After 2 months JILLIAN POV Mabilis na nagdaan ang mga araw. Pero hanggang ngayon isang dagok pa rin ang hindi pagbibigay ng buong pagmamahal ni Lincon sa akin. Hindi ako makapaniwalang magpahanggang ngayon ay nasa puso pa rin niya ang hayop na Tiffany na yun. Kahit na sabihing binigyan ko na siya ng isang buong pamilya ay hindi pa rin siya kuntento. Habang tumatagal ay lalo kong nararamdaman ang paglayo sa akin ni Lincon. Alam ko, at ramdam ko, na si Lincon ay hindi pa rin makalimot sa kanya. Hindi ko na kayang ipaliwanag ang sakit na dulot nito sa akin. Sa tuwing makikita ko si Lincon ay naiisip ko na hindi pa ako sapat para sa kanya. Wala akong karapatang magreklamo, hindi ba? Dahil lahat ng ito ay plinano ko lang. Pinagsisikapan kong sirain sila ni Tiffany , wala na si Tiffany sa harapan niya. Ano pa bang gusto niya?! At pagkatapos ng pitong buwan, isang lalaki at isang anino na patuloy na nagmamasid sa aming buhay ang nagsimula pang magdulot sa akin ng matinding takot.
JILLIAN POVAng gabi ay tahimik, ngunit ang puso ko ay parang isang gulong na mabilis na umiikot. Sa bawat paghakbang ni Lincon papalapit sa akin, parang may kakaibang bigat na nadarama ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman—takot, galit, o pagkalito. Bawat salita niya ay parang patak ng ulan sa isang payak na bubong, paulit-ulit, kumakalabit sa aking isipan."Jillian..." Simula niya, ang boses niya ay malumanay, ngunit may kalungkutan. "Akala mo ba maloloko mo ko?! Binigyan kita ng pagkakataon pero hindi ka pa rin talaga umami." Ang galit na singhal ni Lincon ay dumaloy sa buong silid.Tumigil siya sa harap ko, at kahit madilim, naramdaman ko ang bigat ng kanyang tingin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito, ang katotohanan na nalaman ni Lincon ang lihim ko tungkol sa tunay na ama ng pinagbubuntis ko. Ang bigat ng kanyang saloobin ay parang isang buhawi na sumasalasa sa aking utak, at ako’y tila napako sa lugar na iyon."Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko, kahit na alam
Lincon POVHindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa bawat saglit, ang mga alaala ni Tiffany ay bumabalik. Ang mga sandaling nilimot ko na, mga pangako na naglaho tulad ng alikabok sa hangin. Kay Jillian ko lang naaalala ang lahat ng iyon, at sa kabila ng lahat ng nangyari, siya pa rin ang bumangon sa mga madilim kong araw.Hindi ko kayang tanggapin ang ginawa ni Jillian. Ang pagsisinungaling—ang pagtatago ng katotohanan sa akin. At hindi lang tungkol sa anak namin, kundi pati na rin sa mga taon na nakalipas. Bakit niya ako pinili na iwasan? Bakit hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na ayusin ang lahat?Nakatayo ako sa harap ng bahay nila, tahimik at puno ng galit. Ang mga salita ni Tiffany ay patuloy na nag-aalab sa aking isipan. "Kung ikaw po ang tunay na ama ko..." Malinaw ang boses niya sa aking alaala, ngunit ang mga salita ni Jillian, iyon ang masakit. Ang mga nilihim niyang detalye, ang mga pagkukulang na pilit niyang itinatago."Pilit kong kinakalimutan si Tiffany,
