JILLIAN POV Hindi ko kayang maghintay ng anim na buwan bago tuluyang hiwalayan ni Lincon si Tiffany.Madaming pwedeng mangyari, magmula ng bumalik sa bahay si Tiffany ay nararamdaman ko ang paminsanang panlalamig ni Lincon sakin. Kailangan mailagay ko na ang posisyon ko sa buhay ni Lincon kaya't kailangan kong madaliin na ang annulment. Ako ang dapat niyang piliin—ako at hindi si Tiffany. Kaya’t gumawa ako ng plano, isang plano na sisiguraduhin kong ako ang panalo sa laban na ito. Tinawagan ko si Tiffany. Pilit kong pinatamis ang boses ko at sinusubukan kong itago ang totoong intensyon sa likod ng kunwaring pagsisisi. “Tiffany,” simula ko, mahina at halos may panginginig sa boses na parang napakatapat ng sinasabi ko. “Pwede ba tayong mag-usap? Alam kong wala akong karapatan, pero… gusto kong humingi ng tawad.” Nag-aalangan siyang sumagot, halatang iniisip kung ano ang totoong motibo ko. “Jillian? Tawad? Sa lahat ng ginawa mo? wow parang iba to?! ." sagot niya sa akin na may halon
TIFFANY POV Galit na galit si Lincon sa akin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkasuklam, at hindi ko maialis ang bigat ng kanyang mga titig na parang sinisigawan akong ako ang may kasalanan. Nang bumagsak si Jillian mula sa hagdan, agad niya itong binuhat at isinugod sa ospital. “Ano pang ginagawa mo rito, Tiffany? Umulis ka na!” galit niyang sabi habang papasok kami sa kotse. Ngunit hindi ako sumunod. Sumama ako kahit na ayaw niya. Hindi dahil sa nakukunsensya ako, dahil alam kong wala akong kasalanan. Sumama ako dahil gusto kong makita na ayos lang siya lalo na at buntis din siya, naawa ako hindi para kay Jillian kundi para sa anak niya. "ahhhhh.... ang sakit Lincon, ang baby natin....." malakas na sigaw niya. Pati ako ay natataranta din sa nerbyos at nakakaramdam ako ng galit. "pag may ngyaring masama sa baby namin Tiffany ,sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang lahat. Hinding hindi kita mapapatawad." sabi pa niya habang nakatingin sa akin ng masama. "alam mong wala akong g
TWO DAYS LATER Mabilis at mabigat ang bawat hakbang ko patungo sa bahay na minsan kong tinawag na tahanan. Ang malamig na hangin ay parang patalim na tumatama sa balat ko, ngunit hindi iyon sapat para patahanin ang nagbabagang damdamin ko. Hawak ko sa kanang kamay ang susi—isang bagay na ilang buwan ko nang hindi nagagamit. Sa bawat galaw nito sa palad ko, parang may bigat na humihila sa akin pabalik, ngunit desidido akong matapos na ang lahat. Ito na ang huling beses na papasok ako sa bahay na iyon. Wala akong balak bumalik para sa mga gamit na wala nang kahulugan sa akin. Ang tanging pakay ko lang ay kunin ang mga dokumentong magbibigay-daan para tuluyan akong makaalis ng bansa at magsimula ng bagong kabanata—malayo sa kasinungalingan, sa sakit, sa pagtataksil. Huminto ako sa pintuan, pilit na kinakalma ang sarili ko bago ipasok ang susi sa seradura. Ang malamig na bakal ay tila sumisimbolo sa matagal nang nagyelong damdamin sa pagitan namin ni Lincon. Huminga ako nang malalim
