CLAIRE POV Kinabukasan naisipan kong tawagan na si Edward. "Hello Edward!" "Claire napatawag ka, may nakuha ka bang bagong update?" tanong niya sa akin"Nakita ko ang picture ni Lexie, Edward," simula ko, ang boses ko’y nanginginig pa rin sa galit at sakit. "Sa kwarto ni Paolo. Nakita ko iyon sa side table niya, ang picture nila ni Lexie. Alam kong may namamagitan sa kanila ni Lexie, dahil hindi pwedeng co incidence lang ang lahat. At hindi lang iyon." Huminga ako ng malalim bago ko sinabi ang mas mabigat na bahagi. "Sinabi mismo ng mommy ni Paolo na childhood sweetheart niya si Lexie."Nakita kong nanigas ang panga ni Edward, pilit na nilalamon ang galit na unti-unti na ring kumakawala. "At bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Claire, bakit itinago mo pa ito?" Sa wakas, nasabi ko na rin kay Edward ang buong kwento—lahat ng nalaman ko, bawat detalye ng sakit at pagkakanulo. Nagsimula akong magkwento, nagsisimula sa isang bagay na tila walang halaga, pero sa katotohanan ay ang simu
PAOLO POVSimula pa lang sa eroplano ay iniisip ko na ang dapat kong gawin. Nagtatalo ang isip at puso ko. Alam ko naman ang tamang gawin pero hindi ko magawa dahil iniisip ko ang pagbabanta ni Lexie sa maari niyang gawin. Ayokong masira kay Claire pero tama bang patagalin ko pa na ilihim ito kay Claire?! Tinawagan na din ako ni Mommy tungkol sa pagbisita ni Claire sa bahay at pagpasok niya sa kwarto ko. Hindi ko na matatakasan pa kahit na anong galit ko kay Mommy tungkol sa pagpapasok niya kay Claire ng walang abiso mula sa akin. Hindi naman big deal para sakin dahil gusto kong papasukin na ng buong buo siya sa buhay ko, gusto ko sanang ako ang magsabi sa kaniya ng tungkol sa koneksyon ko kay Lexie pero lahat ng yun ay nasira na. Lahat ng plano ko ay napangunahan na. Pagkarating ko ng US, tila bumagal ang oras sa bawat hakbang ko pagpunta sa bahay nila Claire. Sa airport pa lang, parang may mabigat na kamay na pumipiga sa puso ko. Napagtanto kong hindi na ako pwedeng magpatuloy sa
CLAIRE POV Galit. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit - matindi, nag-aalab, at hindi mapipigilan. "ate i need to go back to Philippines." umiiyak kong sabi kay Ate Christy ng makabalik siya mula sa trabaho "bakit Claire anong ngyari?" tanong sa akin ni Ate, nagmamadali niyang binaba ang kaniyang bag at lumapit sakin, hinagod niya ang aking likod at kinuhaan ako kaagad ng tubig na pinainom sa akin. Halos hindi ako mapahinto sa aking pag-iyak. "ate si Paolo, siya at si Lexie ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko!" galit na galit kong pagkukwento "huh?! panong ngyari yun? hindi ba si Paolo ang tumulong sayo para makabangon sa lahat ng ito?" tanong niya sa akin "ayun din ang buong akala ko. Buong buhay ko , magmula ng mangyari ang aksidente at makarating tayo dito sa US. Ang alam ko ay isang blessing ang pagkikita namin ni Paolo, akala ko inadya talaga iyon ng Panginoon , handa na akong kalimutan si Edward at bigyang siya ng chance pero naging magulo ang lahat, ang