TIFANNY POV Sampung taon na. Sampung taon na ang lumipas mula nang huling makita ko si Lincon. Ang mga taon ng paghihirap, pagkatalo, at mga alaala ng nakaraan ay halos kinailangan kong kalimutan. Pero ngayon, narito ako. Babalik sa Pilipinas, hindi ko alam kung anong mga bagay ang muling magbabalik, ngunit hindi ko na kayang iwasan ang katotohanan na kailangan kong dumaan dito.Kasama ko si Josh. Siya na ang mundo ko ngayon, at siya na ang tanging dahilan kung bakit ko nakayanang lampasan ang madilim na daan na aking tinahak. Hindi ko na iniisip si Lincon, hindi ko na iniisip ang nakaraan, at hindi ko kayang mag-alala tungkol sa kung ano ang mangyayari sa amin. Ngunit nang makita ko siya sa airport, naramdaman ko ang isang bigat na hindi ko kayang ikubli.Paglapit ko sa check-in counter, nakita ko siya. Si Lincon. Naglalakad siya sa kabilang direksyon, at ang mga mata namin ay nagkatinginan. Parang bumangon ang lahat ng mga taon, ang sakit, ang mga tanong, ang mga hindi nasabi. Hind
At doon, sa gitna ng mga tao sa airport, nagpatuloy ang bawat isa sa atin sa kani-kanilang daan. Hindi ko kayang patagilid ang nakaraan, at hindi ko kayang balikan ang mga sakit na dulot nito. Si Lincon ay natigil sa likod ko, ang mga mata ay puno ng tanong na hindi ko kayang sagutin.Ang mga paa ko ay parang mabigat, bawat hakbang ay tila isang pasanin. Nang makita ko si Lincon sa airport, ang puso ko ay parang tumigil. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—galit, takot, o panghihinayang. Sampung taon. Sampung taon na ang lumipas, at ngayon, narito siya sa harap ko. Sa unang pagkakataon, magkasama kaming nagtagpo muli sa isang lugar na puno ng alaala.Si Josh, ang anak ko, ay tahimik na nakatayo sa aking tabi, na hindi alam ang mga nangyari sa aming nakaraan. Ang anak ko, ang tanging dahilan ko para magpatuloy sa buhay, ay kasalukuyang nakatingin kay Lincon, na may kalituhan sa mga mata.Si Lincon naman, hindi alam kung paano mag-react. Nakatingin siya sa akin, at pagkatapos ay tu
LINCON POV Hindi ko na kayang magpigil pa. Lahat ng taon ng pagkahiwalay namin ni Tiffany ay tila nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ko, sugat na kahit anong gawin ko ay hindi gumagaling. Sampung taon. Isang dekada ng mga katanungan, pangungulila, at walang tigil na pag-alala sa kanya. Ang bawat araw na lumipas ay isang laban sa pagitan ng galit ko sa sarili ko at ng pag-asang balang araw, makikita ko ulit siya. Ngayong narito na ang pagkakataon, hindi ko ito hahayaan mawala. Bawat hakbang ko patungo sa kanya ay parang isang hakbang papunta sa katuparan ng matagal ko nang pangarap. Hindi ko alintana ang ingay ng airport, ang mga taong dumadaan, o ang bigat ng emosyon na bumabalot sa akin. Ang tanging nakikita ko ay si Tiffany, nakatayo kasama ang isang batang lalaki. Isang batang hindi ko kailanman nakita, ngunit sa isang sulyap pa lang ay alam kong siya ang anak namin. Si Josh. Hindi na niya kailangang sabihin iyon dahil kitang kita ko sa mukha ng batang ito na ako ang ama niya
Tumitig siya sa akin, at nakita ko ang pighati sa kanyang mga mata. Alam kong nasaktan ko siya noon, pero alam ko ring mahal niya pa rin ako. “Bigyan mo ako ng panahon,” sabi niya sa wakas. “Kailangan ko ng oras para makapag-isip.” Pinanood ko siyangr lumayo, kasama si Josh. Ang sakit sa puso ko ay parang alon na bumalot sa akin, ngunit naroon din ang liwanag ng pag-asa. Sinabi niyang bigyan siya ng panahon, at iyon ang gagawin ko. Para sa aming pamilya, handa akong maghintay. Gaano man katagal. AFTER 2 DAYS INFRONT OF TIFFANY’S HOUSE Habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Josh na himbing na natutulog, bumalot ang tahimik na kalungkutan sa paligid. Sa bawat malalim na hinga niya, nakikita ko ang kapayapaan sa kanyang mukha, ngunit sa puso ko, ramdam ko ang bigat ng aking mga desisyon. Ang lahat ng alaala namin ni Lincon ay biglang bumalik sa akin ang mga tawa, ang mga plano namin para sa hinaharap, at ang pag-ibig na kalaunan ay naglaho dahil sa takot ko. Sa paglip
