Share

Kabanata 106

Penulis: Roxxy Nakpil
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-11 22:57:07

CLAIRE POV

Nakahiga ako sa kama, nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang telepono. Ang isip ko ay puno ng katanungan, at ang mga tanong ni Edward kanina ay tumatakbo sa utak ko. Bakit bigla siyang naging interesado sa lahat ng detalye tungkol kay Paolo? Ano ang koneksyon ni Paolo kay Lexie? At bakit ako nagkakaroon ng hindi maipaliwanag na kaba tuwing naiisip ko ang mga ito?

Hinawakan ko ang telepono nang mahigpit, huminga ng malalim at sinimulang i-dial ang numero ni Paolo. Ibinaba ko ang tingin sa screen, at naghintay ako ng ilang segundo bago marinig ang pamilyar na tunog ng kanyang boses sa kabilang linya.

“Hello, Claire?” sagot niya, ang boses ay bahagyang pagod, pero may kalituhan sa tono. “Bakit bigla ka napatawag? May problema ba?”

Napakurap ako, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero kahit na ako’y huminga nang malalim, hindi ko maiwasang mag-alinlangan. “Wala lang. Paolo, gusto ko lang kitang kamustahin. Parang sobrang busy mo, ah?” sagot ko, para magmukhang natural
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 107

    SA BAHAY NG PARENTS NI PAOLO Tahimik akong nakaupo sa loob ng sasakyan, hawak ang dala kong basket ng pagkain para sa pamilya ni Paolo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang may sasabog anumang oras. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong dumalaw ngayon, pero kailangan ko itong gawin. Kailangan kong malaman ang totoo. Pagdating ko sa bahay ng mga magulang niya, bumungad agad ang pamilyar na tanawin ng malawak na hardin at ang mainit na ngiti ng mommy ni Paolo. Gaya ng dati, napaka-welcome niya sa akin. “Oh, Claire! Buti naman at napadaan ka. Halika, pasok ka!” masiglang bati niya, sabay yakap sa akin. “Hi, Tita,” sagot ko, pilit na nagpapakita ng kasiyahan kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko. “Na-miss ko na po kayo. Matagal na rin akong hindi nakakadalaw.” “Ay naku, buti at naisipan mong dumalaw. Alam mo naman si Paolo, ang daming ginagawa. Siguro dapat talaga mas madalas kang pumunta rito, para naman hindi ka malungkot.” Ngumiti ako nang pilit, pero hindi iyon sapat pa

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-11
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 108

    PAOLO POVPagkatapos ng lahat, wala akong ibang maramdaman kundi galit—sa sarili ko, kay Lexie, at sa sitwasyon na pilit kong pinipigilan pero paulit-ulit na bumabalik sa akin. Hindi na kinakaya ng konsensya ko ang lahat ng pinapagawa pa sakin ni Lexie. Inaamin ko na nuon ay sobrang baliw na baliw ako kay Lexie. Kaya nga sinunod ko ng walang pag-aalinlangan ang pinagawa niyang pagsagasa sa akin kay Claire. Nasa kwarto ako ngayon ni Lexie, pinilit niya akong makipag-usap kaya naman biglaan ang paglipad ko dito sa Australia. Paniguradong alam niya ang tungkol sa pagtawag sakin ni Claire. Nakatingin siya sa akin, hawak ang cellphone niya na tila nagbabanta.“Paolo,” malamig niyang sabi, “huwag mong kalimutan kung sino ang nagligtas sa’yo noon. Kung sino ang kasama mo sa lahat ng paghihirap mo. Bakit noong nabu-bully ka sa skul ako lang ang nandiyan para sayo!, anong ngyayari ngayon bakit parang nahuhulog ka na kay Claire. Hindi ba may usapan tayo. Nagkasundo na tayo at alam mong hindi k

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-12
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 109

    CLAIRE POV Kinabukasan naisipan kong tawagan na si Edward. "Hello Edward!" "Claire napatawag ka, may nakuha ka bang bagong update?" tanong niya sa akin"Nakita ko ang picture ni Lexie, Edward," simula ko, ang boses ko’y nanginginig pa rin sa galit at sakit. "Sa kwarto ni Paolo. Nakita ko iyon sa side table niya, ang picture nila ni Lexie. Alam kong may namamagitan sa kanila ni Lexie, dahil hindi pwedeng co incidence lang ang lahat. At hindi lang iyon." Huminga ako ng malalim bago ko sinabi ang mas mabigat na bahagi. "Sinabi mismo ng mommy ni Paolo na childhood sweetheart niya si Lexie."Nakita kong nanigas ang panga ni Edward, pilit na nilalamon ang galit na unti-unti na ring kumakawala. "At bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Claire, bakit itinago mo pa ito?" Sa wakas, nasabi ko na rin kay Edward ang buong kwento—lahat ng nalaman ko, bawat detalye ng sakit at pagkakanulo. Nagsimula akong magkwento, nagsisimula sa isang bagay na tila walang halaga, pero sa katotohanan ay ang simu

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-12
  • Play Me, I’m Yours   kabanata 110

    PAOLO POVSimula pa lang sa eroplano ay iniisip ko na ang dapat kong gawin. Nagtatalo ang isip at puso ko. Alam ko naman ang tamang gawin pero hindi ko magawa dahil iniisip ko ang pagbabanta ni Lexie sa maari niyang gawin. Ayokong masira kay Claire pero tama bang patagalin ko pa na ilihim ito kay Claire?! Tinawagan na din ako ni Mommy tungkol sa pagbisita ni Claire sa bahay at pagpasok niya sa kwarto ko. Hindi ko na matatakasan pa kahit na anong galit ko kay Mommy tungkol sa pagpapasok niya kay Claire ng walang abiso mula sa akin. Hindi naman big deal para sakin dahil gusto kong papasukin na ng buong buo siya sa buhay ko, gusto ko sanang ako ang magsabi sa kaniya ng tungkol sa koneksyon ko kay Lexie pero lahat ng yun ay nasira na. Lahat ng plano ko ay napangunahan na. Pagkarating ko ng US, tila bumagal ang oras sa bawat hakbang ko pagpunta sa bahay nila Claire. Sa airport pa lang, parang may mabigat na kamay na pumipiga sa puso ko. Napagtanto kong hindi na ako pwedeng magpatuloy sa

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-13
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 111

    CLAIRE POV Galit. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit - matindi, nag-aalab, at hindi mapipigilan. "ate i need to go back to Philippines." umiiyak kong sabi kay Ate Christy ng makabalik siya mula sa trabaho "bakit Claire anong ngyari?" tanong sa akin ni Ate, nagmamadali niyang binaba ang kaniyang bag at lumapit sakin, hinagod niya ang aking likod at kinuhaan ako kaagad ng tubig na pinainom sa akin. Halos hindi ako mapahinto sa aking pag-iyak. "ate si Paolo, siya at si Lexie ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko!" galit na galit kong pagkukwento "huh?! panong ngyari yun? hindi ba si Paolo ang tumulong sayo para makabangon sa lahat ng ito?" tanong niya sa akin "ayun din ang buong akala ko. Buong buhay ko , magmula ng mangyari ang aksidente at makarating tayo dito sa US. Ang alam ko ay isang blessing ang pagkikita namin ni Paolo, akala ko inadya talaga iyon ng Panginoon , handa na akong kalimutan si Edward at bigyang siya ng chance pero naging magulo ang lahat, ang

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-13
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 112

    CLAIRE POV Hindi ko na hinintay ang susunod na araw. Pagkatapos kong umalis sa bahay ni Lexie, kinuha ko kaagad ang telepono at tinawagan si Edward."Edward," nauutal pa ang boses ko sa galit at sakit, "Kailangan kitang makausap. May nalaman ako... tungkol kay Lexie at kay Paolo."Tahimik siya saglit, pero naramdaman ko ang bigat sa kanyang boses nang sumagot siya. "Nasaan ka? Magkita tayo. Gusto kong marinig ang lahat."Nagkita kami sa isang maliit na coffee shop sa gilid ng lungsod. Kitang-kita ko sa mukha ni Edward ang kaba at lungkot habang naglalakad siya papalapit sa akin. Pero nang umupo siya sa harap ko, iba na ang kanyang ekspresyon. Determinado. Galit na galit.Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko—ang mga litrato, ang pagkumpisal ng nanay ni Paolo, at ang mga salitang binitiwan ni Lexie na tila isang tusok ng karayom sa puso ko. Habang nagsasalita ako, napansin kong bumibigat ang kamao ni Edward sa mesa."Claire," sabi niya matapos akong makapagsalita. "Hindi na natin

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-14
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 113

    CLAIRE POVTahimik ang buong paligid nang dumating ako sa bahay ni Paolo ng buong tapang. Ang init ng araw ay tila nawalan ng saysay sa bigat ng nararamdaman ko. Sa likod ng tahimik na pintuang iyon, naroon ang isang taong minsang pinagkatiwalaan ko—isang taong naging bahagi ng muling pagbangon ko, pero ngayon ay isa na ring mitsa ng sakit na dinadala ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang mamuhay nang parang walang nangyari. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang huminga nang normal matapos ang lahat ng nagawa niya.Huminga ako nang malalim bago kumatok. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto, at nandoon siya—si Paolo. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Halata ang pag-aalala sa ekspresyon niya."Claire," mahina niyang tawag sa pangalan ko.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. "Kailangan nating mag-usap," sabi ko, diretso ang tingin sa kanya.Hindi siya tumanggi. Tumango lang siya at binuksan nang mas maluwang ang pinto, iniimbita akong pumasok. Ang bahay niya ay simple at p

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-14
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 114

    Claire POVAng tensyon sa courtroom ay parang isang mabigat na ulap na bumabalot sa bawat isa. Sa bawat sandali, nararamdaman kong umiigting ang laban, parang isang digmaan na walang pisikal na armas tanging mga salita, ebidensya, at testimonya ang pinanghahawakan.Nagsimula ang araw sa pagtindig ng abogado ni Lexie, si Atty. Morales, isang kilalang eksperto sa legal tactics. Malamig ang kanyang presensya, at ang kanyang pananalita ay punong-puno ng kumpiyansa. Lumapit siya sa witness stand kung saan si Paolo ay nakaupo pa rin, mukhang kinakabahan pero nagpupumilit na manatiling matatag."Mr. Paolo ," panimula ni Atty. Morales, may bahagyang ngiti sa kanyang labi, "Aminin na natin—ang lahat ng iyong sinasabi laban kay Ms. Lexie ay walang basehan maliban sa sariling opinyon mo, tama ba?"Napakunot ang noo ni Paolo, pero bago siya makasagot, sumingit ang abogado namin, si Atty. Ryan. "Objection, Your Honor. Leading the witness."Tumango ang hukom, ang kanyang tinig ay mahigpit. "Sustain

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-15

Bab terbaru

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 325

    Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 324

    Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 323

    SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 322

    FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 321

    Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 320

    Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 319

    FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 318

    [Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 317

    Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status