CLAIRE POV Hindi ko na hinintay ang susunod na araw. Pagkatapos kong umalis sa bahay ni Lexie, kinuha ko kaagad ang telepono at tinawagan si Edward."Edward," nauutal pa ang boses ko sa galit at sakit, "Kailangan kitang makausap. May nalaman ako... tungkol kay Lexie at kay Paolo."Tahimik siya saglit, pero naramdaman ko ang bigat sa kanyang boses nang sumagot siya. "Nasaan ka? Magkita tayo. Gusto kong marinig ang lahat."Nagkita kami sa isang maliit na coffee shop sa gilid ng lungsod. Kitang-kita ko sa mukha ni Edward ang kaba at lungkot habang naglalakad siya papalapit sa akin. Pero nang umupo siya sa harap ko, iba na ang kanyang ekspresyon. Determinado. Galit na galit.Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko—ang mga litrato, ang pagkumpisal ng nanay ni Paolo, at ang mga salitang binitiwan ni Lexie na tila isang tusok ng karayom sa puso ko. Habang nagsasalita ako, napansin kong bumibigat ang kamao ni Edward sa mesa."Claire," sabi niya matapos akong makapagsalita. "Hindi na natin
CLAIRE POVTahimik ang buong paligid nang dumating ako sa bahay ni Paolo ng buong tapang. Ang init ng araw ay tila nawalan ng saysay sa bigat ng nararamdaman ko. Sa likod ng tahimik na pintuang iyon, naroon ang isang taong minsang pinagkatiwalaan ko—isang taong naging bahagi ng muling pagbangon ko, pero ngayon ay isa na ring mitsa ng sakit na dinadala ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang mamuhay nang parang walang nangyari. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang huminga nang normal matapos ang lahat ng nagawa niya.Huminga ako nang malalim bago kumatok. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto, at nandoon siya—si Paolo. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Halata ang pag-aalala sa ekspresyon niya."Claire," mahina niyang tawag sa pangalan ko.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. "Kailangan nating mag-usap," sabi ko, diretso ang tingin sa kanya.Hindi siya tumanggi. Tumango lang siya at binuksan nang mas maluwang ang pinto, iniimbita akong pumasok. Ang bahay niya ay simple at p
Claire POVAng tensyon sa courtroom ay parang isang mabigat na ulap na bumabalot sa bawat isa. Sa bawat sandali, nararamdaman kong umiigting ang laban, parang isang digmaan na walang pisikal na armas tanging mga salita, ebidensya, at testimonya ang pinanghahawakan.Nagsimula ang araw sa pagtindig ng abogado ni Lexie, si Atty. Morales, isang kilalang eksperto sa legal tactics. Malamig ang kanyang presensya, at ang kanyang pananalita ay punong-puno ng kumpiyansa. Lumapit siya sa witness stand kung saan si Paolo ay nakaupo pa rin, mukhang kinakabahan pero nagpupumilit na manatiling matatag."Mr. Paolo ," panimula ni Atty. Morales, may bahagyang ngiti sa kanyang labi, "Aminin na natin—ang lahat ng iyong sinasabi laban kay Ms. Lexie ay walang basehan maliban sa sariling opinyon mo, tama ba?"Napakunot ang noo ni Paolo, pero bago siya makasagot, sumingit ang abogado namin, si Atty. Ryan. "Objection, Your Honor. Leading the witness."Tumango ang hukom, ang kanyang tinig ay mahigpit. "Sustain
CLAIRE POV Pagkatapos ng gabing puno ng pag-iisip at plano, nagising akong mas maaga kaysa sa karaniwan. Isang pakiramdam ng kasiguraduhan at tensyon ang sabay na bumalot sa akin. Alam kong hindi na pwedeng patagalin pa ang pag-aaksyon. Si Lexie, sa kabila ng lahat ng kaguluhan na nilikha niya, ay may kasanayang unahan ang mga kalaban niya bago pa man sila makapag-isip nang maayos. Mula sa umaga, nagkita-kita kami nina Edward, Atty. Ryan, Paolo, at iba pang mga taong may mahalagang papel sa laban na ito. Ang layunin namin ay malinaw—hindi lang ang pagtalo kay Lexie sa korte, kundi pati sa larangan ng opinyon ng publiko. Habang nasa conference room, inisa-isa ni Atty. Ryan ang mga kaso laban kay Lexie. Sa board, nakalatag ang timeline ng bawat hakbang na kailangang gawin, kasabay ng mahahalagang ebidensyang hawak namin. "Si Lexie ay hindi basta-bastang kalaban," sabi ni Atty. Ryan, habang itinuro niya ang isang diagram na nagpapakita ng mga transaksyon ni Lexie. "Sanay siyang magta
