsalita noong araw na iyon, na nagpakita lamang na kahit ito ay hindi kayang tumulong. Dahil dito, halos mawalan ng pag-asa si Marga. Hindi siya bobo, pagkatapos maghintay kay Zack sa loob ng maraming taon, alam niyang malamang ay wala na itong balak na pakasalan siya. Ngunit palaging may kaunting pag-asa siyang hawak, dahil tinulungan siya ni Dawn sa bawat hakbang. Palagi niyang iniisip na basta't maghintay siya, darating din ang araw na papakasalan siya ni Zack. Ngunit hindi inaasahan, bumalik sa bansa si Rhian, at si Zack ay wala nang ibang iniintindi kundi ito, paulit-ulit din nitong sinasabi na nais nitong kanselahin ang kanilang engagement. Kung hindi lang sana bumalik ang babaeng iyon! Matapos magpalamig nang ulo sa bahay buong araw, nagpupumilit pa rin si Marga na panghawakan ang
Matapos umalis sa bahay ng magulang ni Zack, ang mga bakas ng kalungkutan at hinagpis sa mukha ni Marga ay unti-unting nawala at pinalitan ng malamig na ekspresyon. Si Fred ay naghihintay sa kotse. Nang makita niyang masama ang mukha ni Marga habang sumasakay, maingat niyang tinanong, "Ma’am. saan po tayo pupunta?" Bumaling si Marga at tiningnan siya ng malamig sa rearview mirror, "Sa kumpanya." Tumango si Fred, at habang umaandar ang kotse papuntang kumpanya, biglang nagsalita si Marga mula sa likuran, "Wag na, diretso na tayo sa bahay!" Wala talaga siyang gana na pumunta sa kumpanya at makita ang mga magugulong tao roon! Nakakalungkot na siya pa mismo ang nagpunta kay Dawn kaninang umaga. Akala niya tutulungan siya ni Dawn na makipag-usap kay Zack agad nang makita siya na umiiyak tulad ng dati. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbisita niyang ito ay magiging walang silbi. Parang wala ring saysay ang mga sinabi ni Dawn. Kapag kalmado na si Zack, malamang ay malalama
Wala namang alam si Rhian tungkol sa mga iniisip ni Marga. Ang mga sinabi niya kay Rain ay hindi puro dahilan lang. Talagang abala ang research institute nitong mga nakaraang araw. Dahil sa pagkakasugat niya sa kanyang pulso at sa pakiusap ng mga bata, naglaan siya ng isang araw upang magpahinga sa bahay. Kinabukasan ng umaga, nagising siya dahil sa tawag mula sa isa sa mga miyembro ng team. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap, wala na siyang oras para mag-almusal at dali-daling nagpunta sa research institute. Tapos na ang nakaraang proyekto. Ang simula at pagtatapos ng proyektong iyon ay mahirap. Kaya naman, sa simula ng proyekto, madalas na manatili si Rhian sa experimental area. Ngayon na malapit na itong matapos, muling bumalik ang kabusyhan ng nakaraan. Si Zanjoe pa rin ang nagsisilbing assistant niya. Habang nagsasagawa ng eksperimento, aksidenteng napansin ni Zanjoe ang sugat sa pulso ni Rhian at nagtanong, "Doktor Fuentes, ang kamay mo..." Naging abala si Rhian at na
Muling tumunog ang doorbell. Nagkatinginan naman ang kambal, nang bababa na si Aling Alicia ay nag-presinta sila, “Kami na po ang magbubukas, lola Alicia!” Sabi ng dalawa at tumakbo pababa. “Rio, Zian! Huwag kayong tumakbo baka madapa kayo!” Malakas ang boses na bilin ng matanda. Pagdating sa tapat ng pintuan, nagkatinginan muli ang magkapatid, iisa ang iniisip nila. Ang tanging taong darating sa kanilang bahay sa oras na iyon ay ang taong nais pumunta upang makita ang kanilang stepsister. Pagbukas ng pinto, hindi na sila nagulat nang makita ang isang lalaking nakasuot ng suit at leather shoes. Sa likod nito ay may isang lalaking may edad may dala-dalang medical kit, mukhang doktor. "Nasaan si Rain?" Hindi maiwasang kumunot ang noo ni Zack nang magbaba siya ng tingin ay dalawang bata ang bumungad sa kanya. Napahilot siya sa sintido. Ang dalawang batang ito ay may hindi malaman na galit sa kanya. May chance na hindi siya papasukin ng dalawa. Tulad ng inaasahan ni Zack, naka
