Maaga akong pumasok sa klase dahil may presentation kami ngayon sa English. Nakita ko si Celine na nakaupo sa usual spot niya sa likod, katabi si Aaron. Nakangiti siya habang nagkukuwentuhan sila."Hi Celine! Hi Aaron!" bati ko sa kanila."Uy, Serenity! Ang aga mo pala?" sabi ni Celine."Oo, e. Excited na ako sa presentation natin," sagot ko."Excited na rin ako, pero kinakabahan pa rin ako," sabi naman ni Aaron.Tumawa ako, "Nako, Aaron, relax ka lang. Kaya mo yan. Magaling ka naman mag-present."Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Miguel. Nakangiti siya habang naglalakad papunta sa kanyang mesa sa harapan."Good morning class!" bati niya."Good morning, Sir!" sagot ng buong klase.Nakatitig siya sa amin, at parang naiinis siya nang makita kaming magkakasama."Oh, Sir, bakit ang aga niyo po?" tanong ni Celine sa kanya."Ah, e, may kailangan akong i-check," sagot niya, pero halata sa tono ng boses niya na hindi siya komportable.Nags
Huling Na-update : 2024-11-23 Magbasa pa