Nagsimula na siyang magturo. Lahat kami nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya, pero parang blangko ang utak ko. Ang dibdib ko nag-uumapaw sa halo-halong emosyon: gulat, kaba, at isang kakaibang pagnanasa na hindi ko maipaliwanag. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon, nararamdaman ko pa rin ang galit—ang galit sa taong nagdurog ng puso ko anim na taon na ang nakakaraan.Hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya habang nagle-lecture siya. Ang laki na ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumwapo, mas naging matipuno din ang pangangatawan niya. Siguro nag-gym siya. Parang hindi ko na siya nakikilala, pero ang bawat kilos niya parang isang pamilyar na musika na tumutugtog sa puso ko—isang musika ng sakit, ng pagkakanulo.“Ms. Dela Vega,” biglang naputol ang pag-iisip ko ng marinig kong tinawag niya ako.“Yes, sir!” Sagot ko sabay tayo.“Kanina pa kita tinatawag pero parang tulala ka,” sabi niya, nakakunot ang noo, halatang naiinis.“Sorry po,” napayuko ako dahil nahihiya ako. Pero sa loob-loo
Terakhir Diperbarui : 2024-11-07 Baca selengkapnya