All Chapters of One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!: Chapter 11 - Chapter 20

50 Chapters

Kabanata 11

Nakaupo si Angelica sa kan’yang mesa, nakatingin sa screen, ngunit ang kanyang isip ay magulo. Iniisip niya ang eksena kanina, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda niya, ito ang unang pagkakataong may ibang tao, maliban sa kapatid niya ang nagprotekta sa kanya. At ang taong iyon ay ang lalaking nakatalik niya, uminit ang puso ni Angelica. Humihikbi naman si Joriel sa gilid, at pinalibutan ito ng ilang kasamahang babae upang aliwin ang dalaga. "Joriel, ‘wag ka ng malungkot, masisira na ang makeup mo niyan sa kakaiyak." "Oo nga, Joriel, wala namang masamang sinabi si President Lim sa iyo. Ikaw ang pinakamaganda at mas may kakayahan sa amin, paanong matitiis ni President Lim ang isang katulad mo?Sinamaan ng tingin ni Joriel si Angelica. “Ano naman kung ako ang pinakamaganda? Ano naman kung ako ang mas may kakayahan? Hindi ko naman matatalo-talo ang isang mapanlilang na babae!” Ang lahat ay tumingin kay Angelica, may bakas ito ng p
Read more

Kabanata 12

Nang ma-realize ni Angelica kung ano ang gagawin ng lalaki ay natigilan ang dalaga, "Mr. Lim, ikaw..." Marahil dahil sa inaakala ng lalaki na napakabagal ng dalaga, iniunat ni Mr. Lim ang kamay nito para hilahin siya, hindi naman napansin ng binata kung kaya’t ang daliri nito ay napadiin sa likod ng kamay ni Angelica. "Hiss--" Napasinghap si Angelica sa sakit, at tila napangiwi ang kanyang mukha. Niluwagan ni Mr. Lim ang paghawak sa kamay, umatras at hinawakan ang kanyang pulso, ibinaling ang likod ng kamay ng dalaga, at nakita ng binata ang isang malaking bahagi ng pamumula at pamamaga sa kanyang balat, at mga paltos.Kumunot ng bahagya ang noo ni Mr. Lim, "Paano naging ganito ito?" Naglublob ang binata ng cotton swab sa disinfectant at ipinahid ito sa likod ng kamay ng dalaga. Ang cotton swab ay dumampi sa paltos kaya naman nanginginig si Angelica sa sakit.Tumigil si Mr. Lim, "Kailangang kunin ang paltos ng kamay mo." Nang marinig ni Angelica ang tungkol sa pamumula ng mga p
Read more

Kabanata 13

"Hello, Chloe?" "Ako ito." May pagmamadaling sagot ni Chloe sa kabilang linya, "Angelica, nasaan kayo ni Mr. Lim ngayon?" "Anong problema?" "Mayroon akong dokumento dito na nangangailangan ng lagda ni Mr. Lim." Napaka lambot ng tono ni  Chloe. Napatingin si Angelica sa pinto, "Kung gayon, sasabihin ko ba iyan kay Mr. Lim?""Hindi na kailangan,” sagot ni Chloe. "Alam kong may malaking deal ngayon si Mr. Lim kung kaya’t ayaw kong ma-isturbo siya. Ipadala mo na lang sa akin ang address, pupunta ako riyan para hanapin ka, at dalhin na lang ang dokumento kay Mr. Lim para papirmahan."Sa pag-iisip ng sampu-sampung bilyon, ito ay talagang isang malaking deal. Hindi nag-atubili si Angelica na ipadala ang lokasyon kay Chloe. Pagkatapos noon ay nakatulog siya sa kama. Natulog siya hanggang sa bumalot ang dilim. Nang lumabas si Angelica sa silid, papaalis na sina Mr. Lim at ang assistant nitong si Mr. Eldrew. Inayos ni Angelica ang kanyang hitsura at sumunod. Huminto naman si Mr
Read more