TIFFANY CHUA; "Tiffany , come to my office now!" ma awtoridad na utos sa akin ni Mr.Moore ang aking boss na madalas pinagtitimpian ko na lang dahil sa kaialangan kong makapag ipon para mabawi ko ang aking kapatid at nanay. Walang lingon lingon ay dumiretso siya sa pagpunta sa loob ng kaniyang opisina. Nagkatinginan kaming dalawa ni Estella. "Sige na girl mamaya mo na balikan tong kinakain mo mukhang mainit na naman ang ulo ng amo mo. Mabulyawan ka pa niyan" pagtataboy sa akin ng aking kaibigan. Halos magkandarapa-rapa na ako sa pag sa pagmamadali sa pagpunta sa kaniyang opisina. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Nagulat ako sa paglipad ng kaniyang mga gamit na muntik ng tumama sa mukha ko. Kung hindi ako nakaiwas ay paniguradong malaking bukol ang inabot ko. "bwisit talaga tong lalaking to, idadamay na naman ako sa init ng ulo niya. Pinagmadali-madali akong pumunta dito sa opisina niya hindi pa pala tapos makipagtalo sa kausap niya." naghihimutok kong sabi
ONE HOUR EARLIER LINCON MOORE: "SPILL EVERYTHING DETECTIVE! sabihin ko sakin lahat ng detalye" matigas kong sabi sa imbestigador na aking binayaran. Nananatili pa rin akong nakaupo sa aking sasakyan at naghihintay sa balitang sasabihin ni Detective sa aking pinatrabaho sa kaniya. Bawat salitang kaniyang sinasabi ay tila nag-aapoy sa galit na naglalaban sa aking dibdib. Si Jillian, ang long-time girlfriend ko, ang babaeng itinuring kong katuwang sa buhay, ay may lihim na relasyon kay Bruce, ang sarili kong stepbrother. Paano niya nagawang ipagkanulo ang tiwala ko? Isang araw na lang ang natitira bago ang kasal namin, at bigla na lang siyang umatras. "FVCK , Thank you Detective. I sen now to your back account the payment for your work" sagot ko sa kaniya. Mainit ang ulo ko ng pumasok ako sa loob ng aking opisina. Habang pinagmamasdan ko ang kanyang larawan na nakadikit sa aking desk, nag-aalab ang galit sa aking puso. “Mali ang pinili mo, Jillian,” bulong ko sa sarili. "Walang kah
Nang matapos ang seremonyas ng kasal ay magkasabay na kaming naglakad papalabas. Napatitig akong muli kay Tiffany, napakaganda talaga niya ng mga sandaling ito. Bumulong sa akin si Hanz "Sir , matutunaw na sayo si Tiffany, pinapaalala ko sayo, ikaw ang nagsabi sa rules na walang ma-iinlove. THis is all about business" napapangiting sabi ni Hanz habang nakatayo sa hindi kalayuan si Tiffany. Agad kong binawi ang sitwasyon. "Ofcourse i know that. What do you think Hanz. Kahit kailan hindi ako magkakagusto kay Tiffany." mariin kong sagot kay Hanz. "Ok Sir as you said." natatawang sabi ni Hanz sa akin. "Tiffany, next time na sabihin kong 3pm kelangan mauuna ka sakin 30 minutes earlier hindi yung sakto kang darating at ako pa ang maghihintay sayo." kunwaring galit kong sabi kay Tiffany. "okay Mr.Moore masusunod po" sagot niya sa akin "And please dahil mag-asawa na tayo call me Lincon starting from now on." sagot niya sa akin. Nakita ko naman ang biglang pagkailang sa kaniyang mukha
PROLONGUE Naguguluhan man si Tiffany, pero wala siyang nagawa kundi sumunod. Sumakay na siya sa loob ng sasakyan ni Hanz, hindi niya mapigilang mag-isip tungkol sa mga naging pagbabago sa pagitan nila ni Lincon. Mula sa isang mahigpit at seryosong boss, ngayon ay tila may mas malalim na koneksyon na bumabalot sa kanilang dalawa, dahil ngayon ang kaniyang boss ay siya na ring asawa niya. Hindi niya lubos maunawaan kung paano ito nangyari at kung bakit sa dinami dami ng babae siya ang naisipang alukin ng ganuong kasunduan ng kaniyang boss. "Ms. Arevallo, mukhang hindi ka sanay sa mga ganitong set-up ah," biro ni Hanz habang nagmamaneho. "Ngayon lang kita nakitang sobrang tahimik at parang kinakabahan. Pagpasensyahan mo na si Lincon" Pilit na napangiti si Tiffany kahit may halong kaba sa puso. “Hindi ko kasi talaga alam kung anong iniisip ni Mr. Moore. Ganyan na ba talaga Sir Hanz ang mga mayayaman, kahti ang kasal ay kaya na nilang bilhin. Wala na bang halaga sa kanila ngayon ang kah