Isang gabi, habang pinapanood ko silang maglaro ng basketball sa harap ng bahay, naramdaman ko ang tila bumalik ang sigla sa paligid. Tumingin si Lincon sa akin at ngumiti, at sa simpleng tingin na iyon, parang sinasabi niyang, “Salamat.” Dalawang taon na ang lumipas mula nang magsimula kaming muli. Ang mga araw na lumipas ay puno ng pagbabago, pagsubok, at muling pagkatuklas ng mga bagay na akala ko ay nawala na. Ngayon, narito kami—buo, masaya, at puno ng pagmamahal. Hindi naging madali ang prosesong ito. May mga sandali na gusto kong bumitaw. Ang mga alaalang bumabalik sa akin mula sa aming nakaraan ay madalas na nagpapabigat sa damdamin ko. Ang mga luhang bumalong sa akin noon ay tila nararamdaman ko pa rin sa tuwing may mga hindi pagkakaunawaan kami ni Lincon. Ngunit sa bawat tanong at takot na bumalot sa akin, nakita ko ang determinasyon ni Lincon na ayusin ang lahat. Hindi siya sumuko. Si Josh ang naging inspirasyon namin para magpatuloy. Sa kanyang inosenteng mga mata, n
AT THE NIGHT OF THE PARTY "It's okay, Mom. Kaya ko na pong mag-isa. Mauna na po kayo—nakakahiya naman sa mga guests na paparating. Susunod na rin ako," sabi ni Karen na nakangiti kay Tiffany. "Kung ganun, sige anak. Hay naku, kinakabahan ako," sagot ni Tiffany habang bahagyang huminga nang malalim. "Don’t be, Mom! Ang ganda-ganda mo kaya. Ikaw ang pinaka-magandang babae sa event," lambing ni Karen sa ina. "Hays, ikaw talaga. Miss na miss kita nung umalis ka. Pero ikaw pa rin ang pinakamaganda. Oh, sige na, mauna na kami ng mga kapatid mo. Sumunod ka agad ha?" sabi ni Tiffany bago maglakad paalis. "Yes, Mom! Susunod na rin po ako," tugon ni Karen. Nauna na sina Lincon sa event place kasama ang kambal na sina Arthur at Madison. Bago tuluyang umalis, dumaan muna si Karen sa silid ng kanyang mga anak. Nagpaalam siya at nangakong bibilhan sila ng laruan sa kanyang pagbalik. Matapos tiyaking okay na ang mga bata, naglakad na siya palabas. Sumabay naman si Trina, agad na nang-aa
"Anak, natutuwa kami at naisipan mong magpakita sa amin," bungad ni Daddy na may ngiti sa labi. Maya-maya'y naging seryoso ang kanyang mukha. "Ngayon na nandito ka na ulit sa bahay, gusto naming ipaalam sa iyo na magkakaroon ng Charity Ball ang ating kompanya. Ito ay isang auction kung saan lahat ng kikitain ay mapupunta sa mga charity na sinusuportahan ng ating pamilya. Gaganapin ito sa susunod na araw. Tamang-tama ang dating mo, pero siyempre, desisyon mo kung a-attend ka. Hindi ka namin pipilitin; maiintindihan namin kung hindi ka pa handa. Mayroon din kaming mahalagang anunsyo na ibabahagi ng Mommy mo pagkatapos ng event," dagdag niya. "Pero anak, bago ka magdesisyon, gusto naming malaman mo na imbitado ang pamilya ni Theo sa event na iyon. Simula nang mawala ka, kahit anong gawin kong pagputol ng ugnayan natin sa kanilang pamilya, hindi tumigil si Theo sa pagsuyo at pagsusumikap na makuha ang aming loob. Patawarin mo kami, anak, kung napatawad namin siya makalipas ang ilang tao
