LIKE
Sa ospital, nakatanggap si Marga ng tawag mula sa kanyang mga tauhan. "Ma’am, nakita namin si Rhian na nagmamaneho patungong ospital." Tiningnan ni Marga ang lalaki na nakaupo sa labas at tahimik na tinanong, "Anong ospital?" Sumagot ang kasamahan, "Sa Medical Ph Hospital ho." Ang Medical Ph Hospital ay ang pinakamagandang pribadong ospital sa San Isidro at nasa hospital ring ito si Marga. Nang marinig na pupunta si Rhian, kumislap ang mata ni Marga, "Gaano katagal bago makarating ang babaeng yan?” "Mga limang minuto ho,” Tumango si Marga, "Sige, sundan mo siya, at tawagan mo ako kapag dumating siya sa entrance ng ospital." Tumango ang tauhan at sumang-ayon sa utos ng amo niya. Pagkatapos ibaba ang cellphone, inilagay ni Marga ang cellphone sa gilid at tiningnan si Zack sa pintuan. Nang makita niyang hindi siya napansin ng lalaki, tiningnan niya ang baso ng tubig sa mesa, tumayo, at inabot ito. Si Zack ay abala sa pag-check ng email ng kumpanya sa kanyang cellphone at hin
Habang papunta sa ospital, plano sanang buhatin ni Rhian si Zian, pero nagpilit ang bata na maglakad na lang nang mag-isa para hindi siya mapagod. Kaya’t nagpasya siyang huwag na lang buhatin ito. Doktor man siya, wala siyang sapat na gamit sa bahay para ma-admit ang anak, kaya minabuti niya na dalhin ito sa hospital. Matapos irehistro ang anak, agad na dinala ni Rhian ito sa ikalawang palapag. Masuyong pinisil ni Rhian ang kamay ng anak, “Masakit ba ang tiyan mo?" Tanong ni Rhian habang naglalakad. Ayaw ni Zian sabihin kay mommy dahil tiyak na mag-aalala ito, kaya't kahit na masakit ang kanyang tiyan, nagkibit-balikat lang siya at hindi sumagot. Nang hindi sumagot ang anak, bumuntong-hininga si Rhian. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. Paminsan-minsan talaga ay umiiral ang pagiging matigas ng ulo nang kanyang anak. Habang dumadaan sila sa may pintuan ng elevator, huminto ito at bumukas ang pinto nang dahan-dahan. "Masakit pa ba ang braso mo?" isang pamilyar na boses
Hindi nakaligtas sa mata ni Rhian ang pagkakadikit ng dalawa, kaya’t hinila ang dalawang bata at nilagay sa likod niya. Ngumiti siya kay Marga ng peke, "Maliit lang na problema." Pagkatapos sabihin ito, mabilis niyang tinignan si Zack ng walang pakialam at nagsabi, "Mukhang abala kayong dalawa, kaya hindi ko na kayo istorbohin. Aalis na kami,” Hindi na hinintay ang sagot ng dalawa, hinila ni Rhian ang mga bata at sinadyang magtangkang umiwas sa kanilang paningin. Pagkatapos ng ilang hakbang, narinig nila ang boses ni Zack mula sa likod. "Masama ba ang pakiramdam nila Rio at Zian?" Tinutok ni Zack ang tingin sa dalawang bata, nakita ang maputlang mukha ni Zian at ang maliit na kamay nitong palaging nakapatong sa tiyan, kaya’t dumaan ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Agad na lumingon ang bata, ang mukha’y maputla at nagsalita nang galit, "Masakit lang po ang tiyan ko. Wag niyo na kaming alalahanin, pumunta at umalis nalang po kayo ng aleng kasama mo at magpunta na sa doktor!”
