LIKE
"Zack, hindi pa kami kumakain ni Marga, bilhan mo kami ng pagkain,” Utos ni Dawn sa anak, Kunot ang noo na tiningnan ni Zack ang kanyang ina, alam niyang may sasabihin ito na ayaw niyang marinig siya, kaya hindi na siya nagtanong. Tumango siya ng walang ekspresyon at lumabas ng kwarto. Nang marinig ang pagsara ng pinto ng kwarto, kinuha ni Dawn ang kamay ni Marga at marahan na pinisil. Medyo naguluhan si Marga, "Tita, b-bakit po?” Kinabahan siya. Hindi kaya... napansin nito na ang lahat ng ito ay plano niya? Habang naiisip ito, nagpanic si Marga at nahirapan magtago ng ngiti sa kanyang mukha. "Ngayon na wala na si Zack, may mga bagay na gusto kong ipaliwanag sa'yo," wika ni Dawn, at ang tono niya ay mas maluwag kaysa kanina. Kinagat ni Marga ang labi at kabado na nagsalita, "Sige po, sabihin niyo… m-nakikinig po ako,” "Dapat ay naiintindihan mo na ang ibig kong sabihin. Hindi naman kailangang si Zack ang mag-alaga sa’yo dito. Kung tutuusin ay pwede kaming kumuha ng nurse na
Parang magawa ang plano ni Dawn, tumayo siya at nagpaalam pagkatapos ng lunch. "Medyo pagod din ako. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. Hayaan mo si Zack na mag-alaga sa'yo." Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin si Dawn kay Zack. "Sa oras na ito, siguro wala namang ibang gagawin sa kumpanya." Tumango si Zack nang walang imik. "Iiwan ko na si Marga. Alagaan mo siya nang mabuti." Paalala ni Dawn, at inulit ang kondisyon nito bago siya tuluyang lumabas. Nang makita nilang umalis si Dawn, hindi na rin nagtagal sina Belinda at ang kanyang asawa at umalis na rin. Naiwan si Zack at Marga sa kwarto. Sandali, ang atmospera ay naging malamig at akward. Pinipiga ni Marga ang kanyang palad, nakaramdam siya ng pagkadismaya Noong nakaraan, kahit na malamig si Zack sa kanya, hindi ito umabot sa ganitong punto. Hindi man lang tiningnan ng lalaki ang kanyang mga sugat. Para itong walang pakialam sa kanya. Dahil sa paglitaw ng babaeng iyon, nabaligtad ang lahat ng matagal niyang plano, ito ang
Dahil sa mga tagubilin ni Dawn, halos lahat ng oras ni Zack pagkatapos ng trabaho ay ginugol niya kay Marga para alagaan ito. Si Dawn ay dumadalaw kay Marga araw-araw. Hindi lang siya pumupunta para dalawin si Marga, gusto niyang alamin kung talaga bang binabantayan ni Zack si Marga. "Kamusta ang pangangalaga ni Zack sayo?" Tanong ni Dawn nang may ngiti labi. Wala si Zack ngayon at sila lamang ni Marga ang nasa kwarto. Nagbaba ito ng mata at kiming sumagot, “Ayos lang po, tita,” Nakahinga nang maluwag si Dawn, pagkatapos ay pinatibay ang kanyang mga sinabi, "Sabi ko naman sa'yo, hindi pusong bato si Zack. Sa mga taon na magkasama kayo, tiyak may nararamdaman siya sa'yo." Ngunit sa kaloob-looban ni Marga, pakiramdam niya'y may pait sa mga salitang iyon. Tumaas nga ang pagtingin sa kanya ni Zack nitong mga nakaraang araw, ngunit karamihan ay dahil sa sinabi niyang iyon—na sana maging magkaibigan pa rin sila. Kaya naman, tratuhin siya ni Zack na parang isang ordinaryong kaibig
