SA BAHAY NG PARENTS NI PAOLO Tahimik akong nakaupo sa loob ng sasakyan, hawak ang dala kong basket ng pagkain para sa pamilya ni Paolo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang may sasabog anumang oras. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong dumalaw ngayon, pero kailangan ko itong gawin. Kailangan kong malaman ang totoo. Pagdating ko sa bahay ng mga magulang niya, bumungad agad ang pamilyar na tanawin ng malawak na hardin at ang mainit na ngiti ng mommy ni Paolo. Gaya ng dati, napaka-welcome niya sa akin. “Oh, Claire! Buti naman at napadaan ka. Halika, pasok ka!” masiglang bati niya, sabay yakap sa akin. “Hi, Tita,” sagot ko, pilit na nagpapakita ng kasiyahan kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko. “Na-miss ko na po kayo. Matagal na rin akong hindi nakakadalaw.” “Ay naku, buti at naisipan mong dumalaw. Alam mo naman si Paolo, ang daming ginagawa. Siguro dapat talaga mas madalas kang pumunta rito, para naman hindi ka malungkot.” Ngumiti ako nang pilit, pero hindi iyon sapat pa
Last Updated : 2024-12-11 Read more