Nais sanang magsalita ni Marga, ngunit nakapagpaalam na si Rhian, "Kailangan ko pang dalhin ang bata sa doktor. Mr. Saavedra at Miss Suarez, magpatuloy na kayo sa gagawin ninyo, aalis na kami,” Pagkatapos sabihin iyon, malamig na tumango siya sa dalawa at lumakad palayo. Nagbukas ng bibig si Marga, ngunit nang makita ang likod ni Rhian, agad itong nagsara ng bibig, pinipiga ang palad at pinipigilan ang galit. Nais niyang patunayan ang kanyang pwesto sa harap ng babaeng ito, ngunit hindi niya inasahan na parang hindi naman ito nakikinig sa kanya! Para itong hindi tinatablan at nasasaktan na makita silang magkasama ni Zack Kung titingnan ang pag-uugali ni Rhian kay Zack, at kung paano ito makitungo, makikita na talagang wala na itong pakialam sa lalaki. Nang maisip ito, nakaramdam si Marga ng kaunting ginhawa at tumingin kay Zack, "Zack, umalis na tayo." Matapos nito, tinitigan niya si Rhian na papalayo, tinago ang inis na nagsalita siya, “Hindi maganda ang pakiramdam ng anak n
Sa klinika, dinala ni Rhian si Zian upang magpatingin at pagkatapos ay maayos na tinalakay ang kalagayan ng anak sa doktor. Medyo nagulat ang doktor at pagkatapos ng ilang sandali, ngumiti ito at nagtanong, "Ikinagagalak kong malaman, saang ospital ka na nagtatrabaho? Magkakaroon ng hiring at kukuha ng mga doktor ang ospital namin sa mga recommendations ng ibang mga hospital. Baka naman nais ninyong magtrabaho sa aming ospital?" Nakangitonh tinanggihan ito ni Rhian, "Sa ngayon po ay hindi ako nagta-trabaho sa ospital, mas pinagtutuunan ko ang pinapasukan kong institute sa ngayon. Hindi ko na kakayanin kung magdadagdag pa ako ng trabaho,” Nanghihinayang na tumango ito, “Gano’n ba. Sayang naman kung gano’n. Bweno, kung sakali na magbago ang isip mo ay kontakin mo lang ako, o kahit sino sa mga doktor dito. Tiyak akong makakapasok ka.” Nang kumunot ang noo ni Rhian ay nagpaliwanag ito, “Nabanggit ka sa amin ni Doktof Sanchez noon. Siya mismo ang nagsabi na mahusay ka, kaya naman nani
Pagkatapos itago ang kambal sa likuran ay tumingin si Rhian ng matatag at blanko ang ekspresyon kay Zack, “Wala kang kinalaman, Mr. Saavesra, kung ano man ang kalusugan ng anak ko. Ako ang mag-aalaga sa aking mga anak. Kung mayroon kang oras para alagaan ang anak ko, mas mabuti pang maglaan ka ng oras sa iyong fiancée. Mukhang seryoso ang pinsala ni Miss Suarez kanina, hindi mo dapat siya iiniiwan,” Nang marinig ito, tinitigan ni Zack si Rhian ng malamig, nagtatagis ang kanyang bagang sa ginawa nito kanina. Malinaw na kaya pino-protektahan ni Rhian ang mga bata ay dahil sa kanya. Isa ba siyang halimaw sa tangin nito. Habang nakatingin siya sa mga mata ni Zack, nag-iwas ng tingin si Rhian. Huminga siya ng malalim. Hindi niya matantiya kung ano ang iniisip ng lalaki. Pakiramdam niya na parang galit ito. Ngunit ano bang mali sa sinabi niya? Sinabi lang niya ang katotohanan. Tinitigan niya si Zack ng walang pagbabago sa ekspresyon. Ang mga mata nila ay naglaban sa kalamigan, walang g
"Masakit ba ang tiyan mo? Gusto mo bang kargahin ka ni Mommy?" Naka-squat na tanong ni Rhian ng makarating sila sa hagdan. Nag-alala siya ng marinig ang sinabi nito kanina. Sumimangot ito sandali, at ngumiti ng pabiro, "Hindi po masakit, mommy. Sinabi ko lang iyon kasi dahil parang gusto mo nang umalis tayo kanina.” Hindi lamang si Zian, maging si Rio ay naramdaman na medyo hindi maganda ang mood ni Mommy simula nung nakita nila si Daddy at ang masamang babae sa may pintuan ng elevator kanina. Nang harangin sila ni Daddy sa corridor, lalong naramdaman ng mga bata ang kagustuhan na umiwas ng kanilang ina. Kaya’t nagdahilan sila para makaalis na sila ni Mommy dahil ayaw nitong makita si Daddy. Nang marinig ni Rhian ang mga sinabi ng bata, narelax siya at pinisil ng mahina ang ilong ni Zian, "Huwag mong gawing biro ang gano’ng bagay, ikay. Pwede mong sabihin kung inaantok ka, wag lang iyon. Kasi mag-aalala ako ng husto. Ikaw din, Rio, wag mong gagawin iyon, okay?” “Okay po, mommy! S