TIFFANY POV: Napaatras ako ng makita ko si Mr.Moore na nakatanghod sa aking mukha. Napabalikwas ako ng tayo at agad na lumayo sa pwesto ni Mr.Moore. Pinagmasdan ko siya napaka-gwapo pala ng amo ko. Ibang-iba ang itsura niya kapag naka simpleng pambahay na lang siya. "Mr. Moore bakit nandito ka?" natatakot kong tanong sa kaniya "Handa ka na ba?" tanong ni Lincon, ang kaniyang boses ay kalmado ngunit may bahid na seryoso ang kaniyang tono. Ini-lock niya ang pintuan sa aming silid. Gulat na gulat ako sa kaniyang sinabi pero alam kong lasing siya dahil amoy na amoy ng alak sa kaniyang sistema. Lumapit siya sa akin at hinapit ang aking bewang. “Mr. Moore, anong ginagawa mo” direkta kong tanong Napangiti si Lincon, ngunit may lungkot sa kanyang mga mata. "Do your duty as my wife" sagot niya "Sh*t, Sir, please lang bitawan mo na ako" pilit akong nagpupumiglas sa kaniyang mahigpit na pagkakakapit sa aking bewang, ngunit mukhang wala akong balak na bitiwan ni Sir Lincon. Sa unang pag
TWO DAYS LATER Mabilis at mabigat ang bawat hakbang ko patungo sa bahay na minsan kong tinawag na tahanan. Ang malamig na hangin ay parang patalim na tumatama sa balat ko, ngunit hindi iyon sapat para patahanin ang nagbabagang damdamin ko. Hawak ko sa kanang kamay ang susi—isang bagay na ilang buwan ko nang hindi nagagamit. Sa bawat galaw nito sa palad ko, parang may bigat na humihila sa akin pabalik, ngunit desidido akong matapos na ang lahat. Ito na ang huling beses na papasok ako sa bahay na iyon. Wala akong balak bumalik para sa mga gamit na wala nang kahulugan sa akin. Ang tanging pakay ko lang ay kunin ang mga dokumentong magbibigay-daan para tuluyan akong makaalis ng bansa at magsimula ng bagong kabanata—malayo sa kasinungalingan, sa sakit, sa pagtataksil. Huminto ako sa pintuan, pilit na kinakalma ang sarili ko bago ipasok ang susi sa seradura. Ang malamig na bakal ay tila sumisimbolo sa matagal nang nagyelong damdamin sa pagitan namin ni Lincon. Huminga ako nang malalim
TIFFANY POV Galit na galit si Lincon sa akin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkasuklam, at hindi ko maialis ang bigat ng kanyang mga titig na parang sinisigawan akong ako ang may kasalanan. Nang bumagsak si Jillian mula sa hagdan, agad niya itong binuhat at isinugod sa ospital. “Ano pang ginagawa mo rito, Tiffany? Umulis ka na!” galit niyang sabi habang papasok kami sa kotse. Ngunit hindi ako sumunod. Sumama ako kahit na ayaw niya. Hindi dahil sa nakukunsensya ako, dahil alam kong wala akong kasalanan. Sumama ako dahil gusto kong makita na ayos lang siya lalo na at buntis din siya, naawa ako hindi para kay Jillian kundi para sa anak niya. "ahhhhh.... ang sakit Lincon, ang baby natin....." malakas na sigaw niya. Pati ako ay natataranta din sa nerbyos at nakakaramdam ako ng galit. "pag may ngyaring masama sa baby namin Tiffany ,sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang lahat. Hinding hindi kita mapapatawad." sabi pa niya habang nakatingin sa akin ng masama. "alam mong wala akong g
JILLIAN POV Hindi ko kayang maghintay ng anim na buwan bago tuluyang hiwalayan ni Lincon si Tiffany.Madaming pwedeng mangyari, magmula ng bumalik sa bahay si Tiffany ay nararamdaman ko ang paminsanang panlalamig ni Lincon sakin. Kailangan mailagay ko na ang posisyon ko sa buhay ni Lincon kaya't kailangan kong madaliin na ang annulment. Ako ang dapat niyang piliin—ako at hindi si Tiffany. Kaya’t gumawa ako ng plano, isang plano na sisiguraduhin kong ako ang panalo sa laban na ito. Tinawagan ko si Tiffany. Pilit kong pinatamis ang boses ko at sinusubukan kong itago ang totoong intensyon sa likod ng kunwaring pagsisisi. “Tiffany,” simula ko, mahina at halos may panginginig sa boses na parang napakatapat ng sinasabi ko. “Pwede ba tayong mag-usap? Alam kong wala akong karapatan, pero… gusto kong humingi ng tawad.” Nag-aalangan siyang sumagot, halatang iniisip kung ano ang totoong motibo ko. “Jillian? Tawad? Sa lahat ng ginawa mo? wow parang iba to?! ." sagot niya sa akin na may halon
TIFFANY POVPagkatapos naming pag-usapan ni Markus ang tungkol sa proyekto, agad siyang nagpaalam sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi tanggapin iyon kahit pa gusto kong makipag kwentuhan pa saglit. Kitang-kita sa kilos niya na ayaw niyang masangkot sa kaguluhang dala ng sitwasyon ko kay Lincon.“Markus pasensya na sa nasaksihan mo kanina. Hindi ko talaga sinasadya na makita mo yung ganung eksena samin ni Lincon. Hindi ko naman expected na magiging wild siya." nahihiya kong pag hingi ng pasensya kay Markus"it's okay Tiffany, kapag ang selos na ang tumama wala ka ng magagawa diyan." napapangiti niyang sabi "sayang Tiffany, if I knew you earlier. I swear to God na hindi kita sasaktan, pahahalagahan kita at any cost. I know Lincon. Kapag mahal niya ang isang tao nakakagawa siya ng mga bagay na unpredictable." sagot niya sa akin"that's not true, hindi niya ako mahal, dahil kung mahal niya ako hindi niya hahayaang magkasira kami. Sana pinaglaban niya ako hindi yung ganito. Sige na, i'l
Kinabukasan matapos ang mapait na sinapit ko kagabi sa mapang husgang mga mata at pananalita ni Lincon ay pumasok pa rin ako sa opisina kahit na gulong gulo ang utak ko. Hindi ko pwedeng baliwalain ang trabaho ng dahil sa mga ginawa nila sa akin. Bahala na kung anong inabot kong pasa sa braso ng dahil sa ngyari kahapon, hindi ko din alam kung saan ko nakuha iyon. Masakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon , hindi ko alam kung kakayanin ko bang harapin ang lahat. Sa totoo lang mahal na mahal ko si Lincon pero hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. Sinubukan ko na ding umalis ng kompanya pero namutawi ang awa ko sa mga tauhan ko. Habang nagmumuni muni pa rin ako sa kaganapan kagabi ay nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng opisina ko, bumungad si Lincon—mabilis at puno ng galit ang mga hakbang niya. Hinagis niya ang annulment papers sa lamesa ko. Ang tunog ng pagbagsak ng mga papel ay parang hampas ng kidlat sa katahimikan ng silid. “ANO ’TO, TIFFANY?!” sigaw niya, halos pumutok a
Hindi pa ako nakakaalis nang biglang nag-iba ang ekspresyon ni Jillian. Kanina, nakangiti siya, puno ng panunukso at kayabangan. Pero ngayon, bigla siyang humikbi, halos parang nasasaktan, at nagsimulang magpahid ng pisngi na parang may luha sa mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagbago ang kaniyang awra. Napataas ang kilay ko sa biglang pagbabago ng itsura niya. “Ano na namang drama ’to, Jillian?” tanong ko, halatang may inis sa boses ko. Hindi siya sumagot. Bigla na lang niyang hinubad ang jacket niya at inilabas ang braso. Nagulat ako ng magsimula siyang kalmutin ang sarili niya dahilan para magkaruon siya ng maraming kalmot. “Anong ginagawa mo?!” sigaw ko, nagulat ako sa kanyang kilos kaya lumapit ako sa kaniya para pahinahunin sana siya. Pero Nagpatuloy siya sa pagkakalmut sa sarili, sabay umarte na parang may tumulak sa kanya. Bumagsak siya sa sahig, hawak-hawak ang tiyan niya, at nagsimulang umiyak nang malakas. “Lincon! Please ahhhhhh ang sakit….Lincon tulu