Tiffany POVAno ba naman itong si Manang kanina pa tawag ng tawag para lang patikman ang bago niyang menu na ihahanda niya para sa gaganapin na charity event namin para sa orphanage.“Hay Manang bakit kailangan kumpleto pa kami?!” Pagmamaktol na tanong ni Jennifer. “Saglit lang po ako aah pupunta pa po ako ng BGC para sa photoshoot ko!”“Oo sandali lang ito. Wag kang mag-alala” nakangising sagot ni Manang kay Jennifer. Samantalang si Arthur ay busyng busy sa kaniyang cellphone. Ang weird ni Manang ngayong araw. Nagkakatinginan na lang kami ni Lincon dahil hindi namin maintindihan kung gano ba ka espesyal ang hinain nitong si Manang. Ayaw naman naming questionin dahil halos mag 3 dekada ng nagtatrabaho sa amin si Manang. Parang nanay na nga namin siya. Dahil din sa may edad na siya ay matampuhin na.“Wait lang po kuhain ko lang po hinanda ko sa kusina!” Sabi ni Manang habang kami ay nakaupo na sa dining table at naghihintay.“TADAAANNN SURPRISE !!!!” Malakas na sigaw ni Manang“Ate Ka
KAREN POVMula sa himpapawid tanaw na agad ang dikit-dikit na bahay at maiilaw na kabahayan. Nang malapit ng bumaba ang eroplano ay narinig ko na ang palakpakan ng mga tao. Alam kong nasa Pinas na kami. “Ahmm… welcome to Philippines!” anas ko sa aking mga anak. Ito ang unang beses na makakauwi sila ng Pinas at the same time unang beses na makikita nila ito. Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin ng makababa ang eroplano na aming sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport. Matapos ang ilang libong beses na pag-iisip ay pumayag na din akong magbalik bayan. Kasama ko si Trina at ang kambal. Sa ancestral home kasama namin ng kambal manunuluyan si Trina dahil wala siyang ibang mauuwian kaya naman ako na ang nag offer na sa sa bahay na siya tumuloy kaysa mag hotel. Kagaya ng aking kahilingan kay Trina. Gagawin naming surprise sa aking pamilya ang aking pagbabalik sa bahay Makalipas ang 5 taong walang komunikasyon. Excited na ako sa magiging reaksyon nila Mommy lalo na pag nak
AFTER 5 YEARSSa bilis ng panahon at dahil nag enjoy na din ako sa aking buhay doon sa Dubai ay hindi ko namalayan na ngayong araw ay nagmarka ang ika limang taong pagtatago ko at pag detox sa aking sarili sa lahat ng social media platform. Kaya naman napagdesisyunan ko na finally na muli kong buksan ang aking cellphone sa unang pagkakataon. Madaming mapapait na ala-ala ang nangyari sa akin na ayaw ko ng balikan . Madami din akong naging pagsubok this past few days sa aking buhay dahil sa pagkakaruon ng sakit ni Allen at April dala na din ng kanilang kalikutan at pabago bagong panahon. Sila ang 5 taong gulang na mga anak ni namin ni Theo. Mabuti na lamang at laging nakaalalay sa amin si Trina. Hindi na din kasi ako kumuha ng taga alaga na full time sa kambal dahil kakaunti lang din naman ang pasok ko. Kumuha lang ako ng partimer para tumingin sa kanila habang nasa trabaho ako. Mabuti na lang at nakakita ako ng isang pinoy na malapit lang sa bahay namin na naging kaibigan ko na din kal
KAREN PROLONGUEPitong buwan na mabilis na nagdaan sa buhay ko. Magmula ng i declare ko sa aking company ang tungkol sa pagbubuntis ko ay binigyan na ako ng sickleave ng aking doctor. Binawasan na ng aking company ang aking pasok. Buwan-buwan ay kailangan ko lang magpa check up sa aking OB-GYNE at automatic na binibigyan nila ako ng sicknote. May mga pagkakataong pinapa-tigil na din ako sa pagtatrabaho ng aking management pero ayokong masyadong tumambay lang sa bahay since dito ko napagdesisyunang manganak. Dahil sa tulong ng kaibigan kong may asawang lokal ay madali na naming gawan ng paraan ang lahat. Alam naman niyang in terms of financial ay walang problema sa akin. Sa aking final ultrasound nakita na kambal ang aking pinagbubuntis , isang babae at isang lalaking sanggol.Magpasa hanggang ngayon ay kinakaya ko ang hindi gumamit ng social media. Ginawa kong abala ang aking sarili sa pag-aaral ng lengwahe dito sa Dubai upang mag-apply ako ng higher position. Hindi ko iiwan ang Pin