Nang marinig ito, ibinaba ni Marga ang kanyang mga mata at tinignan ang braso niyang naka-benda, pagkatapos ay itinaas ito at ngumiti kay Rhian na parang wala lang nangyari, "Wala nang seryosong sugat sa braso ko. Nasagasaan lang ako ng sasakyan nung pumunta ako kasama si tita Dawn two days ago. Buti na lang at okay si tita, at hindi naman malala ang sugat ko." Ang ibig niyang iparating ay niligtas niya si Dawn kaya siya nasaktan. Agad namang naintindihan ni Rhian ang ibig sabihin ng kanyang mga salita, ngumiti siya at sumagot ng pormal, tinago ang pait sa tinig, "Maganda ang relasyon mo kay Mrs. Saavedra. Sigurado akong magiging maayos ang pakikitungo nila sayo pagkatapos ng kasal. Ngayon palanh ay binabati ko na kayo sa nalalapit ninyong kasal. Kung wala na kayong ibang sasabihin, mauuna na ako. Medyo gabi na, at inaantok na ang mga bata." Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi na siya naghintay pa sa magiging sagot ni Marga at lumiko na para umalis. Paglingon niya, biglang h
Nakamit ni Marga ang layunin, lihim siyang ngumiti. Nakakaunawa kunwari na hinawakan niya ang kamay ni Ana, “Huwag mong kalimutan, hindi lang tayo ang may galit kay Rhian.”Pagkatapos ng sinabi ni Marga, nagulat muna si Ana, ngunit mabilis na nagbago ang reaksyon. Halos nakalimutan niya na ang lahat ng plano laban kay Rhian ay isinagawa upang tulungan si Dawn. Kung nandoon si Dawn, at tatlo sila, hindi makakapalag si Rhian.Dahil sa mga taon ng pagmamahal ng matanda kay Marga, walang paraan na papayag ito na makuha ng iba ang posisyon ni Marga bilang asawa ng kanyang anak. At higit pa riyan, iniwan ni Rhian ang kasunduan ng diborsyo anim na taon na ang nakalilipas at umalis nang walang paalam, na tila ipinakita sa buong komunidad ng negosyo na siya ang nag-abandona kay Zack, hindi siya ang tinalikuran ni Zack, at naghatid ito ng kahihiyan sa pamilya ng Saavedra.Dahil doon, hindi patatawarin ni Dawn si Rhian!Habang iniisip iyon, lalo pang nag-init ang ulo ni Ana. Ngumiti siya kay Mar
Bilang kasapi ng pamilya Suarez, ang pinakamalaking nagtitinda ng mga gamot sa bayan, tiyak na alam ni Marga ang mga paraan ni Dawn. Dahil dito, nakaramdam siya ng ginhawa, ngunit kailangan pa ring magkunwaring hindi siya sang-ayon. "Tita, hindi po ba masyado yatang magaspang ang ginawa mo kay Miss Rhian? Kung malaman ng mga tao sa research institute na ito ay dahil sa kanya..." "Huwag mo siyang intindihin. Siya lang ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Binigyan niya kami noon ng kahihiyan, at ngayon ay nagbalik siya upang magdala ng kaguluhan? Hindi ako papayag!” Hinaplos ni Dawn ang balikat ni Marga. Yumuko si Marga at lihim na ngumiti. "Sino ang tumawag sayo kanina?" tanong ni Dawn. Sumagot si Marga, "Si Ana po. Sinabi niyang pupunta siya mamaya." Itinabi ni Dawn ang mga gamit sa kanyang kamay at tumayo. "Kung may bisita ka, hindi kita iistorbohin. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Matapos ito, lumabas siya ng ward. Hindi nagtagal matapos