Kabanata 14

“Mr. Yap, nagbibiro ka ba, ang aming presidente na si Mr. Lim ay palaging napaka-maalalahanin sa kanyang mga nasasakupan, sagot naman ni Eldrew.Malamig na sinulyapan ni Mr. Yap ang binata, "Assistant Eldrew, ang kausap ko ay si Mr. Lim, bakit ikaw ang palaging sumasagot para sa kan’ya?" Tumango si Eldrew at tumigil sa pagsalita. Pirming nakaupo lamang si Mr. Lim, hinahaplos ang kanyang baso ng alak gamit ang kanyang mga daliri, ang kanyang mukha ay may blankong ekspresyon. Ngumiti si Mr. Yap at ang kan’yang grupo. Ang kapaligiran sa pribadong silid ay malapit nang masira. At sa sandaling iyon, bumukas ang pintuan ng silid at isang kaakit-akit na boses ang narinig, "Excuse me." "Chloe?" Bahagyang nagulat si Eldrew, "Bakit ka nandito?" "May isang dokumento na nangangailangan ng lagda ni Mr. Lim." Kinuha ni Chloe ang dokumento at lumapit kay Andrew. Napatingin din ang mga lalaki sa nag-iisang babae sa silid.  Si Chloe ay nakasuot ng isang propesyonal na damit, isang puting
Read more

Kabanata 15

Ang balat ng babae ay napakaputla at ang mga markang nasa balat nito ay parang sariwa pa. Ang mga gilid nito ay unti-unting lumabo, ngunit hindi ganap na kumupas. Nang makita ni Andrew ang mga iyon, nagbago ang kanyang ekspresyon. Itinuon niya ang kanyang tingin kay Chloe, at ang kanyang aura ay hindi na maintindihan. "Saan nanggaling ang mga markang ito sa iyong katawan?" “Mr. Lim…” Takot na takot si Chloe sa inasta ng binata at nagpa-panic nitong inayos ang damit gamit ang mga kamay. Sa pagharap sa pagtatanong ng amo, sadyang umiiwas  mga mata ng dalaga.Hinawakan ni Andrew ang pulsohan ng babae at pinisil ang panga nito gamit ang kanyang mga kamay. “Sabihin mo sa akin! Saan ito nanggaling?” Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Chloe mula sa gilid ng mga mata, ngunit napakagat ito sa labi at hindi umimik. “Eldrew!” sigaw ni Andrew at malamig na nagsalita, "Dito ka lang at tapusin ang nasa loob." “Oo.” Tumango si Eldrew. Kinaladkad ni Andrew si Chloe hanggang sa elevat
Read more

Kabanata 16

Matanda na ang Lola niya at ang pinakamalaking hiling nito ay maikasal siya sa lalong madaling panahon. Una ay wala siyang plano sa bagay na iyon ngunit ngayon na umabot na siya gantong pangyayari, tama sigurong bigyan niya ang sarili at ni Chloe ng pagkakataon."Oo!" Sagot ni Chloe, "Handa akong umalis at mag-resign sa trabaho sa Lim Corporation para sa iyo.""Okay." Tumango Mr. Lim.——Umalis si Angelica sa teahouse at nalaman niyang napakalayo pala ng lugar na iyon, dose-dosenang kilometro ang layo mula sa lungsod. Karamihan sa mga pumunta dito ay ang pakay ay negosyo. Mayaman at marangal ang pumupunta roon kung kaya imposibleng makakuha siya ng taxi. Wala siyang mapupuntahan, kaya umupo na lamang siya sandali sa tabi ng fountain nang siya ay nakaramdam ng pagod."Angelica?" Isang pamilyar na boses ang narinig ng dalaga.Lumingon si Angelica at nakita si Fernan.Mayroong ilang iba pang mga lalaki na naka-suit ang kasama ni Fernan.Nang makita nila si Angelica, tumigil s
Read more

Kabanata 17

"Mr. Lim..." Naglakad papasok si Andrew na may buhat-buhat na isang tao, "Pupunta tayo sa ospital." "Oo." Hindi na nagtanong pa si Eldrew at nagmamadaling pinindot ang elevator at bumaba. Nagtungo si Eldrew sa driver seat para magmaneho ng kotse at nakatayo namam doon sina Angelica at Mr. Lim na naghihintay, samantala si Chloe naman ay nakayakap pa rin sa binata. Nang umihip ang hangin sa gabi,  nanginig naman si Chloe dahil sa lamig. Nakita naman ni Angelica na humigpit ang mga braso ni Mr. Lim sa dalaga. Nang umandar ang kotse sa harap nila, binuksan ni Angelica ang pinto sa likod at pinauna sina Andrew at Chloe na makapasok. Ang orihinal na intensyon ni Mr. Lim ay hayaang maupo sina Chloe at Angelica sa likurang upuan ngunit sa sandaling ibinaba niya ang dalaga ay nagising si Chloe, binuksan nito ang mga mata na medyo namamaga dahil sa pag-iyak at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ni Andrew.Nang makita iyon, sinasadya ni Angelica na buksan ang pinto ng passenger’s sea
Read more

