LIKE 👍
Nang alas-otso ng gabi, dumating si Rhian sa Steak restaurant kasama ang mga kasamahan sa institute. Pagpasok nila sa private room, nagtaas ng mga baso ang lahat upang mag-toas sa kanya. "Simula nang dumating si Doktor Fuentes sa aming institute, hindi lamang niya kami tinulungan na masolusyunan ang malalaking problema sa mga materyales na gamot, kundi pinangunahan din kami sa paggawa ng maraming proyekto. Ang institute ngayon, matagumpay dahil sa kanya!” "Akala ko hindi na matatapos ang proyektong ito, pero buti na lang at si Doktor Fuentes ay may galing at tapang! Hindi lang siya maganda, matalino at talagang kahanga-hanga pa!” Sunod-sunod ang mga papuri ang natanggap ni Rhian. Tumayo sa harapan ng lahat, at saka nakangiti na tumugon sa lahat, "Tungkulin ko ang lahat ng ito. Dapat nga ay magpasalamat pa ako sa inyo dahil sa walang sawa ninyong pagtulong sa akin at mainit na pagtanggap bilang lider ninyong lahat,” Nang bumalik siya sa bansa, naisip na niya ang kasalukuyang sit
Nakita ni Manny na may kakaibang ekspresyon si Rhian, ngunit hindi ito malinaw. Sinulyapan niya ang telepono na biglang pinatay ng kanyang master at mabilis na lumapit kay Rhian. “Ma’am Rhian, wala kang payong na dala? Ang kotse mo? Kung magco-commute ka ay ihahatid nalang muna kita, hindi pa naman bababa si master kaya mahahatid kita,” pagkasabi nito, binuksan na ni Manny ang hawak na payong, Agad naman na tumanggi si Rhian sa alok nito, “Hindi na ho, salamat na lang. may hinihintay pa kasi ako,” pagdadahilan niya habang nakahawak sa kanyang ulo, Nang marinig ito, nakakaunawa na tumango si Manny. Tumingin si Rhian sa entrance ng restaurant. Narinig niya na hindi bababa si Zack. Pero paano kung bumaba ito? Dahil sa nalalapit na kasa nito, kailangan talaga niyang panindigan ang pag-iwas. Tumingin siya sa malakas na ulan. Nag-atubili siya ng ilang segundo kung susuong ba siya sa malakas na ulan. Pero gusto niyang makaalis bago pa lumabas ang lalaki. Ah, bahala na. Hinandal ni
Pagbalik sa bahay, ang dalawang bata ay nasundo na ni Jenny mula sa eskwelahan, at sila ngayon ay kasalukuyan nang naglalarlo ng lego sa sala. Nang makita nilang dumating si Rhian, agad na lumapit sila at nag-aalala na nagtanong sa kanilang ina. “Mommy, bakit basa ka sa ulan? Nakalimutan mo ba ang payong mo?” Tanong ni Zian. Hindi nakatiis si Rio at nag-aalala din na nagtanong, bahagya pa nitong pinagalitan ang mommy nila. “Dapat ay sumilong ka nalang muna kung nakalimutan mo ang payong mo, mommy. Baka magkasakit ka po,” sabi naman ni Rio. Pagod na bumuga ng hangin si Rhian, ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti sa mga anak. Tinabi niya muna ang handbag at saka nilapitan ang kambal at hinawakan ang ulo nila para ipakita na ayos lang siya, "Hindi ko inasahan na uulan, kaya hindi ako nagdala ng payong. Kailangan ko nang umuwi agad kasi miss ko na kayo, kaya sumuong ako sa ulan,” lumuhod siya at pinantayan sila, “kasalanan niyo ito, namiss kayo kasi ni mommy,” biro niya sa mga anak.
"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. S-sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal... pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Pero sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na nilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..."Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya.Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan.Ngunit masyado na siyang matagal na naghintay, nagmahal at naghirap. Kaya ngayon ay nagmamakaawa siya sa kaunting aliw at sandali na makasama ito sa huling pagkakataon."Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!"Nangalit ang mga ngipin ni Zack, ang kanyang gwapo at perpektong mukha ay puno ng galit. Gusto niyang itulak ang babae pala
Anim na taon ang lumipas.Bansa ng America, FV Medical Research Institute.Lumabas lang si Rhian mula sa laboratoryo ng marinig ang kanyang assistant na si Linda na nagsabi, "Doctor Rhian, may gustong sabihin sa iyo si Doktor Lu, kaya't pinapunta ka niya sa opisina niya."Kakagising lang ni Rhian kaya medyo antok pa siya dahil sa puyat. Ngunit ng marinig niya ito, bigla siyang nagising at naging alerto."May nabanggit ba siya kung tungkol saan? Hindi kaya... nasira na naman ng dalawang pasaway kong anak ang mga resulta ng mga research? Ano sa palagay mo?""Baka nga." Sagot si Linda sa alanganin na tinig.Ang kanyang amo na si Doktor Rhian ay palaging mahusay at malaki ang kakayahan. Sa murang edad, naging pinakamagaling na ito sa larangan ng medisina. Ito ang naging pinakamahusay na tagasunod ni Doktor Lu Mendiola, at ni minsan ay hindi pa ito napapagalitan pagdating sa trabaho dahil talaga naman na mahusay ito at nagta-trabaho ng walang palya.Ang tanging problema lang, sa tuwing may
Pagkatapos niyang umalis sa lugar na iyon anim na taon na ang nakalipas, hindi na niya naisip na bumalik sa lugar na 'yon. Wala na siyang kapamilya na babalikan sa lugar na iyon. Bukod pa rito, nakaramdam na siya ng pagmamahal sa lugar na ito. Nasanay na sila dito ng kanyang mga anak."Pero, Doktor Lu—"Pinutol siya nito, "Rhian, alam kong ayaw mong bumalik, pero sana isipin mo nang mabuti... Nag-aral ka ng medisina sa akin sa loob ng maraming taon, at dapat mong maunawaan ang lawak at lalim ng tradisyunal na gamot ng Pilipinas. Sa ibang bansa, hindi sapat ang mga halamang gamot para sa iyong pag-aaral. Pero sa Pilipinas, iba ang sitwasyon... Maraming halamang gamot ang magagamit mo. Marami pa ang mga halamang gamot doon na hindi pa natutuklasan na maari mong magamit sa pag aaral mo. Mayroon din silang pamana ng sinaunang mga kasanayan sa medisina. Hindi ka ba interesado sa aspektong ito? Kaya... iminumungkahi kong bumalik ka upang madagdagan ang kaalaman mo!""Sa iyong kakayahan, tiy
Habang palabas ng paliparan, kinakabahan si Rhian at patuloy na lumilingon upang kumpirmahin kung nahabol na ba sila ng lalaki.Sa kabutihang palad, hanggang sa makalabas sila ng gate ng paliparan, hindi na nila nakita ang pigura na iyon.Nakahinga nang maluwag si Rhian.Ang dalawang maliliit na bata, ay medyo nakaramdam ng kakaiba nang makita nilang halos bawat tatlong hakbang ay lumilingon ang kanilang ina sa daan.Gayunpaman, nakikita nila kung gaano kabalisa ang kanilang ina, alam nilang hindi ito ang tamang oras upang magtanong, kaya tahimik lang silang sumunod palabas."Rhian! Rio! Zian!"Isang boses ng babae ang kanilang narinig mula sa hindi kalayuan.Tumingin ang tatlo at nakita nila ang isang babae na nakasuot ng pormal ngunit magarang kasuotan sa kabilang dako ng kalsada, nakangiti na kumakaway ang kamay habang naglalakad patungo sa kanila.Nang makita ang papalapit na babae, ang tensyonadong puso ni Rhian ay unti-unting huminahon, at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukh
May hinala rin si Rhian sa kanyang isipan... Maaari bang pipi ang batang ito?Sa pag-iisip sa posibilidad na ito, mas lalo siyang naaawa sa batang babae, mahinahon niyang sinabi, "Ibigay mo ang kamay mo sa ate, okey?"Habang nagsasalita, iniabot niya ang kanyang kamay.Tiningnan siya ng batang babae nang may pagkakaba, at bahagyang bumilog ang kanyang mata ng marinig ang kanyang boses.Hindi nagmadali si Rhian, naghintay sa bata ng may pasensya.Matagal nag-atubiling ang batang babae bago maingat na iniabot kay Rhian ang kanyang kamay.Nakita ito ni Rhian, kaagad niyang hinawakan ng maingat ito, ngumiti at tinulungan ang bata na tumayo, siya ay nagkaroon ng pagkakataon na suriin itong mabuti.Umikli ang distansya nilang dalawa, ramdam ni Rhian ang malambot na katawan nito katulad ng kanyang dalawang anak, amoy gatas din ito.Lumambot ang puso ni Rhian, hindi niya maiwasang isipin ang kanyang anak na namayapa. Kung lumaki at nabuhay ang kanyang anak na babae, dapat ay ganito na siya ka
Pagbalik sa bahay, ang dalawang bata ay nasundo na ni Jenny mula sa eskwelahan, at sila ngayon ay kasalukuyan nang naglalarlo ng lego sa sala. Nang makita nilang dumating si Rhian, agad na lumapit sila at nag-aalala na nagtanong sa kanilang ina. “Mommy, bakit basa ka sa ulan? Nakalimutan mo ba ang payong mo?” Tanong ni Zian. Hindi nakatiis si Rio at nag-aalala din na nagtanong, bahagya pa nitong pinagalitan ang mommy nila. “Dapat ay sumilong ka nalang muna kung nakalimutan mo ang payong mo, mommy. Baka magkasakit ka po,” sabi naman ni Rio. Pagod na bumuga ng hangin si Rhian, ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti sa mga anak. Tinabi niya muna ang handbag at saka nilapitan ang kambal at hinawakan ang ulo nila para ipakita na ayos lang siya, "Hindi ko inasahan na uulan, kaya hindi ako nagdala ng payong. Kailangan ko nang umuwi agad kasi miss ko na kayo, kaya sumuong ako sa ulan,” lumuhod siya at pinantayan sila, “kasalanan niyo ito, namiss kayo kasi ni mommy,” biro niya sa mga anak.
Nakita ni Manny na may kakaibang ekspresyon si Rhian, ngunit hindi ito malinaw. Sinulyapan niya ang telepono na biglang pinatay ng kanyang master at mabilis na lumapit kay Rhian. “Ma’am Rhian, wala kang payong na dala? Ang kotse mo? Kung magco-commute ka ay ihahatid nalang muna kita, hindi pa naman bababa si master kaya mahahatid kita,” pagkasabi nito, binuksan na ni Manny ang hawak na payong, Agad naman na tumanggi si Rhian sa alok nito, “Hindi na ho, salamat na lang. may hinihintay pa kasi ako,” pagdadahilan niya habang nakahawak sa kanyang ulo, Nang marinig ito, nakakaunawa na tumango si Manny. Tumingin si Rhian sa entrance ng restaurant. Narinig niya na hindi bababa si Zack. Pero paano kung bumaba ito? Dahil sa nalalapit na kasa nito, kailangan talaga niyang panindigan ang pag-iwas. Tumingin siya sa malakas na ulan. Nag-atubili siya ng ilang segundo kung susuong ba siya sa malakas na ulan. Pero gusto niyang makaalis bago pa lumabas ang lalaki. Ah, bahala na. Hinandal ni
