"Mabuti kung ganun. Pero ‘yung part-time mo kay Christopher, wala na ba iyon?" tanong niya muli, ang tono niya’y may halong pag-aalala."Huminto na po ako roon, Ma. Full-time daw po ang kailangan nila, at hindi ko kayang mag-full-time. Sinabi ko na lang kay Christopher na sabihan ako kung sakaling magkaroon ulit ng opening," paliwanag ko, ramdam ang bigat ng mga kasinungalingang lumalabas sa aking bibig. Ginagawa ko ang lahat para maitago ang tungkol kay Drake, kasabay ng takot at pag-aalinlangan na bumabalot sa akin."Ah, ganun ba, anak? O sige, magpahinga ka rin kung kinakailangan. Huwag palaging nagpapakapagod sa trabaho. Alam kong kailangan natin ng pera, pero anak, mas mahalaga sa akin ang kalusugan mo," sabi ni Mama, puno ng pagmamalasakit."Opo, Ma. Huwag mo akong alalahanin. Ang isipin mo ay ang sarili mo. Kailangan mong gumaling para sa akin. Marami pa tayong pagsasamahan," sagot ko habang pinipilit na itago ang aking nararamdamang bigat.Pinunasan ko ang mga luha sa aking mg
Huling Na-update : 2025-01-18 Magbasa pa