Habang nasa byahe, di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Maya-maya ay nagising na lang ako dahil naka-stop na ang sasakyan. Napabangon ako dahil naka-recline na ang inuupuan ko. Siguro inirecline niya ito habang tulog ako. Nakita ko namang naglalaptop si Sir at mukhang may nagtatrabaho siya. "Nakatulog pala ako," sabi ko habang humihikab, sabay tingin sa orasan ko. Nagulat ako ng makitang 2 hrs na pala ang nakalipas mula nang umalis kami sa school. "Gising ka na pala," sabi niya sabay sara ng laptop niya. "Hala, Sir, kelan pa naging 2 hrs ang byahe mula school papunta dito sa condo?" pagtataka ko. "You sleep very soundly, kaya hinayaan na lang kitang makapagpahinga," saad niya, tila ikinabilis na naman ng tibok ng puso ko. "Nakakahiya, dapat ginising nyo nalang ako. Pasensya na po, lagi kitang inaabala," sabi ko nalang. "I don't see you bothering me," sabi naman niya. "Pero lagi kang nalilate sa school para paunahin ako, lagi mo pa akong nililibre ng breakfast, t
Last Updated : 2024-11-15 Read more