Nang alas-otso ng gabi, dumating si Rhian sa Steak restaurant kasama ang mga kasamahan sa institute. Pagpasok nila sa private room, nagtaas ng mga baso ang lahat upang mag-toas sa kanya. "Simula nang dumating si Doktor Fuentes sa aming institute, hindi lamang niya kami tinulungan na masolusyunan ang malalaking problema sa mga materyales na gamot, kundi pinangunahan din kami sa paggawa ng maraming proyekto. Ang institute ngayon, matagumpay dahil sa kanya!” "Akala ko hindi na matatapos ang proyektong ito, pero buti na lang at si Doktor Fuentes ay may galing at tapang! Hindi lang siya maganda, matalino at talagang kahanga-hanga pa!” Sunod-sunod ang mga papuri ang natanggap ni Rhian. Tumayo sa harapan ng lahat, at saka nakangiti na tumugon sa lahat, "Tungkulin ko ang lahat ng ito. Dapat nga ay magpasalamat pa ako sa inyo dahil sa walang sawa ninyong pagtulong sa akin at mainit na pagtanggap bilang lider ninyong lahat,” Nang bumalik siya sa bansa, naisip na niya ang kasalukuyang sit
Wala namang alam si Rhian tungkol sa mga iniisip ni Marga. Ang mga sinabi niya kay Rain ay hindi puro dahilan lang. Talagang abala ang research institute nitong mga nakaraang araw. Dahil sa pagkakasugat niya sa kanyang pulso at sa pakiusap ng mga bata, naglaan siya ng isang araw upang magpahinga sa bahay. Kinabukasan ng umaga, nagising siya dahil sa tawag mula sa isa sa mga miyembro ng team. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap, wala na siyang oras para mag-almusal at dali-daling nagpunta sa research institute. Tapos na ang nakaraang proyekto. Ang simula at pagtatapos ng proyektong iyon ay mahirap. Kaya naman, sa simula ng proyekto, madalas na manatili si Rhian sa experimental area. Ngayon na malapit na itong matapos, muling bumalik ang kabusyhan ng nakaraan. Si Zanjoe pa rin ang nagsisilbing assistant niya. Habang nagsasagawa ng eksperimento, aksidenteng napansin ni Zanjoe ang sugat sa pulso ni Rhian at nagtanong, "Doktor Fuentes, ang kamay mo..." Naging abala si Rhian at na
Matapos umalis sa bahay ng magulang ni Zack, ang mga bakas ng kalungkutan at hinagpis sa mukha ni Marga ay unti-unting nawala at pinalitan ng malamig na ekspresyon. Si Fred ay naghihintay sa kotse. Nang makita niyang masama ang mukha ni Marga habang sumasakay, maingat niyang tinanong, "Ma’am. saan po tayo pupunta?" Bumaling si Marga at tiningnan siya ng malamig sa rearview mirror, "Sa kumpanya." Tumango si Fred, at habang umaandar ang kotse papuntang kumpanya, biglang nagsalita si Marga mula sa likuran, "Wag na, diretso na tayo sa bahay!" Wala talaga siyang gana na pumunta sa kumpanya at makita ang mga magugulong tao roon! Nakakalungkot na siya pa mismo ang nagpunta kay Dawn kaninang umaga. Akala niya tutulungan siya ni Dawn na makipag-usap kay Zack agad nang makita siya na umiiyak tulad ng dati. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbisita niyang ito ay magiging walang silbi. Parang wala ring saysay ang mga sinabi ni Dawn. Kapag kalmado na si Zack, malamang ay malalama
Samantala, sa villa ng pamilya Suarez, Masana ang loob ni Marga mula nang siya ay itaboy ni Zack noong araw na iyon. Noon, si Dawn ay laging nagtatanggol sa kanya, ngunit hindi siya nagsalita noong araw na iyon, na nagpakita lamang na kahit ito ay hindi kayang tumulong. Dahil dito, halos mawalan ng pag-asa si Marga. Hindi siya bobo, pagkatapos maghintay kay Zack sa loob ng maraming taon, alam niyang malamang ay wala na itong balak na pakasalan siya. Ngunit palaging may kaunting pag-asa siyang hawak, dahil tinulungan siya ni Dawn sa bawat hakbang. Palagi niyang iniisip na basta't maghintay siya, darating din ang araw na papakasalan siya ni Zack. Ngunit hindi inaasahan, bumalik sa bansa si Rhian, at si Zack ay wala nang ibang iniintindi kundi ito, paulit-ulit din nitong sinasabi na nais nitong kanselahin ang kanilang engagement. Kung hindi lang sana bumalik ang babaeng iyon! Matapos magpalamig nang ulo sa bahay buong araw, nagpupumilit pa rin si Marga na panghawakan ang
Tumingin si Rain sa likod ni Rhian na may mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang pigilan ang pagdaloy ng mga luha. Hindi inasahan ng dalawang maliliit na bata na magiging ganoon kalupit si Mommy kay Rain. Natigilan sila ng ilang sandali bago sila nakabalik sa kanilang mga sarili at tumakbo kay Rain upang aliwin ito. "Rain, huwag kang umiyak. Talagang abala lang si Mommy nitong mga nakaraang araw. Kapag tapos na si Mommy, maaari ka na ulit tumira sa amin!" Nakangiting sabi ni Zian. Imbes tumahan, lalo lamang umiyak si Rain, hindi siya mapapatahan ng mga sinabi nito. Kinuha ni Rio ang panyo upang punasan ang mga luha nito at nagsabi nang kalmado, "Aalagaan ka namin sa eskwelahan. Gusto ka rin ni Mommy. Huwag ka nang malungkot. Kung patuloy kang iiyak at maging pangit, hindi ka na magugustuhan ni Mommy." Nang marinig ito, unti-unting huminto ang pag-iyak ni Rain, ngunit may kalungkutan pa rin sa kanyang mukha. Tumango si Zian at nagsabi, "Kami at si M
"Hindi, gusto ko si tita ganda!" Tumingin si Rain kay Rhian nang sabik, at pagkatapos ay tumingin kay Zack ng nakasimangot. Nakita ni Zack ang determinasyon ng anak, alam niyang hindi ito susunod ngayon, kaya't tumigil na siya sa pagpapilit at tumingin kay Rhian. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, medyo kumunot ang noo ni Rhian, agad niyang nahulaan kung ano ang sasabihin ni Zack. "Laging nakadepende si Rain sa iyo, at sa iyo rin unti-unting bumuti ang kanyang mga sintomas ng autism. Ngayon, natakot siya at nagkaroon ng ilang relaps, kaya't hindi na niya gustong lumayo sa iyo. Maaari mo ba siyang alagaan pansamantala?" May pakiusap na sabi ni Zack kay Rhian. Nang marinig ni Rain na papayagan siyang manatili sa bahay nila Rhian, kumislap ang mga mata ng bata habang nakatingin kay Rhian, umaasa siya na papayag ito. Ngunit pagkatapos maghintay ng ilang segundo, napansin ni Rain na tila may hindi tama sa ekspresyon ng mukha ni Rhian. Nang mahulaan na parang ayaw nito, agad na b
Pagkatapos ng ilang sandali, nakabawi si Zack at mataman na nagsalita, "Tama kayo. Hindi ko na kayo guguluhin pa." Tungkol naman sa kasal niya kay Marga, naisip niya na hindi na niya kailangan pang sabihin sa kanila ang tungkol don. Hindi pa niya ito ipinahayag sa publiko, kaya’t hindi niya balak ipaalam sa iba ito sa ngayon. Medyo nagulat ang dalawang bata nang makita nilang madaling sumuko si Zack, nalungkot sila at medyo nasaktan. Talagang gusto ni daddy na pakasalan ang masamang ale na yon. Ayaw na ba talaga nito sa mommy nila. Lalo silang nalungkot sa naisip nila. Kahit nalulungkot sila, mas nanaig ang kanilang galit. Tumingala sila at pinag-krus pa ang braso sa kanilang dibdib. “Ba-bye, tito Zack,” matapang at sabay na sabi nila Rio at Zian. Napakamot si Zack sa kilay habang nakatingin sa kambal na animo’y malaking tao na nakatayo at nakaharap sa kanya. Pakiramdam niya ay galit ito sa pagpapakasal niya kay Marga. Pero bakit magagalit ang mga ito? Kung kanina ay handa na