"Tita..." Nakita ni Little Rain ang magandang tita na nakahiga sa kama, may mahinang mukha. Ang mga luha na pilit niyang pinigil ay muling pumatak. Nang marinig ni Rhian ang tinig ng batang babae, naawa siya. Nang makita niya itong tumakbo patungo sa kanyang kama, nagpilit siyang ngumiti at sinabi, "Ayos lang si Tita, Rain, huwag mag-alala." Nag-sandig si Rain sa kama, tinitingnan si Rhian ng mga mata niyang basang-basa. Pagkatapos tignan ang batang babae, naawa si Rhian. Lumingon siya at malumanay na tinanong, "Bakit ka pumunta dito nang mag-isa?" May kalungkutang ang boses ni Rain nang magsalita siya, “Sinabi po ni teacher na may sakit ka." Tumango si Rhian at iniabot ang kanyang kamay upang haplusin ang ulo ng batang babae, "Salamat, Rain, salamat dahil nag-aalala ka kay tita,” Ibinaba ni Rain ang kanyang kamay, gusto niyang dampiin ang noo ni Rhian. Naalala niyang nang huling may lagnat si Tita, sila ang tinanong kung anong temperatura nito. Naalala niya na ang noo ni
Pagsapit sa kalagitnaan ng biyahe, naalala ng driver ang isang mahalagang tanong. "Young lady, nasabi mo na ba kay Young Master ang tungkol sa pagpunta mo sa kanila?” Nakaramdam ng kaba ang driver nang hindi na nagsalita ang bata. Kung gano’n ay nagpasya ang bata ng mag-isa. Paano kung malaman ito ng Master? Habang naiisip ito, nag-atubili siya at sumilip sa rearview mirror upang makita ang batang babae, "Ipapabatid ko ba kay Master para sa iyo?" Umiling ang ulo si Rain, "Hindi." Nang umiling ang bata, lalong tumibay ang hinala ng driver na tama ang hinala niya, walang alam ang Master sa biglaang pag-alis ng bata sa eskwelahan. Samantala, si Rain ay ayaw sabihin sa daddy hiya! Ang huling pagkakataon na pinaalis siya ni tita ay dahil kay Daddy. Ayaw ng magandang tita kay Daddy, kaya't hindi siya pinayagan magtagal. Kung muling sasama si Daddy ngayon, baka hindi siya payagan makapasok ng tita. Dahil sa determinasyong ito ng batang babae, tumahimik na lang ang driver at nai
Samantala, sa eskwelahan, dumating si Rain nang maaga, sabik na naghihintay kay Rhian sa pintuan at sa dalawang anak nito. Kahapon ay sinabi ng kambal sa kanya na tapos na si Tita ganda sa trabaho nitong mga nakaraang araw, at ito na daw ang maghahatid sa kanila. Kagabi pa lang ay excited na siyang makita si tita ganda, natulog siyang excited sa muli nilang pagkikita. Kahapon ay sinabi sa kanya ni Lola Alicia na nagbilin si tita ganda na wag mag-alala dahil magkikita din sila. Kaya hindi siya masyado nalungkot, nagbilin si tita ganda, ibig sabihin ay iniisip siya nito. Dumating ang lahat ng mga bata, wala pa ring palatandaan nila Rhian, Rio at Zian, kaya’t hindi maiwasan na makaramdam ng kaunting lungkot si Rain. "Rain, malapit nang magsimula ang klase, pumasok na tayo!" sabi ni Teacher. Kanina pa nito napapansin ang bata na nakatayo lamang sa pintuan, parang may hinihintay, dahil hindi pa nama magsisimula ang klase ay pinabayaan niya ito. Ngunit magsisimula na ang kanilang k
Pagbalik sa bahay, ang dalawang bata ay nasundo na ni Jenny mula sa eskwelahan, at sila ngayon ay kasalukuyan nang naglalarlo ng lego sa sala. Nang makita nilang dumating si Rhian, agad na lumapit sila at nag-aalala na nagtanong sa kanilang ina. “Mommy, bakit basa ka sa ulan? Nakalimutan mo ba ang payong mo?” Tanong ni Zian. Hindi nakatiis si Rio at nag-aalala din na nagtanong, bahagya pa nitong pinagalitan ang mommy nila. “Dapat ay sumilong ka nalang muna kung nakalimutan mo ang payong mo, mommy. Baka magkasakit ka po,” sabi naman ni Rio. Pagod na bumuga ng hangin si Rhian, ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti sa mga anak. Tinabi niya muna ang handbag at saka nilapitan ang kambal at hinawakan ang ulo nila para ipakita na ayos lang siya, "Hindi ko inasahan na uulan, kaya hindi ako nagdala ng payong. Kailangan ko nang umuwi agad kasi miss ko na kayo, kaya sumuong ako sa ulan,” lumuhod siya at pinantayan sila, “kasalanan niyo ito, namiss kayo kasi ni mommy,” biro niya sa mga anak.
