Home / Romance / Great Revenge of the Lady CEO / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Great Revenge of the Lady CEO: Chapter 41 - Chapter 50

71 Chapters

Kabanata 041

TIFANNY POV Sampung taon na. Sampung taon na ang lumipas mula nang huling makita ko si Lincon. Ang mga taon ng paghihirap, pagkatalo, at mga alaala ng nakaraan ay halos kinailangan kong kalimutan. Pero ngayon, narito ako. Babalik sa Pilipinas, hindi ko alam kung anong mga bagay ang muling magbabalik, ngunit hindi ko na kayang iwasan ang katotohanan na kailangan kong dumaan dito.Kasama ko si Josh. Siya na ang mundo ko ngayon, at siya na ang tanging dahilan kung bakit ko nakayanang lampasan ang madilim na daan na aking tinahak. Hindi ko na iniisip si Lincon, hindi ko na iniisip ang nakaraan, at hindi ko kayang mag-alala tungkol sa kung ano ang mangyayari sa amin. Ngunit nang makita ko siya sa airport, naramdaman ko ang isang bigat na hindi ko kayang ikubli.Paglapit ko sa check-in counter, nakita ko siya. Si Lincon. Naglalakad siya sa kabilang direksyon, at ang mga mata namin ay nagkatinginan. Parang bumangon ang lahat ng mga taon, ang sakit, ang mga tanong, ang mga hindi nasabi. Hind
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Kabanata 042

At doon, sa gitna ng mga tao sa airport, nagpatuloy ang bawat isa sa atin sa kani-kanilang daan. Hindi ko kayang patagilid ang nakaraan, at hindi ko kayang balikan ang mga sakit na dulot nito. Si Lincon ay natigil sa likod ko, ang mga mata ay puno ng tanong na hindi ko kayang sagutin.Ang mga paa ko ay parang mabigat, bawat hakbang ay tila isang pasanin. Nang makita ko si Lincon sa airport, ang puso ko ay parang tumigil. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—galit, takot, o panghihinayang. Sampung taon. Sampung taon na ang lumipas, at ngayon, narito siya sa harap ko. Sa unang pagkakataon, magkasama kaming nagtagpo muli sa isang lugar na puno ng alaala.Si Josh, ang anak ko, ay tahimik na nakatayo sa aking tabi, na hindi alam ang mga nangyari sa aming nakaraan. Ang anak ko, ang tanging dahilan ko para magpatuloy sa buhay, ay kasalukuyang nakatingin kay Lincon, na may kalituhan sa mga mata.Si Lincon naman, hindi alam kung paano mag-react. Nakatingin siya sa akin, at pagkatapos ay tu
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Kabanata 043

LINCON POV Hindi ko na kayang magpigil pa. Lahat ng taon ng pagkahiwalay namin ni Tiffany ay tila nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ko, sugat na kahit anong gawin ko ay hindi gumagaling. Sampung taon. Isang dekada ng mga katanungan, pangungulila, at walang tigil na pag-alala sa kanya. Ang bawat araw na lumipas ay isang laban sa pagitan ng galit ko sa sarili ko at ng pag-asang balang araw, makikita ko ulit siya. Ngayong narito na ang pagkakataon, hindi ko ito hahayaan mawala. Bawat hakbang ko patungo sa kanya ay parang isang hakbang papunta sa katuparan ng matagal ko nang pangarap. Hindi ko alintana ang ingay ng airport, ang mga taong dumadaan, o ang bigat ng emosyon na bumabalot sa akin. Ang tanging nakikita ko ay si Tiffany, nakatayo kasama ang isang batang lalaki. Isang batang hindi ko kailanman nakita, ngunit sa isang sulyap pa lang ay alam kong siya ang anak namin. Si Josh. Hindi na niya kailangang sabihin iyon dahil kitang kita ko sa mukha ng batang ito na ako ang ama niya
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more