Hindi alam ni Rhian na may ganoong kalaking epekto sa mga bata ang kanyang pagkakasakit. Bumuntong-hininga siya. Marahil ay dahil alam ng kanyang mga anak na wala silang aasahan na iba kundi sila-sila lamang. Nang mabuntis siya hanggang sa manganak ay wala siyang katuwang, hanggang sa lumaki ang mga ito. Kaya marahil ay labis ang pag-aalala ng mga ito dahil kapag hindi lang sa mahal siya ng mga anak niya, kundi dahil walang ibang po-protekta sa kanila nang mabuti. Siya ang hero, nanay at tatay sa kanilang paningin. “Mommy, hindi ka naman po nagkakasakit noon… nag-aalala na po kami. Kaya please makinig ka sa amin, okay?” Sabi ni Zian. Hindi mapigilan ni Rhian ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. Nang marinig ito ay lumapit siya sa mga anak at hinaplos ang kanilang mga ulo. “Salamat sa inyong pag-aalala, mga anak. Dahil natatakot kayo na baka magkasakit ako, mananatili na lang ako sa taas at magmamasid habang nagsu-swimming kayo. Hindi ako bababa sa tubig, promise.” Nagtingina
"Isa itong pampublikong lugar, narito ang mga anak ko kaya wag mo akong alukin ng isang indecent proposal. At isa pa, wala akong interes sa'yo. Kaya pakiusap, umalis ka na," malamig na sabi ni Rhian, na nakatingin ng walang emosyon sa lalaki. Bagamat nakaupo siya at nasa mas mababang posisyon, hindi maikakaila ang lakas ng kanyang presensya. Hindi ito isang beses lang nangyari sa kanya. Ilang beses na siyang nilapitan at binastos ng mga lalaki. Ngunit hindi siya nagpapatalo, maliban ng lasing na lasing siya noong araw na iligtas siya ni Zack. At dahil madalas siyang mapagkamalan na dalaga at walang anak ay hindi na niya mabilang kung ilang mga lalaki ang itinaboy niya. Nang makita ang malamig na ekspresyon ni Rhian ay natakot sandali ang lalaki, ngunit makalipas ang ilang segundo, nakapag-isip din siya. Bagamat nag-aalangan, hindi niya pa rin kayang labanan ang tukso at nag-suggest, "Sige, hindi na kita tatanungin, pero pwede bang ibigay mo na lang ang contact number mo, par
Nagtanghalian ang mga bata pagkatapos nilang mag-swimming ng halos dalawang oras. Sa daan habang lulan ng kanilang sasakyan, hindi pa rin mawala sa isip ni Rhian ang mga salitang sinabi ni Rio kanina sa harap ng lalaki. Tinitigan ni Rhian ang mga bata sa rearview mirror ng sasakyan ng matagal, at hindi nakayanan, nagtanong siya, "Rio, bakit mo sinabi kanina na si tito Zack ang daddy mo?" Kanina, natakot siyang maka-apekto sa mood ng mga bata kaya hindi siya nagtanong, pero ngayon hindi na niya kayang pigilin ang sarili. Kailangan niya ng sagot. Mas mabuti nang magtanong siya para hindi na siya masiraan ng ulo sa kakaisip. Ngumiti si Rio bago sumagot sa kanya, “Kasi po mayaman si tito Zack. Pumili po ako ng mayaman na daddy para matakot siya!” Hindi kumbinsido si Rhian, hindi siya nagsalita at tumitig lang sa kanyang anak. Hindi siya sigurado kung ang anak ba ay nagsasabi ng totoo sa kanya. Ang ngiti kasi nito ay nagpapa-cute. “Saka po, mommy… anytime po ay pwedeng tawagan si
Matapos dalhin ni Rhian ang dalawang bata sa resorts, dumaan na rin sila ng mall para bumili ng mga bagong damit bago umuwi sa bahay. Dahil nagtagal sila sa mall ay gabi na sila nakauwi. Naabutan nila si Aling Alicia na naghahanda ng dinner nila. Nang nakita na dumating sila Rhian ay bumati si Aling Alicia, “Magandang gabi, ma’am. Ang ganda ng smile ng mga bata… mukhang nag-enjoy sila sa paggala,” “Nag-enjoy po talaga kami lola! Nagbabad kami ni Rio ng matagal sa tubig, naglaro kami ng palayuan lumangoy… nagpatagalan din po kami sa tubig!” Bibong kwento ni Zian na mayrong ngiti sa labi, “Lola, natalo ko si Zian ng isang beses!” Pagmamalaki ni Rio. Hindi naman nagpatalo si Zian at agad na nangatwiran, “Nanalo ka ng isa, pero ako ay dalawa!” Pagmamalaki pa nito. Habang nakikinig, hindi mapigilan ni aling Alicia ang ngumiti. Kaya habang kumakain ng dinner ay naging masaya at magaan ang atmospera sa hapag. Habang kumakain, napansin ni Rhian na si Zian ay kumakain ng mabagal nga