Nakita ni Manny na may kakaibang ekspresyon si Rhian, ngunit hindi ito malinaw. Sinulyapan niya ang telepono na biglang pinatay ng kanyang master at mabilis na lumapit kay Rhian. “Ma’am Rhian, wala kang payong na dala? Ang kotse mo? Kung magco-commute ka ay ihahatid nalang muna kita, hindi pa naman bababa si master kaya mahahatid kita,” pagkasabi nito, binuksan na ni Manny ang hawak na payong, Agad naman na tumanggi si Rhian sa alok nito, “Hindi na ho, salamat na lang. may hinihintay pa kasi ako,” pagdadahilan niya habang nakahawak sa kanyang ulo, Nang marinig ito, nakakaunawa na tumango si Manny. Tumingin si Rhian sa entrance ng restaurant. Narinig niya na hindi bababa si Zack. Pero paano kung bumaba ito? Dahil sa nalalapit na kasa nito, kailangan talaga niyang panindigan ang pag-iwas. Tumingin siya sa malakas na ulan. Nag-atubili siya ng ilang segundo kung susuong ba siya sa malakas na ulan. Pero gusto niyang makaalis bago pa lumabas ang lalaki. Ah, bahala na. Hinandal ni
Nang alas-otso ng gabi, dumating si Rhian sa Steak restaurant kasama ang mga kasamahan sa institute. Pagpasok nila sa private room, nagtaas ng mga baso ang lahat upang mag-toas sa kanya. "Simula nang dumating si Doktor Fuentes sa aming institute, hindi lamang niya kami tinulungan na masolusyunan ang malalaking problema sa mga materyales na gamot, kundi pinangunahan din kami sa paggawa ng maraming proyekto. Ang institute ngayon, matagumpay dahil sa kanya!” "Akala ko hindi na matatapos ang proyektong ito, pero buti na lang at si Doktor Fuentes ay may galing at tapang! Hindi lang siya maganda, matalino at talagang kahanga-hanga pa!” Sunod-sunod ang mga papuri ang natanggap ni Rhian. Tumayo sa harapan ng lahat, at saka nakangiti na tumugon sa lahat, "Tungkulin ko ang lahat ng ito. Dapat nga ay magpasalamat pa ako sa inyo dahil sa walang sawa ninyong pagtulong sa akin at mainit na pagtanggap bilang lider ninyong lahat,” Nang bumalik siya sa bansa, naisip na niya ang kasalukuyang sit
Wala namang alam si Rhian tungkol sa mga iniisip ni Marga. Ang mga sinabi niya kay Rain ay hindi puro dahilan lang. Talagang abala ang research institute nitong mga nakaraang araw. Dahil sa pagkakasugat niya sa kanyang pulso at sa pakiusap ng mga bata, naglaan siya ng isang araw upang magpahinga sa bahay. Kinabukasan ng umaga, nagising siya dahil sa tawag mula sa isa sa mga miyembro ng team. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap, wala na siyang oras para mag-almusal at dali-daling nagpunta sa research institute. Tapos na ang nakaraang proyekto. Ang simula at pagtatapos ng proyektong iyon ay mahirap. Kaya naman, sa simula ng proyekto, madalas na manatili si Rhian sa experimental area. Ngayon na malapit na itong matapos, muling bumalik ang kabusyhan ng nakaraan. Si Zanjoe pa rin ang nagsisilbing assistant niya. Habang nagsasagawa ng eksperimento, aksidenteng napansin ni Zanjoe ang sugat sa pulso ni Rhian at nagtanong, "Doktor Fuentes, ang kamay mo..." Naging abala si Rhian at na
Matapos umalis sa bahay ng magulang ni Zack, ang mga bakas ng kalungkutan at hinagpis sa mukha ni Marga ay unti-unting nawala at pinalitan ng malamig na ekspresyon. Si Fred ay naghihintay sa kotse. Nang makita niyang masama ang mukha ni Marga habang sumasakay, maingat niyang tinanong, "Ma’am. saan po tayo pupunta?" Bumaling si Marga at tiningnan siya ng malamig sa rearview mirror, "Sa kumpanya." Tumango si Fred, at habang umaandar ang kotse papuntang kumpanya, biglang nagsalita si Marga mula sa likuran, "Wag na, diretso na tayo sa bahay!" Wala talaga siyang gana na pumunta sa kumpanya at makita ang mga magugulong tao roon! Nakakalungkot na siya pa mismo ang nagpunta kay Dawn kaninang umaga. Akala niya tutulungan siya ni Dawn na makipag-usap kay Zack agad nang makita siya na umiiyak tulad ng dati. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbisita niyang ito ay magiging walang silbi. Parang wala ring saysay ang mga sinabi ni Dawn. Kapag kalmado na si Zack, malamang ay malalama