Edward POVAng araw ng hatol ay inaasahang magiging maingay, ngunit hindi ko inasahan ang kaguluhang mangyayari sa loob ng courtroom. Nasa pinakamataas na antas ng tensyon ang paligid habang nakaupo kami ni Claire, hinihintay ang desisyon ng hukom. Naroon din si Paolo, tahimik na nakamasid, habang si Lexie ay nasa kabilang dulo, matikas pa rin ang tindig, ngunit kita ang bahagyang pangangatog sa kanyang mga daliri.Nang simulan ng hukom ang pag-anunsyo ng hatol, ramdam ko ang kaba na bumalot sa buong silid. "After reviewing the evidence presented," sabi niya, "this court finds Lexie Carter guilty of fraud, embezzlement, and defamation. The court hereby sentences her to 25 years in prison without the possibility of parole for the first 10 years."Napuno ng bulong ang courtroom. Narinig ko ang paghigpit ng hawak ni Claire sa kamay ko. Hindi namin inasahan ang haba ng sentensiya, ngunit ramdam ko ang bigat ng hustisya sa bawat salitang binitiwan ng hukom. Sa wakas, ang taong sumira sa na
THIRD PERSON POV ilang minutong nagtagal sila Arthur at Atty. Joey sa loob ng study room. At gaya ng inaasahan mabilis siya nagpaalam kay Frances at umalis na. Habang si Frances ay nagtungo sa kanilang kitchen at tumingin sa mga platong hinanda niya sa lamesa, tumingin siya kay Arthur at nagtanong, “kumain ka na ba?” “Hindi pa…” sagot nito sa asawa “Ipagsasandok na kita ng kanin, sabay na tayong kumain” “Okay” Masayang nakamasid si Arthur sa asawa habang nakatalikod ito sa kaniya at nagsasandok ng pagkain. Hindi niya maiwasan ang pasimpleng mapangiti sa kilig sa lalong pagkahumaling na kaniyang nararamdaman. Pagharap nito ay isang simple ngiti ang kaniyang ibinigay habang nilalapag ni Frances ang isang mangkok ng sinigang na kaniyang niluto. Nang magsimula na silang kumain ay naglakas loob na mag suggest si Frances. “um.. Arthur ano kaya kung i save natin ang number ng isa’t isa sa whats*pp para kung may mga importante tayong kailangan sa isa’t-isa ay madali tayong magka-kontak
FRANCES POV Nang makarating ako sa unit na binigay sakin ni Arthur sa Ayala Subd., nakita ko ang kagandahan ng buong paligid. Kaya napag-desisyunan kong libutin ang mga buong lugar at nakita ko ang luntiang paligid ng komunidad. Parang lahat ng mga halaman ay inayos ng mga land scaper sa perpektong pagkakahubog. Nang marating ko na ang 30th floor. Hindi ako makapaniwalang ganito kalaki ang unit na binigay ni Arthur para sa akin, isang unit para sa buong floor!? Para sa isang piloto nabili niya ito sa murang edad niya? Wala akong kahit na isang kapitbahay. Pagbukas ng elevator ay diretso na ito kaagad sa aking unit, maganda ito lalo na sa mga kagaya kong hindi mahilig sa social life. Dahil sa may card key ang elevator hindi naman ito basta-basta mapapasok ng kahit na sino. Pagbukas ko sa malaking pintuan gamit ang electronic card, ay bumungad sa akin ang isang malaking floor-to-ceiling na bintana na tanaw ang ilog, kung saan makikita ang malawak na tubig sa paligid ng penthouse na i