Bagamat kailangan pa ng oras upang makuha ang mga gamot mula sa kalapit na siyudad, wala siyang ibang magagawa. Naisip niya, baka ang mga supplier sa kalapit na siyudad ay nakatanggap na ng balita mula sa pamilya Saavedra. Nang maisip ito, kinuha ni Rhian ang kanyang cellphone, nais tawagan ang senior na nakilala niya sa huling seminar na dinaluhan niya. Ngunit bago pa siya makatawag, ang cellphone niya ay biglang vibrate at tumunog. Nagulat si Rhian saglit at tiningnan ang tumatawag. Nang makita ang pangalan sa caller ID, kumislap ang kanyang mga mata at mabilis na sinagot ang telepono, "Mr. Gino." Sa kabilang linya, puno ng paumanhin si Gino, "Doktor Rhian, na-imbestigahan na ang isyu. Talaga pong mayroong mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin, ngunit naresolba na ito. Bukas ng umaga, ang mga gamot mula sa pamilya namin ay ihahatid sa inyong institusyon." Nang marinig ito, nakahinga ng maluwag si Rhian at ang mabigat na batong nakadagan kanyang dibdib ay tuluyang nawala, "Uh
Pinipigilan niyang magtuloy-tuloy, balak niya sana na masabik sa susunod niyang sasabihin ang kuya niya, ngunit bigla itong tumayo mula sa sofa. Nagulat si Ana ng sigawan siya nito."Tumahimik ka! Florentino ka pa naman pero ganyan ka magsalita! Ano naman kung dati siyang asawa ni Zack? Binali mo ang pangako ng pamilya natin! Sa loob ng 100 years, hindi binabali ng Florentino ang kanilang mga pangako. Kung lumabas ito, magiging katawa-tawa tayo!”Agad na umatras si Ana ng dalawang hakbang sa takot, patuloy pa rin ang pagtatanggol sa sarili, "Ano'ng masama sa sinabi ko? Ang pamilya natin ay pinamana ng daang taon. Kung malagay tayo sa panganib dahil sa pagtutol sa pamilya Saavedra, wala tayong mapapala sa pagtulong sa babaeng iyon!”Nang marinig ito, naramdaman ni Gino na parang sumabog ang kanyang ulo sa galit, nagtunugan ang kanyang ngipin, "Alam mo ba kung ano ang pinamana sa atin ng ating pamilya sa nagdaang mga taon na iningatan ng nakatatanda sa atin?”Tahimik na ibinaba ni Ana a
Nang marinig ang sagot na iyon, parehong nagulat si Gino at Matanda. Hindi nila maintindihan kung bakit si Ana, bilang isang kasapi ng pamilya nila, ay gagawa ng ganitong bagay na makakasama sa iba at makikinabang lang siya. Bukod pa rito, noong ginamot ni Rhian ang matanda, nandoon si Ana, kaya't dapat ay alam niya ang kabutihang ginawa ni Rhian para sa pamilya nila. "Sinabi po ni Miss Ana na ako po ang nag-utos sa kanya na gawin ito, at hindi ko po ito naisip nang mabuti. Na-realize ko lang po ito nang tawagan po ninyo ako." puno ng pagsisisi si Macon, "Sir Gino, hindi ko po talaga intensyon na sumuway sa inyong mga nais, at wala po akong lakas ng loob." Inilapag ni Gino ang kanyang kamay nang medyo iritado, "Alam ko, kung may mangyaring may kinalaman kay Rhian sa hinaharap, agad kang magtanong sa akin." Agad na sumang-ayon si Macon. "At saka, kapag bumalik ka sa research institute ni Doktor Rhian, magpadala ka agad ng mga gamot na kailangan nila, at tatawagan ko siya nang pers