Kabanata 044

Tumitig siya sa akin, at nakita ko ang pighati sa kanyang mga mata. Alam kong nasaktan ko siya noon, pero alam ko ring mahal niya pa rin ako. “Bigyan mo ako ng panahon,” sabi niya sa wakas. “Kailangan ko ng oras para makapag-isip.” Pinanood ko siyangr lumayo, kasama si Josh. Ang sakit sa puso ko ay parang alon na bumalot sa akin, ngunit naroon din ang liwanag ng pag-asa. Sinabi niyang bigyan siya ng panahon, at iyon ang gagawin ko. Para sa aming pamilya, handa akong maghintay. Gaano man katagal. AFTER 2 DAYS INFRONT OF TIFFANY’S HOUSE Habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Josh na himbing na natutulog, bumalot ang tahimik na kalungkutan sa paligid. Sa bawat malalim na hinga niya, nakikita ko ang kapayapaan sa kanyang mukha, ngunit sa puso ko, ramdam ko ang bigat ng aking mga desisyon. Ang lahat ng alaala namin ni Lincon ay biglang bumalik sa akin ang mga tawa, ang mga plano namin para sa hinaharap, at ang pag-ibig na kalaunan ay naglaho dahil sa takot ko. Sa paglip
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more

Kabanata 045

Isang gabi, habang pinapanood ko silang maglaro ng basketball sa harap ng bahay, naramdaman ko ang tila bumalik ang sigla sa paligid. Tumingin si Lincon sa akin at ngumiti, at sa simpleng tingin na iyon, parang sinasabi niyang, “Salamat.” Dalawang taon na ang lumipas mula nang magsimula kaming muli. Ang mga araw na lumipas ay puno ng pagbabago, pagsubok, at muling pagkatuklas ng mga bagay na akala ko ay nawala na. Ngayon, narito kami—buo, masaya, at puno ng pagmamahal. Hindi naging madali ang prosesong ito. May mga sandali na gusto kong bumitaw. Ang mga alaalang bumabalik sa akin mula sa aming nakaraan ay madalas na nagpapabigat sa damdamin ko. Ang mga luhang bumalong sa akin noon ay tila nararamdaman ko pa rin sa tuwing may mga hindi pagkakaunawaan kami ni Lincon. Ngunit sa bawat tanong at takot na bumalot sa akin, nakita ko ang determinasyon ni Lincon na ayusin ang lahat. Hindi siya sumuko. Si Josh ang naging inspirasyon namin para magpatuloy. Sa kanyang inosenteng mga mata, n
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more

Kabanata 046

TIFFANY POV Isang lumalagabog na katok sa pintuan ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Napatigil ako sa ginagawa ko, tila sinundan ng kaba ang bawat tunog ng pintuan. Mula sa taas ng hagdan, narinig ko si Lincon na nagmamadaling bumaba, ang mga hakbang niya’y nagmamarka ng tensyon sa bawat segundo. Lumapit siya sa ring bell camera at sinilip kung sino ang nasa labas. Mula sa kanyang reaksyon, alam kong may kakaibang nangyayari. Agad siyang sumigaw, “Tiffany! Bilis! May bata rito!” Nagmadali akong bumaba at tinanong siya, “Anong nangyayari?” Bago pa siya makasagot, bumukas na ang pinto, at sa harap namin ay isang batang babae, gusgusin, nanginginig, at tila takot na takot. “A-anong pangalan mo?” tanong ni Lincon sa mahinahong boses habang lumapit kami sa bata. “Ka… Karen,” ang sagot niya, nanginginig ang boses. Ngunit bago pa namin matanong kung bakit siya naroon, bigla siyang nawalan ng malay. “Hala! Lincon, dalhin na natin siya sa ospital!” taranta kong sabi. Wala kaming inaksay
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more

Kabanata 047

AFTER 10 YEARSKAREN POVSampung taon ang lumipas mula nang magising ako sa ospital, hindi matandaan kung paano o bakit ako naroroon. Ang mga alaala ng nakaraan ay tila itinapon sa kawalan, kasama ang lahat ng masasakit na salitang narinig ko kay Mommy Jillian. Lagi niyang sinasabi kung gaano kasama sina Lincon at Tiffany—mga pangalan na sa mahabang panahon ay wala namang kahulugan sa akin, hanggang sa dumating ang araw na natuklasan ko ang lahat.Pagkatapos ng ospital, walang ni isang dumating para sunduin ako. Naiwan akong mag-isa, isang batang walang alam sa mundo, sa loob ng mga pader ng DSWD. Ang bawat araw ay tila isang taon, puno ng tanong: Nasaan si Mommy? Ano ang nangyari? Bakit niya ako iniwan? Sa halip na sagot, balita ang dumating—wala na si Mommy Jillian. Napatigil ang puso niya, kasabay ng matinding laban niya sa kanser sa matres.Ang sakit ay hindi lamang dahil sa pagkawala niya, kundi sa matinding kawalan ng paliwanag. Bakit parang tinapos niya ang lahat nang walang pa
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Kabanata 048