TIFFANY POV Halos hindi ko na kaya ang bigat ng lahat. Ang mga issue tungkol sa amin ni Markus, ang mga kasinungalingang kumakalat—lahat ito ay unti-unting sumisira sa pagkatao ko. Sobrang stress na stress na ako. May mga panahong dinudugo na din ako sa sobrang depression. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya shinare ko na kay Bernadette ang tungkol sa totoong sitwasyon ko. Pero magpa-hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung pano ko sasabihin kay Lincon ang tungkol sa pagbubuntis ko lalo pa ngayon na ang daming balitang nagli-link sa akin at kay Markus. Pero mas masakit ang katotohanang pati ang sarili kong asawa ay tila hindi na ako paniwalaan sa lahat ng sinasabi ko. Naiinis ako. Mahal ko si Lincon, pero hindi ko nararamdaman na ganun din siya sa akin. “Ate okay ka lang ba?” Tanong ni Bernadette sa akin “Okay lang ako. Pero kailangan kong harapin ang problema sa harapan ko. Alam ko naman. Mali din akong binigay konang 100% na pagmamahal ko para kay Lincon.” Napasubsob
JILLIAN POVNagising ako nang maramdaman ang paggalaw ni Lincon sa tabi ko. Alam kong oras na. Sa sandaling makita niya ang sitwasyon namin, magbabago ang lahat.Pagdilat niya, parang nawala ang kulay sa mukha niya. Halata ang pagkagulat habang dahan-dahan niyang tinaas ang kumot na tumatakip sa amin. Napatayo siya agad, na parang nakita niya ang isang bagay na hindi niya maintindihan. "Jillian!" halos pasigaw niyang sabi. "Anong... anong ginawa mo dito?!" Nagkunwari akong inosente, sinabayan ng malanding ngiti. "Ginawa ko? Lincon, hindi ko kasalanan na nangyari ito. Alam mo kung gaano ka naging wild kagabi."Umiling siya, nagmamadaling kunin ang mga damit niya. "Hindi! Hindi ito nangyari! Hindi ko ginusto 'to!"Tumawa ako, mahinang tumitig sa kanya. "Talaga? Gusto mo bang ipaalala ko kung paano mo hinubaran ang bawat saplot ko kagabi? Kung paano mo ako hinila papalapit sa'yo?""Jillian, tigilan mo 'yan!" galit niyang sigaw. "Lasing ako! Hindi ko alam kung paano nangyari 'to
Kinabukasan ay hindi na ako nag aksaya ng oras. Umuwi ako sa bahay namin para sabihin kay Lincon ang magandang balitang ito tanggapin man niya o hindi ay alam kong kaya kong buhayin ang anak ko. Hawak ko pa rin ang pregnancy test sa bulsa ng coat ko habang tumatapak ako sa bawat baitang ng hagdanan papasok sa bahay namin. Ang dibdib ko ay punong-puno ng kaba at takot, pero pilit kong pinapalakas ang loob ko. Kailangan ko itong sabihin kay Lincon, kahit na sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin nitong mga nakaraang linggo.Pagbukas ko ng pinto ay nakakabinging katahimikan ng bahay ang sumalubong sa akin. Ang ilaw mula sa kwarto namin sa itaas ang tanging liwanag sa paligid. Ang katahimikan na dati’y nagpapakalma sa akin, ngayon ay parang isang babala. Akala ko magiging maayos ang gabing ito. Pero nagmali ako.Habang paakyat, naririnig ko ang mahina at pamilyar na boses ng isang babae mula sa loob ng kwarto namin. Tumigil ako at pilit iniintindi kung tama ba ang naririnig ko. Hindi p