Agad na sumagot ang Manager, "Pero ngayon ay bigla akong pinatawag ni Sir Gino, at parang ako'y may pagkakamali. Hindi po ba sinabi ninyo na ito'y desisyon ni Sir Gino? Kung ganon bakit parang siya’y galit…”Noong una, alam ng Manager na ito ay kagustuhan ni Gino kaya't matapang niyang tinanggihan si Zanjoe. Ngunit ngayon, kung iisiping mabuti, parang may mali.Sa ugali ni Sir Gino, paano siya magbibitiw sa kanyang pangako? Bukod dito, wala silang dahilan para sumunod sa panig ng Saavedra sa isyu ni Doktor Rhian. Tungkol sa tono ng tawag ni Gino, parang galit ito at naninidi. Habang iniisip ito, lalo siyang nakaramdam ng kaba."Kung hindi man niya alam, anong masama doon? Lahat ng mga supplier ng halamang gamot sa bayan ay nakinig sa utos ng Saavedra at pinutol ang kooperasyon sa institute. Kami, ang Florentino, ay sumunod lang sa gusto ng Saavedra.”Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan sa kabilang linya bago ito nagsalita nang may katwiran. Nang marinig ito, biglang napalunok ng
Matapos ang tanghalian, hindi na nagtagal si Rhian at nagmadali siyang umalis para bumalik sa institusyon.Katatapos lang ni Zanjoe mula sa experimental area. Nang makita siyang bumalik, agad itong nilapitan para kumustahin, "Kumusta? Ano'ng sinabi ng pamilya nila?"Mas relax na si Rhian, "Mukhang may hindi pagkakaintindihan. Sinabi ni Mr. Gino na siya'y mag-iimbestiga. Maghintay tayo saglit. May mga halamang gamot na tayo mula sa kanila. Pagkatapos ng imbestigasyon, ibabalik nila sa atin ang supply."May ilang alinlangan pa si Zanjoe. "Tumatagal ang imbestigasyon. Hindi ka ba natatakot na baka iyon lang ang dahilan nila?"Nagkunot ng noo si Rhian at medyo nawalan ng pag-asa, "Ano pa'ng magagawa natin? Huli na para makipag-ugnayan sa mga herbal dealers sa ibang lungsod. Wala tayong magagawa kundi magtiwala sa pamilya nila. At kahit gamitin ni Mr. Guno ang imbestigasyon bilang dahilan, ang lolo niya ay may kredibilidad."Nakahinga nang maluwag si Zanjoe, "Sana nga'y isang hindi pagkaka
"Mr. Florentino," maingat niyang tinawag ang matanda. Matagal nang naghihintay ang matanda at nakatulog sandali. Nang marinig ang boses ni Rhian, dumilat ito. Matapos ang ilang sandali, nakabawi siya at ngumiti kay Rhian, "Nandito ka na pala, Doktor Rhian? Narinig ko kay Gino na ikaw mismo ang nag-alok na suriin ang aking kalusugan. Salamat dahil naalala mo pa ako, Doktor Rhian.” Ngumiti si Rhian bago, inilapag ang kahon na dala, at sinimulang suriin ang pulso ng matanda. Pagkatapos ng pagsusuri, tumayo si Rhian, "Ang kondisyon ay gumaling at naging stable na. Sa kalusugan mo, Mr. Florentino, kailangan mo lang ng ilang panahon ng pahinga at magiging normal na ang lahat." Ngumiti ang matanda at tumango, "Nararamdaman ko rin na ang aking katawan ay unti-unting bumabuti, lahat ng ito ay dahil sa iyo." Ngumiti si Rhian ngunit hindi nagsalita. Tumingin siya kay Gino na nakatayo sa harapan niya at sinabi ng may ngiti, "Pumunta ako dito ngayon dahil may nais akong hilingin kay Mr. Flore
"Huwag ka nang magalit tungkol sa bagay na ito. Sa huli, responsibilidad ko ito. Mag-iisip ako ng paraan," sabi ni Rhian at ngumiti upang pakalmahin ito, umakto siya na tila kalmado. Ngunit nararamdaman ni Zanjoe na hindi makatarungan para kay Rhian, at pati na rin para sa kanilang research institute. "Hindi ba't ang Florentino ay isang malaking kumpanya? Mahalaga ang mga binitawan nilang salita, dapat ay tuparin nila ang kanilang mga pangako?" Medyo napatigil si Rhian sa kanyang sinabi. "Sa simula, maraming doktor ang hindi kayang gamutin ang sakit ni Mr. Florentino. Sa huli, ikaw lang ang nakagawa ng paraan para gumaling siya. Nangako ang pamilya nila na ibebenta nila ang mga gamot sa kalahating presyo, pero ngayon nagbago sila ng desisyon!" Tumataas ang galit ni Zanjoe. "Kung alam ko lang na magiging ganoon ang pamilya nila, hindi ko na sana inirekomenda sa'yo na gamutin si Mr. Florentino!" Nang marinig ang mga pagmamaktol na parang bata ni Zanjoe, natawa na lang si Rhian