“Hay naku ..Kung alam mo lang,” napailing nalang ako dahil kung alam lang niya ang pagnanais ko na maiwasan si sir Miguel. After class, nagtungo na agad ako sa office ni Kuya Miguel dito sa school. May sarili siyang office dito sa university namin dahil big sponsor nga daw siya ng school namin. I had to brace myself for the internship. I walked down the hallway, past the brightly colored student posters and bulletin boards, to the far end of the building. It felt like a million miles away from the classroom. Kinakabahan ako pero naglakas loob nalang akong kumatok sa pinto ng opisina niya at dahan dahang binuksan ito. Sumilip muna ako at nakita ko namang nakaupo si Kuya Miguel habang tutok na tutok sa laptop niya, halatang busing busy siya. The office was sleek and modern, unlike the other faculty offices, with a large, polished desk and walls lined with expensive-looking artwork. May sofa set na nakalocate sa center at nasa dulo ang lamesa nya. I felt a wave of anxiety wash over me
Habang nag eexplain sya napapatingin na din ako sa mukha niya kahit nakakainis siya hindi ko parin mapigilang mapahanga dahil sa magaganda at mapupungay nyang mga mata, sa matangos niyang ilong, mapulang labi na akala mo ay nakalip gloss. Sinaway ko ang sarili ko sa pagpapantasya. Hindi na niya ako mauuto dahil sa pagiging pogi niya. “Ms. Dela Vega, nakikinig ka ba?” nabasag naman ang iniisip ko dahil masama na ang tingin niya sa akin at halatang naiinis na siya dahil nakakunot na ang mga kilay niya. “Yes s-sir,” pautal utal kong sagot pero nakasalubong pa din ang mga kilay niya. Ang totoo di ko talaga naiintindihan ang mga explanation niya dahil naiinis ako at hindi ako makapag focus. “Then explain it,” masungit niyang pagkakasabi sabay bagsak ng papel na hawak niya sa mesa na ikinagulat ko naman. First time ko siyang makitang magsungit sa akin dahil dati naman napakagentle lang niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng bigat sa puso ko. “So ito na ba ang totoong Miguel? Yung dating
Nag-commute na ako pauwi sa condo na nirent ni Uncle Azriel para sa akin. Habang nasa jeep, medyo kinakabahan ako. First time kong mag-isa sa ganito kalaking lungsod, pero sinabi ko sa sarili ko na kaya ko 'to, kailangan kong matuto na tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa condo dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. Nang makapasok ako sa lobby, amoy na amoy ko ang sariwang hangin at bagong pintura. Ang ganda ng condo building, parang galing sa isang pelikula. Malaki at mukhang pang-mayaman talaga. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang view ng lungsod mula sa bintana. Ang ganda ng mga ilaw sa gabi, parang mga bituin na kumikislap sa lupa. Alam ko, may mas malapit pang condo sa school ko, pero dito pa rin siya kumuha. Kaya kailangan ko pang mag-commute. Pero hindi naman masyadong malayo, ilang minutes lang naman ang byahe. Pumasok na ako sa lobby. Ang ganda ng lobby, malinis at maaliwalas. Nakita ko agad ang receptionist area na may mga m
Maya-maya’y nakita kong nakarating na ako sa floor ko at nagsilabasan na rin ang ilan mga nakasakay kaya medyo lumuwag na at bahagya ko siyang itinulak para makadaan ako. Nakataas noo akong lumabas ng elevator at hindi ko siya pinansin at nagpatuloy akong maglakad sa hallway pero napansin kong parang may sumusunod sa akin kaya namah lumingon ako at nakita kong sumusunod siya sa akin kaya nainis ako. “So nang-iistalk na rin siya ngayon?” bulong ko, feeling a surge of anger. “Sir, sorry po ha pero wala akong gusto sa inyo, hindi po ako pumapatol sa professor ko atsaka sa mas matanda sa akin. Mas gusto ko yung ka age ko lang”pagtataray ko sabay crossed arm. Natawa uli siya nang bahagya na parang nangaasar. “Is there something you need, Sir?” dagdag ko, sinusubukan kong panatilihin ang aking boses na kalmado at huwag ipakitang naiinis ako. “You’re blocking my door, You’ve been standing outside my door this whole time.” sagot niya, ang boses ay parang malambing na kulog. Napako ako sa
Napabangon ako nang tumunog nang malakas ang alarm clock ko. Dumeretso agad ako sa banyo at habang nagsisipilyo, bigla kong naalala ang nangyari sa elevator. “Halatang nainis nga siya sa sinabi kong matandang binata siya,” bulong ko sa sarili ko.Naalala ko rin na napagkamalan ko siyang stalker. Napahampas ako sa noo ko. “Ang tanga mo naman, Serenity!” sabi ko sa sarili ko.Pinilit kong kumilos para hindi ako mahuli sa school. Pero sa tuwing naaalala ko ang nangyari, napapapikit nalang ako sa kahihiyan.Habang naglalakad papunta sa bus stop, nakita ko na naman si Sir Miguel. Nakasakay siya sa mamahaling kotse niya, isang convertible na wala nang bubong. Kitang-kita ko tuloy siya. Magtatago na sana ako, pero biglang huminto ang kotse na nasa harap niya. Napahinto rin siya, at sa sobrang malas, sa tapat ko pa siya napahinto.Napatingin siya sa akin. Todo iwas ako ng tingin, pero nahuli niya ang mga mata ko. Inirapan lang niya ako, tsaka binilisan ang takbo ng sasakyan niya at umalis.“Ts
“Sir,” ang sabi ko, pero hindi niya ako pinansin. Umalis nalang siya sa kinaroroonan namin.Napasapo nalang ako ng ulo ko sa pagkadisappoint ko sa sarili ko. Nakakarami na talaga ako sa kanya. Though kulang pa ‘yon sa panloloko niya sa akin six years ago, ayoko namang magkaroon ng bad impression sa kanya dahil siya ang professor ko. Baka mamaya idamay pa niya ang grade ko.Dahil sa pag-aalala, natapos na ang klase ng hindi ko namamalayan. Para akong nakatulala sa buong oras, paulit-ulit na naiisip ang reaksyon ni Sir Miguel. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon, pero kahit ayaw ko, pumunta nalang ako sa opisina niya. Kumatok muna ako bago ko ito binuksan at naabutan ko naman siyang kumakain. Napahinto siya saglit pero itinuloy lang niya ang pagkain niya.“Hello po,” bati ko, pero hindi niya ako pinansin.Di ko naman mapigilang mapasulyap sa kanya dahil sa angking kakisigan niya. Nakawhite long-sleeve kasi siya ngayon at nakatupi ang mga sleeves nito. Naka-unbutton naman an
Kinuha ko agad ang phone ko at nakita kong tumatawag si Uncle Azriel kaya sinagot ko.“Hello, Uncle. Napatawag ka?” Tanong ko habang nagbubukas ng mga box na inililigpit ko. Ngayon ang schedule ng paglilinis ko ng condo ko, since weekend ngayon.“Anong ginagawa mo?” Usisa niya.“Naglilinis ng bahay. Ngayon palang kasi ako nag-aayos since ngayon lang ako may time na gawin 'to,” sagot ko naman.“Gusto mo bang maghire ako ng tutulong sa’yo para hindi ka mahirapan ?” – Azriel“Hindi na po, kaya ko naman. Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap,” sabi ko sabay baba ng phone.Naupo ako sa sahig at nagsimula na akong i-unbox ang mga gamit ko sa mga box para mailagay sa tamang lagayan.Habang naglilinis, napatigil ako ng may biglang nag-doorbell. Dali-dali akong tumayo.“Sino kaya ‘yan?” Sabi ko habang papunta sa pinto.Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako ng makita kong nakatayo sa harap ko si Sir Miguel na may dalang box.“Sir?” Pagtataka ko. Napatingin ako sa suot niya dahilngayon ko nalang u
Ako na po ang magbabayad. Libre ko na po kayo dahil sa pagtulong nyo,” nahihiya ako dahil napagod siya ngayon sa pag-tulong sa akin. Pero deep inside, alam kong may ibang dahilan kung bakit gusto kong ako ang magbayad. Ayokong masanay na siya na lagi siyang inaalagaan. Ayokong masanay ulit sa pakiramdam na may nag-aalaga sa akin. Ayokong ma-fall ulit.“Okay sige,” sabi niya. Nag-order na ako ng lunch namin. Madami din kaming napagkwentuhan ni Sir Miguel kaya parang mas naging komportable na ako sa kanya. Pero laging nasa likod ng isip ko ang pangungutya sa sarili ko: "Huwag kang masyadong mag-assume, Serenity. Huwag kang magpadala sa charm niya." sabi ko sa sarili ko.Mabilis na natapos ang maghapon at natapos na din namin ayusin ang buong condo ko kaya talagang malaki ang pasasalamat ko kay Sir Miguel.“Sir, thank you po sa pagtulong sa akin. Kung hindi po dahil sa inyo siguradong di pa din ako tapos hanggang ngayon,” sabi ko habang hinahatid ko siya sa may pintuan ng bahay ko.“No pr
Serenity's POVUnang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals.“Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha.“Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis.“I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala.Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila.“Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel.“Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa.“Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya.“Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat