“Paano ko matutunan kung di mo naman sinasabi?” sabi ko, pero hindi niya ako pinansin at nagsimula na siyang bumaba. Hahabulin ko sana siya ng bigla akong matalisod sa bato kaya natapilok ako at natumba.“AHHH!” sigaw ko.“SERENITY!” sigaw niya nang may pag-aalala, at dali-dali siyang lumapit sa akin at tinignan ang paa ko.“Ouch,” sabi ko nang sinubukan niyang igalaw ang paa ko.“Kailangang ma-first aid ‘yan,” sabi niya kaya kumuha agad siya ng first aid kit sa bag niya. Mayroon siyang dalang pang hot compress at inilapat sa ankle ko.“Sorry, hindi kita naalalayan,” sabi niya.“No need to say sorry. Clumsy lang talaga ako,” sabi ko naman.“Bubuhatin na kita,” sabi niya sabay tumalikod siya sa akin na nakahanda na para i-piggy back ride ako.“Hala, wag na po,” sabi ko.“Sumakay ka na, ‘yan ang utos ko dun sa dare natin,” sabi niya kaya wala akong choice kundi sumakay sa likuran niya.Habang nakasakay ako sa kaniya, ramdam na ramdam ko ang maskulado niyang katawan. Nakapulupot ang kama
“Hey, huwag mo muna ilakad masyado ‘yang paa mo,” sabi niya at dali-dali niya akong inalalayan papunta ng sala. Kumuha agad siya ng hot compress at nilagyan ang ankle ko habang nakaupo ako sa sofa. Kaharap ko siya na nakaluhod, nakikita ko ang mukha niya sa malapitan.Di ko tuloy maiwasang matitigan siya. Napaka-swerte naman ng magiging girlfriend ng taong ‘to. Napaka-green flag niya. Gagawin ka niyang prinsesa.“Masakit pa ba?” tanong niya habang nag-aalala pa rin ang mga mata niya na baka nasasaktan ako. Dahan-dahan niyang idinadampi sa anke ko ang hawak niyang hot compress. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha nya. Yung puso ko pinipilit ko na namang pakalmahin.“Hindi naman na,” sabi ko, “Siya nga pala, dahil sa pagbubuhat mo sa akin, yung 5 dare ko sa’yo babawasan ko na ng 3. So 2 nalang ang dare ko sa’yo,” ang sabi ko kaya napangiti siya. Yung mga ngiti niya parang nakakawala ng pagod.“Tsk, sige ayos lang. Kahit utusan mo ako ng limang beses,” sabi naman niya kaya napang
“Anong gusto mong dinner?” tanong niya habang naglalakad kami papunta sa unit niya. Kakauwi lang namin galing school.“Gusto ko ng chicken curry,” sabi ko habang nakasunod sa kaniya.“Okay, sige. Tamang-tama, I think may mga rekado ako for that kasi bumili ako niyan dahil alam kong paborito mo ‘yun,” napangiti ako ng sinabi niya ‘yun. Mula kasi nung mag-stay ako sa bahay niya, mas naging close na kami.“Grabe, alam mo na ata lahat ng favorite ko,” ang sabi ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya na binubuksan ang unit niya.“Syempre, so I can cook anything you want,” di ko na naman maiwasang kiligin dahil sa treatment niya sa akin. Minsan naiinis din ako sa kanya kasi the way he speaks, the way he talks, the way he treats me, parang pinapakita niyang pareho kami ng nararamdaman. Pero ayoko namang mag-assume kasi baka ganyan talaga siya, o kaya baka mabait siya kasi pamangkin ako ng bestfriend niya o dahil baka estudyante niya ako. Alam kong sobrang imposible na magustuhan niya ako
“Bakit mo ginagawa ito, Ava?” Tanong ni Miguel.“Dahil gusto kitang makasama. Lagi ka nalang daw kasi sa school na iyon”Sagot naman ni Ava.Parang gusto kong sumigaw. Parang gusto kong umiyak.“May inaasikaso kasi ako sa school kaya ganun. Anyway, bahala ka kung gusto mo mag-work dun pero please lang Ava, wag mo akong kukulitin dun, okay?”“Okay, okay. But I’m serious, Miguel.”Napabuntong-hininga si Miguel.“Ava, please. Let’s just talk about it another time, okay? I need to rest. I have class tomorrow.”“Okay, okay, okay,” sabi ni Ava. “I’ll see you tomorrow then.Narinig kong lumabas na si Ava sa pinto.Napapikit ako ng mariin.Parang gusto kong sumigaw.Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay naupo ako sa kama ko habang hawak-hawak ang pinggan at baso ko. Nakaramdaman ako ng lungkot sa puso ko.Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si Miguel.“Pwede ka ng lumabas, wala na siya,” ang sabi niya kaya tahimik ko lang siyang sinunod.Naupo na ulit kami sa lamesa. Ayok
Natapos na ang klase kaya nasa canteen na kami nila Celine at umoorder naman ng pagkain si Aaron. Bigla namang sumama ang mood ko uli nang makita ko na namang magkasama na naman si Miguel at Ms. Ava kaya lalo akong nainis.“Oh, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa sa itsura mo?” Usisa ni Celine.“Naiinis lang ako,” sabi ko.“Nagseselos ka noh?” Usisa niya.“Anong nagseselos?” Tanggi ko.“Halata naman crush mo si Sir, kanina ko pa nakikita yung mga tinginan mo kay Ms. Ava, parang kanina mo pa siya pinapatay sa mga nanlilisik mong mata,” sabi niya.“Tsk, tumigil ka nga dyan,” saway ko sa kaniya.“Pero girl, obvious, ka eh.” Dagdag pa ni Celine.“Celine, tumigil ka na nga dyan,” saway ni Aaron habang inilalapag ang mga pagkaing inorder niya.Pinilit kong i-compose ang sarili kaya iniba ko na ang topic.“This weekend pala may pupuntahan tayo ha bawal tumanggi.” sabi ko. “O sige wala naman akong gagawin” ani Celine“Ako rin” tugon naman ni Aaron.Natapos na ang buong maghapong k
“Ang harsh mo naman sa kaniya,” sabi ko nalang.“Gusto mo bang maging sweet ako sa kaniya?” Wika niya. Natahimik naman ako kasi syempre ayoko naman ng ganun.“Galit ka pa ba?” Tanong niya uli. Kinuha ko nalang yung burger na bigay niya at kinain sabay iling.“Bakit ang sungit mo sa kaniya? Di ba close friend mo siya?” Usisa ko.“I don’t want to confuse you. Nung sinabi ko na sa iyo lang ako ganito, totoo yun,” Hindi ko alam kung anong iisipin sa sinasabi niyang ‘to. Gusto niya rin ba ako? O iba ang ibig niyang sabihin.“I mean, I don’t want you to think na may something sa amin ni Ava. I’m just being honest with you. I’m not into her. “ dagdag pa niya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Miguel ngayon pero nalilito na ako sa kaniya. Bakit pakiramdam ko may feelings din siya sa akin, o baka naman nag-aassume lang ako. Natapos ang araw na punong puno ng tanong ang isip ko.Miguel’s POV“Pare, sa wakas nagpakita ka rin,” bulalas ni Nagi habang may hawak na beer. Nasa private bar ka
Naglibot kami sa iba't ibang tindahan, nag-shopping ng mga bagong damit at sapatos. Bumili rin kami ng mga pang-skin care at contact lenses para sa kanila. Na-enjoy namin ang paglalakad-lakad at pagkukuwentuhan. Una naming hinatid si Celine sa bahay nila. Pagkatapos, nagpahatid naman ako kay Aaron sa tapat ng building ng condo ko.“Dito ka pala nakatira,” ani Aaron.“Oo, salamat sa paghatid,” saad ko.“Walang problema, pag kailangan mo ng masasakyan or driver, magsabi ka lang,” wika niya.“Thank you,” sambit ko.“Salamat din ngayong araw. Feeling ko mas naging mukhang tao na ako,” pagbibiro niya.“Gwapo ka naman, kunting make-over lang. Wag mong kalimutan isuot ang contact lens mo ha. Mas gusto ko pag wala kang salamin, mas gwapo ka atsaka for sure madaming magugulat sayo bukas pag nakita ka. Baka madaming magka-crush sayo,” pagbibiro ko.“Hindi ah, sige na alis na ako. Ingat ka,” sabi niya sabay sakay na ng sasakyan at umalis na.Papasok na sana ako ng building ng bigla akong mabunggo
Miguel’s POVNang matapos na kaming magready, nag-decide kaming magkwentuhan muna sa may terrace. Gusto naming sulitin ngayong gabi dahil bukas ay babalik na siya =sa unit niya. Nakaramdam ako ng lungkot, kung pwede lang dito nalang sana siya.“Teka, naubos na yung pagkain natin, gagawa langa ko saglit atsaka kumuha ka na rin ng beer kasi naubos na pala natin yung ilang can ng beer,” sabi ko kaya nagtungo muna ako sa kusina para magprepare ng snacks at sinundan naman niya ako para kumuha ng beer. Naupo siya sa highchair at pinanood akong habang naghihintay sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan niya akong magluto. Medyo nakainom narin ata siya dahil namumula na ang mukha niya.“Mukhang mamimiss ko ang luto mo,” sabi niya habang nakapangalumbaba na nakatingin sa akin kaya naman napatingin rin ako sa akin. Parang nag-init ata ang pisngi ko, nakakahiya naman.“Pwede naman kitang ipagluto pa rin kahit na hindi ka na dito nag-stay,” sabi ko habang nag-preprepare ng p
Serenity's POVUnang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals.“Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha.“Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis.“I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala.Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila.“Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel.“Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa.“Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya.“Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat