Matapos humupa ang lagnat ni Rhian, nag-aalala pa rin siya tungkol sa dalawang bata, kaya nagpasya siyang magpahinga pa sa bahay ng dalawang araw. Nang tuluyan na siyang gumaling, ipinadala ni Rhian ang dalawang bata sa kindergarten ng maaga at nagmamadali nang pumasok sa sasakyan upang magtungo sa institute. Nang makapasok siya sa kotse, bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ng tumawag, si Doktor Mendiola. Inisip ni Rhian na tungkol ito sa proyekto, kaya't agad niyang sinagot ang tawag, "Dok, anong nangyari at napatawag ka,” Sa kabilang linya, ang boses ni Doktor Mendiola ay may kaunting pag-aalala, "May nakaalitan ka ba?" Nang marinig ito, kumunot ang noo ni Rhian at bahagyang umiling, “Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nakaalitan,” maliban kay Marga, dugtong niya sa isip, “Bakit, may problema ba?” "Nitong nakaraang araw ay may mga estrangherong nagmamasid sa dating bahay mo at dito sa institute, may mga nagtanong tungkol sayo dito sa
Last Updated : 2024-12-13 Read more