ARTHUR POV Agad kong nilagok ang laman ng basong kapit ko, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiti at kiligin sa tuwing maalala ko na asawa ko na si Frances. “Hoy, yung ampao niyo! Kailangan ko yan ngayon. Wag kayong kuripot at gagantihan ko kayo, pero kahit konti lang ang ilagay niyo diyan! Para pa lang naman yan sa pagkakakuha namin ng marriage certificate, pero sa kasal namin lalakihan niyo na ang bigay.” Nagkatinginan naman si Lander at Miller “ano na naman ba to Anthony?! Bakit pa kami magbibigay ee hindi ka naman naghihirap sa pera?” Wala na silang magawa ng tignan ko ang sobre at ngumiti sa kanila , bahagyang itinuro ng aking kilay at mata ang sobre sa kanilang mga kamay . “Hayst, kakainis pwersahan? Butasan to ng bulsa. Dalawang beses pa pala kaming magbibigay sayo.” Malakas akong tumawa at nagsabi “ano ba kayo, mga kaibigan ko naman kayo! Kahit na hindi ako kinukulang sa pera, masaya pa rin akong makita sa ibibigay niyo sakin para sa kasal ko.” Hinubad ko ang aking
“Anong sinabi mo?!” hindi makapaniwalang tanong ni Miller “Talaga lang a?” hindi naniniwalang sabi ni Lander Nananatiling mayabang ang pagkakangiti ni Arthur sa mga kaibigan habang patuloy ang mayabang na pagtango. Nanlaki ang mata ni Miller sa sinabi ng kaibigan. Ngayon parang naniniwala na sila sa sinasabi ni Arthur. Naniningkit ang mga mata ni Lander at nagtanong “bakit nakuha niyo na ba ang marriage certificate niyo?” “YES” “Teka nga muna! Paano mangyayari yun? Pumunta ka lang ng Las Vegas nakasal ka na?” Natatawang sabi ni Arthur. “Dun lahat nangyari!. Owww I LOVE LAS VEGAS” Pagkasabi ni Arthur ay bigla niyang nilabas ang kaniyang marriage certificate sa bulsa ng kaniyang suit, binuksan ito sa harapan nilang dalawa at nilatag sa lamesa. Hindi makapaniwala si Miller kaya naman aabutin niya sana ito, pero agad din itong binawi ni Arthur bago pa makuha ni Miller. “Hoy..hoy…hoy…hoy… naghugas ka ba ng kamay mo? Wag mong kapitan tong marriage certificate ko baka
Napabuntong-hininga si Daddy at sa medyo seryosong tono ay sinabi niya sa akin "Tandaan mo ang mga kalaban natin Arthur. Hindi ka man kumapit sa ngayon sa negosyo natin alam kong nasa paligid lang ang mga iyan. Isa pa ang pinsan mong si Marlon, kapag pinakielaman niya ang ari-arian ng ating pamilya, pagsasabihan ko siya. Kailangang maging malinaw sa kaniya kung sino ang namumuno sa pamilya Santiago.” seryoso at galit na sabi ni Daddy. Sa kasalukuyan, ang pamilya namin ay may naka pending na project para sa mga wind mill na itatayo dito sa Rizal. Magandang benepisyo dahil kami ang mamamahala ng magiging eco-friendly na proyektong ito at magiging supply chain upang bumaba ang kuryente sa aming bayan at sa mga kalapit pang probinsya. Kaya lang ang nagiging hadlang ay ang pagsasabwatan ng pinsan kong si Marlon at ni Joyce, kaya naman hinding hindi talaga namin nagustuhan si Joyce. Naghihintay lang kami ng tamang pagkakataon para sa lahat. "Okay Dad, i know… sige po papayag na ak
Habang patuloy na minamaliit ni Katie ang partner ni Frances, lalong nasasaktan ang damdamin ni Frances. Hindi na sumagot si Roy sa pagkakataong ito. Pakiramdam niya ay magulo ang lahat. Sa kanyang pananaw, mas may kakayahan naman talaga si Arthur kaysa kay Andrew, kilala niya ang pamilya Santiago ngunit ang landas na tinahak nito ang nagdulot ng kahihiyan sa kanilang pamilya. Tinalikuran niya ang pagiging tagapag-mana at naging isang piloto at naging professor. At dahil sa hindi matukoy na dahilan ay bigla na naman itong umalis sa pagiging professor at bumalik sa pagiging piloto. Hinagod ni Katie ang balikat ni Leonor"Ngayon, na ang ate mo ay nakapang-asawa na, kailangang galingan mong magpakitang gilas sa pamilya ni Andrew para makuha mo ang loob niya” Tumango si Leonor nang walang kahihiyan. Sa labas ng bahay ng 2nd family ni Frances, pagkapasok pa lamang niya sa kotse ay narinig na niya ang mahina at nahihiyang boses ni Arthur."Pasensya na... Hindi ko pa kayang magbigay ng
Sa totoo lang hindi naman talaga ako nasaktan sa nasaksihan kong kaguluhan ngayon, bagkus ay nakaramdam ako ng matinding tuwa dahil sa tuwing wala si Kuya Frank, matinding pagpapapahirap ang ginagawa sa akin ng mag-inang ito. Hindi ko din maintindihan sa tatay ko kung bakit hindi niya nakikita ang kasamaan ng mga ito. Mali din ako dahil ako ang naghikayat kay kuya na patawarin na si Daddy sa mga nangyari sa nakaraan. Ang nangyari kay Mommy ay matagal ng tapos. Mali pala ako doon. Hindi pala dapat ako nagpakampante. Sana pala ay hindi na lang kami bumalik ng pakikisama sa kanila kaya paano ko ngayon sasabihin kay Kuya ang lahat. Kaya nga kinikimkim ko na lang ang sama ng loob ko. Hindi ko pa rin nakukwento ang nangyari sa pagitan namin ng hayop na Aljur na yun. Hinding hindi ko siya mapapatawad. Siya ang dahilan ng matinding pagbabagong nangyari sa buhay ko. Kaya kahit na natutuwa ako ay hindi ko ito pwedeng ipakita sa kanila ito, kaya bahagya na lang akong tumango sa harapan nilang
THIRD PARTY POVNgayon, alam na ni Frances na gusto lang ni Arthur na ilabas niya ang kaniyang galit na nararamdaman sa kaniyang 2nd family. Kung paano niya nalamang may hinanakita siya? Ayun ang hindi niya alam. Dahil duon ay unti unting nanumbalik ang init ng pagmamahal niya para kay Arthur. Sa mga sandaling ito, nang makita ni Roy ang pagiging malapit ng dalawa, hindi siya makapaniwalang nagkakasundo ang dalawa. May iba silang plano para kay Frances pag-alis ni Frank at hindi nila inaasahang mauunahan sila ni Arthur na mapakasalan siya sa Las Vegas. Dahil sa impluwensya ng aming pamilya , hindi na nagsalita ng masasama sa akin ang Daddy nila Frank. Kaya imbis na magalit ay pilit siyang ngumiti. Isang pilit na ngiti. “ahh Arthur! Kailan kaya… yung pera?… kailan mo ibibigay sa amin?…” “ahmm no worries po, ibibigay ko ngayon din!”Napabuga ng malalim na hininga si Roy at bahagyang tatawa tawa sa kaniyang asawa at anak na si Leonor na buong pagyayabang. Habang nakatingin si Arthur
Sa totoo lang kung titignan ko ang kalagayan ng pamilya ni Frances ay walang wala naman talaga sila kundi lang dahil kay Frank hindi naman sila makakakilala ng malalaking tao. Isa iyan sa sa nakikita kong dahilan kung bakit humingi ng tawad ang Daddynila sa kanila . Malamang ay isa din iyan sa rason kung bakit pinaghihigpitan na ng mga ito si Frances. Dahil mawawalan na sila ng pinaka-malaking mag suporta. Tumingin ako kay Frances at pinalamlam ko ang aking mga mata. “Gusto mo ba nitong mga collection ng labubu ng parents mo?”Alam kong nabighani si Frances sa isa sa mga item, dahil unang tingin pa lang ay tuwang tuwa na siya dito. Napako ang mata niya sa isang painting mula sa likha ng isang sikat na artist sa europe. Sa pagkakaalam ko ay ayundin din ang pinaka mahal na nabili ng pamilya nila noong nag travel sila dahil na din kay Frank. Kaya lang isa sa mga nakakatawa ng mga sandaling tangkain kong hawakan ito na nakalagay sa isang glass cabinet ay agad na nagsalita ang Daddy ni