Kabanata 18

Ngumiti si Chloe, "Salamat, Angelica." ... Nang gabing iyon, halos hindi nakatulog si Angelica. Sa unang kalahating gabi, tumulong ang dalaga sa pagbabantay ng bote ng IV at sa ikalawang kalahati ng gabi— sa sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata, napanaginipan niya ang nangyari sa kanila ni Mr. Lim sa tent noong gabing iyon. Buong magdamag siyang nahihirapan at muntik ng mahimatay. Nang halos madaling araw na, nakarinig si Angelica ng mga yabag at nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakasalubong niya ang tingin ni Andrew Lim. "Hindi ka makatulog?" Nang makita ni Andrew na idinilat ng dalaga ang mga mata, umupo ang lalaki sa tabi ng dalaga at inilagay ang bag sa mesa. "Dinalhan kita ng almusal. Nagsumikap kang magtrabaho." Umupo si Angelica, "At dahil nandito ka na, babalik na ako." "Angelica." Tawag ni Andrew sa dalaga, "Dalhin mo na ang almusal mo." Umiling si Angelica, "Hindi, pwede mo namang ibigay iyan kay Chloe." Pagkatapos noon, binuksan ni Angelica
Read more

Kabanata 19

"Anong sabi mo?" Tinitigan ni Joriel si Angelica, "Tumatanggi ka ba?" Tiningnan ni Angelica ang  palda ni Joriel, "Ayokong bayaran iyan. Sa kadahilanang, una, nakatayo ako rito at sinadya mo akong banggain kaya naman hindi ko iyon responsibilidad. Pangalawa, kahit naman na mali ako, hindi kita babayaran ng 50,000 pesos!" Hindi inaasahan ni Joriel na sasabihin iyon ni Angelica na karaniwang mahinhin at duwag at hayagang hinamon si Joriel ni Angelica. Nagulat si Joriel at mas nainis pa, "Naglalakad ako rito pero nakaharang ka. Kung hindi ka sana nakaharang, hindi sana kita mababangga! At itong palda ko ay nagkakahalaga ng 50,000 pesos, dapat lang na bayaran mo ito dahil kung hindi mananagot ka sa akin!" Alam ni Joriel na isang inosenteng dalaga si Angelica na takot nat takot sa kan’ya’t madali ring kontrolin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsalita si Angelica, "Ang iyong palda ay hindi naman nagkakahalaga ng 50,000 pesos!" Agad namang nanlaki ang mga mata ni Joriel, "Anon
Read more

Kabanata 20

Alam ni Angelica na wala namang kwenta ang makipag-usap kay Joriel kaya nilingon niya si Eldrew, "Assistant Eldrew, gusto ko sanang tingnan ang CCTV footage doon sa tea room."Nagbago ang ekspresyon ni Joriel, "Anong ibig mong sabihin?"Hindi pinansin ni Angelica si Joriel bagkus tumingin lang kay Eldrew at muling nagtanong, "Okay lang ba? Assistant Eldrew?"Tiningnan ni Eldrew si Joriel na parang hindi mapakali at nakokonsensya, ngunit walang salita ang lumabas sa bibig ni Joriel kaya kinagat na lamang nito ang bala at sumang-ayon, "Sige, tingnan natin ang CCTV footage, sino naman ang nagsasabing natatakot ako?” Nakakonekta ang mobile phone ni Eldrew sa CCTV ng silid, ngunit hindi si Eldrew makapasok doon nang walang pahintulot sa Presidente.Si Mr. Lim lamang ang kayang tumanggap ng hiling niya upang makita niya ang CCTV footage ng silid. Tinawagan ni Eldrew si Mr. Lim at kaswal namang nagtanong si Andrew kung ano ang nangyayari. Hindi naman maitago ni Eldrew ang nangyari s
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status