PRESENT TIME"Anak, masyado ka namang nagpupuyat sa trabaho," sabi ni Mommy Tiffany, dala ang tasa ng mainit na kape habang abala ako sa harap ng computer.Sa kabila ng pagkakaroon ko ng sariling bahay, mas pinipili kong magbalik tuwing weekend sa lumang bahay. Hindi ko alam kung bakit, pero ang simpleng mga yakap at ngiti ni Mommy ay parang lunas sa pagod ko.“Thank you, Mommy!” sabi ko habang yumakap sa kanya. Hininto ko na ang trabaho, hinayaan ang init ng kape at pagmamahal ni Mommy na pakalmahin ang araw ko. "What will I do with you, Mom? Mwuah!" malambing kong sabi, sabay halik sa kanyang pisngi.Nakangiti siya, pero alam kong may gusto siyang sabihin. "Karen," nagsimula siya, "hindi naman sa tinutulak ka namin na mag-asawa na, pero siguro panahon na para bitawan mo na ang nakaraan. Alam kong hindi naging maganda ang ginawa ni Daryll noon, pero anak, deserve mong maging masaya."Tumigil ako at tinitigan siya. Alam kong tama siya. Mula noong masaktan ako sa relasyon naming ni Dar
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Kabanata 049

Nang makarating ako sa bahay ni Alex, nandoon na siya, naghihintay sa tapat ng gate. Suot niya ang paborito niyang floral button-down shirt, na tinernuhan niya ng dark jeans at sneakers. Nagkatinginan kami, sabay sabing, “Ready na ba?!”Gaya ng sinabi ko, eksaktong 30 minuto ang lumipas at nasa tapat na ako ng bahay nila Alex. Paglabas niya, panay ang pagmaktol niya, pero panay rin naman ang pagpatugtog niya ng malalakas na kanta sa sasakyan. Sabi niya, “warm-up” daw ito para pagdating sa bar, kondisyon na siya.“Ready!” sagot niya, sabay akbay sa akin habang papunta kami sa sasakyan.“Sa Ozone tayo, ha? Pero, bakla, ikaw na bahala sa drinks!” Tumawa siya habang isinasakay ang sarili sa passenger seat.“G, walang problema! Basta ikaw ang bahala sa kwento mamaya.” Sinimulan kong paandarin ang kotse, at habang binabaybay namin ang maingay na kalsada, pakiramdam ko ay isang gabi na naman ito ng pagtakas mula sa mga alaala.Tatawa-tawa akong nagmamaneho habang panay ang kulit niya. Sumasa
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more

Kabanata 050

Nakakabingi ang malakas na tugtugin, pero parehong nag-eenjoy kami ni Alex. Nakailang order na rin kami ng alak, at masaya kaming nakikisabay sa sayawan ng crowd. Ramdam ko ang init ng saya at ang adrenaline ng walang pakialam sa oras. Parang ang tagal na rin simula noong huling beses naming nagwalwal—mahigit dalawang linggo na mula noong huli naming punta rito, dahil subsob ako sa trabaho.Sa gitna ng sayawan, may grupo ng kalalakihang nakisalo sa amin, dahilan para lalo pang masiyahan si Alex. Halatang tuwang-tuwa siya, habang ako naman ay panay ang sulyap sa paligid. Sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin makita ang lalaking nakagitgitan ko kanina sa kalsada. Mukhang mali nga ang hinala namin na ang sasakyan niya ang nakita namin sa parking lot.Napansin kong nawawala na talaga ang tiwala ko sa mga lalaki. Kaya nang lumapit ang grupo sa amin, agad akong bumulong kay Alex na babalik muna ako sa aming pwesto. Hindi ko alam na mula sa kabilang sulok ng bar, may isang lalaking kanina pa p
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status