Pagkatapos ng tawag, bumalik sa pagiging malupit ang mukha ni Marga, nawala ang hinhin at matamis na ngiti sa labi niya. Sa weekend, maaga pa lang ay naghanda na siya patungo sa bahay ng magulang ni Zack. Si Dawn ay kakapagtapos lang ng almusal. Nang makita siya ni Marga na pumasok, ngumiti siya, "Napakaaga mo naman, iha? Nakakain ka na ba? Gusto mo bang maupo at kumain ng konti? Maupo ka,” tumawag ang matanda ng kasambahay, ngunit tumanggi si Marga. “Wag na, tita. Kumain na ako sa bahay, dumaan lang ako dito nang maaga para sunduin ka,” “Gano’n ba, iha. Sige mauna ka muna, pagkatapos konh kumain ay aalis tayo,” Habang kumakain, nag-usap sila ni Marga. Matapos ang almusal, dinala ni Marga si Dawn sa pinakamalapit na mall. "Tita, kamusta na si Rain?" Tanong ni Marga habang papunta sa isang kilalang Jewelry Shop. "Sobrang nag-aalala ako sa kanya, pero hindi ko pa siya nakita mula nung araw na pinaalis ako ni Zack." Nang marinig ang pangalan ni Rain, lumungkot ang mukha ni Dawn at
Last Updated : 2024-12-13 Read more