JILLIAN POVAng gabi ay tahimik, ngunit ang puso ko ay parang isang gulong na mabilis na umiikot. Sa bawat paghakbang ni Lincon papalapit sa akin, parang may kakaibang bigat na nadarama ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman—takot, galit, o pagkalito. Bawat salita niya ay parang patak ng ulan sa isang payak na bubong, paulit-ulit, kumakalabit sa aking isipan."Jillian..." Simula niya, ang boses niya ay malumanay, ngunit may kalungkutan. "Akala mo ba maloloko mo ko?! Binigyan kita ng pagkakataon pero hindi ka pa rin talaga umami." Ang galit na singhal ni Lincon ay dumaloy sa buong silid.Tumigil siya sa harap ko, at kahit madilim, naramdaman ko ang bigat ng kanyang tingin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito, ang katotohanan na nalaman ni Lincon ang lihim ko tungkol sa tunay na ama ng pinagbubuntis ko. Ang bigat ng kanyang saloobin ay parang isang buhawi na sumasalasa sa aking utak, at ako’y tila napako sa lugar na iyon."Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko, kahit na alam
Last Updated : 2025-01-11 Read more