“Magtigil ka! Kaaga aga ang ingay ingay mo! Ano bang pinagpupuputok ng butsi mo?!” Malakas na sigaw ni Master. “Ilabas mo si Theo! Pag hindi ko nakita ang anak ko ngayon pagsisisihan mo ang lahat ng ito.” Sabi ni Tito Philip kay Master. Itinutok ni Tito ang baril kay Master na agad namang hinarangan ng kaniyang mga tauhan. Tinutukan din ng mga ito ng baril si Tito Philip. Nanginig ang aming mga katawan sa ngyayari. “Tito tara na please! Hahanapin na lang natin si Theo” pagmamakaawa namin kay Tito Philip. Nagdatingan na din sila Daddy at iba pang member ng family. Inaawat ng mga ito si Tito Philip sa kaniyang pagwawala. Sinenyasan ni Master ang kaniyang mga tauhan na ibaba ang kanilang mga baril at pinaalis niya ang mga ito. Nagulat kaming lahat sa inakto ni Master. “Halika Philip pumasok ka sa opisina ko!” Tumalikod na ito at sumunod naman si Tito Philip binaba na din niya ang kapit niyang baril ngunit dala niya iyon sa loob ng opisina ni Master. Aawatin pa sana namin ito pero pin
MICHAEL POV 1 MONTH AGO SA BAHAY NILA TITO PHILIP Matapos ang ilang beses na pag urong sulong na pagsasabi kay Tito Philip sa totoong ngyari. Ngayon ay nakahanap na rin ako ng tamang tiyempo para kausapin siya. Hinarap ko ng buong tapang si Tito Philip. Alam kong magagalit ito sa akin pero pilit kong nilakasan ang aking loob. Nabulag lang ako sa sinuhol sakin ni Master pero hindi ko naman hinangad na mapahamak si Theo. Pinagsisisihan ko ang pagpayag na ginawa ko kay Master. Habang naghihintay sa pagbaba nila Tito mula sa kanilang sala. Matiyaga kaming naghihintay nila Mae at John na ang sama ng tingin sakin dahil sa galit sila sa akin. Kahit ilang ulit akong humingi ng tawad sa kanila ay hindi nila ako pinapakinggan. "Sabi ng sorry okay?! lalo akong kinakabahan sa mga ganyang tingin niyo." sabi ko sa kanila dahil sa mapanakit nilang tingin ng tignan ko ang gawi ng mga pinsan kong ito. “Ikaw! Naku humanda ka talaga samin pag hindi nakita si Theo ng dahil sa pagiging materyalistic
“Chef Trina, samahan mo na si Karen sa ospital. Tapos na rin naman ang shift mo. Ipapaligpit ko na lang kay Anthon ang natitirang plato na i-bu-bus out ni Karen. Sige na, kunin mo na ang gamit mo,” utos ng kanilang manager.Pagdating sa ospital, agad na sinuri si Karen. Ilang minuto lamang ang itinagal niya sa loob ng emergency room. Paglabas ng doktor, kinausap nito si Trina, na siyang naghatid sa ospital.“Doc, ano po ang nangyari sa kaibigan ko? Bakit siya hinimatay?” tanong ni Trina. Sa Dubai, dalawang wika lamang ang karaniwang ginagamit — Arabic o English. Walang mga pinoy workers sa ospital mayroon man ay hindi mga doktor. “Walang seryosong problema ang kaibigan mo, pero kailangan niya ng pahinga. Nasan na nga pala ang partner o asawa ng pasyente?” tanong ng doktor, na ikinagulat ni Trina. Hindi kasi nababanggit ni Karen ang tungkol sa lovelife nito. Ang alam lang niya, nakipagsapalaran si Karen sa ibang bansa para patunayan na kaya nitong tumayo sa sariling paa. Hindi rin nil