Sa ospital, nakatanggap si Marga ng tawag mula sa kanyang mga tauhan. "Ma’am, nakita namin si Rhian na nagmamaneho patungong ospital." Tiningnan ni Marga ang lalaki na nakaupo sa labas at tahimik na tinanong, "Anong ospital?" Sumagot ang kasamahan, "Sa Medical Ph Hospital ho." Ang Medical Ph Hospital ay ang pinakamagandang pribadong ospital sa San Isidro at nasa hospital ring ito si Marga. Nang marinig na pupunta si Rhian, kumislap ang mata ni Marga, "Gaano katagal bago makarating ang babaeng yan?” "Mga limang minuto ho,” Tumango si Marga, "Sige, sundan mo siya, at tawagan mo ako kapag dumating siya sa entrance ng ospital." Tumango ang tauhan at sumang-ayon sa utos ng amo niya. Pagkatapos ibaba ang cellphone, inilagay ni Marga ang cellphone sa gilid at tiningnan si Zack sa pintuan. Nang makita niyang hindi siya napansin ng lalaki, tiningnan niya ang baso ng tubig sa mesa, tumayo, at inabot ito. Si Zack ay abala sa pag-check ng email ng kumpanya sa kanyang cellphone at hin
Ngumiti si Gino at nagsabi, "Ayos lang. Mas madali na’t hindi na maghihirapan ang lolo ko na palaging magtatanong tungkol sa iyo." Nagpalitan sila ng ilang magaan na saloobin bago nila tinapos ang tawag. Iniwan ni Rhian ang kanyang cellphone sa tabi at sinuri ang mga detalye ng kamakailang konsumpsiyon ng mga medicinal materials sa institute. Sumakit ang kanyang ulo. Kahapon, naisip na niya na gagamitin ang koneksyon at hihilingin kay Gino na ipakilala siya sa ilang mga supplier ng medicinal materials. Pero ngayong araw, nagbigay na ang Florentino ng sapat na benepisyo. Kung magsasalita pa si Rhian, magmumukha siyang hindi kontento. Habang tinatawag siya kanina, nagdalawang-isip siya at hindi sinabi ito. Sa ngayon, ang tanging magagawa niya ay subukang makipag-ugnayan sa mga senior na nakilala niya sa huling exchange meeting. Hindi niya alam kung maalala pa kaya siya ng mga ito. Talaga namang pagod siya kahapon at hindi rin maganda ang tulog niya kagabi. Nang kunin niya an
Nagkatinginan si Rhian at Zanjoe, pagkatapos ay tumango kay Macon ng malamig. "Manager Macon, dumating kayo rito, may kailangan ka ba?" Kung tama ang hinala ni Rhian, siya ang taong nagpakita ng kawalan ng gana at galang kay Zanjoe kahapon sa telepono. Tumatawa pa nga ito. Hindi na nakapagtaka kung bakit tinitigan siya ni Zanjoe ng malamig. Narinig ni Macon ang tono ni Rhian at muling sumama ang pakiramdam niya. Nakangiti siya nang puno ng paghingi ng tawad, "Ganito po kasi, Doktor Rhian, nang tawagan ako ni Doktor Rodriguez kahapon, kailangan kong dumaan sa isang emergency na pulong. Inisip ko na tatawagan ko siya pagkatapos ng meeting, ngunit hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng tawag mula kay Sir Gino na papunta ako agad dito pagkatapos ng pulong. Kaya't na-delay ako at nagkaroon ng ganitong malaking hindi pagkakaintindihan..." Hinila ni Rhian ang kanyang labi at sumagot ng malamig, "Ang ibig ba niyong sabihin, Manager Macon, ay ang isyung ito ay kasalanan namin, at kami
Lumungkot ang mukha ng kambal, mayamaya at nagsalita si Zian nang may kalungkutan, “Nami-miss namin si Doktor Lu pero hindi namin gustong iwan si Rain.”Natigilan si Rhian sa sinabi ng anak. Nang tumingin siya kay Rio ay bakas din sa mukha nito ang lungkot.Nagpatuloy sila sa pagkain at hindi na nagsalita. Alam niya na mauunawaan ng mga bata na hindi rin madali para sa kanya na umalis at malayo kay Rain. Matapos kumain, si Rhian ay talagang pagod na, at wala nang ganang makipaglaro pa sa mga bata, kaya't maaga silang umakyat kasama ang mga anak upang magpahinga.Hinintay ni Rhian na matulog ang mga anak, at dahan-dahang hinaplos ang kanilang mga pisngi, "Pasensya na kayo, mga anak. Pero kailangan itong gawin ni mommy,” dahil sa kanya ay kailangan nilang umalis sa lugar na sanay na sila at masaya.Dapat sana ay mas maganda ang kanilang buhay. Kung sinabi niya lang kay Zack ang tungkol sa mga bata. Ngunit dahil sa makasariling dahilan, sinarili niya ang tungkol sa mga bata.Bagamat nag
Nakamit ni Marga ang layunin, lihim siyang ngumiti. Nakakaunawa kunwari na hinawakan niya ang kamay ni Ana, “Huwag mong kalimutan, hindi lang tayo ang may galit kay Rhian.”Pagkatapos ng sinabi ni Marga, nagulat muna si Ana, ngunit mabilis na nagbago ang reaksyon. Halos nakalimutan niya na ang lahat ng plano laban kay Rhian ay isinagawa upang tulungan si Dawn. Kung nandoon si Dawn, at tatlo sila, hindi makakapalag si Rhian.Dahil sa mga taon ng pagmamahal ng matanda kay Marga, walang paraan na papayag ito na makuha ng iba ang posisyon ni Marga bilang asawa ng kanyang anak. At higit pa riyan, iniwan ni Rhian ang kasunduan ng diborsyo anim na taon na ang nakalilipas at umalis nang walang paalam, na tila ipinakita sa buong komunidad ng negosyo na siya ang nag-abandona kay Zack, hindi siya ang tinalikuran ni Zack, at naghatid ito ng kahihiyan sa pamilya ng Saavedra.Dahil doon, hindi patatawarin ni Dawn si Rhian!Habang iniisip iyon, lalo pang nag-init ang ulo ni Ana. Ngumiti siya kay Mar
Bilang kasapi ng pamilya Suarez, ang pinakamalaking nagtitinda ng mga gamot sa bayan, tiyak na alam ni Marga ang mga paraan ni Dawn. Dahil dito, nakaramdam siya ng ginhawa, ngunit kailangan pa ring magkunwaring hindi siya sang-ayon. "Tita, hindi po ba masyado yatang magaspang ang ginawa mo kay Miss Rhian? Kung malaman ng mga tao sa research institute na ito ay dahil sa kanya..." "Huwag mo siyang intindihin. Siya lang ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Binigyan niya kami noon ng kahihiyan, at ngayon ay nagbalik siya upang magdala ng kaguluhan? Hindi ako papayag!” Hinaplos ni Dawn ang balikat ni Marga. Yumuko si Marga at lihim na ngumiti. "Sino ang tumawag sayo kanina?" tanong ni Dawn. Sumagot si Marga, "Si Ana po. Sinabi niyang pupunta siya mamaya." Itinabi ni Dawn ang mga gamit sa kanyang kamay at tumayo. "Kung may bisita ka, hindi kita iistorbohin. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Matapos ito, lumabas siya ng ward. Hindi nagtagal matapos
Bagamat kailangan pa ng oras upang makuha ang mga gamot mula sa kalapit na siyudad, wala siyang ibang magagawa. Naisip niya, baka ang mga supplier sa kalapit na siyudad ay nakatanggap na ng balita mula sa pamilya Saavedra. Nang maisip ito, kinuha ni Rhian ang kanyang cellphone, nais tawagan ang senior na nakilala niya sa huling seminar na dinaluhan niya. Ngunit bago pa siya makatawag, ang cellphone niya ay biglang vibrate at tumunog. Nagulat si Rhian saglit at tiningnan ang tumatawag. Nang makita ang pangalan sa caller ID, kumislap ang kanyang mga mata at mabilis na sinagot ang telepono, "Mr. Gino." Sa kabilang linya, puno ng paumanhin si Gino, "Doktor Rhian, na-imbestigahan na ang isyu. Talaga pong mayroong mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin, ngunit naresolba na ito. Bukas ng umaga, ang mga gamot mula sa pamilya namin ay ihahatid sa inyong institusyon." Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si Rhian at ang mabigat na batong nakadagan kanyang dibdib ay tuluyang nawala, "Uh
Pinipigilan niyang magtuloy-tuloy, balak niya sana na masabik sa susunod niyang sasabihin ang kuya niya, ngunit bigla itong tumayo mula sa sofa. Nagulat si Ana ng sigawan siya nito."Tumahimik ka! Florentino ka pa naman pero ganyan ka magsalita! Ano naman kung dati siyang asawa ni Zack? Binali mo ang pangako ng pamilya natin! Sa loob ng 100 years, hindi binabali ng Florentino ang kanilang mga pangako. Kung lumabas ito, magiging katawa-tawa tayo!”Agad na umatras si Ana ng dalawang hakbang sa takot, patuloy pa rin ang pagtatanggol sa sarili, "Ano'ng masama sa sinabi ko? Ang pamilya natin ay pinamana ng daang taon. Kung malagay tayo sa panganib dahil sa pagtutol sa pamilya Saavedra, wala tayong mapapala sa pagtulong sa babaeng iyon!”Nang marinig ito, naramdaman ni Gino na parang sumabog ang kanyang ulo sa galit, nagtunugan ang kanyang ngipin, "Alam mo ba kung ano ang pinamana sa atin ng ating pamilya sa nagdaang mga taon na iningatan ng nakatatanda sa atin?”Tahimik na ibinaba ni Ana a
Nang marinig ang sagot na iyon, parehong nagulat si Gino at Matanda. Hindi nila maintindihan kung bakit si Ana, bilang isang kasapi ng pamilya nila, ay gagawa ng ganitong bagay na makakasama sa iba at makikinabang lang siya. Bukod pa rito, noong ginamot ni Rhian ang matanda, nandoon si Ana, kaya't dapat ay alam niya ang kabutihang ginawa ni Rhian para sa pamilya nila. "Sinabi po ni Miss Ana na ako po ang nag-utos sa kanya na gawin ito, at hindi ko po ito naisip nang mabuti. Na-realize ko lang po ito nang tawagan po ninyo ako." puno ng pagsisisi si Macon, "Sir Gino, hindi ko po talaga intensyon na sumuway sa inyong mga nais, at wala po akong lakas ng loob." Inilapag ni Gino ang kanyang kamay nang medyo iritado, "Alam ko, kung may mangyaring may kinalaman kay Rhian sa hinaharap, agad kang magtanong sa akin." Agad na sumang-ayon si Macon. "At saka, kapag bumalik ka sa research institute ni Doktor Rhian, magpadala ka agad ng mga gamot na kailangan nila, at tatawagan ko siya nang pers
Agad na sumagot ang Manager, "Pero ngayon ay bigla akong pinatawag ni Sir Gino, at parang ako'y may pagkakamali. Hindi po ba sinabi ninyo na ito'y desisyon ni Sir Gino? Kung ganon bakit parang siya’y galit…”Noong una, alam ng Manager na ito ay kagustuhan ni Gino kaya't matapang niyang tinanggihan si Zanjoe. Ngunit ngayon, kung iisiping mabuti, parang may mali.Sa ugali ni Sir Gino, paano siya magbibitiw sa kanyang pangako? Bukod dito, wala silang dahilan para sumunod sa panig ng Saavedra sa isyu ni Doktor Rhian. Tungkol sa tono ng tawag ni Gino, parang galit ito at naninidi. Habang iniisip ito, lalo siyang nakaramdam ng kaba."Kung hindi man niya alam, anong masama doon? Lahat ng mga supplier ng halamang gamot sa bayan ay nakinig sa utos ng Saavedra at pinutol ang kooperasyon sa institute. Kami, ang Florentino, ay sumunod lang sa gusto ng Saavedra.”Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan sa kabilang linya bago ito nagsalita nang may katwiran. Nang marinig ito, biglang napalunok ng